Yung akala ko magandang mood ko noong gabi ay magtutuloy tuloy na, pero hindi pala. Sabay sabay kaming nag agahan nila Ram at Veronica. At taliwas sa dati ay maingay si Ram, usap sila ng usap ni Veronica. They are both trying to engage me pero wala ako sa mood.
But I did not became a b***h about it. Naiintindihan ko naman, na matagal sila na hindi nagkita dahil kakauwi lang galing Barcelona ni Veronica. Taga Cauayan sya at naging magkaklase sila ni Ram since High School. Pagkagaling raw ni Ram sa pinuntahan nya ay nagkasalubong sila kaya nagkaayaan sila sa bar, pero kasama naman nila ibang kaibigan nila.
"Ano pala trabaho mo, Beatriz? Mukha kang modelo." Another attempt in joining me in the conversation.
Nilunok ko muna ang kinakain ko. "I work at a travel magazine company." Tipid na sagot ko. Inaasahan ko na just like the first ones ay tapos na at mamaya na naman sya magtatanong.
"Talaga? Pangarap ko rin yan dati. Tingin ko noon, mas bagay ako sa mga pagsusulat ng mga babasahin, articles." Nagkibit sya ng balikat. "Pero nauwi pa rin ako sa pagtuturo." Tumawa sya at humarap kay Ram.
Tumawa rin si Ram. "Bagay naman sa'yo ang magturo. Siguradong marami matututunan sayo ang mga bata."
I secretly rolled my eyeballs. Gusto ko na matapos na 'to. I hate feeling out of place, and I hate the feeling na hindi sa akin naka focus si Ram. Okay, fine. Selfish na kung selfish. Pero nasa akin ang buong atensyon nya the whole time na nandito ako. Sanay ako sa ganoon.
Nakahinga ako ng maluwag nang matapos na kami kumain, pero napa simangot na lang ako nang malaman ko at nang magpaalam sa akin si Ram na sya ang maghahatid kay Veronica. And I am hating myself bakit ganito nararamdaman ko.
Mismong si Ram na ang nag assure na magkababata lang sila. So wala ako dapat isipin na kung ano.
Pinilit ko na lang ngumiti kay Veronica bago ako hilahin ni Ram sa kwarto para magbihis sya.
"Pasensya ka na, may dadaanan rin kasi ako kaya ko na lang ang maghahatid kay Veronica." Sabi nya nang magsimula na syang maghanap ng isusuot.
"O-okay lang naman, ano ka ba." I laughed a little. Plastic mo, Bee!
Napatigil sya sa paghahanap ng damit at humarap sa akin. "Maglibang ka na muna. Bukas lalabas tayo."
Tiningala ko sya. "You mean, like.. Ililibot mo ako? As in? May mall naman na malapit dito diba?" Bigla ay na excite ako.
Tumawa si Ram. "Oo naman. Ngayon sana kita aayain, nagkaroon lang ako ng plano."
"Okay lang." Sabi ko. May pakunswelo naman pala.
Mariin nya akong hinalikan bago sya nagpaalam at lumabas na. Nag stay na lang ako sa kwarto nya at nagpa gulong gulong sa kama. That's when I decided na magbasa ng magazine na nasa library sa may manggahan. I got four fashion magazines with me at naglakad ako papunta sa manggahan.
Nasa duyan ako, ramdam na ramdam ko ang simoy ng hangin. Nagulat na lang ako nang dalhan ako ng isang tray ng isang katulong na may laman na isang slice ng cake at well, softdrink.
"Nako, salamat ho. Hindi na po sana kayo nag abala." Tuwang tuwa na sabi ko.
"Ayos lang hija." Nakangiti na sabi nya. Now, this one's different than the others. Genuine ang ngiti nya at hindi nya ako sinisimangutan o iniirapan.
"Nakakatuwa naman po kayo." Hindi ko mapigilan na sabi.
"Alam ko hija na medyo hindi maganda ang pakikitungo sa iyon ng ibang kasama ko dito. Ako na magpapasensya. Hindi kasi sila sanay. Aminado ako na iba ang tingin namin sa mga babaeng galing sa Maynila."
Napakurap kurap ako nang sabihin nya iyon. "A-ayos lang po iyon. Masasanay rin ako."
"Hindi, hija. Wag kang mag alala, sila rin ang masasanay. Nakikita naman namin kung paano naging masigla ulit si Sir Ramiel. Dati puro trabaho lang yan at uuwi lang para kumain o matulog."
Napakurap ako. "Talaga po? Halata nga na workaholic."
Tumawa ang katulong. "Sige, maiwan na kita. Wag mo na lang sila papansinin, hija."
