Episode 8

1595 Words
Mariella's POV Abala ako sa paglilinis Ng pantry sa 25th floor Ng building particularly sa opisina Ng boss ko habang naka dikit ang headset sa tainga at nakikinig sa Taylor swift's song. Gusto Kong matapos agad ang trabahong ito dahil maaga akong lalayas sa opisina niya ngayon. Ngayon nga Pala ang unang araw sa enrolment sa university na pag-aaralan ko. Instead of fine arts, mag eenrol ako sa Journalism.this would be my birthday gift sa sarili ko. Ang mag-enrol ulit at mag-aral. Kaya maaga pa akong pumasok kanina at inaabangan ang pagdating Ng boss ko. Patapos na ako kaya tinanggal ko na ang headset at nagpagpag Ng alikabok sa pantalon ko. Sumilip ako sa glass wall Ng opisina niya kung andiyan na ba siya, and yes, there I saw him, nakatingin na Pala ito sa akin. Bigla akong naasiwa, lalo't naalala ko na naman ang nangyari noong isang araw at di pa ako naka get over at nag-ooverthink pa kaya nagbaba na agad ako ng tingin. Pinihit ko ang siradora Ng pinto at tumikhim. Nakatutok na siya ngayon sa kanyang computer. "Sir, magandang araw po. May ipapaalam po sana ako sa inyo". Nag-angat siya Ng tingin Saka nangunot ang noo. "Ano 'yun? kunot noong tanong nito. "Puwede po bang mag undertime, pupuntahan ko po kasi 'yung college na pag-eenrolan ko. " "Mag-aaral ka na ulit? dagdag tanong nito sa. akin. "Opo sir. May naitatabi naman po ako sa unang suweldo ko, kaya may pang-enrol na po ako". " Sasamahan na kita, Mariella. 'di mo alam ang pa sikot-sikot dito sa lungsod ng Maynila. " sagot nito sa akin. "Ay, 'wag na po sir. Kaya ko na po. Kasama ko naman po ang kaibigan ko". tugon ko sa kanya. Nakipag-argumento pa ako sa kanya ng biglang may pumasok sa opisina niya. Sabay kaming napalingon dito. It's the woman she danced with the whole night noong welcome party ng kapatid niya. Maganda nga ito, balingkinitan ang katawan at makinis ang mapuputing balat nito. Kasingganda lang din ito 'nung Tanya na ex ng boss ko. Kunsabay, gwapo naman din ang boss ko, para ngang may lahi itong turkish, sa tangos ng ilong at malamlam na mga mata, matangkad at ozzing s*x appeal ay siguradong hindi ito hihindihan ng mga babae. tsssk. " Hi, darling. " bati nito kay Sir Dave na super sweet ang tinig at ngiti sabay lapit at deretsong humalik sa kanya na animoy hindi ako nakikita sa paligid, kulang na lang ay kumandong ito sa kanya. " Oh, Ysabel, what brought you here? masayang tanong ni sir Dave habang ang babae ay nasa kanya ng harapan. "Abaw! Masaya pa ang senyorito! Biglang nagbago ang ihip ng hangin. Kanina ay parang aburido at di maka ngiti-ngiti. Girlfriend kaya niya 'yan"? tanong ng isip ko habang nakatingin sa kanilang dalawa. "wag ka na ng umasa Mariella! PInaglaruan ka lang 'yan". sigaw ng isip ko. Kesa kung ano-ano pa ang aking maiisip ay tumikhim nalang muna ako para mapansin ulit ang aking presensya ni Sir, saka pa bumalik ang atensyon niya sa akin. " Ahmm...excuse me po sa inyo, aalis na po ako sir. " Tumango lang siya ngunit matiim ang tingin sa akin. " "Atleast, magpa hatid ka sa driver ko." "galing ah, kanina gusto akong ihatid, ngayon naman okey nalang kahit sa driver. Himutok ng isip ko" Whatever, bahala! " Mang Domeng, pakihatid si Mariella, may pupuntahan siya. And please, pakihintay nalang din. " There's no need to that kuya, I can drive her to wherever she wants to go". Sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses. Naalaala ko siya. This is his younger brother. At ang siyang nakasayaw ko sa welcome party nito. Napaawang ang bibig ko habang nagkatinginan kami. Ang cute niyang ngumiti lalo't may dimples pa ito. It helps him look cutier at ang gaan ng awra. Parang walang problema sa buhay di tulad sa kapatid nito.. " Hi Mariella. It's nice to see you again". kindat nito sa akin sabay tanggal ng eyeshades. "naks! ang pogi". sigaw ng kinikilig kong utak. Pero mas gwapo at hot pa rin talaga ang nakatatandang kapatid nito na nasa harap ko rin. Ewan, pero mas nakakagwapo kasing tingnan ang lalaking matured na mag-isp, di ba?' maktol ng utak ko habang napasulyap sa kanya na ngayon ay tiim-bagang na nakatingin bunsong kapatid nito. Ngumiti ako sa kanya. " Hello po", ganting bati ko kanya kahit nakatingin sa amin ang dalawang nilalang sa office table. "I think, I'm just in time. May pupuntahan ka, kaya samahan nalang kita, wala naman akong ginagawa eh". ngiting sagot nito without looking at his brother na ngayon ay nag-aapoy na ang mga tingin sa galit". Anong problema nito" It's a statement from him, and not a question. "Sinong may sabing wala kang gagawin David. You will be appointed as the junior Marketing Manager ni papa sa kompanya natin. Kaya magiging busy ka. " tiim-bagang sagot nito. " It's okey darling. Hayaan mo na muna si David na samahan siya, mukhang bagay naman sila oh. Kasing edad lang ba kayo miss?" malanding tanong nito sa akin. " I'm 22 pa lang po". tipid kong sagot sa kanya. " Don't worry kuya. I'll be the most gentleman guy you'll ever see". pilyong sagot nito. Dahil naiinis ako kay sir Dave ay pinatulan ko na ang offer ng kapatid nito. Bahala na mga tingin nitong nagbubuga ng apoy. Wala akong paki. Wala ng nagawa si Sir Dave ng sabay kaming lumabas ng opisina niya at tinungo ang elavator pababa ng building. "Ahmmm, sir David, kasi nakakahiya naman po kung maaabala pa kita. Kaya ko naman po ang sarili ko" naiilang na sabi ko sa kanya. " It's okey Mariella. I told you earlier, wala akong ginagawa. 'Wag mo ng masyadong isipin ito. This is my treat na rin for you. I know, today is your birthday." Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Wala naman akong pinagsabihan kaya bakit alam niya. " Paano mo po nalaman sir?" manghang tanong ko sa kanya. " I have my ways, miss beautiful." nakangiting sagot. You know what, magaan ang loob ko sayo Mariella. Can we be friends?" " Oo naman po. na treat mo na nga po ako ng lunch eh. Nakakahiya kasi ako ang may birthday, pero ikaw ikaw po ang nanglibre. Maraming salamat po talaga". nahihiyang tugon ko sa kanya. " Don't mention it". ngiting sagot nito. Marami pa kaming napag-usapan kaya hindi namin namalayan ang oras. His phone rang. "Hello kuya, what made you call? pambubully nito sa kapatid. "So, si sir Dave pala ang tumawag sa kanya basi na rin sa naging sagot nito. Ano kayang sadya". tanong ko sa isipan. "Okey kuya, I'll be there. Patapos na rin kami sa lunch ni Mariella".... Hindi pa ibinababa ang phone nito, hudyat na nasa kabilang linya pa ang kausap at parang na amuse pa si David basi sa itsura nito. " Don't worry kuya. She's safe". tugon nito sabay halakhak. " Mariella, hinanap na ako ng magaling kong kuya. He's mad. Alam mo 'yun, nanggagalaiti ng sinabi kong kasama kita sa lunch. Aba'y nagalit. Ano bang meron sa inyong dalawa at concern na concern siya sa'yo? hmm?" nakangising tanong niya. " Wala naman po kaming ugnayan sir." Ilang taon na po ba 'yang kuya niyo? Para kasing nag memenopause na, minsan good mood, minsan naman masungit." di ko na nga lang pinapansin sir". " Matanda na 'yun, pero kita mo na naman, di halata sa edad niya. Kaya gusto na rin namin mag-asawa 'yan si kuya, para may baby na sa bahay namin". daldal nito sa akin. " A h ganun po ba, imposible naman po sa gwapong iyon ni sir Dave." tugon ko sa kanya. " Nagwagwapohan ka po ba? tudyo niya sa akin. " Oii, ikaw sir hah, iba naman kaya ang pagka-intindi mo sa sinabi ko". nahihiya kong sagot. Pero totoo naman talaga nga gwapo itong boss ko. Pero 'di na tayo mangarap pa ng gising, malayo sa katotohanan 'yun. " Alam mo, halika na, bago pa bumuga ng apoy ang kapatid ko sa opsina, kanina pa 'yun naghihitay sa atin". yaya ni sir David sa akin. " Sige po, maraming salamat po ulit sir David". ngiting pasalamat ko sa kanya. Tumayo na ako para umalis ng restaurant ng may humablot sa kamay ko. Nabigla ako ng pag-angat ko ng tingin ay si Sir Dave ang nakita ko. Galit na galit ito. Imbes na mag react ako sa ginawa niya dahil medyo nasasaktan ako sa ginawa niyang panghahaklit sa braso ko ay na shock na lang ang utak kong tiningnan siya. Binalingan ko si sir David ngunit nakangiti lang ito, at nag hands up sign pa..'di na ako nakapagsalita ng hinila na ako ni sir Dave palabas ng restaurant. dere deretso kami sa naka park niyang range rover na naka parking sa gilid ng kalsada. 'di na ako nanlaban dahil pagtitingin lang kami ng mga tao. Saka nalang ako mag-uusisa kong malayo na kami sa mga mata ng mga tao. Binaktas namin ang kahabaan ng Edsa road ng walang imikan. Hindi siya nagsasalita habang ako ay pa tingin-tingin sa kanya kung ano ng hitsura nya, galit pa ba o humupa na dahil tatanungin ko siya sa katatapos lang na pangyayari sa restaurant at kung saan niya ako dadalhin dahil hindi ito ang daan papunta sa opisina niya. Imbis na maiinis sa ako sa kanya ay pinakalma ko nalang ang sarili para iwas gulo na, baka kapag sinagot sagot ko ito ay tanggalin ako sa trabaho, paano na ang pag-aaral ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD