IMD 03

1655 Words
Nakapikit pa rin ang mga mata ni Jastine nang bumalik ang kanyang kamalayan. Naririnig na niya ang nag-uusap na mga boses sa paligid. Ang ilan sa mga boses na ito ay nakikilala niya, maliban lamang sa isang boses ng lalaki na ngayon pa lamang niya narinig. Kahit pa hindi nakikita ni Jastine ang nagmamay-ari ng naturang boses ay tumatatak at rumerehistro na sa utak niya na isang napakagwapong nilalang ang nagmamay-ari ng boses. Bumalik sa kaisipan ni Jastine ang napakakisig na mga brasong sumalo sa kanya nang mawalan na siya ng kontrol sa kanyang sarili. Maging ang mabango nitong amoy, ang amoy ng pinaghalong natural na amoy ng taong sumagip sa kanya at ang perfume na gamit nito. Lalaking-lalaki at hindi mapagkakaila na malakas ang naging epekto nito sa kanya. Nanatili na nakapikit si Jastine. Pinapakinggan niya ang mga nag-uusap pa ring mga boses. Kung sa unang mga segundo at minuto na paggising ni Jastine ay hindi pa niya maayos na nauunawaan ang pinag-uusapan ng mga ito, sa oras na ito ay malinaw na malinaw na sa pandinig niya ang pinag-uusapan ng mga ito. Lalo pa niyang malinaw at maayos na napapakinggan ang may kalaliman na boses. Kalmado ang tono nito at tila wala lang rito ang may landi na pakikipag-usap ng ibang boses na naririnig ni Jastine. Bahagyang nainis si Jastine dahil rito. Mga bakla talagang ‘to. Aagawan pa ako ng fafa. May inis na sabi ni Jastine sa isipan niya. Hindi ito pwede. Sigurado si Jastine na ang nagmamay-ari ng gwapong boses na ito at ang sumagip sa kanya ay iisa lang. Ang lalaking ito ang prince charming ng damsel in distress niyang sarili pagkatapos ng performance niya. Walang ibang tao na maisip si Jastine. Impossible naman na kasamahan niya sa performance at katrabaho niya ang sumalo sa kanya. Sigurado siya na hindi sa ibabaw ng stage ang babagsakan niya. Babagsak siya sa labas ng stage at may kalayuan ang mga katrabaho niya mula sa kanya. At isa pa, kung tama ang pagkakaalala ni Jastine ay wala siyang katrabaho sa naturang bar na may matikas na katawan lalo na mga braso. Nahawakan na niya ang bawat braso ng mga katrabaho niya at kakaiba ang braso na sumalo sa kanya. She felt safe from the moment she was in his arms. Unti-unti at dahan-dahan na kumurba ang kanyang mga labi upang ngumiti. Ngunit natigilan siya, hindi natuloy ang maganda sana niyang ngiti nang bigla na lang nagpakita sa isipan niya ang mukha ng isang lalaki. Ang mukha ng lalaki na tila minamaliit siya habang nagpi-perform siya. Ang lalaki na akala mo kung sino kung umasta habang tinititigan siya mula sa kinauupuan nito. At may gana pa itong lumapit sa stage. Malapit na malapit sa kinaroroonan ni Jastine. At saka binugahan ng usok ng sigarilyong gamit nito. Instead na mapangiti, kumunot ang noo ni Jastine. Nagsalubong din ang mga kilay niya. Masaya na ako na nakalimutan ko ang gago na ‘yon eh. Bakit bumalik pa ‘yang napakapanget mong mukha sa isipan ko. Alis! Lalo lang sumama ang rehistro ng mukha ni Jastine. Kahit anong pilit niya na mawala sa isipan niya ang mukha ng lalaking kinaiinisan niya. Hindi naman niya talaga kilala ang lalaki na ito pero hindi niya maunawaan kung bakit ayaw siya nitong lubayan. “You can open your eyes now. Umalis na ang mga kasama mo. I know you are just pretending to be asleep for a while now,” sambit ng boses ng lalaki. Malapit na ang kinaroroonan nito. Sa palagay ni Jastine ay nakaupo na ito sa may tabi niya dahil sa lapit ng distansya ng boses nang magsalita ito. Hindi pa rin minulat ni Jastine ang kanyang mga mata. Nanatili siyang nakapikit at pinakiramdaman ang paligid. Sinisigurado kung totoo ang sinabi ng lalaki. Saka lang din niya napansin na tahimik na nga ang lugar kung nasaan sila sa ngayon. Hindi man alam ni Jastine kung nasaan sila sa kasalukuyan ay isa lang ang sigurado siya. Malamang nasa loob pa rin ito ng bar na pinatatrabahuan niya. Hindi niya lang matukoy sa kung saang room. Nagkalat sa iba’t ibang parte ng bar ang mga malambot na sofa na katulad ng kinahihigaan niya. There are also a lot of private rooms inside the bar for cases like this. “Miss. . . or whatever. . . please stop pretending already. If you won’t open your eyes now, I will think that everything was all an act of yours. Mula sa pagkawala ng malay mo habang nasa stage matapos mo mag-perform.” May halo nang kakaibang emosyon ang boses ng lalaki. Sa hindi malamang kadahilanan, may inis na nagsisimulang umusbong mula sa kailaliman ng damdamin ni Jastine. Pinakalma ni Jastine ang kanyang sarili. Kung hindi niya lang talaga ako sinagip, hindi ko palalagpasin itong pang-aakusa niya. At kung hindi lang talaga ako sigurado na isa itong gwapo at masherep na fafa kahit hindi ko pa nakikita ang mukha niya, hindi ako magpipigil. Huminga muna nang malalim si Jastine. She then opened her eyes in a very slow manner as if she was giving some excitement and thrill on herself before she could see the face of the guy who just saved her, her savior. Ang may kadiliman ng silid ang unang naging klaro sa paningin ni Jastine. Nakapatay ang karamihan sa ilaw ng naturang silid. At tanging lampshade sa may uluhan ni Jastine at ang mga ilaw na nakapalibot sa nag-iisang salamin na nasa silid ang nakabukas at nagbibigay ng liwanag sa may kalakihan na silid. “Mabuti naman at naisipan mo na rin na buksan ang mga mata mo. . .” Buo ang may lalim ang boses na pagkakasabi ng lalaki. Kalmado pa rin naman ito pero hindi mapagkakaila na may halong pagkainis at pagkatuwa ang mahihimigan dito. “Ilang minuto ka na ring nagtulog-tulogan.” Mabilis na napalingon si Jastine sa isang tabi. Kaagad na nakita ni Jastine ang pigura ng lalaki na nakaupo sa isang upuan malapit sa sofa na kinahihigaan niya. Agad na pinasadahan ni Jastine ang kabuuan ng lalaki. At hindi nga siya nagkamali sa kanyang iniisip kanina. Maganda ang hubog ng katawan ng lalaki. Halata sa katawan nito na inaalagaan nito ang pisikal na hulma. Maayos ang pagkakabatak ng mga braso nito. Maging ang balikat at dibdib nito ay maganda ring tingnan. May namumutok man itong muscles ay hindi naman ito sobrang laki kagaya ng mga body builder at mga taong ginagawa nang bahay ang gym. Sakto lang ang laki ng mga muscle nito. Swak na swak sa tipo ideal body ng ideal boyfriend and husband niya. Hinayaan muna ni Jastine saglit ang kanyang mga mata na makapag-adjust sa liwanag. At nang maayos na ang paningin niya ay masasabi niya na matigas na may kaunting softness ang muscles ng lalaki. Hindi magiging maganda ang pakiramdam niya habang nasa mga bisig nito kung hindi ito ganoon. “Are you done checking my body?” nagpipigil ng tawa na tanong ng lalaki. Napatigil si Jastine sa kanyang ginagawa. Napansin niya ang suot na damit ng lalaki. Kumunot muli ang mga kilay ni Jastine nang mapagtanto niya na pamilyar ang damit nito. Wengya. . . Huwag mong sabihin na ito rin ang gagong lalaki na ‘yon? Humugot ng hininga si Jastine. Naglakas loob siyang iakyat ang paningin niya sa mukha ng lalaki. Hindi lang naman siguro ang gagong lalaki na ‘yon ang may ganitong damit. Oo, possible ‘yon. Ang aking prince charming at ang gagong lalaki na ‘yon ay magkaibang tao. Hindi sila iisa. Sa dami ba naman ng tao sa bar, impossible na wala siyang kapareho na damit pang-itaas. Pilit na kinukumbinse ni Jastine ang sarili. Pigil ang hininga ni Jastine habang tinatahak ng mga mata niya ang bawat parte ng katawan ng lalaki papunta sa mukha nito. It will be her doom if ever na magkataon na ito nga ang gagong lalaki. Tila tumigil ang pag-ikot ng mundo ni Jastine at nawalan siya ng kakayahan na mag-isip sa oras na dumapo na ang paningin niya sa mukha ng lalaki. May suot itong eyeglasses kagaya ng gagong lalaki na nakita niya sa bar counter. Ang mas nagpatigil pa ng hininga niya ay ang malaki at malokong ngisi na pinapakita nito sa kanya habang ang pares na mga mata nito ay malalim na nakatitig sa kanya. “Am I that handsome for you to handle to the point na hindi ka na makagalaw at makapagsalita, miss or whatever?” Jastine’s jaw dropped, hanging open. Gustong magsalita ni Jastine upang ipagtanggol ang sarili niya. Pero walang lumalabas na boses sa bibig niya. Nalulunod siya sa paraan ng pagtitig sa kanya ng lalaki. Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin ng mga titig nito. The guy leaned closer to Jastine. There was only an inch or two left in between their faces. “Kanina ko pa talaga ito iniisip. . . Nahulog ka na ba agad sa akin kanina sa unang beses na nagtama ang mga tingin natin?” Pinasadahan nito ng tingin si Jastine. Titig na titig si Jastine sa napakalapit na labi ng lalabi. Napakalambot nitong tingnan at mamula-mula pa ito. Napakagat ng labi si Jastine. Pinipigilan niya ang sarili na sunggaban ng halik ang mga labi ng lalaki. “A-Ano pa bang ginagawa mo rito? Bakit hindi ka na rin umalis? Maayos naman na ako? A-At salamat sa pagligtas sa akin. . .” Tinulak ni Jastine ang lalaki. “Kahit kasalanan mo rin naman kung bakit nawalan ako ng malay dahil sa pagpapausok mo ng sigarilyo direkta sa ‘kin. . .” halos pabulong na dugtong ni Jastine na sa tingin niya ay hindi na maririnig ng lalaki pa. “Yeah. . . That’s why I’m here. It was my fault. And I am a doctor myself, by the way. So I must take responsibility for you. And that’s another reason why I am still here.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD