"Ladies and gentlemen, we have just landed at Ninoy Aquino International Airport. Cebu Pacific Air welcomes you to Manila on behalf of your flight deck crew headed by Captain Baltazar and First Officer Pimentel and the rest of the team. We thank you for choosing Cebu Pacific Air, your airline of choice."
Ito ang tinig na nagpapagising sa akin mula sa mahimbing kong pagtulog. Hudyat na malapit na maglalanding. Inayos ko ang upo dahil hindi ko pala namalayan na nakahilig na ang ulo ko sa katabi ko. Siguro dahil na rin sa sobrang antok at overthinking ay nakatulog agad ako sa biyahe.
Sinulyapan ko Ng bahagya ang katabi ko at nabigla ako ng nakatingin din sya sa akin. By looking at him, mahuhulaan mong nasa 70s na ang taong ito. Prominente, makikita mong matikas pa rin ang itsura kahit nasa ganoong edad na. Ngumiti ito sa akin.
"ahm..sorry po, Hindi ko po napansin na nakahilig na Pala ang ulo ko sa balikat mo po, sir", hinging paumanhin ko sa kanya.
"Walang anuman hija. Ilang taon ka na ba?" tanong niya sa akin.
"22 pa lang po". sagot ko sa kanya.
"Ang bata mo pa. Ano ang gagawin mo dito sa Maynila? Mag-iisa ka lang?"
"Actually po, makikipagsapalaran ho ako dito, ulila na po akong lubos kaya kakayod po para maitaguyod ang Buhay". ngiting sagot ko sa kanya.
"May matutuluyan ka na ba dito sa Maynila?" tanong niya sa akin.
"ahmm Wala pa po..siguro maghahanap na lang po Muna ako Ng boarding house Saka ko po iisipin na maghahanap Ng trabaho dito".
"nakatapos ka na ba Ng pag-aaral hija?"tanong nya ulit.
"Hindi rin po eh. Mula Ng mamatay ang mga magulang ko ay huminto na po ako sa pag-aaral. Hanggang second year college lang po ako." ngiti kong sagot sa kanya.
Mataman lamang niya akong tiningnan.
"Alam mo hija mahirap makahanap Ngayon Ng magandang trabaho lalo't Hindi ka nakapagtapos Ng pag-aaral". sagot niya sa akin.
"Oo nga po eh. Siguro kahit sales lady lang ay okey na po sa akin. Ang importante ay may trabaho po ako at mabuhay ko ang aking Sarili". tipid. Kong sagot habang isa-isang tsinitsek ang mga gamit ko babago bababa ng eroplano.
"Alam mo hija, puwede ka aking Bahay tumuloy. Puwede ka doon muna mamalagi sa bahay ko kung gusto mo. Ako lang naman ang nakatira sa bahay dahil may Sarili na ring bahay ang Anak ko..Yung Isa Naman nasa states nagtatrabaho.
Napatda ako sa itinuring niya. In my mind, baka gawin pa ako nitong kabit, naku 'di bali nalang mamulubi ako sa kalye. Pero tingin ko naman sa matanda ay mabait ito at mapagkakatiwalaan. Siguro, nagmamalasakit lang talaga sa akin.
"ay, salamat nalang po. Pero kaya ko lang po ang Sarili ko". tipid kong tugon sa kanya.
"oh, Sige, Ikaw ang bahala hija."buntong hininga nito.
Pero bago ito bumaba ay lumingon ito.
"Mr. Dante Montero nga Pala hija, ito ang calling card ko kung sakali man magbago ang isip mo, ingat ka sa pakikipagsapalaran dito". may pag-uunawa niyang tugon sa akin.
"Naku maraming salamat po dito sir. Hayaan niyo po, tatawag ako kung kakailanganin ko ang tulong niyo, ingat po". sabi ko sa kanya habang kumakaway.
