Chapter 4 - Mrs. Celine Anderson

1369 Words
“SIR JAXON, HERE IS THE INFORMATION YOU NEEDED.” Inabot sa kanya ni Lenard ang isang brown envelope. Isinantabi niya muna ang isang envelope na dapat sana ay papapirmahan niya kay Celine ngunit nagdalawang-isip siyang gawin iyon. “Isa po siyang tunay na Adriatico at hindi tanggap ng kanyang pamilya ang trabaho niya bilang actress. Pinalayas siya ng araw ding nakita niyo siya at ang boyfriend niyang si Gino ang nagdala sa kanya sa Mitsuki Club. Malaki ang pagkakautang ng kanyang nobyo sa matandang si Mr. Sanchez kung kaya't si Ms. Celine ang naisip na gawing pambayad.” “Salamat at nakuha mo agad ang impormasyon na kailangan ko.”Ibinaba niya ang papel na hawak. “Sir, ipapalam niyo po ba sa inyong pamilya ang inyong pagpapakasal?” “Mas mainam na wala munang makialam.” Tumayo siya. “Sir, saan po tayo pupunta?” “We're going back home to fetch my soon to be wife,”aniya at nagpatiuna ng lumabas ng kanyang opisina. Nakangiting sumunod si Lenard sa kanya. ********* NAGISING SI CELINE MAGAAN ANG PAKIRAMDAM. Espesyal ang araw na iyon para sa kanya kahit pa sabihing hindi niya pa lubos na kilala ang mapapangasawa. Pangangatawanan niya ang isang maging maybahay nito dahil sa tulong na ibinigay sa kanya. Walang kasiguraduhan ang bukas pero handa siya itong suungin. Mahirap ipaliwanag pero may tiwala siya sa lalaki at sa ngayon hindi niya pa alam ang kung saan nanggagaling iyon. “Maam, good morning po!”nakangiting bati sa kanya ng isa sa kasambahay. “Good morning din!” tugon niya dito. “Ang bilin po ni Sir Jaxon, susunduin niya raw po kayo mamayang alas-diyes para.” “Iyon lang ba ang sinabi niya?” “Huwag daw po kayo magmadali at maghihintay naman po siya sa inyo.” Ngumiti ito na parang kinikilig. “Ah,salamat.” “Tara na po at kumain na po kayo ng almusal.” Sumunod naman siya rito at nadatnan niyang handa na ang hapag-kainan. “Alam niyo po Maam Celine, kayo po ang kauna-unahang babae na dinala dito ni Sir Jaxon.” “Anong ibig mong sabihin…” “Tina na lang po.” Tumalikod ito saglit at kinuha ang pitsel na may lamang orange juice. Isinalin sa isang baso at inilagay sa tabi niya. “Nagulat nga po kami ng buhat-buhat ka niya kagabi at dinala sa kwarto niya. Ni ayaw niyang makalikha ng kahit konting ingay para hindi kayo magising.” “Wala ba siyang naging girlfriend before?”curious niyang tanong. “Naku Maam Celine, wala po talaga. Napaka-good boy ni Sir as in wapakels sa ibang girls na pilit nagpapapansin sa kanya.” Natawa siya sa tinuran ng batang kasambahay. Nagsimula na siyang kumain. Naging magana siya lalo pa at masarap kakwentuhan si Tina. “Ako na po niyan.” Kinuha nito ang hawak niyang plato na ilalagay niya sana sa hugasan. “Kayang-kaya ko naman iyan hugasan Tina.” “Maam masaya po akong mapagsilbihan kayo. Yung damit nga pop ala na susuotin niyo ay nasa guest room po inilagay ni Sir Jaxon.” Tumango siya at nagtungo na sa guest room. Isang simple ngunit hindi pipitsuging white dress ang nakita niyang nakalatag sa kama. Mayroon din puting high heels at mga accessories na gagamitin niya. Kinuha niya ang mga ito at dinala sa silid kung saan siya natulog. Matapos maligo ay nagbihis na siya. Mas lalong lumutang ang kanyang ganda sa kabila ng simpleng putting dress na suot niya. Maingat niya ring sinuot ang hikaw at ang isang kwintas na may nakaukit na malaking letrang A. Bigla siyang napalingon ng may kumatok sa pinto. “Sino yan?”tanong niya. “Maam si Tina po ito.” “Come in, please.” “Naku Maam! Ang ganda-ganda niyo po! Para kayong isang beauty queen.” “Ikaw talaga Tina. Ano iyang mga dala mo?” “Maam, pangkulot po at pang straight ng buhok baka gusto niyo pong gamitin.” “Kanino naman ang mga ito?” “Eh, diyan lang po,” tatawa-tawa na sagot nito. “Sige,pwede mo ba akong tulungan?” “Opo! Ano baa ng gusto nyo Maam?” “IYong pangkulot na lang.” ********* PABALIK NA SI JAXON NG KANYANG BAHAY KASAMA ANG ASSISTANT NA SI LENARD. Hindi niya alam kung bakit gusto na niyang agad makita ang babaeng mapapangasawa. Ewan niya pero may kakaiba siyang nararamdaman lalo pa at nalaman niya ang dahilan ng kanilang di-inaasahan na pagtatagpo. “Wala na bang ibibilis iyan Lenard?” “Sir Jaxon mabilis na po ang takbo natin baka mag-overspeed po tayo at mahuli ng mga traffic enforcers. Lalo tayong matatagalan Sir.” Hindi na siya nagsalita. “Gaano pa ba katagal bago tayo makarating sa mansion?" “Sir 15 minutes na lang po,” sabi nito at tumingin sa side mirror. “Don't worry Sir, sigurado naman pong hinhintay lang kayo ni Maam Celine doon.”ngingiti-ngiti ito matapos sabihin iyon. Nang makapasok sila ng gate at maihinto ang sasakyan ay agad na lumabas si Jaxon at mabilis ang mga hakbang pumasok sa loob. Palinga-linga siya waring hinahanap ang nais niyang makita. “Tina, ang Maam Celine mo?” “Nasa taas pa po. Tawagin ko lang po.” “No need. Ako na lang.” Hindi na niya nakita ang mga pigil na ngiti ng mga kasambahay. Kumatok siya sa pinto. Sa pangatlong beses ay bumukas na ito at nagkagulatan pa sila ng magtama ang kanilang mga mata. Parehong di agad nakahuma at parehon sinusukat ang mga titig ng bawat isa. Maya-maya pa ay si Celine ay naunang nagbaba ng tingin. “Aalis na ba tayo?” “Ah,yeah. Are you ready?” Ngumiti naman ito ng tumango sa kanya. ********* RAMDAM NA RAMDAM NI CELINE ANG TENSYON SA PAGITAN NILANG DALAWA NI JAXON. Mula ng sunduin siya nito sa magiging kwarto nila hanggang s alalayan siya nitong bumaba ng hagdan at ng sumakay sila ng sasakyan. Ingat na ingat ito sa paghawak ng kamay niya at pag-alalay sa baywang niya na para bang isang babasagi na isang mali niya lang hakbang ay maaari siyang mabasag. Hanggang sa makarating sila ng civil affairs ay ganoon siya hawakan at alalayan ng lalaki. Napansin niyang halos walang tao ng pumasok sila sa loob at tanging ang magkakasal lang sa kanila ang nandoon. Idagdag na lang na kasama nila si Lenard na magsisilbing witness sa magaganap na kasal. “Good morning Mr. Anderson!”bati nito. “Is she…?” Hindi na nito naituloy ng tumango ang lalaking katabi. “Good morning po soon to be Mrs. Anderson,” masiglang bati nito sa kanya. “Magandang araw din po,” tugon niya. “Tayo na at ng makapagsimula na.” Yakag nito sa kanila sa papunta sa loob ng opisina nito. Nagsimula agad ang seremonya at wala siyang maintindihan sa mga sinasabi ng taong nagkakasal sa kanila. Nakasentro ang isip niya sa kung ano ang mangyayari pagkatapos silang maikasal. “Celine,” tawag sa kanya. “Yes po?” napukaw nito ang kanyang pansin. “Ms Celine, do you promise to have this man to be your husband; to live together with him in the covenant of marriage? Will you love him, comfort him, honor and keep him, in sickness and in health, and forsaking all others, be faithful to him as long as you both shall live?” Bawat salita na sinabi nito ay lubos na tumatak sa kanyang isipan at dahil doon, hindi siya kaagad nakasagot. Sa halip ay tinitigan ang mukha ni Jaxon at ganoon din ang ginawa nito sa kanya. Sa pagngiti nito ay naging buo na ang kanyang pasya at sumagot. “I do and I will.” Tinapunan niya pang muli ng tingin ito at ngumiti. “And now by the power vested in me, it is my honor and delight to declare you married. Go fourth and live each day to the fullest. You may seal this declaration with a kiss.” Humarap siya asawa at hinawakan nito ang kanyang mukha habang unti-unting inilapit ang mukha nito sa kanya. Ipinikit niya ang mga mata ng magtagpo ang kanilang mga labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD