Chapter 5 - The Stranger Couple

1526 Words
“CONGRATULATIONS MR. AND MRS. ANDERSON!” masayang pagbati ng nagkasal sa kanila. “I regret to skip sharing your vows dahil may biglaan akong kailangang asikasuhin. Hinahangad ko ang inyong kaligayahan.” “Thank you so much Mayor Lim.” Nakipag-shake hands ang kanyang asawa kung kaya”t minabuti niyang gawin rin ito. “Misis Anderson, napakabuting tao ng napangasawa mo. Matagal ko ng kilala iyan and I assure that you're in good hands.” Tinapik-tapik ito sa balikat ng asawa. “Maraming salamat po.” Ngumiti siya rito. Hinawakan siya ni Jaxon sa baywang habang naglalakad palabas ng gusaling iyon. Walang namutawing salita sa pagitan nila at ang tanging assistant nito ang panay kwento. “Congratulations po sa inyo Sir Jaxon at Maam Celine. Sigurado ako na uuwing ganado ang aking boss sa mansion araw-araw!” napatingin siya sa lalaki na masama ang pagkakatingin kay Lenard. “Ah,oo nga pala Maam Celine, mauuna po kayong umuwi sa inyong bahay dahil immediate business meeting po si si Sir Jaxon.” “Okay.” Ngumiti siya. “Tara na po Maam Celine, ipahahatid ko na po kayo sa inyong driver.”nagsimula na siyang humakbang ngunit may mahigpit na kamay na humawak sa braso niya. Nang lumingon siya ay nakita niyang naka-kunot ang noo ng asawa. “Take care,” at unti-unti nitong binitawan siya. Sa narinig niya ay mabilis siyang yumakap dito. Hindi niya alam kung ano ang nagtulak sa kanya para gawin iyon, pero ang alam niya ito ang nais niyang gawin sa mga oras na iyon. “I will,” mahinang sabi niya at tumuloy na sa paglalakad. Kumaway pa siya dito bago umalis ang sinasakyang kotse. ********** KINABAHAN SI JAXON NG HINDI AGAD MAKASAGOT SI CELINE. Tinatanong kasi ito ng nagkasal na Mayor sa kanila at parang malalim ang iniisip ngunit hindi niya ito minadaling sumagot. Bagkus ay hinintay niya sa bibig mismo nito manggaling ang salitang “I do.” Hindi man niya pinahalata pero nakahinga siya ng maluwag ng sabihin nito ang hinihintay niyang marinig. Napansin niyang lumiwanag ang mukha nito ng magpalitan sila ng tingin at ngiti. Kakaibang hatid na saya ang naramdaman niya sa mga oras na iyon lalo pa ng pareho nilang tinawid ang mga labi nila sa pamamagitan ng isang halik. Nais niyang ihatid man lang ito sa mansion bago siya magtungo sa business meeting na pupuntahan subalit tiyak na mahuhuli siya sa napag-usapang oras. May kung anong dumaloy na kuryente sa bawat himaymay ng kanyang mga ugat ng abutin niya ang braso ng asawa na naging dahilan ng pagkakahawak niya. Mas lalong umigting ang kakaibang nararamdaman ng bigla siya nitong niyakap. Gustong-gusto na niyang samahan ito pauwi ngunit malungkot na sumenyas si Lenard. Oras na raw para umalis. “Sir, ang swerte niyo kay Maam Celine. Maganda na, mabait pa!” “Lenard, anong balita sa dating nobyo ni…ng asawa ko?”impit na tumawa ang assistant niya. “May nakakatawa ba?” “Sir, wala po.”napatakip pa ito ng bibig habang nagmamaneho. “Sa ngayon po ay wala pang update sa Gino na iyon pero ipapaalam ko po agad sa inyo once na may i-report na ang mga nagmamanman sa kanya.” “Please cancel all my appointments tomorrow. I”ll be staying at home with my wife.” “Masusunod po Sir!”masiglang sagot ni Lenard. ********* MASAYANG SINALUBONG NG MGA KASAMBAHAY ANG PAGDATING NI CELINE. Lahat ng mga ito ay nagpaabot ng pagbati. Niyakap niya ang mga ito kahit na nag-aalangan na lapitan siya ngunit malugod niyang ipinaramdam sa mga ito ang kanyang pasasalamat. Inanyayahan niya rin ang mga ito na saluhan siya sa pagkain ng tanghalian. Nagkaroon siya ng instant family dahil sa mga taong tinanggap siya ng buo at itinuturing siyang kapamilya rin ng mga ito. “Maam Celine, maraming salamat po at inimbitahan niyo po kami ng makasabay kami sa pagkain. First time po namin itong naranasan kasi sa iba naming naging amo hindi pwede ang ganito.”sabi ng isang kasambahay. “Oo nga Maam Celine, mabuti na lang kayo ang napangasawa ni Sir Jaxon. Siguradong uuwi iyon araw-araw.”singit naman ni Tina. “Bakit? Hindi ba siya araw-araw umuuwi dito?”tanong niya. “Minsan lang po iyon umuwi dahil laging busy sa trabaho. Kung uuwi naman, parang natulog lang dito.” “Kaya nga po ang swerte talaga ni Sir dahil dumating na kayo sa buhay niya.” “Kayo talaga. Sige kumain pa kayo.”pag-iiba niya ng usapan dahil ayaw niyang ipahalata na natutuwa siya sa mga sinasabi ng mga ito. “Ay Maam bago namin makalimutan, nais po namin ibigay ito sa inyo.”inabot ang isang maliit na kahon. “Ano ito?” “Regalo po namin. Pagpasensiyahan niyo