IMD 05

1737 Words
“Hello! Earth to Jastine!” sabi ng isang tinig sa harap ni Jastine. Wala pa ring kibo si Jastine kahit winagayway na ng tao na nakatayo sa harapan niya ang isang kamay. Nakabukas ang mga mata ni Jastine pero wala ang presensya niya sa kung nasaan siya. Blangko ang tingin ng mga mata ni Jastine na tila ba may malalim siyang iniisip at bumabagabag sa pag-iisip niya. “Hoy! Jastine! Anyare sa ‘yo, te? Kanina ka pa hindi kumikibo. Kahit kaunting galaw, waley,” tila nai-stress nang sambit nito. “Mukha ka talagang hindi okay kaya umuwi ka na lang, Jastine.” “Nako, te. Malamang sa malamang. . . Iniisip pa rin niya iyong poging fafa kanina. Hindi pa ata nakaka-recover si ackla sa ginawa nila,” komento naman ng isa pa. “Pinagsasabi mo, ackla?” tanong naman ng tao na nasa harapan ni Jastine. “At sinong poging fafa? Iyon bang nakasalo kay Jastine?” “Oo, te. Alam mo naman. Well. . . alam naman natin na ganoon ang tipo ng lalaki ang bet na bet ni acklang Jastine. At ito pa. . .” may pang-eengganyo sa tono ng boses nito. “Hindi ba nga pinapunta ako rito ni bossing para sabihan si Jastine na puwede na siyang umuwi para makapagpahinga. Nako, te! Sa ayaw at sa gusto mong maniwala sa sasabihin ko. . .” putol pa nito. “Ano ba ‘yan, ackla? Sabihin mo na lang nang diretso? Anong nangyari? Bakit hindi maka-recover itong si Jastine?” napahinto ito saglit na para bang bigla na may pumasok sa isipan nito. Agad na lumaki ang mga mata nito at napanganga nang malaki. Tinakip din nito kaagad ang dalawang mga kamay sa bibig, pinipigilan ang sarili na tumili. “Tama ba ang naiisip ko, ackla? Nadiligan na ang ever virgin Jastine natin na napakataas ng standards kaya tumandang dalaga at tigang?” “Not sure sa nadiligan, ackla. Pero nahuli ko na nakahiga si Jastine sa sofa tapos nakapatong ‘yong poging fafa sa kanya. Tapos naghahalikan sila. At syempre, umalis kaagad ako pata hindi makaisturbo sa kanila kung saan man papunta ‘yon.” Umupo ito sa tabi ni Jastine. Pabiro nitong sinapak si Jastine sa braso nang may kalakasan. Doon pa lang natauhan si Jastine. Mabilis na tumalima ng tingin si Jastine sa kanyang katabi. Sumama ang tingin ni Jastine rito habang hinihimas ang parte ng braso na tinamaan ng kamay nito. “Bakit ka nanapak bigla? Gusto mo sapakin din kita diyan, Rogelio?” anas ni Jastine. Kahit pa kasi hindi kalakasan ang pagtama ng kamay nito kay Jastine ay ramdam pa rin ni Jastine ang bahagyang sakit sa braso niya. “Kanina ka pa namin kinakausap, ackla. At kanina ka pa wala sa sarili, noh? Isang sapak lang pala magpapabalik sa ‘yo sa katinuan mo,” tugon naman ng katabi ni Jastine. “At saka, ano ba, ackla? Huwag na huwag mo ko tawagin na Rogelio. I’m Regine.” Umayos nang upo si Regine at humarap kay Jastine. “So. . . Anong nangyari sa inyo ni poging fafa pagkaalis ko, ackla? Magiging ninang na ba ako?” “Magiging ninang? Huwag ka na umasa, Rogelio. Hinding-hindi ako magpapalahi sa katulad ng walang modo na lalaking ‘yon.” Umirap si Jastine. Iniwas niya ang tingin mula kay Regine. “Maniwala,” sabat naman ng tao na nakatayo pa rin sa harapan ni Jastine. “Nahuli nga kayo ni Regine na naghahalikan diyan sa