ABALA SI JAXON SA PAGBABASA NG MGA DOKUMENTONG NAIPON SA KANYANG MESA SA LOOB NG OPISINA. Napatigil siya ng maalala ang ginawa ng asawa kanina. Ilang oras pa lang silang nagkahiwalay ay parang taon na ang lumipas. Kahit na alam na nila pareho ang totoong nararamdam ng bawat isa ay lalo lang siyang napapamahal dito. Sa kabila ng natural na ganda na mayroon ito ay napakasimple lang nito mag-ayos. Bagay na bihira niyang makita sa isang babae. Sa tuwing sisilay ang mga ngiti nito ay kay gaan ng kanyang pakiramdam. Ang mga halik at yakap nitong tunay na nagbibigay ng totoong ligaya sa kanyang puso. Bagama”t hindi pa nito sinasabi ang ibang bagay tungkol sa sinapit nito ay ibibigay niya ang kanyang buong tiwala at suporta sa asawa. Ganoon niya kamahal si Celine, na nagbigay ng kakaibang kulay sa