"Sige po, salamat."
Gumaan ang loob ko dahil hindi naman pala lahat ng katulong rito, kaaway ko. May isa akong kakampi. Ubos ko na ang cake at softdrinks at engrossed pa rin ako sa pagbabasa when I heard a motorbike coming nearby.
Napa upo ako ng maayos at isinara ko ang binabasa ko na magazine. A guy riding an ATV came near. Itinigil nya ang ATV ilang metro ang kayo sa akin. He was wearing a faded maong jeans, naka itim na tshirt sya na pinatungan ng chekered polo na bukas ang mga butones. Naka boots rin sya. May suot na dogtag.
Maputi ang lalaki. At pansin ko ang hawig nya kay Ram. Only, this guy has this boyish look and grin. Nakataas ang buhok nya at kapansin pansin ang brown na brown na mata nya.
"Hi!" Malawak ang ngiti ng lalaki. Para rin syang model maglakad papalapit kaya hindi ko naiwasan mapalunok. Saan nanggagagling ang mga lalaking kagaya ni Ram at ng lalaki na ito?
"Uhm hi?" Hindi ko alam ang sasabihin.
"Are you new here?" Tumayo sya sa harap ko. His hands in his waist at malawak ang ngiti nya.
"Uh, b-bisita ako sa h-hacienda."
Tiningnan nya ako mula ulo hanggang papa, it made me uncomfortable.
"I see. I'm Heron." He extended his hand into me. Tumayo ako at inabot iyon.
"B-Beatriz. You can call me Bee."
"Is Ram here? Pinsan nya ako. May pag uusapan sana kami, hindi na ako nagkaroon ng chance maabisuhan sya. I just came home from Miami and went straight here." Maalwan ang mukha nya, parang laging masaya.
Pinsan pala ni Ram, kaya mnagkahawig sila.
"Umalis kasi si Ram. Hinatid nya sa Cauayan si Veronica tapos may dadaanan pa raw sya." Nakatingin lang ako sa kanya. Parang ang sarap kurutin ng mukha nya. He's too white.
"Oh. Veronica's here?" Gulat na tanong nya. "Nakauwi na pala sya from Barcelona." Umiling iling sya. "Anyway, pasensya ka na kung unang kita pa lang natin ang daldal ko na." Nagkamot sya ng ulo na parang nahihiya. His boyish grin welcome me.
"No, it's fine. Wala rin naman ako makausap. Kaya lang, hindi ko alam anong oras babalik si Ram." Kibit balikat na sabi ko.
"It's fine."
He clapped his hand. "So you are Ram's what?" Malawak ang ngiti na tanong nya.
"Friend." Automatic na lumabas iyon sa bibig ko. I wanted to say more than that but really, ano ba kami ni Ram? Kaysa ma depress ako kakaisip, mas appropriate pa na kaibigan na lang.. for now.
We may like each other, pero wala naman kaming pormalidad. I am not the type to assume and such. Gusto ko, concrete o napag usapan talaga.
"Oh, really? I never knew Ram would have a friend from the city. I mean, you're obviously not from here, right?"
"Ah, actually I came here for this article I was writing tapos eto, nag stay na muna ng ilang araw. Halika, pasok na muna tayo. Nakakahiya naman sayo." Aya ko sa kanya.
Nagkwentuhan kami habang naglalakad kami paikot sa harap. Ilang metro rin kasi ang layo. I learned that Heron's dad and Ram's dad are brothers, pero base sa kwento nya ay parehong patay na ang mga ama nila. Mga kapatid na lang daw ni Heron ang kasama nya sa bahay nila rito sa Isabela. His mom, nasa Miami na naka base.
Nalaman ko rin na older sister pala ni Ram ang mama ni Raisa.
Palapit na kami sa main entrance at nakikinig lang ako kay Heron. Madaldal sya, unlike Ram. Tingin ko ka edad ko lang si Heron, pero pwedeng mas bata pa. Napatigil na lang kami sa paglalakad when we heard a clearing of the throat.
Nasa tabi ng silverado nya si Ram at nakatingin sa amin.
"Ram!" Si Heron ang unang lumapit kay Ram. I just stood there at tiningnan lang silang magpinsan.
Now that they are next to each other ay mas lalong kita ang pagkakahawig nila. Pwede silang maging magkapatid. Halata ang tuwa ni Heron na makita ulit si Ram. Matangkad lang ng kaunti si Ram sa pinsan nya. Matapos nila magkamustahan ay tiningnan ako ni Ram.
"Ah, na meet ko na bisita mo. Sya naabutan ko dun sa may manggahan, doon ako dumaan. Akala ko kung sinong naligaw dito. Sya rin nagsabi na umalis ka nga. Hindi ko alam na nagpapapunta ka na pala ng kaibigan dito." Heron said, sliding his hands into his pant's pockets.
Imbes na sumagot ay nanatiling nakatingin lang sa akin si Ram. Ngumiti ako sa kanya. Maya maya lang ay iniwan nya si Heron at naglakad palapit sa akin na hindi inaalis ang tingin sa akin. Akala ko ay may sasabihin lang sya kaya nakatingala lang ako sa kanya, pero nagulat ako nang hapitin nya ako at bigla nalang halikan.
Kita ko sa gilid ng mata ko ang pagkagulat ni Heron. Napapikit na lang ako when Ram's tongue slid into mine. He was making me feel his hunger. I moaned because of the way he was expertly kissing me. Napakurap na lang ako nang bigla syang humiwalay.
"She isn't just my visitor. She's my woman, Heron." Maya maya ay seryosong sabi nya sa pinsan nya.
Kita ko na napakurap lang rin si Heron habang ako ay hindi pa rin maka get over. Nasa bewang ko pa rin ang isang braso nya at natulaa na lang ako.
"Let's get inside." Maya maya ay sabi nya pa.
Sumunod na lang ako sa sinabi nya while his arm is still on my waist. Sumunod na lang rin sa amin si Heron na alam ko'ng confused pa rin. I told him na magkaibigan lang kami ni Ram, which is partly true, dahil hindi ko naman sya boyfriend or what.
"Ram.." Anas ko habang naglalakad kami papasok. Tiningala ko sya, pero nakita ko lang ang pag galaw ng adam's apple nya at diretso pa rin ang tingin nya sa dinadaanan namin.
Nilingon ko si Heron, at natawa ako kasi nakangisi sya sa akin tapos kumaway pa. Ngumuso lang ako. Pakiramdam ko tuloy super close na kami agad. Mukhang playful rin kasi.
Tumigil kami at humarap kay Heron. "Mauna ka na sa library, I just need to change." Seryoso pa rin na sabi ni Ram.
"Uh sure, sure. Take your time. I'll be waiting." Ngumiti at tumango lang si Heron. Kumindat sya sa akin at tumawa ako pero bigla bigla na lang ako hinila ni Ram at kung hindi nya ako hawak ay baka madapa ako.
Tahimik lang kaming naglakad papunta sa kwarto nya. Binitawan nya ako nang makapasok na kami at binuksan ang aircon. He stayed in front of it for a while bago sya humarap sa akin na nakapamewang.
"Are you flirting with my cousin, Beatriz?" Malumanay na tanong nya, pero salubong ang kilay nya.
"What?" Napanganga ako sa tanong nya. At bakit kanina pa nag i English si Ram? Anong meron?
"Do you like Heron?" Naglakad sya palapit sa akin.
"Okay ka lang? Nag uusap lang kaya kami! I am not flirting with him, pwede ba?" Inis na sabi ko. I crossed my arms at tiningala ko sya.
"Bisita? Kaibigan? Is that what you told him? Na bisita at kaibigan lang kita? What are we, f*****g friends?" Mas mariin na ang bawat salitang binibitiwan nya.
Imbes na mainis, I found it amusing.
"Nagseselos ka ba, Ram?" Tinitigan ko sya.
Napatikom ang bibig nya bigla tapos tumingala sya. Napabuga sya ng hangin.
"Hindi ko naman kasi alam kung ano tayo.. T-tsaka nagkekwentuhan lang naman kami." Mahinang paliwanag ko.
Humarap sya ulit sa akin. "We're not just friends, Beatriz."
"Eh ano nga tayo? Hindi ko naman kasi alam.." Pakiramdam ko bigla akong maiiyak na lang. Napanguso ako.
"We're exclusives. We like each other. You're mine, I am yours. Alright?" Halata ang finality at frustration sa boses nya.
Tumango ako at ngumiti bago lumapit sa kanya at yinakap sya. "Ang cute mo pala magselos, Ram. Napapa English ka ng wala sa oras." Mahinang sabi ko.
Hinawakan nya ako sa mga balikat ko at inilayo sa kanya. Nagsalubong ang mga mata namin. "Well talk later. Kakausapin ko lang si Heron. Business."
Tumango ako.
He pulled me in again to give me a kiss in the forehead bago nya ako iwan. Pakiramdam ko isa na akong puzzle na unti unting nabubuo sa bawat araw na nakakasama ko si Ram.
And I am looking forward now for more days with him.