Nakalabas na ako pero narinig ko pa rin ang ibang mga nabagsak na mga gamit ni sir sa loob ng opisina niya. Bahala na siya sa buhay niya. Matanda na iyo para mag handle emotions and feelings niya. Ganun pala pag nasasaktan? Nagwawala. Hayzzz..Napapailing nalang ako sa insidenteng nangyari kanina. I've never been into a relationship pa pero pagkakita ko kanina sa nasaksihan ko, parang ayoko ng magka boyfriend muna. Hayzzz. Tinungo ko nalang ang elevator para makababa na.
Pagdating ko sa may lobby ay akita ko ng matiyagang naghihintay sa akin ang bestfriend ko. Nankangiti itong lumingun sa deriksyon ko.
"Girl, kumusta ang araw mo? Wow, congrats hah, nakapasok ka kaagad sa trabaho. " Daldal niya sa akin.
" Oo nga eh. Umaayon na sa akin ang kalangitan at Hindi na ako pinahirapan sa paghahanap ng trabaho Yanah. Maraming salamat talaga sa'yo hah." sabay akbay ko sa kanya.
" Walang anuman, girl..What are friends for kung Hindi tayo magtulong tulongan". daldal niya.
Nasa labas na kami ng makita namin ang kotse ni Gerald na nakaparada sa may tabi ng kalsada.
" Oy,,nandyan na si Gerald girll....kanina pa 'ata yan, nakakahiya naman". tugon ko.
" Naku, 'wag kana mahiya diyan, makulit talaga 'yan..lapitan na natin." yaya niya sa akin.
" Magandang hapon mga magagandang dilag."
Bati niya sa amin na nakangiti at pinagbuksan kami ng pinto ng kotse niya. Gwapo naman si Gerald. ,Matangkad din, matangos ang ilong at tan ang skin nito. Isa pala tong Engineer, at kasalukuyang nagtatrabaho sa AVC Philippines, Inc. Hindi rin basta-basta dahil ang kompanyang pinagtrabahuan nito is the biggest Engineering, Procurement and Construction (EPC) services company in the Philippines for Industrial Facilities. Kaya naman kung titingnan mo siya, para na ring isang bigating mayaman tulad ng ibang mga Bachelors at CEOs of the metro. Though the family he's been ay mahirap lang din pero dahil nakapagtapos na siya, nakakaraos na rin sa buhay. Sana ako rin..somehow, his situation and my best friends' push me to work harder para makapag-aral ulit.
Kinabukasan maaga kaming pumasok Para Hindi ma trap sa traffic. Nagsuot lang ako ng six pocket na pantalon at fitted na blouse. Hindi na kailangang formal dahil maintenance Lang naman ako. Naglagay Lang ng kaunting liostick at off to go na kami ni Yonah.
" Yonah, let's go.." yaya ko sa kanya.
" Ganda ng friend ko ah, kahit simple Lang ang datingan." tudyo ni Yonah sa akin.
" Ano ka ba, may makarinig pa sa'yo eh. Simple nga Lang tong suot ko. Taga-linis Lang naman ako ng opisina noh. " dagdag ko pa.
" Simpleng maganda, 'kamo". tugon ni Yanah na kumindat pa.
' Hay, naku. Halika na nga, ma late pa tayo eh." yaya ko sa kanya.
Di pa kami nakadating sa may labasan ay may kotse ng pumara sa tabi ng dinaraanan namin. It was Gerald, of course.
"Good morning. Hop in, ladies". nakangiting bati nito sa amin.
"Hoy, friend, baka masanay na kami niyan hah.." tugon ni Yanah.
" Okey lang kung masanay kayo. Kesa naman mag-isa Lang akong babyahe, mabuti ng may kasabay Para 'di boring ang byahe". ' sagot ni Gerald.
" Wala ka pa bang girlfriend Gerald? " tanong ko sa kanya.
" Wala pa Mariella, pero may nagugustuhan na". " pakamot-kamot sa ulong sagot niya.
" eh, ano pang hinihintay mo. Suyuin mo na kayak Para naman di ka ma bord". natatawa kong s**o sa kanya.
Tinudyo namin siya hanggang di namin namalayan na nasa building na pala kami.
" Thank you ulit Gerald.."pagpapasalamat ko sa kanya.
'Di pa ako nakababa ng inunahan na niya akong buksan ang pinto ng kotse niya. Sya ko namang baba ng makita ako ng Boss kong kadadating lang din. Bahagya pang tumaas ang kilay nito. "Paki ko sa wasak niyang puso". binaling ko nalang ang tingin kay Gerald.
"Oy grabe ka, di mo na kailangan pang gawin yun okey? sabi ko sa kanya.
" Hayaan mo na. Para 'yun lang eh". nahihiyang tugon niya habang nakatingin sa akin.
Medyo naasiwa ako sa lagay ng kanyang titig sa akin kaya nag-iwas agad ako ng tingin.
"Ahmmm, Gerald thank you ulit hah. sige, mauna na kami". paalam ko sa kanya. Hinatid nya pa kami ng tingin hanggang sa entrance building bago pinasibad ang sasakyan niya.
" Girl, paano 'yan. Hanggang dito lang ako..see you this lunch. Sabay na tayong kakain, okey? sabi ni Yanah sa akin.
" Sure. Sige, chat nalang kita." tipid kong tugon.
Mag-isa kong tinungo ang elevator. Nilagay ko ang headset sa aking tainga at nagpatugtog ng mga kanta ni Talyor swift while naghihintay na makarating sa floor ng opisinang pagtatrabahuan ko. It's on the 25th floor kaya medyo matagal-tagal bago makarating lalo't maya't maya ay hihinto ito at may sasakay na ibang mga empleyado. 15 minutes before office pa naman kaya relax lang ako while nakikinig ng music sa headset.
Nag ding na ang elevator, hudyat na nasa 25th floor na ako. Ngayon ko lang napagtanto kung bakit nasa 25th floor ang opisina ng boss ko. Di kaya't siya ang may-ari ng kompanyang ito?..kabubuhan mo talaga Mariella, mag-isip ka nga. Malamang! " kastigo ko sa sarili.
Huminga muna ako ng malalim bago kumatok at pumasok sa loob ng opisina niya. Bumungad sa akin ang bulto ng taong parang greek god ang dating. "Aba, di mukhang wasak ang puso', ani ko sa isipan. Sa pagkakaalam ko kasi, kapag bigo ka sa pag-ibig, o pinagtaksilan ka, wasak pati buong katawan mo. Pero sa nakikita ko sa kanya, para namang hindi. O, baka, naka move on lang agad. Sabagay, di mahirap sa kanya kung walang girlfriend. Mayaman nga 'di ba. Babae pa mismo ang lalapit sa kanya. Sa tindi ng pagka chismosa ko ay kinompirma ko pa kung siya ba talaga ang may-ari ng kompanya while looking at the signage na makikita sa glass table niya. DALE CLINTON MONTERO, CEO, Steel Productions Inc. Nasa kalagit-anan na ako ng pagmuni muni ng magsalita siya.
"Ahmm..tatayo ka lang ba diyan? sarkastiko niyang tanong sa akin.
"Aba'y bad mood." sabi ko sa isipan.
"Ay, hindi po sir". tipid kong sagot habang pinasadahan ko ng tingin ang buong kwarto kung ano ang puwede kong unahin sa paglilinis. "
" You can start with the comfort room at pantry area. By the way, how old are you, mariella? tanong niya habang nakapamulsa ang porma at nakatingin sa akin.
" 22 pa lang po." tipid kong sagot sa kanya habang ipinatong ko sa ibabaw ng couch ang sling bag kong dala at inilagay ko rin sa bulsa ng pantalon ko ang headset na tinanggal ko pagpasok sa opisina niya.
" May boyfriend o asawa?' seryoso niyang tanong which made me shock.
"Naku, wala po sir. Wala pa po sa isip ko ang mga ganung bagay.
" Sigurado kang wala? Hinatid ka nga kanina. " that was an undestatement from him. na schock ako.
" Naku kaibigan ko lang po 'yun." nagmamalasakit lang kaya hinatid na kami ng kaibigan ko. Saka, off limits pa po ako ngayon sir, mahirap na ma inlove tapos ma broken hearted lang. Ang lagay niyan, wala na talaga akong chance makapagtapos ng pag-aaral." mahaba kong tugon sa kanya.
" Plano mong mag-aral ulit?
" Opo sana. Pero saka na po kapag may ipon na ako"..patuloy kong sagot sa kanya habang patuloy rin sa ginawa kong paglilinis.
" Ano bang kurso ang gusto mong kunin? tanong niya ulit
" Gusto ko po sana ipagpatuloy yung nasimulan ko na po. Yung Architicture po". sagot ko sa kanya.
" Ganun ba. Okey". tipid niyang sagot.
Hindi na siya ulit nagsalita at paglingun ko ay nasa computer na siya ng office table niya nakaharap. Pinagpatuloy ko nalang ang paglilinis dahil hindi na rin naman umimik ang boss ko. Buti nga 'yun atleast di ako masyadong maasiwa sa presensya niya.
It's almost 12 noon kaya kumakalam na rin ang sikmura ko pero yung boss ko parang walang planong kumain. Kaya naisipan kong magpapaalam nalang muna sa kanya na kakain na sa canteen ng building.
" Excuse me po sir. Bababa lang po sana ako at kakain sa canteen". Nahihiyang paumanhin ko sa kanya.
"Sa labas ka kakain? Sino kasama mo? ' kunot noong tanong niya.
" Ah, yung kaibigan ko po. " tipid kong sagot.
" Okey. Next time para di ka na bababa ay puwede ka naman dito lang kumain. Maka tipid ka pa sa oras." Paliwanag niya.
" Okey po. Kayo po ba, di kayo kakain?" tanong ko sa kanya.
Tumayo ito at kinuha ang coat kaya kumunot ang noo ko.
"Sige, sasabay na ako sa'yo, sabi nito sa akin sabay kindat.
" Omg", sa isip ko. Ganun na ba kami ka close ng broken hearted na 'to. Walang ibang masabayan sa lunch time, ako pa talaga". sigaw ko sa isip.
" Kung okey lang sa'yo Mariella?' tanong niya .
" Naku po. Oo naman po. Sige po, sabay na tayo lalabas". sabi ko kahit naiilang sa kanya.