“Ihahatid na kita,”sabi ni Zeny habang naghahanda na siya sa pag-uwi. Gabi na rin natapos ang meeting nila dahil isinabay na rin ang script reading. Nag-enjoy siya ng husto habang nakakahalubilo sa mga kasamang staff at casts ng proyektong kinabibilangan niya. “Hindi ba ako nakakaabala sayo?” “Oh it's nothing. I am your manager and your safety is also my responsibility.” “Lahi niyo ba talaga ang pagiging sweet talker?” halata itong nagulat sa tanong niya ngunit natawa rin kalaunan. “I guess it runs on the blood.” Nagkibit-balikat ito. “Anyway, how was your first day?” “It's great! Nakakatuwa kasi mababait ang mga kasamahan ko at tiyak ko mae-enjoy ko ito.” “Don't be too confident.” Seryoso itong tumingin sa kanya. “Wala ang antagonist kanina.” “Oh, Tanya?” “Yeah, that b***h has man