Episode 2

1485 Words
Marami pa kaming mga napag-usapan habang nasa biyahe kaya hindi namin namalayan na nasa building na pala kami na pinagtrabahuan ni Yanah. " Para lang sa may tabi, rald...." saad ni Yanah. ' Maraming salamat hah. Baka gusto mong sunduin mo kami mamaya para makatipid naman kami sa pamasahe"...natatawang biro ni Yanah kay Gerald.. "Oo naman noh". nahihiyang tugon ni Gerald na nakatingin ulit sa akin.. Nagpapasalamat na rin ako pagkatapos ay bumaba na. Hinatid muna namin ng tingin ang papalayong kotse ni Gerald bago tumalikod at hinarap ang napakatayog na gusali sa harapan namin. Montero's Steel Productions Inc. ang nakasulat sa pinakaharap ng building. medyo kinabahan ako pero, ahaaah! kering Keri 'ko to. Pumasok na kami sa pinaka entrance ng building at bumati sa may guard na nakatalaga. " Girlll...hatid na kita doon sa 3rd floor. Nandoon ang in-charge sa lahat ng mga aplikante." saad niya sa akin. " Okey girl...maraming salamat talaga hah". tipid kong tugon sa kanya. " Okey lang 'yon noh. Para saan ba't magkaibigan tayo.". natatawa niyang tigon sa akin. 'di matapos tapos ang usapan namin hanggang sa mag ding ang elevator hudyat na nasa third floor na kami. " Oh girll...andito na tayo...ano, maiwan na kita dito hah..,galingan mo sa interview. " Okey girlll...salamat talaga".. Hinatid ko muna ng tingin si Yanah bago ko tinungo ang table ng may babaeng naka eye glass. Sa tantiya ko ay nasa 40s na ito at abalang-abala sa mga papeles na nasa harapan niya. " Ahmm...excuse me po, good morning". bati ko sa kanya. Tumingala ito sa akin at tinanggal pa ng bahagya ang eyeglass at sinuyod ako ng tingin. " Yes? What can I do for you?" Medyo striktang tanong nito. " Ahm, mag-aaply po sana ako ng utility maitenance. Balita ko po kasi ay may bakante po rito sa kompanya ninyo. " Can I have your resume?" tanong nito sa akin kaya iniabot ko sa kanya ang folder na may laman ng documents ko. She scans me while dialling on the telephone. " Good morning po, Sir. Ahmm..sir may nag-aaply na po sa vacant position ng Maintenance department, should I fill her in? ..tanong niya sa kausap while waiting for an answer on the other side of the phone. Okey sir, I will send her to your office right away". Pagkatapos niyang ibaba ang telepono ay tumayo na ito. "Okey, please come with me." maikli niyang tugon. Sumunod ako sa kanya ng tinungo niya ang elevator at pinindot ang top floor. Dahil curious ako kung saan kami pupunta ay nagtanong ako ngunit di nya ako sinagot. Tumahimik nalang din ako hanggang sa mag ding ang elevator at lumabas siya while nakasunod ako sa kanya. Kumatok muna sya sa door ng office bago tuluyang pumasok. Sumunod din ako sa kanya. ' Good morning po Sir Montero, siya po yung nag-aaply sa maintenance department. I will leave her to you na po". magalang na saad ng sekretarya niya at saka tumalikod na without waiting for the man on the swivel chair na humarap sa amin. " Miss maiwan na kita dito". paalam niya akin at lumabas na ng office., tango nalang ang naitugon ko sa sobrang kaba ng dibdib. Ganito pala pag first mong mag-apply ng trabaho. Nakakakaba. Pagiging isang janitor lang naman sana ang applayan ko, pero parang nasa stage ako ng America's got talent na maraming nanonood at nakakakaba. Sinipat ko ang loob ng opisina. Matiwasay nga ito. Spacious at well organized lahat ng gamit at documents. The color of the wall suits a bachelor's style. Very manly. Mabango din ang amoy ng air con mula sa may kabilang wall ng opisina. Sa ganoong pag mumuni ako ng hindi ko namalayang nakaharap na pala sa akin ang taong mag-iinterview sa akin. He must be the manager I guessed or maybe, basta... " Are you done scanning my office? wala sa mood na sagot nito. in my mind, Aba, strikto si kuyang gwapo. Gwapo nga naan as I looked at him, matangos ang ilong, at mamula mula ang mga labing bahagyang naka-awang habang nakatingin sa akin at siguro kung nakatayo ito, nasa 6 ft ang taas, wow hah, well built ang katawan. Naka sout ng kulay di-gatas na polo na pinatungan ng itim na blazer. Yeah, He must be the manager, I guessed. " Are you done scanning my face miss? tanong niya ulit sa akin na nakataas pa ang isang kilay. " Have a seat", utos niya sa akin na agad naman akong tumalima. "So, nag-aaply kang maging isang utility dito sa company naming? tanong nya. " Opo sir. " tipid kong sagot. " So, 'di ka pala nakatapos ng pag-aaral, bakit?" tanong niya ulit sa akin. " Ahm,,financial problem po. Natamaan po ng covid 19 pandemic ang parents ko kayak hindi ko na naipagpatuloy ang pag-aaral". paliwanag ko sa kanya. " Oh, Im sorry to hear that". hinging paumanhin niya. ; okey lang po". tipid Kong sagot. "Puwede ka ng magsimula ngayon kung gusto mo. Dito ka sa opisina ko ma destino. Ang paglilinis ng office ko ang priority mo at pag-oorganize ng mga files sa cabinet ang gagawin mo". paliwanag nya sa akin. " kayang-kaya ko po iyon sir", sagot Kong may ngiti dahil excited sa magiging trabaho ko. " And by way, your salary starts at 15,000 pesos monthly, at puwedeng mag increase depending on your performance", dagdag niya. Tumango nalang ako bilang sagot sa kanyang tinuran. Kaya sinimulan ko na ang pagtatrabaho sa loob ng opisina niya while on my peripheral vision, minsan ay napapatingin siya sa akin, siguro ay inoobserbahan ang kilos ko o ang paglilinis ko kung di ba siya lugi sa pa sweldo niya sa akin. Pinag-igihan ko ang paglilinis dahil naiisip ko na puwede akong makapag-ipon dito kung di ako magasto at makapag-aral ulit sa kolehiyo. Gusto Kong matupad ang pangarap Kong makapag-trabaho ng matino sa mga malalaking kompanya o di kaya ay makapag-abroad dahil mas malaki ang pa sweldo doon. Sa sobrang daming pinagawa sa akin ng boss ko ay di ko namalayan ang oras at hapon na pala kaya naman ay kinuha ko ang cellphone sa bulsa ng bag ko at nitawagan si Yanah para sabay na kaming umuwi. Sinilip ko muna ang bossing ko sa table niya na abalang abala ang mga matang nakatutok sa computer na nasa harapan niya. " hindi pa ba uuwi ang taong 'to? 'tanong ko sa isip. Lalapitan ko na sana ng bumukas ang pinto at humahangos ang kanyang sekretarya. " Sir, excuse me. Sir andyan na naan po si Ma'am Tanya. Gusto po kayong maka-usap sir. Sabi ko Hindi puwede, pero sinigawan niya lang po ako." nanginginig na sumbong ng sekretarya niya. Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ng kasunod pala ng sekretarya niya ang babaeng nagngangalang Tanya. " Babe, I miss you so much.' sabi ng babae sabay lapit nito kay sir at muntik ng maupo sa kandungna niya ng pinagtulakan niya ito. " Tanya, ano ba? at bakit ka nandito huh?" narinig kong sigaw ni Sir. ' Babe, na miss kita sobra. Please pakinggan mo naman ako". malanding sagot ng babae habang nakapout ang lips. " Alam mo Tanya, diring-diri na ako sa pinaggagawa mo. You're a liar! Sinira mo ang tiwala ko sa'yo! Magsama kayo ng lalaki mo! at ito ang tandaan mo Tanya, wala ng tayo! at wala ka ng karapatan pang pumunta dito. Now, get the hell out of this office! Leave! Umalingawngaw sa loob ng opisina ang boses ni Sir at wala ni sang nakapagsalita sa amin. Nang tiningnan ko ang babaeng nagngangalang Tanya ay parang nagbubuga na rin into ng apoy sa galit. " Pagsisihan mo ang ginawa mong pang-iwan sa akin Dave Clinton Montero! " Hinding-hindi ako magsisisi sa ginawa Kong pang-iiwan sa iyo Tanya. Nawala lahat ng pagmamahal ko sa'yo dahil sa ginawa mo. Ngayon ikaw pa ang may ganang magalit? Leave! sigaw ni sir. Tinakpan ko nalang ang tainga ko upang di na marinig ang iba pang sinasabi o sasabihin ni sir. Para na akong marites sa ginagawa ko. Ano ba yan, sa harap pa ng may tao nag-aaway. Nakapag marites tuloy ako. Nabigla pa ako ng inihampas ni Sir lahat ng gamit sa table niya. Patay! Nagwawala si sir! Marami na naman akong lilinisin nito bukas", ani ng isip ko. Nahinto ako sa pag-iisip ng mag ring ang cellphone ko. Si Yanah pala, naghihintay sa may lobby. Kaya kahit medyo alangan akong magsalita kay sir ay nagpaalam pa rin ako. Alangan naman lalabas akong walang paalam. " Ahmm, excuse me po sir, puwede na po ba akong umuwi?' tanong ko sa kanya. " Okey, kung tapos ka na ay umuwi ka na". tipid nitong sagot without a glance at me. " Salamat po, sir". kinuha ko ang bag ko sa couch ng office niya at agad na dumiretso ng labas. Finally, Para akong nakalanghap ng masaganang hangin. His office was suffocating a while ago.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD