Episode 4

1380 Words
Sabay nga kaming lumabas ng Opisina niya. Tiningnan kami ng sekretarya at bahagya pa itong ngumiti sa akin. Tipid lang din akong ngumiti. Di ko alam para saan ba ang ngiting 'yun. Ewan ko nalang, basta ako ay hindi komportable sa presensya niya. Paano ba namang hindi ako maaasiwa sa presenya niya. Super gwapo kaya ng boss ko. If you can just imagine him beside you like just now, naka long sleeves na kulay mapusyaw na asul na nakatupi ng hanggang siko ang manggas at pinaresan ng black slacks, naka shades din at super tangos pa ng ilong. Waley dito si JOhn Lloyd Cruz o Dingdong Dantes eh. Pasadong pasado maging artista pero kita mo naman, makisabay sa akin kumain. Iba talaga kapag wasak ang puso noh. Ano pa ba ang hahanapin mo sa lalaking ito, nasa kanya na kaya ang lahat, kagwapohan, kayaman at not to mention siya ang may-ari ng kompanyang ito, wala ka ng mahihiling pa. Papasok na kami ng canteen at pinagtitinginan kami ng mga emleyado niya. Omg talaga! Can't imagine huh. Boss nila, ako ang kasama, Naka blouse lang at six pocket na pantalon at rubber shoes. " Paki ko, bahala sila, at ako'y nagugutom na. Lahat ng empleyadong makasalubong namin ay binabati siya at nagbibigay ng paggalang sa kanya. " Di ka po 'ata sanay kumain dito , ano sir? tanong ko sa kanya dahil parang balisa at di alam kung ano ang kakainin sa mga ulam doon. " Why you asking?" kunot-noong sagot niya. " Kasi nga po, kanina ka pa nakatingin sa mga pagkain, feel ko wala kang may-alam sa mga ito. Ito po, masarap 'to sir, promise". sabay turo ko sa ginataang tulingan. " Okey, kung anong sa'yo, ganun sa rin sa akin.' ngiti niyang sagot. "Wheeew talaga hah! sweet naman ng mokong na 'to. Oh, baka ayaw niya lang mapahiya na wala siyang alam sa mga ulam kaya ganun nasabi niya. Hindi na ako pumalag dahil pinagtitinginan kami ng mga tao roon. " Okey po". Siya na ang kumuha sa tray ng pagkain namin. Wow, gentleman. Sabagay, mabait naman talaga siya. Di mo lang minsan mabasa kung ano ang nasa isip niya. Pinili niya ang table na malayo sa maraming tao. " Are you okey? tanong niya sa akin. " Ahmm, yes po. Di lang po sanay makakuha ng atensyon ng ibang tao. Tingnan mo nga po sir, pinagtitinginan kaya tayo ng mga empleyado mo. ". " Hayaan mo sila. Let's eat". yaya niya sa akin. Magana akong kumain dahil nagugutom na talaga ako. Ngayon ko lang naiisip na may usapan nga pala kami ni Yanah. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ng pantalon ko ninatawagan siya. " Hell, Yanah, nasaan ka? nag lunch ka ba na? Saan ka ba ngayon? " sunod-sunod kong tanong. " Girl...sorry di na ako nakapagpaalam sa 'yo..may nagyaya kasi sa aking kumain sa labas. Nakalimutan ko ng e text ka. Sorry talaga friend hah." hinging paumanhin nito. " Naku, okey lang. Sige enjoy you lunch date my friend". tudyo ko sa kanya. Binaba ko na ang cellphone at inilagay sa bulsa ng pantalon ko. " So, where's your friend? tanong niya. " Wala po sir eh, may nagyaya ng kain sa labas kaya di niya ako makakasama ngayon". tugon ko sa kanya. " Buti nalang pala, sumama ako sa'yo. Malamang mag-iisa ka ngayon". tipid niyang sagot habang nakatingin sa akin. " Oo nga po. Pero okey lang din naman kahit mag-isa po. Sanay na rin magsolo sa buhay sir", sabay ngiti ng bahagya sa kanya. " Strong woman". tanging sabi niya. Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami sa opisina niya. Sabay pa rin kaming bumalik doon, and as usual, pinagtitinginan pa rin kami ng mga kasamahan doon. particularly, sa akin. Di ko inaasahan na may bsiita pa lang naghihintay sa kanya doon. ' Iba pala ang nagagawa ng broken hearted, hijo. " natatawang sagot nito. ' Nagbiso-biso ang dalawa, and to my schock, ang matandang nasa opisina niya ngayon ay ang matandang nakasabay ko sa eroplano noong papunta ako dito sa Maynila. And yes, ng makita niya ako ngayon ay nakilala niya agad ako. " Hija, ikaw ba 'yan? mangha niyang tanong sa akin habang nakakunot ang noo ng boss ko. "Opo." Masaya kong bati sa kanya. "Maliit lang talaga ang mundo hija. Dito pa tayo magkita sa opisina ng anak ko". sabi nito. " kayo po pala ang ama ng boss ko po". tipid kong tugon sa kanya. " Ano nga palang ginagawa mo dito hija?" tanong niya " She's working with me Dad", sagot ng anak niya. " Oh,'napapalatak na sagot ng kanyang ama, na para bang nanunudyo. ' Hiring ang maintenance department natin dad, kaya sakto namang nag-aaply siya, kaya siya ng kinuha. Not that bad, though. mahina nitong sabi pero dinig na dinig ko pa rin. Iniirapan ko nalang siya. " That's good for you hija". ngiting sabi ng Ama niya. Nagpapatuloy pa sila sa pag-uusap kaya bumalik nalang ako sa trabaho. Pina sort niya nga pala sa akin ang mga files na nagkalat sa cabinet ng opisina niya kaya doon ko nalang ibinaling ang atensyon ko. Isinuot ko ang headset at nakikinig nalang ng music. " So, dad..bakit ka andito?" tanong niya sa ama niya. " Binisita ka lang. I heard about your break up with Tanya. And to tell you honestly hijo, Im happy. Alam mong hindi ko gusto ang babaeng 'yun para sa'yo. Wala akong tiwala sa babaeng 'yon. And yeah, Ive never been wrong with my assumptions, sabay kindat nito sa kanya. " Nag momove-on na ako dad. Dont worry. I can handle myself". sabi nito. " Dapat lang hijo. But I hope that doesnt mean na maging matanda kanang binata, sayang ang lahi natin. And, you are not getting any younger". natatawang sagot ng ama nito. ' Thank you dad, sa suporta. " sabay yakap sa ama nito. " OH, paano aalis na ako. And please make your self available this saturday, uuwi ang kapatid mo. Magpapa welcome party ako sa bahay". saad nito. " Opo, dad". sagot niya. Hindi ko namalayan na nakaalis na pala ang dad niya habang ako naman ay patuloy lang sa paglilinis. May pa kembot2 pa ako at sinasabayan ang lyrics ng kanta habang nadadala sa tugtuging pinakikinggan ko. Paglingun ko s adireksyon ng couch niya ay nakatayo lang syang mag-sa doon at nakatingin ka akin. " Naku, sorry po sir. Na-iisturbo ko ba kayo? tanong ko sa kanya. " Nope. I just love the view. Continue your work." tipid nitong sagot. It's past 5:00 in the afternoon na at napagod din ako ng husto sa trabaho ko kaya umupo muna ako sa may couch niya ng may biglang kumatok. " Ako na po sir." ..offer ko sa kanya. Malamang, ako talaga, ako ang utusan dito eh..mag-isip ka Mariella." kastigo ko sa isip ko. "Magandang hapon po. Pizza delivery po." sabi ng isang delivery boy sabay abot ng dala nito sa akin. " Salamt din po". " Ahh, sir may delivery ka po. Ihahain ko na ba to para sa'yo?".tanong ko sa kanya. " Yes please.". Kaya dinala ko na ang plastic bag na may lamang pagkain at saka isinalansan ko na sa isang tray. Saka bumalik sa kanya. " Sir, kain na po." yaya ko sa kanya. Tumayo ito at saka lumapit sa couch kung saan nakalagay ang mga pagkain. " Opo ka na rin, Mariella.' sabayan mo na ako. " 'wag na po sir. Nakakahiya na po talaga sa'yo". ' wag ka na mahiya. Sit." utos niya sa akin na upo na rin lang ako. " Here". sabi niya sabay abot ng isang slice ng hawaian pizza pizza sa akin. Jusko naman Mariella" pinagsilbihan ka pa ng amo mo". sigaw ko sa isip. Iba din pala ma bord itong boss ko, bumabait kapag bord sa buhay. " Sige po. salamat nito." " Ahmm, may lakad ka ba sa sabado? tanong niya sa akin. " Wala po sir. Bakit mo naitanong? " I would to invite you to come to my brother's welcome party in dad's house, this coming saturday. If that's okey with you? " nabitin sa iri ang sanang isusubo kong slice ng pizza. Of all people na puwedeng imbitahin niya ay ako pa talaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD