BUMANGON SI CELINE UPANG MAGTUNGO NG KUSINA. Ipaghahanda niya ito ng almusal. Magpapatulong na rin siya sa mga kasambahay sa kung anong pwedeng inumin para mawala ang hang-over nito. Halatang napagod ito kung kaya't agad siyang nakawala sa mga bisig nitong nakapaikot sa kanya. Dahan-dahan siyang bumaba ng kama ngunit sa isang hakbang pa lang niya ay muli siya nitong naikulong sa mga bisig nito. “Ah!”Napasigaw pa siya ng hilahin siya nito. “Where do you think you're going?” “Sweety?” “Good morning my wife.”Hinagkan siya nito sa noo. “Bakit ang aga mo gumising?” “Hhmmm… Pwede na ba akong bumaba? Gusto ko lang tumulong sa kusina.”Napamulagat ito dahil sa sinabi niya. “Ayaw mo na ba akong makatabi?”tanong nito. “Sweety, we also need to eat breakfast. Lalo ka na.”Nahimigan naman nito an