Paglapag ko mula sa eroplanong sinasakyan ay bumungad kaagad sa akin ang hanging mula sa Syudad Ng Maynila. Tinungo ko ang labas Ng airport at doon ay kinuha ko ang cellphone at tinawagan c Yanah. Sya ang best friend ko mula pagkabata at siyang tanging kakilala ko dito sa Maynila.
"Yanah, andito na ako sa airport. Saan ka na ba?"
"girl....andito na ako oh...
paglingun ko sa boses ng nagsasalita ay nakita ko siya na ngiting ngiti habang kumakaway sa akin.
"girl...na miss kita" , sabay yakap sa kanya.
" na miss din kita girl, sorry for your loss hah..
"thank you Yanah. " Saad ko sa kanya.
" let's go? Yaya niya..
Hawak-kamay kaming lumabas ng airport at pumara Ng taxi.
Habang binabaybay namin ang kahabaan ng Edsa road ay patuloy naman ang kuwentuhan naming dalawa tungkol sa mga kaganapan sa aming buhay.
"girl, andito na tayo sa boarding house ko. Baba na tayo".
" Okey". tipid kung ngiti sa kanya.
Pagkababa naming sa sinakyang taxi ay bumungad kaagad sa amin ang mga batang naglalaro sa tabi ng kalsada. Dikit-dikit ang mga bahay. May mga Aleng nagkukwentuhan sa may tab ng mga tindahan kasama ng kanilang mga asawang-iinuman.
" Hello po ate Yanah". bati ng isang batang bungisngis.
" Hi Starla, ang pawis mo na 'ah. uwi ka nga muna sa inyo at magbihis"...natatawang tugon ni Yanah.
" Opo ate Yanah." tungo ng batang si Starla.
Pagkatapos ng usapang iyo ay dumeritso na kami sa loob ng bording house niya. Maliit lang ito. May maliit na sala at maliit na lamesa kasya ng pandalawang katao lamang. May maliit na lababo at patungan ng gasul at sa gilid nito ay ang comfort room habang sa kanang bahagi naman ng sala ay ang pinto ng kwarto niya.
" Ikaw lang ba ang nakitira dito girl? tanong ko sa kanya.
" Yes girl. Dati may kasama ako dito kaso nag-asawa na kaya ayon umalis na rin. Oh sige na, ipasok mo nalang sa kwarto yung mga gamit mo, at magluluto lang ako saglit ng pagkain matin, okay?
" Thank you talaga Yanah hah. Hayaan mo 'pag nakapagtrabaho na ako ay makakabawi rin ako sa iyo". sabay yakap ko sa bestfriend ko.
Simula kasi pagkabata, siya na ang pinakamalapit kong kaibigan dahil magkapitbahay lang din kami. Sabay kaming nag-aaral noon sa elementary at high school. Kaya lang ng mag kolehiyo na ay lumuwas siya ng maynila at dito nakikipagsapalaran dahil sa hirap ng buhay. Dito siya nakapagtapos ng pag-aaral dahil naging working student siya dito. Sa awa ng Dios ay nakapagtapos at ngayon ay nagtatrabaho na sa isa sa mga malalaking kompanyang dito sa metro samantalang ako ay naiwan doon sa probinsya namin at pilit na pinag-aral ng mga magulang ko kahit mahirap ang buhay. Kaya lang ng dumating ang dagok sa buhay namin ay huminto na ako sa pag-aaral at nagtatrabaho nalang pang maitaguyod ko ang aking sarili hanggang sa naisipan Kong makikipagsapalaran dito sa Metro Maynila gamit ang natitira Kong savings. Kaya naisipan Kong kontakin sa f*******: itong kaibigan ko at awa ng Diyos ay hindi naman ako nabigo.
Nahinto lang ako sa pagmumuni muni ng katukin ako sa kwarto ni Yanah.
"Girl, tapos ka na ba dyan? kain na tayo". yakag niya sa akin.
" yes girl. Lalabas na". tugon ko sa kanya.
" Wow ang sarap ng niluto mo girl.... puri ko sa kanya.
' Alam mo, mula ng tumuntong ako dito sa Maynila, natuto na akong gumawa ng mga ganyan. Naging working student kayak ako. Ikaw ba girll...ano ng Plano mo? tanong niya sa akin.
" Mag-aaply ako ng trabaho girl, kahit ano...oh di kaya, mag wo-working student Para makatapos ng pag-aaral". tugon ko.
' Ay, tamang-tama girl. Nag hiring ang kompanyang pinasukan ko ng utility. Okey Lang ba kahit ganun na muna ang maging trabaho mo?
" Oo naman girl...sige bukas din ay mag-aaply ako." may siglang tigon ko sa kanya.
Kinabukasan nga ay maaga akong nagising. Maingat Kong hinawi ang kumot at tinupi para hindi magising si Yanah. Naligo ako at saka ay nagluto ng puwedeng maging agahan namin. Nagprinto lang ako itlog at may chorizo rin sa maliit na fridge niya kaya niluto ko rin at saka nagtimpla ng kape Para sa aming dalawa bago ko sya ginising.
" Girl..pasensya na pinakialaman ko ang kusina mo. Nagluto na rin ako". kain na tayo? ngiti Kong tugon sa kanya.
" Ano ka ba..Okey lang yun noh..ready ka na ba today?
' Oo naman girl...para sa kinabukasan". natatawa Kong sagot sa kanya.
Kaya naman pagkatapos naming kumain ay nagbihis na kami Para sabay ng pupunta sa pinagtrabahuan niyang kumpanya. nagsuot Lang ako ng paldang hanggang tuhod at turtle neck na blouse na pinatungan ng black blazer. inilugay ko Lang ang buhok kong hanggang balikat at naglagay ng kaunting make up at lipstick para hindi naman magmukhang zombie kahit utility lang pag-aaplayan ko.
" Girl..omg? ang ganda mo dai. mangha niyang sabi sa akin.
" Ano ka ba naman girl...simple nga Lang 'to noh...alangan naman di ako magbihis kahit pagiging utility Lang aaplayan ko" naka pout kong saad.
" ang ganda mo nga eh. Pang executive yang datingan mo kaya". puri niya sa akin.
' Alam mo, lets go. Baka ma late pa tayo dhai'...yaya ko sa kanya habang natatawa.
Sabay-sabay na kaming lumabas ng bording house na nagtatawanan. Habang naghihintay ng trisikel na masasakyan naming papuntang labasan ay may tumawag sa kanya.
" Hi yanah, good morning. pakilala mo naman ako diyan sa kasama mo". nakangiting sabi nito.
" Hi Gerald..ay oo nga pala, Si Mariella ito, best friend ko mula sa probinsya. Mariella, Si Gerald nga pala, kaibigan ko. Taga dito lang din." pakilala niya sa akin.
' Hi Mariella". nakangiting bati ni Gerald sa akin habang nakikipag-kamay.
" Hi din, Gerald". tugon ko sa kanya habang nakikipag-kamay.
' Saan nga pala ang Punta niyo Yanah? baling tanong nya kay yanah.
" Ahmm, papasok na sa trabaho Gerald, at itong ni Mariella ay isasama ko, at mag-aaply din siya doon sa kompanya namin".
' Naku, kung ganun, sabay na kayo sa akin, madadaanan ko naman ang building niyo papunta sa working place ko". yaya niya sa amin.
" Okey lang ba Gerald?" tanong ni Yanah kay Gerald na ang mga mata'y sa akin nakatingin kaya medyo naasiwa ako.
" Oo naman lalo na't mga magagandang dilag ang mga kasama ko.." pabiro nitong tugon na sa pakiramdam ko ay may laman habang walang mintis ang tingin sa akin.