sofa? Tapos sasabihin mo na ‘yan? Wala kang mapapaniwala, Jastine. So, ano nga ang nangyari bakit tulala ka na nang maabutan ka namin dito? At nasaan na ‘yong poging fafa mo?” “Wala nga sabing nangyari, Shenna. It was all just an accident na naglapat ang mga labi namin dahil sa letseng takong ng heels na ‘to. Nawalan ako ng balanse at nahila ko siya,” paliwanag ni Jastine sa dalawa. Ngunit tiningnan lamang siya ng mga ito nang hindi naniniwala sa kanyang sinabi. “At saka hindi ako papatol sa mayabang na lalaking ‘yon. Yuck! Ayoko naman na maging maganda ang lahi ng mga anak ko pero masama ang ugali at malakas ang hangin.” Bumalik sa isipan ni Jastine ang nangyari matapos siya maabutan ni Regine na nasa ilalim ng lalaki. Uminit lang ulo ni Jastine nang maalala ito. Hindi niya talaga makalilimutan kung gaano kayabang ang naturang lalaki na gwapong-gwapo sa sarili at confident na confident na pinangangalandakan sa kanya na may gusto raw siya sa lalaki. At higit sa lahat pa, naiinis si Jastine sa ngiti ng lalaki nang tumayo ito. Pinadaanan pa kasi nito ng dila ang mga labi nito. Ngunit, hindi rin mapagkakaila ni Jastine na malambot talaga ang labi ng lalaki at tila ginawa ito para maging perfect pair ng lips niya. Wala sa sarili na napahawak si Jastine sa kanyang labi. Pakiramdam ni Jastine ay nandoon pa rin ang bakas ng mga labi ng lalaki. Pero mabilis din na nabalik sa wisyo si Jastine nang bumalik na naman ang nakakaasar na ngiti ng lalaki. Hindi gusto ni Jastine ang ngiti ng mayabang na lalaki dahil pinapalabas nito na siya ang patay na patay sa lalaki. At higit sa lahat, naiinis siya sa pagtawag nito sa kanya ng miss or whatever kahit na sinabi na niyang babae siya. Mukha lang siyang bakla pero babaeng-babae siya. Babaeng tunay since birth. At iyon ang hindi matatanggap ni Jastine sa tinuran ng lalaki. Napansin ni Jastine ang pagtinginan ng dalawa. Sabay pa na tumango ang mga ito. “Confirmed!” ang sabay na sambit ng mga ito na ikinakunot ng noo ni Jastine. “Asus, Jastine. If we all know sinadya mo ‘yon. Para-paraan ka rin, ackla, ah. Alam naman namin na ganoong tipo ng lalaki ang bet na bet mo na maging ama ng mga magiging anak mo,” pagdidiin pa ni Shenna. “Ano? Nakuha mo ba ang pangalan ni poging fafa mo? Parang new customer din ‘yon ng bar. Ngayon ko lang siya napansin.” “Agree sa ‘yo, ackla. Parang bago lang siya rito sa bar. Sa tagal ko na rito sa bar, hindi siya familiar sa akin. Mukhang bagong salta lang siya sa bar natin,” pagsang-ayon naman ni Regine. “Pero bet ko rin si poging fafa. Pero hindi na ako makikipag-agawan kay Jastine. Kawawa naman ang flower ni ackla kung magiging dry land sa tagal na niyang nabubuhay pero hindi pa rin nauulanan kahit isang beses. Baka maging kasalanan ko kapag tumandang dalaga at mamatay na blessed ever virgin,” dagdag pa nito. Napairap si Jastine sa dalawa. “Hindi ko inalam pangalan ng mayabang na ‘yon. At wala akong plano na alamin. Kung gusto ninyo, kayo na lang umalam. Total parang kayo naman ang may gusto sa walang modo na lalaking ‘yon.” Umangat ang tingin ni Jastine nang maramdaman niya ang dalawang kamay sa magkabila niyang balikat. “Kung nahihirapan ka na tanungin siya sa pangalan ni poging fafa mo, kami na ang bahala ni Regine. Jusko ka naman, Jastine. Huwag ka na mag-inarte. Once in a blue moon ka lang makakahanap ng swak na swak sa standards mo. Huwag mo na pakawalan pa ang opportunity na ‘to bago ka pa maunahan ng ibang ackla diyan. For sure, tina-target na rin ng mga ackla ang poging fafa mo,” sambit ni Shenna. “Tutulungan ka namin ni Regine para sa magiging inaanak namin.” “Kaya huwag ka na umarte pa diyan na ‘di mo bet si poging fafa.” Tinuro ni Regine si Jastine sa mukha. “Aminin mo, nagu-guwapuhan ka kay poging fafa, noh?” Umiwas ng tingin si Jastine at suminghap. “Ano? Umamin ka, ackla!” segunda pa ni Shenna. Pinalis ni Jastine ang mga kamay ni Shenna sa kanyang balikat. Tumayo siya at lumayo sa dalawa. Lumabas si Jastine sa naturang silid nang walang salita na lumalabas sa bibig niya. Ngunit hindi siya tinantanan ni Shenna at Regine. Sinundan ng mga ito si Jastine hanggang sa room kung nasaan ang mga gamit nila. Hindi pinansin ni jastine ang dalawa. Pinalitan ni Jastine ng tsinelas ang suot na heels. Pagkatapos ay nilagay ni Jastine ang sirang heels sa kanyang bag. Nagsuot ng malaking jacket si Jastine na umaabot sa may tuhod niya matapos niyang magpalit ng damit. “Okay. Silence means yes. Bet nga ni ackla si poging fafa, teh,” sabi ni Regine. “True ka diyan, ackla,” ani Shenna. “Hindi naman ganyan ang reaksyon niya dati sa mga lalaki na nakipagkilala sa kanya at sumubok na kumuha ng perlas ng silanganan niya dati. May patulala moment pang nalalaman si ackla ngayon.” Mabilis na tinapunan ng matalim na tingin ni Jastine si Shenna at Regine. “Oo na. Bet na kung bet ang appearance niya. Pero hinding-hindi ko mabe-bet-an ang pag-uugali ng mayabang na ‘yon. Makaalis na nga.” Sinukbit ni Jastine ang kanyang bag. “Mauna na akong umuwi, mga ackla. Sumasama lalo pakiramdam ko dahil sa inyong dalawa.” “Sabihin mo makikipagkita ka lang kay poging fafa sa labas kaya nagmamadali kang tumakas sa amin,” biro ni Regine. Nakakuha tuloy ito ng masamang tingin mula kay Jastine na tinawanan lang nito. “Oh sya! Labas na, umuwi ka kaagad diretso sa unit mo, ackla, ah. Baka kung saan-saan ka pa pumunta, baka mahimatay ka na naman at wala nang makakatulong sa ‘yo.” Tinaas ni Jastine ang isa niyang kamay. Iwinagayway niya ito ng marahan nang hindi nakatingin sa dalawa. At lumabas na ng staff room. Dire-diretso ang lakad ni Jastine palabas ng bar. Sa likod siya dumaan kung saan dumadaan ang mga nagtatrabaho sa bar kapag operating hours na ng bar. Kaagad na nilagay ni Jastine ang hood ng suot na jacket pagkalabas niya ng pinto, at pinasok naman niya ang mga kamay sa mga bulsa ng jacket sa harapan. Dahan-dahan lang ang paglalakad ni Jastine sa may kaliitan na eskinita papunta sa kalsada hanggang sa napahinto siya nang makita ang pigura na nakasandal sa may dulo ng eskinita. Binaba ni Jastine ang kanyang ulo at pinagpatuloy ang paglalakad. Lalagpasan na sana ni Jastine ang tao na nakasandal nang magsalita ito bigla. “Mabuti naman at lumabas ka na. Almost an hour din ako naghintay sa ‘yo rito.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD