Episode 9

2133 Words
Sa kakaisip ko sa nangyari kanina sa restaurant ay nakatulog ako sa biyahe at hindi namalayan na ibang daan na pala ang binabaktas namin. Huminto ang sinasakyan namin sa harap ng isang magarbong gusali. It's luxury hotel somewhere in Taguig. Gusto ko sana siyang tanungin pero nahihiya naman akong magtanong lalo't nakasimangot pa rin ang mukha nito. Binati kami ng guwardiya at nagbigay galang ito particularly sa kanya, kahit ng mga staff ng hotel maging ang receptionist na animo'y kilalang-kilala siya. Dere-deretso kami sa elevator habang hawak-hawak niya ang kamay ko. I feel uneasy. His gesture were so sweet though hindi naman niya ako kinibo, at hindi ko rin alam kung anong meron sa amin at ganito niya ako kung i trato. Sa kakaisip ko ay hindi ko namalayan na nag ding na ang elevator hudyat na nasa top floor na kami. Lumabas na kami ng lift and he showed me the way, only to see na may naka standby na palang plane sa amin. Iginaya niya ako papalapit doon. I heard the Pilot na bumati sa kanya. I feel uneasy kaya huminto muna ako sa paglalakad. Hindi na maari 'to..baka kung saan pa ako dadalhin ng mokong na 'to. "Why you'd stop? tanong niya sa akin. "wag mo akong mag english, english bossing! Saan mo po ba ako dadalhin?" tanong ko sa kanya na may halong panggigil. " Aba'y kanina mo pa po ako hindi kinibo tapos, hindi ko pa naintindihan itong ginagawa mo, tapos ngayon, isasakay mo'ko sa plane na 'yan? Saang lumalop ng mundo ka po may ipapalinis sa akin?' Ang pagkakaalam ko po kasi, hanggang sa opisina lang ang magiging trabaho ko sa'yo?' sunod-sunod kong tanong sa kanya na may halong pagka-inis. " wag ka ng maraming tanong. Naiintindihan mo? I am the boss here, kaya wala kang karapatang magreklamo". mahina niyang sagot sa akin ngunit ang mga tingin nito'y animoy espada na tagos hanggang sa kaibuturan ng aking sistema. "kalmahan mo lang ang puso mo, Mariella". sigaw ng utak ko. " Bakit ba ganun siya kung makatingin s aakin, at kung maka holding hands, akala mo boy friend". tsssk! Paakyat na kami sa hagdan ng plane ng hinawakan ang kamay ko ng Piloto. " Be careful po ma'am. Here, I will assist you." "dont dare to touch her, or else you'll lose your job!". mala tigreng sigaw ni Sir Dave. I was shock and felt pity on the Pilot. Gusto lang naman nitong tumulong, buti nga eh tinulungan ako, siya pa ang galit. " Alam mo, di mo kailangang pagsalitaan ng ganun ang piloto. Tinulungan lang ako 'nun noh. Saka, kailangan ba agad tanggalin sa trabaho kahit 'yun lang ang nagawang mali, kung mali nga? Kayo talagang mga mayayaman...tsssk". mahaba kong litanya sa kanya. He didn't answer me. Bigla akong natakot ng umisod siya papalapit sa akin at magpantay ang aming mga mata. I saw how his adams apple go up and down while he's swallowing his own saliva. " Ayokong may ibang hahawak sa'yo, naintindihan mo?' sagot nito sa akin na kulang na lang ay magdikit ang aming mga labi sa sobrang lapit." tsssk...imbis na makipag argumento ako kay ibinaling ko na lang ang aking mga paningin sa alapaap. Lumalanding sa isang isla ang plane na sinasakyan namin. By looking at it, wow! its a heaven-like paradise. Mappuputi ang mga buhanging nakalatag sa isla na animo'y sinadya para gawing paraiso ang lugar. Ang langit ay ay humahalik sa tubig sa sobrang linaw nito. At nag numero unong sumalubong sa amin ay ang malamyos na daplis ng hangin sa aking balat. It's so refreshing. Parang gusto ko nalang dito tumira. Wala ka ng mahihiling pa. " Sir, sa inyo po 'to? Ang ganda naman po dito." saad kong natutuwa sa galak. Nakalimutan ko pansamantala ang inis sa kanya. Iginiya niya ako sa isang malapalasyong bahay na kulay puti ang pintura. Nakita kong may mag-asawang naghihintay sa amin sa bungad ng pintuan. " This is my house. Actually, the whole island. Kabibili ko lang nito last year. At itong bahay ay katatapos lang din. "Magandang umaga po aling susan, mang Delfin." bati niya sa mag-asawa sabay mano dito. nakiki mano na rin ako, baka sabihin wala akong respeto. " Kumusta po aling susan? mang delfin? pangungumusta niya rito. " Naku, okey lang po kami dito, hijo. Dali, pasok na kayo dito sa loob ng asawa mo. Hija, ang ganda mo". puri niya sa akin sabay ngiti. Palangiti si Aling Susan. Siya ang tipo ng babaeng madali mong makapalagayan ng loob. " naku po, di ko po asawa si sir Dave"..nahihiyang sagot sa kanya.. Natigilan si Aling susan at nagpalipat lipat ang tingin sa aming dalawa ni Sir Dave na ngayon ay deretsong nakatingin sa akin ang mga nangungusap nitong mga mata, at ako'y nalilito na. " asawa daw" " Ay naku talaga Susan, 'yang bibig mo walang preno. Mapapangasawa pa lang 'yan ni sir". ang daldal mo talaga, naku hija, pasensya ka na dito sa asawa ko, hah". hinging paumanhin ng asawa nitong si Mang Delfin. " Sige po sir, ihahanda lang po namin ang hapunan ninyo". Magpapahinga nalang po muna kayo. Handa na po ang kwarto ninyo", tugon ni aling susan. "ah, manang, pakiluto po ng paborito kong ulam, please"...lambing nito kay aling susan...tsssk...wow hah, malambing rin pala ito". " Right away sir". Maganang sagot ni Aling susan kay sir Dave na parang nasobrahan yata sa tuwa. "Shall we go upstairs?" tanong nito sa akin mula sa natulala kong isipan. "Okey po, sir". sagot ko sa kanya habang sabay kaming naglakad paakyat sa hagdanan ng 2nd floor ng mansyon niya. Doon ko kinuha ang pagkakataon para tanungin siya sa lakad naming ito. "Ah, sir kasi naguguluhan po ako eh. Bakit nga po pala dinala mo ako dito? Saka, ano po 'yung "asawa' na term ni Manang Susan? 'Di po kasi ako na inform eh" Oh, baka naman po, may asawa ka na talaga sir? Naku sir, baka mapagkamalan akong kabet niyan hah". " Wala pa akong asawa Mariella, at kung meron man, baka soon". klaro nitong tugon sa akin. " Talaga po ba sir. Sabagay, kailangan mo na talagang mag-asawa sir, di ka na bumabata eh"..pambubruska ko sa kanya na kaagad ay pinagsisihan ko dahil matalim na ang tingin nito sa akin. Hindi na ito nagsalita at dere deretso ang lakad papunta sa 2nd floor ng bahay niya. Sumunod nalang ako habang pinagmasdan ang kabuuan ng 2nd floor. " Saan ba dito ang ipapalinis mo po?' makulit kong tanong sa kanya. Hindi niya ako sinagot, instead ay dumeretso kami sa veranda ng 2nd floor. Sinipat ko ang kabuuan ng bahay niya maging ang veranda. Mula sa floor hanggang ceiling ng bahay ay masasabi mong sumusigaw ng karangyaan. Its design looks so elegant, dumagdag pa ang mga chandeliers na kumikinang sa mga mata mo sa sobrang ganda at mga muwebles na sa tingin pa lang ay alam mo ng mamahalin talaga. By looking at all this things, I suddenly hear my heartbet, " wag mo ng pagpantasyahan si Sir, Mariella. di ka nababagay sa kanya". "Hey, are you okey?' untag nito sa akin na ngayon ay nasa harapan ko na. He's holding a bouquet of flowers. I look stunned at the flowers she's holding. They are red roses which I love the most. "Happy birthday". tipid nitong sagot sa akin na ikinamangha ko. " Hala, paano mo po nalaman sir? manghang tanong ko sa kanya. "I have my ways". tipid nitong sagot. "magkapatid nga kayo ni David sir. Ganyan din sagot niya sa akin kaninang umaga, pero salamat po nito sir at may nakaalala sa akin".Hindi na po talaga kailangan ng ganito sir, pero salamat pa rin". tipid kong ngiti sa kanya. Naiilang na ako sa presensya at pinaggagawa niya, kung di lang kasalanang isipin kong in love ito sa akin eh, pero malabo naman yata, baka nagmamagandang loob lang. Buti na ring negative pa rin ang thoughts ko about love sa kanya, baka masaktan pa ang puso kong virgin pa sa pag-ibig, erasing the thoughts nung hinalikan niya ako sa opisina dahil it gives me a little ray of hope na may pagtingin siya sa akin. " Ahmm, sir? Saang banda po ba ako magsimulang maglilinis? tanong ko sa kanya. " Magpahinga ka lang muna, mamaya kana maglinis". sagot niya sa akin bago siya lumabas ng kwarto. Inilagay ko sa isang vase ang kumpon ng rosas at nilagyan ng tubig. Saka ako nahiga sa malambot na kama. Sa kakaisip ko ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagising nalang ako ng marinig na tumunog ang cellphone ko. Its Yanah. Oo nga pala, hindi ko na inform si Yanah sa whereabouts ko, siguradong nag-aalala na siya sa akin by this time. I look at the time on my clock, at its 7pm na pala. " Hello Yanah..... "Girllllll....saan ka na ba? Wala akong balita sa'yo buong araw. Gabi na ah, saan ka pa ba? " sunod sunod na tanong nito. " Hey, relax girl...okey lang ako. Actually, kas...... " You're awake. Nakapagpahinga ka ba ng maayos?' tanong ni Sir Dave na kapapasok lang sa kwarto kaya't nabitin ang sana'y sasabihin ko kay Yanah. Sumenyas ako na may kausap ako sa phone. " Yanah?...'wag ka ng mag-alala sa akin. Okey lang ako...sabihin ko nalang sa'yo pag-uwi ko diyan, okey? " Sigurado ka ba girl? bakit parang may kasama ka diyang lalaki? Bakit parang boses ng boss natin? Si Sir Dave ba yan girll? " Yanah, sabihin ko sa'yo pag-uwi ko, okey? " okey, mag-ingat ka noh"..bilin niya sa akin saka ko ibinaba ang tawag niya. " Let's eat? hintay na tayo nila Aling susan sa baba...sabi niya sa akin. "po? Hala grabe siya, nakakahiya naman po, sana'y hindi niyo na ako hinitay sir".... "hindi puwede 'yun, ikaw ang celebrant tapos hindi ka kasama sa hapunan". "sige po..maliligo lang ako saglit sir, okey lang ba? "okey, take your time. Just find anything on the closet nga kakasya sa'yo. ". sabi niya sabay punta sa may veranda ng bahay. Pumasok na ako sa loob ng banyo at naglinis ng sarili. The bathroom is so wide at parang ang sarili ko pa ang mahihiya sa sobrang kintab ng marmol na sahig na inaapakan ko. Sinipat ko rin ang mga nakalagay sa may estante na mga pabango at gamit pampaligo. May mga gamit na panglalaki, at meron ding pambabae. Palaging handa ah, palaging may gamit pambabae na nakadisplay in case may gagamit. tsssk. Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako ng banyo na nakatapis ng tuwalya niya. Wala namang tuwalya kaya sa kanya nalang ang ginamit ko. Hindi naman siguro yun magagalit. Lumapit ako sa may closet at naghahanap ng puwedeng maidamit ng mamangha nalang ako sa mga nakita doon. May mga undies na naka organize ng mabuti at mga damit pambabae. Parang bago pang bili dahil may tags pa ang mga ito. Sinipat ko kung kasya ba sa akin, and yes, voila! " Kasya ba sa'yo?" tanong ng tinig sa likod ko. I turned around and I saw him starring at me particulary sa dibdib ko. I feel uneasy. " Ahmm, yes po. Kasya po ito sa akin sir". Natataranta kong sagot dahil sa lapit ng distansya namin sa isa't isa. At mas lalong nababaliw ang isip ko ng bigla niya akong sinunggaban ng halik. Bakit ba sa tuwing hahalikan niya ako ay may kakaiba akong nararamdaman na hindi ko maipaliwanag. Imbes na maiinis ako sa ginawa niya ay bakit parang sa kaibuturan ng puso ko ay parang gusto ko naman ang ginagawa niya. " Open your mouth for me, sweetheart". ungol nito sa akin, and I do as what he says. Hinagod ng kanyang mga labi ang mga labi ko at pinaglaruan ito habang ang kanyang mga kamay ay nagsimulang tanggalin ang nakatapis na tuwalya sa katawan ko...shit! Doon ako biglang nagising sa pagpatol ko sa kanya at biglang kumalas sa pagkakayakap ko sa kanya. " Oh, s**t! dinig kong bulong niya as if ay isang pagkakamaling hinalikan niya ako. " oh, that was so sad"... asa ka pa" sigaw ng isip ko. " Get dress, hihintayin kita sa dining table. " sabi nito sabay talikod. Natulala ako sa kinatatayuan ko. Ano ba 'tong nangyayari sa akin. tsssk. " Mariella, 'wag kang ma fall sa kanya"! sermon ng utak ko habang hinahawakan pa rin ang mga labing kanina lang ay hinagod hagod ng kanyang mga labi. Kamuntik pang mahawakan ang kaselanang bahagi ng katawan ko. My god Mariella!" Nag-ayos na ako ng sarili ng maalala kong naghihintay nga pala sila sa may kainan kaya binilisan ko na ang kilos na para bang walang nangyayari pero it seems my mind controls everything dahil kahit sa pagbaba ko ng hagdan ay kabado pa rin ako mula sa nangyari kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD