“Good morning Mrs. Anderson…” Pagmulat ni Celine ay nakita niyang nakatitig sa kanya ang asawa. “Morning sweety.” Bumangon siya. “Hindi ka ba papasok ngayon?” “I'm having second thoughts about it.” Ngumiti ito. “So, mauna ako sayong umalis. I have a workshop today.”aniya. “Iiwan mo ako dito mag-isa?” Nakakunot-noo na tanong nito. Mataman niya itong tinitigan. “We talked about this remember?”aniya. Imbes na sagutin siya ay kinuha nito ang unan at itinakip sa mukha. Parang isang bata na nagtatampo. Bigla siyang natawa sa inasal nito. Dahan-dahan siyang humakbang upang umikot sa kabilang bahagi ng kama. “Iniwan niya nga ako,”nakasimangot na sabi nito nang ialis ang unan sa mukha. Napangiti ito ng maramdaman ang mga kamay niya sa mga mata nito. “Sino ang nang-iwan sayo?”natatawa siya.