nap o kung iyan lang ang nakayanan namin.” Binuksan niya ang kahon at tumambad sa kanya ang isang picture frame. Nakaguhit doon ang kanyang larawas sa pamamagitang ng charcoal. Iyon ang kauna-unahan niyang regalo na natanggap sa tanang buhay niya. Hindi niya lubos ma-contain ang kanyang nararamdaman sa mga oras na iyon. Napaiyak siya at sabay-sabay pang nag-alala ang mga ito. “Naku Maam! Pasensiya na po kung hindi niyo nagustuhan.”sabi ni Tina. “Okay lang po ba kayo Maam?sabi pa ng isa habang pinupunasan niya ang mga luha sa mga mata. “Maraming salamat sa inyo ha? Alam kong ilang araw pa lang tayo magkakilala pero masyado niyo akong pinahahalagahan.” “So ibig sabihin po, nagustuhan niyo?” “Oo naman. Salamat ulit sa inyo.” “Wala pong anuman Maam. Magaan po talaga ang vibes namin sa inyo.” “Paano pala kayo nakakuha ng picture ko?” “Eh Maam, avid fan niyo po ako kaya marami po kayong pictures sa mobile phone ko.”nahihiyang pag-amin ni Tina. “Hindi naman ako ganoon ka-sikat pero kilala niyo na pala ako.” “Maam kahit hindi ka 'yung nasa lead role, mas maganda pa po kayo umarte doon sa mga nakakasabay niyong artista.” “Naku, binola mo pa ako Tina.” “Totoo po 'yun. Ang ganda at ang amo po ng mukha niyo sa tv. Sana pwede akong makahingi ng autograph.” “Oo naman.” “Yehey! Sandali po kukuha lang ako ng ballpen at papel.”pagkaalis nito at nagtawanan silang mga naiwan sa mesa. ********** ALAS OTSO NA NG GABI NG MATAPOS ANG MEETING NI JAXON. Nakapikit ito habang lulan ng sasakyan kasama ang nagmamanehong si Lenard. Pagod na pagoda ng itsura ng lalaki. Nagising lang ito ng marahang tapikin ng kanyang assistant. “Sir, nandito na po tayo sa mansion,”mabilis na bumaba ng kotse. “Thank you Lenard.” “Sige Sir mauna na po ako.”at umalis na ito agad. Nagtuloy si Jaxon papasok sa loob ng mansion. Maagap naman siyang sinalubong ni Tina. “Good evening po Sir! Ipaghahanda ko po ba kayo ng makakain?” “Huwag na Tina. Ang Maam Celine mo?” “Kanina pa po umakyat sa taas.” “Okay, sige akyat na rin ako.”tumango na rin ang kausap. Dumiretso siya sa banyo upang maligo. Nakatapis na lumabas at kumuha ng damit sa malaking wardrobe. Dahan-dahan siyang kumilos dahil ayaw niyang maistorbo sa pagtulog ang asawa. Maingat siyang umupo sa tabi ng kama matapos magbihis at malayang pinagmamasdan ang natutulog na si Celine.Sa kalaunan ay nagpasya na siyang matulog sa tabi nito. “Kararating mo lang?”bigla itong nagising. “Yeah.”nakangiti siyang sumagot dito. “Kumain ka na ba?”tumango siya. “Ah, okay.”at tumalikod na ito sa kanya. ********* NAGISING SI CELINE SA MAHINANG PAGLUBOG NG KAMA. Nakita niya ang asawa na kakahiga pa lang. Nag-alala siya sa itsura nitong pagod na pagod. Kung kaya naman matapos niya itong tanungin ay tumalikod na siya upang makapagpahinga na ito. Isang mahabang katahimikan bago ito nagsalita. “Can I hug you?" di mapigilang sabihin ni Jaxon. Napalunok ito ng magtama ang aming mga mata. Unti-unti itong lumapit sa kanya at ramdam na ramdam niya ang mabilis na t***k ng kanyang dibdib. “You”re so beautiful.”marahan nitong hinawi ang kanyang buhok at napapikit na lamang siya sa sensasyong naramdaman. Hinaplos nito ang kanyang mga labi at nang magmulat siya ay parang matutunaw siya sa mga titig nito. “Thank you.” Ngumiti siya at siya na mismo ang lumapit sa asawa upang mayakap siya nito. “Sorry kanina.” “Bakit?” “Hindi man lang kita naihatid dito pagkatapos ng kasal.” “Wala naman problema sakin. Isa pa, trabaho iyon kaya okay lang.” “Can I ask you something?” “Spill it.” “Do you have any regrets on marrying me? I mean we've had just met.” “To be honest, ngayon lang ako naging kampante at wala akong pinagsisihan.” “You can still work if you like, hindi kita pakikialaman tungkol doon but please make sure to tell me kung ano ang nangyayari sayo.” “Of course and I have a request too. Sana walang makaalam na kasal na tayo o kung anumang kaugnayan mayroon tayo. Ayokong makaapekto ito sayo.” “Okay.” Kahit na sumang-ayon na ang lalaki ay kapansin-pansin ang pagbago ng expression sa mukha nito. “Let's sleep.”aniya at tumalikod na ulit sa asawa. May pakiramdam siya na iba ang patutunguhan ng usapang iyon kung kaya”t umiwas na siya agad. Ngunit bago pa siya tuluyang bumaling ay nahawakan na siya nito at siniil ng halik sa mga labi. Sa una ay mabilis at maya-maya pa ay bumagal na tila punung-puno ng pag-iingat. “Thank you for the good night kiss, Mrs. Celine Anderson.”anito at nauna pang tumalikod sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD