Alas diyes na ng magising kami kinaumagahan. Its sunday kaya malaya kaming matulog hanggang gusto namin. Kung hindi lang nakakamatay ang mga titig ng boss ko kagabi ay hindi pa sana ako nagyayang umuwi kaya lang habang patuloy kong sinasakyan ang trip ng kapatid niya ay lalong nanggagalaiti siya sa galit sa akin. Ano bang problema 'nun. Wala namang kami at kung makaasta akala mo kung sinong selosong boyfriend.
Nawala ang aking antok ng mag ring ang cellphone ko. Hindi naka phonebook sa akin ang number pero sinagot ko pa rin.
" Hello'...
" Please come to my office right now". May ipapalinis ako sa'yo." Yun agad ang narinig ko sa kabilang linya. It was him, at araw ng linggo ay pinagpatrabaho ako. Iba rin mag hang over, nagpapalinis ng opisina. Nag-iwan nalang ako ng note kay Yanah dahil naghihilik pa ito sa sobrang kapaguran. Pikit-mata akong pumunta ng opisina niya kahit gustong gusto ko pang matulog. "tiis-tiis lang Mariella, may pangarap ka pa, kailangan mong mag-ipon ng pampa-aral sa sarili mo", sigaw ng isip ko.
Dumating ako sa building ng kompanya niya. At dahil linggo pa ay nagtataka si manong guard kung bakit papasok ako sa ganoong oras. Sinasabihan ko nalang na pinapatrabaho ang boss namin. Tumango nalang ito bilang pagsang-ayon. Pumasok na ako ng building at tinungo ang elavator papunta sa opisina niya.
Kumatok muna ako bago tuluyang pumasok ng walang magsalita. Ano naman kayang ipatrabaho niya sa akin gayung maayos naman ang opisinang ito', tanong ko sa isipan.
" Kanding na may bangs!! bulalas ko ng panglingun ko ay nasa likuran ko na siya.
" Ano ka ba naman po sir, nanggugulat ka eh", reklamo ko sa kanya. Muntik ng malaglag puso ko sa'yo". dagdag ko pa, ngunit ng mataman niya lang akong tiningnan ay napatikom ako ng bibig sa sinabi ko.
" Ahmm, ang ibig ko pong sabihin sir ay nagulat po ako sa biglang pagsulpot ninyo", sabi ko sa kanya. Hindi siya sumagot at sa halip ay humakbang palapit sa akin. Napaatras ako hanggang sa dingding nalang ang nasa likuran ko.
" What did you do last night? matalim nitong sagot sa akin.
Alam ko na tungkol saan ang tinatanong niya. Napayuko ako sa sobrang lapit ng mga mukha namin. Kakikilala mo lang sa kapatid ko ay sobrang lapit niyo na agad sa isa't isa. Bakit, niligawan ka ba niya, hmm? tanong nito sa akin na nalalanghap ko na pati hininga at kaluluwa niya.
" Hindi po. Nakipagkaibigan lang po siya sa akin. Kung ayaw niyo naman po sa akin para maging kaibigan ng kapatid niyo, ay siya po ang pagsabihan mo dahil siya naman ang lumapit sa akin.", mahaba kong sagot sabay walk out sa harapan niya ngunit di ko inaasahan ang ginawa niya. He grab ky hands at hinalikan ako. That was one torid kiss. Ano ba 'yan, bakit palagi nalang akong may kakaibang nararamdaman sa tuwing hahalikan niya ako.Feels like gusto ko rin ang nangyari ngayon. Nahigit ko ang aking hininga mula sa nangyari.
" Higit pa diyan ang gagawin ko kapag pinagpatuloy mo pa ang pakikipaglapit sa kapatid ko". mariin nitong sagot
Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya kaya umalis na ako bago pa may gagawin na naman siyang kakaiba.
Paglabas ko ng opisina niya ay saka lang ako nahinga ng maluwag. Naglakad hanggang makarating ng elevator at lumabas ng building.
Dave's POV
What brought you here in my office, huh? pikon kong tanong sa magaling kong kapatid.
" Siyempre, binisita ka kuya". ngising sagot nito sabay salampak sa counch ng sala ko habang umiinom ng beer.
" O, tapos ano? Nagkita naman tayo sa party nung isang gabi, ba't di mo 'ko kinumusta? Inuuna mo pa ang pambabae ". singhal ko sa kanya.
Kuya naman, busy ka kaya kay Celine, kaya 'di na kita inabala, sakto naman may binibining maganda, doon nalang muna ang atensyon ko kesa naman kulitin kita . ", paliwanag nito habang tumutungga ng beer. "Kilala mo ba ang babaeng 'yun kuya? Sa kompanya daw 'yun nagtatrabaho, sabi niya sa akin. So, andito sya ngayon? Nasaan siya?
Sa sinabi ng kapatid ko ay naalarma ako. Hindi puwedeng maunahan ako ng kapatid ko.
"wag mong galawin ang babaeng 'yun David". seryoso kong sagot sabay tungga sa bote ng beer.
" Bakit naman kuya? ngising sagot nito.
" 'Wag mo yung isali sa mga listahan ng mga babaeng pinaglaruan mo, maliwanag? tugon ko sa kanya.
"Kuya naman, I'm already 27, nagbagong buhay na ako. I'm done with some stupid chicks. Seryoso na ako ngayon sa buhay. " sagot nito na may pangungumbinsi sa akin.
" David! Sinabi ko ng 'wag mo ng itutuloy 'yang gagawin mo!
" The, give me your valid answer kuya kung bakit hindi ko i pupursue si Mariella. Oh, by the way, Mariella nga pala name nun, nag-uusap kaya kami sandali bago sila umalis". pagmamayabang pa nito.
" Basta, wala ka na roon".
" Kung hindi mo rin lang sabihin sa akin, ay di bali nalang. Bukas, bibisitahin ko siya dito". ngising sagot nito.
" F*ck David! Kailangan ko pa bang ipaintindi sa'yo ang rason! Alam mong bata pa 'yun si Mariella, inosente at gusto pang makapagtapos ng pag-aaral. 'wag na wag mo syang idagdag sa listahan ng mga pinaiyak mo". " warning ko sa kanya.
What made you think na lolokohin ko nga sya kung sakali, huh? Are you threatened kuya? O mas tama bang sabihin nating concerned ka sa kanya? ngiting tuso nitong tanong.
" It's not what you think, David!' singhal ko sa kanya. "You can leave kung wala ka ng kailangan, and by the way, kung siya ang ipinunta mo dito, wala siya, okey?
"Sige, but at least can you give me her number kuya? Matatawagan ko man lang". seryoso nitong sagot.
" I dont have her number. Balik ka nalang bukas kung gusto mo, now if you'll excuse me, marami pa akong gagawin David". walang gana kong sagot.
"Okey Kuya, thanks". ngiti nitong sagot saka lumabas ng opisina.
I stared at his back while walking to the exit door until he's gone in my sight. I heaved a deep sigh thinking of what just happened a while ago. Buti nalang nangyari yun ng hindi pa dumating si David at hindi niya nakita. Hindi ko makontrol ang aking sarili thinking that she's dancing with my brother last night, and it seems they were enjoying the night together. I have been inlove before pero kakaiba itong pinadama sa akin ng bagong maintenance namin. She's smart, beautiful and angelic face with so much innoscence about love, and looking at her that near, can't almost control what I feel for her, kaya nahalikan ko ng wala sa oras ang mga malambot niyang mapupulang labi na animo'y nanghihikayat. That was so tempting.