“DYLAN…”TAPIK NI LENARD SA BINATA NANG MAPANSIN NA HALOS SABAY NA MASAMID ANG MAG-ASAWA DAHIL SA NAKAKAGULAT NA TANONG NITO. Nilingon siya nito at naging malikot ang mga mata na pinagmasdan ang dalawa. “Oppss…Me and my big mouth,”anito. “Actually, we don't have yet any plans about having a baby.”nakangiting tiningnan ni Jaxon ang asawang nakatingin dito. “Gusto naming ma-enjoy na kaming dalawa lang muna.” Hinawakan nito ang kamay ni Celine. “My wife also needs to focus on her job at gusto ko na maabot niya lahat ng mga pangarap niya sa buhay. I'm her fan too. I think the right time will tell, kung kailan kami mabibiyayaan ng supling.”mahabang sabi nito. “Wow!”pumalapak na sabi ni Dylan. “I never thought you could be so dramatic Kuya!” Kitang-kita sa mukha nito ang paghanga. “Sister-in-l