Chapter 7 - Give Me a Smile in Your Heart

1318 Words
BIGLA SIYANG NAKARAMDAM NG HIYA DAHIL SA GINAWA NIYA. Kung anong bilis niya ng yakapin ito ay siya ring bilis niyang bumitaw. Mabuti na lang at nakatalikod na siya agad kung hindi baka nasaksihan pa nito ang pamumula ng kanyang mukha. Ramdam na ramdam niya ang pag-iinit ng dalawa niyang pisngi na para bang may isang malaki siyang kasalanan na nagawa. Hindi niya napansin ang makahulugang ngiti ni Jaxon . Pinagsalikop nito ang dalawang kamay at ngingiti-ngiti na pinagmamasdan siya sa ganoong ayos. “Well, congratulations!” “Salamat.”aniya ngunit hindi niya pa ring magawang humarap dito. “Aanyayahan sana kitang pumunta sa baba.” “Baba?”bigla siyang napaharap sa asawa. “Yes sa baba. May ipapakita lang ako sayo.” “Okay.”humakbang na siya para sana maunang makalabas ng kanilang silid ngunit hinawakan nito ang kamay niya. “Is it okay?”tanong nito at bahagyang pinisil ang palad niya. Tumango naman siya bilang pagsang-ayon. Magkahawak kamay silang naglakad pababa ng hagdan at halos matawa siya sa mga nakikita niyang expression sa mukha ng mga kasambahay. Hindi lingid sa kanya na lantaran silang pinag-uusapan ng mga ito. Masaya kasi sa pandinig niya ang mga narinig niyang sinasabi ng mga ito. “Naku! Bagay na bagay sila Maam Celine at Sir Jaxon!”sabi ng isa sa kasambahay. Tuloy-tuloy pa rn sila sa paglalakad ng tingnan siya ni Jaxon. Ngiti naman ang itinugon niya dito. “HHWW pa sila oh! OMG!!!”napalakas ang pagkakasabi ni Tina. “Ano naman 'yun?”tanong ng kasama nito. “Holding hands while walking no? Saan ka ba pinanganak at di mo alam yun?” “Pareho lang tayong taga earth ah. Advance ka lang sa mga pag-ibig na yan!” “Basta kinikilig ko!!! Mapapa-sana all ka na lang talaga!” Hindi mawala ang ngiti niya. Bakit parang pati siya ay kinikilig. Ito ang kauna-unahan na nagparamdam sa kanya ng ganoon. Sa pagkakahawak pa lang ng kamay nito sa kanya ay sapat na para mabuo ang araw niya. Kahit isang beses ay hindi niya ito naramdaman sa dati niyang na si Gino. Palibhasa walang iba inuungot ang lalaki sa kanya kung hindi ang pagnanais na maangkin siya ngunit mabuti na lang at di niya hinayaan ito na mangyari. Sa huli ay tama ang naging desisyon niya. Bumungad sa kanya ang iba”t ibang klase ng gym equipments ng pumasok sila sa isang silid. Halos mapagkamalan mong isang fitness center ito dahil kompleto sa lahat ng gamit. “Wow! Sayo ito lahat?” “That was before.” “Hindi na ngayon?” “Because it belongs to the both of us, now.”nginitian siya nito at sa paningin niya ay naningkit pa ang mga mata nito. “Us? Sa atin?” “Yes. Dito kasi ako madalas kapag kong magtanggal ng stress lalo na kapag sunod-sunod ang gawain ko sa company. Gusto ko na kapag na-stress ka, ganoon din ang gawin mo. Makakatulong ito ng husto sayo para di ka rin mainip kapag may out of the country akong business trip.” “Pero wala kasi akong alam kung paano ginagamit ang mga iyan.” “I will be your instructor.” “Okay.”ngumiti siya at humigpit pa ang pagkakahawak ng kamay nito sa kamay niya. ********* MAAGA SIYANG NAGISING KINABUKASAN. May lungkot siyang nadama ng hindi niya nagisnan si Jaxon. Matapos kasi nilang pumunta sa fitness room na pinuntahan nila ay may biglang natanggap itong tawag at agad na nagpaalam sa kanya upang umalis. May naging problema raw sa company nito na kinakailangan niyang asikasuhin agad. Malaking bagay na walang kasawa-sawa siyang kinakausap ni Tina kaya naman hindi siya masyadong nainip. Pagkatapos niyang magbihis ay naglagay siya ng light make-up. Hindi naman talaga siya mahilig gumamit ng mga iyon kung hindi rin lang may okasyon. Pababa na siya ng marinig ang tawag ni Lenard. “Good morning Maam Celine, ako na po ang maghahatid sa pupuntahan niyo ngayon.” “Ha? Bakit ka pa nag-abala? Pwede naman ako mag-taxi.” “Naku Maam! Hindi po papayag si Sir Jaxon. Aalis din naman po ako agad kapag naihatid ko na po kayo.” “Sige.” “Maam, pasensiya na po kahapon kung naistorbo ko kayo ni Sir.”anito habang binubuksan ang pinto ng sasakyan. “Ikaw ba 'yung tunawag?” “Yes Maam. Ni-request pa naman niyang i-spend ang buong araw niya kasama ninyo.” “Wala namang problema sa akin. Trabaho iyon at kailangan na nandoon siya.” “Alam niyo Maam, ang swerte talaga sa inyo ni Sir. Tiyak kong match made in heaven kayo para sa isa”t isa.”wala siyang maisagot sa sinabi nito dahil ang totoo, siya ang swerte sa asawa niyang si Jaxon. “Salamat sa paghatid.”aniya ng makababa ng kotse at agad naman umalis na ang lalaki. Dire-diretso siyang nagtungo sa studio. Naroon ang director na nakausap niya at ilan sa mga staff nito. Napansin niyang bukod pa sa mga ito ay wala ng ibang nandoon. Nang mapansin siya ng mga ito ay agad siyang ngumiti sa mga ito. “Good morning po Direk! Good morning po sa inyo!”binati niyang lahat na nandoon. “Miss Celine Adriatico! You”re an early bird! Good morning!”lumapit ito sa kanya. “Come on, let”s sit!”yakag nito sa kanya sa upuan na may katabing maliit na mesa. “Thank you.”sabi niya. “Actually marami kayong naimbitahan na mag-audition for our upcoming teleserye. It”s about a mother-daughter relationship kung kaya”t ang napiling gaganap na bidang ina ang makaka-eksena ninyo. Willing ka ba maghintay?” “Yes po.” “Huwag kang mag-alala sa pagkain at ang mga props na dahil libre itong magagamit mamaya.” “No problem po.”maagap niyang sagot. “For the mean time, pwede kang mag-stay sa dressing room habang hinihintay pa ang iba.” “Salamat po.” ********* PAGLABAS NI CELINE NG ARTIST CENTER STUDIO AY HAPON NA. Naglalakad siya sa bandang gilid ng gusali ng mga biglang humawak sa baywang niya at hinatak siya nito. Napapikit siya ng mapasubsob siya sa matigas nitong dibdib. “It's me.” Sabi ng pamilyar na boses. “Jaxon?!” pagkasabi niya ay lalo pa nitong hinigpitan ang yakap. “Yeah. I came here to fetch you.” “Paano kung may makakita sayo dito?” nag-aalala niyang tanong. “Don”t worry. Walang makakakilala sakin.”sumilay ang ngiti nito. Kahit nakasuot ito ng shades ay kapansin-pansin ang kagwapuhang taglay nito. “Let's go.”anito at bahagya pa siyang dinampian ng halik sa ulo. Pinapasok siya nito sa front seat ng sasakyan dahil ito ang magda-drive. Bumibilis na naman ang t***k ng puso niya sa simpleng pag-alalay nito sa kanya. Habang ini-start ang sasakyan ay natitigan niya ito ng matagal. Mula sa mahahaba nitong pilik-mata patungo sa matangos nitong ilong at manipis na labi na kahit sino ay magkakandarapang habulin ito. “Pasado na ba ako sa pamantayan mo?”tanong nito ng hindi tumitingin sa kanya. “Ha? Ah….eh…” Ibinaling niya ang tingin sa harapan. “Saan tayo pupunta?ibang direksyon ang tinatahak nila. “I'll treat you to a dinner Mrs. Anderson.” “Mayroon bang special occasion?” “Yes. It is a date with my wife.” ***** A/N Ang susunod po na chapter ay kailangan na ng coins upang mabasa. Pwede po kayo mag-purchase ng coins gamit ang STORE sa app. Sa mga hindi po afford na mag-purchase, pwede po kayo mag-ipon ng free o bonus coins thru daily log in sa app at sa pagbabasa ng mga free stories. Again, maraming salamat po sa pagbabasa. Ang coins ninyo ay malaking tulong sa isang katulad Kong hanapbuhay ang pagsusulat. God bless Po!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD