HALOS HINDI SIYA NAKATULOG. Pigil na pigil ang pagnanais niyang yakaping muli ang asawa. Kung ilang beses din niyang binalik-balikang titigan ang maganda nitong mukha. Hindi pa nangyari sa buong buhay niya ang pagmasdan ang isang babae lalo pa at hindi niya ganoon kakilala pero pagdating kay Celine, kailangan niyang kalabanin ang sariling nararamdaman. Dahil masyado pang maaga para makasiguro sa tunay na laman ng kanyang dibdib. Gumalaw ito at bahagyang napaawang ang natural na mapula nitong labi na siyang naging dahilan upang mapako ang kanyang buong atensyon dito. Napapalunok siya habang dahan-dahan na lumalapit sa mukha nito at diretsong nakatutok ang tingin sa mga labi ng asawa. Hustong ilalapat na niya ang kanyang labi ng muling gumalaw ito. Mabilis siyang bumaling sa kabilang bahagi ng kama sa takot na mahuli siya nito sa tangka niyang paghalik.
Pumikit siyang muli upang ituloy ang pagtulog ngunit hindi siya dalawin ng antok. Muli niyang pinagmasdang muli ang natutulog na asawa at isang magaan na halik sa buhok ang kanyang ginawa bgo napagpasyahang bumangon na.
“Good morning Sir Jaxon!”bati ng mga kasambahay na abala na sa paglilinis at pag-aasikaso sa kusina.
“Good morning!”nakangiti niyang tugon sa mga ito. “Ano ang lulutuin niyo for breakfast?”
“Fried rice po at saka bacon and egg. May ipapaluto po ba kayo Sir?”tanong ni Tina.
“Ano pa ba ang nasa fridge?”
“Naku Sir, marami po. May marinated boneless na bangus, may hotdogs, daing at kung ano-ano pa po.”
“Okay. Ako na lang ang magluluto para sa amin ng Maam Celine mo.”
“Eh, Sir paano po 'yung lulutuin ko po?”
“Breakfast niyo na rin. Babalik na lang ako rito mamaya para magluto.”
“Okay po Sir!”
Sunod siyang nagtungo sa isa sa silid na paborito niya. Dito nakalagay ang mga gym equipments na madalas niyang gamitin kapag naglalagi siya sa mansion. Sa kabila ng napakarami niyang schedule of business meetings, pinantili niya ang pagkakaroon ng magandang katawan. Ito ang kanyang stress reliever lalo pa at malaki ang kanyang role na ginagampanan sa kompanya na pinaghirapan niya ng maraming taon. Nag-aaral pa lang siya ng high school ng sinimulan siyang imulat ng kanyang mga magulang sa pagnenegosyo. Hanggang sa pagpasok niya ng kolehiyo ay sabay niyang pinapasukan ang magtrabaho. Ganoon siya sinanay ng kanyang Mommy at Daddy ngunit lahat ng suporta ay ibinigay naman sa kanya kung kaya”t naging maayos ang lahat. Likas siyang matalino at sa kasalukuyan ay nangunguna sa makapangyarihan sa business world. Madalas siyang katakutan ng kanyang mga competitors at madalas din siya ang nais maging business partners dahil sigurado na maganda ang kalalabasan.
*********
PUMUNTA SIYA NG KUSINA AT NADATNANG NAKASUOT NG APRON SI JAXON. Nagluluto ito ng almusal at mukhang hindi rin nakatulog ng maayos. Dahan-dahan siyang lumapit dito.
“Can I help you?”
“It's my off today Mrs. Anderson and it is my duty to serve you.”
“Are you sure?”tanong niya.
“You can kiss me instead.”anito at malagkit siyang tinitigan. Napalunok siya ng wala sa oras dahil sa tinuran nito lalo pa ng i-focus nito ang tingin sa kanyang mga labi. Hindi niya maiwasan na mapadako ng tingin sa abs na bakat na bakat sa sandong suot nito. Unti-unti itong lumapit sa kanya kung kaya”t mariin siyang napahawak sa gilid ng mesa. Maingat siyang hinawakan sa baywang at ibinaba ang mukha patungo sa kanya.
“Sir!!!”bigla silang natigilan at sabay na napatingin sa pinanggalingan ng boses. “Ay! Naku, sorry po sa abala.”
“May kailangan ka ba Tina?”tanong niya at naramdaman niyang hinapit pa siyang lalo sa baywang ng asawa.
“Kasi po Maam Celine, akala ko po naiwan ni Sir 'yung niluluto niya. Para po kasing nangangamoy sunog.”
“Okay na Tina medyo toasted lang ang pagkakaluto ko,”sagot ng asawa.
“Pasensiya na po sa abala Sir at Maam. Hindi ko sinasadya na abalahin kayo…”sa narinig niya ay pinamulahan siya ng mukha.
“It's alright.”
“Sige po. Babalik na po ako sa ginagawa ko.”tumatakbo itong umalis. Marahan siyang tumawa ng makita ang ikinilos ng kasambahay. Nang bumaling siya kay Jaxon ay nakatitig na naman ito sa kanya. Hindi niya naituloy ang nais niya sanang sabihin ng magsalita ito.
“Let's eat.”tumango siya at tinulungan ito sa paghahanda ng pagkain.
Humanga siya kung paano nito nagawang magluto ng almusal nila. Maayos at pawang sanay ito sa ganoong gawain. Isa na namang rebelasyon ang natuklasan niya sa asawa at mukhang marami pa siyang malalaman sa mga darating pang araw. Ipinaghila siya nito ng upuan at ito pa mismo ang naglagay ng pagkain sa kanyang plato. Ang feeling niya ay isa siyang napaka-espesyal na tao para dito sa mga oras na iyon.
Pagkatapos nilang kumain ay umakyat siya papunta sa kanilang silid. Hindi siya hinayaan ng asawa kahit magligpit man lang ng pinagkainan nila. Saktong pagpasok niya sa loob ay nag-ring ang mobile phone niya na nasa mesa malapit sa kanilang kama.
“Hello?”aniya.
“Celine Adriatico?”
“Yes speaking.”
“This is Director Rico Sotto, I would like to invite you for the audition of our upcoming teleserye.”
“Talaga po Direk?!”
“Yes. Please come to the Artist Center Studio tomorrow at exactly nine in the morning.”
“Noted po. Thank you!”
“Okay. See you there.”nawala na ito sa linya. Hindi niya napansin na nakapasok na pala sa kanilang silid si Jaxon at parang madilim ang mukha.
“Jaxon, thank you!”tinakbo niya ang pagitan nila at niyakap ito.
“Why?”nagtaka man ngunit halatang nagliwanag na ang mukha nito.
“Kausap ko kanina si Direk Rico Sotto at inaanyayahan ako mag-audition bukas.”
“Bakit kailangan mong magpasalamat sa akin?”
“Because I think I”m so lucky to have you…in my life.”aniya at mabilis na hinalikan sa mga labi ng asawa.