"C'mon, say a sentence in full English." Playful na sabi ko kay Ram.
Nakaupo kami sa likod ng truck nya at kasalukuyan kaming nanunuod ng sunset. Isinama nya ako sa taniman ng mga bawang and we decided to just stay there and watch the sunset. It's my third day of staying as a visitor at sobrang ini enjoy ko na.
"Bakit ba?" Kunot ang noo pero nakangiti na sabi ni Ram. Naka hubad baro na naman sya dahil isinapin nya sa inuupuan ko yung shirt nya. Kahit sinabi ko na huwag na dahil naka capri pants naman ako ay mapilit sya.
"Wala lang, gustong gusto ko kapag nagsasalita ka ng English. Gusto ko yung accent mo, yung pronunciation, ganon." Kibit balikat na sabi ko.
Umiling sya. "Hindi pa ba sapat na magustuhan mo ako na ganito lang ako? Simpleng magsasaka na gustong gusto ang mag trabaho sa lupa? Mag alaga ng mga hayop?" Nagkukuyakoy ang mga paa namin dahil nakabitin iyon sa mula sa kinauupuan namin.
Tumawa ako. "Ram, you own this land. You own this place. You aren't just a simple farmer." Agad na sagod ko.
He licked his lower lip tapos tumingala sya tapos tumingin ulit sa akin. "Gusto mo ba ako, Beatriz?"
Napa awang ang labi ko sa tanong nya. Napatitig lang ako sa gwapo nyang mukha. Nagsisimula na namang lumabas ang facial hairs nya at para akong namatanda sa kanya. How can he be so perfect like this?
"R-ram.." Gusto kong sumagot ng OO. Gustong gusto. Hindi ko maiisip ang sarili ko na ibigay ang sarili ko sayo ng ilang ulit kung hindi kita gusto. Gusto na kita noon bago pa kita makilala. Kahit napahiya ako sa una nating pagkikita.
Pero iyon ba ang gusto nyang marinig? What if I would sound clingy? What if.. ayaw nya na may gusto ako sa kanya? Men tend to be like that. Gusto kong masulit ang pag i stay ko rito. Wala akong alam sa kanya. What if ayaw nya ng commitment? Madaming what if at gusto ko mag play safe.
"Uh.." Hindi ko pa rin alam ang sasabihin ko. Nakatingin lang sya sa akin.
Naramdaman ko na lang na unti unting lumalapit ang mukha nya sa akin hanggang sa magtama ang mga labi namin. It felt surreal, kahit na ilang beses na nya akong nahalikan. Parang everytime ay unang beses pa rin.
Naghiwalay na ang mga labi namin pero ramdam ko pa rin yung labi nya. I opened my eyes slowly at nakita ko na nakangiti sa akin si Ram. Napapahiya na lumayo tuloy ako.
"Kasi ako, gusto kita Beatriz." Bigla ay sabi nya.
Tumingin ako ulit sa kanya tapos napalunok ako. Nakangiti lang sya sa akin matapos nya sabihin iyon. He looked like he was enjoying what he was saying.
"Gustong gusto." Habol nya pa.
Yung kabog sa dibdib ko hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nakatanga lang ako sa kanya, wala akong masabi. Magsasalita na sana ako nang bigla akong sinukin. Narinig ko na lang ang halakhak nya.
"Hindi mo naman kailangan sumagot ngayon."
"S-salamat." Automatic na lumabas iyon sa bibig ko.
Bumaba mula sa pagkaka upo sa truck si Ram at naglakad ng ilang metro sa akin bago sya nagsimulang mag stretching. Automatic na naitaas ko ang camera ng cellphone ko at kinuhanan sya ng ilang picture. Mabilis ko na naibaba ang cellphone ko nang humarap sya.
"Tara na?"
I took a pic of the sunset and we went back. Nasanay na ako sa mga matatalim na tingin ng mga katulong doon. Hindi na lang ako nagsasabi kay Ram dahil baka pagsabihan nya nga, ang lalabas ay parang nag sumbong ako. Ayoko naman na mapagalitan sila.
Iniintindi ko na lang sila. Sino ba naman kasi ako? Bigla na lang ako sumulpot doon tapos wala pang isang linggo, may nangyari na sa amin ni Ram. Hindi naman siguro sila bulag para hindi malaman na doon ako natutulog sa kwarto ni Ram.
Kahit kasi sabihin ko o tumutol ako, mapilit sya. I like sleeping with him though. Medyo naiisip ko nga lang na paano na kapag umuwi na ako? For sure ma mimiss ko to'ng mga ganitong moment. Kakaiba nga na hindi ko masyado hinahanap hanap ang buhay sa Manila.
I am a certified Manila girl. Sabi ko pa noon bago ako pumunta, baka magwala ako kung may walang signal ang cellphone o internet dito pero may signal nga, hindi ko naman na masyado napapansin. The beauty of the Hacienda itself is enough. The places that I have been to, as well.
Kumakain na kami ng hapunan nang tawagin sya ng katulong dahil may importanteng tawag daw sa kanya sa telepono na nasa library. Nag excuse si Ram sa kanya at napailing na lang ako nang irapan ako ng pasimple ng katulong na tumawag sa kanya. Nasanay na lang talaga ako.
"Mauna ka na matulog ha? May kailangan ako puntahan mamaya." Agad na sabi nya nang makaupo na sya ulit.
"Ha? Saan? Gabi na.." Mahinang sabi ko. I don't wanna sound like nakekealam ako.
Uminom sya ng tubig bago sumagot. "Sa Cauayan. Nagkaroon lang ng problema. Babalik naman ako agad."
"S-sige." Nawalan tuloy ako ng gana.
Pagkatapos namin kumain ay sabay kaming pumunta sa kwarto nya. Pinanuod ko sya magbihis. Bawat galaw nya ay sinusundan ko. Hanggang sa makapag bihis na sya at tumayo sya sa harap ko habang nakaupo ako sa gilid ng kama nya.
"Babalik ako agad. Wag kang sumimangot." Natatawa na sabi nya. He squat in front of me and cupped my face. It's becoming a habit na gustong gusto ko naman.
"Halata ba?" Nakanguso na sabi ko.
Nagsuot sya ng gray na t-shirt na pinatungan ng itim na leather jacket. Nagwisik rin sya ng pabango. I don't wanna ask pero bakit sya nagpabango? May aamoy ba sa kanya doon? Ugh!
Tumawa sya. "Wag mo na ako hintayin. Ayoko ng nagpupuyat ka."
"So matagal ka doon?" God. Hindi ko alam bakit ganito ako. Pero parang gusto ko sya pigilan umalis.
Tumawa sya ulit. "Hindi ko alam, pero uuwi naman ako agad. Ayoko lang na maghintay ka pa dahil baka gabihin ako." He was looking at me with tender. He caressed my cheeks and lips habang nakatingin sya doon.
Why so sweet, Ram? Hulog na hulog na ako. Baka hindi ko na alam paano mamuhay sa Manila na walang Ram na naglalambing o nang aasar sa akin minsan. This is so frustrating.
"Fine." Pilit na sabi ko.
He kissed me on the forehead bago sya tumayo. Ayaw ko sya tingnan. Sabihin na nag iinarte ako pero parang ayoko talaga na umalis sya. Pero wala naman ako magagawa. Hinila nya ang mga kamay ko at hinila ako patayo. He pulled me in for a hug at automatic na yinakap ko rin sya.
Ako na ang humiwalay.
"Aalis na ako. Matulog ka na." He cupped my face at mariin akong hinalikan.
Tumango lang ako nang maghiwalay na kami. Tiningnan ko lang sya habang palabas sya at isinara nya na ang pinto. Pinatay ko na ang ilaw, tanging ilaw lang ng lampshade ang natira. Nilibang ko na lang ang sarili ko sa pag online gamit ang cellphone ko.
Napabalikwas ako ng bangon kahit inaantok pa ako nang marinig ko na may ugong ng sasakyan papasok. Sumilip ako sa bintana at nakita ko na papasok na nga ang pulang silverado nya. Dumiretso ako sa bathroom at naghilamos. Humiga ako ulit, hihintayin ko na lang si Ram.
Nainip lang ako dahil halos sampung minuto na ay wala pa rin sya. I decided to go out. Pababa na ako ng staircase ng mapansin ko na bukas na ang ilaw sa living room. Habang pababa ako ay kita ko na naka upo na si Ram sa sofa pero may babae sa harap nya na naka tunghay sa kanya.
Bumagal ang pagbaba ko, lalo na nang tingalain ako nung babae. Naka light orange na dress yung babae, naka ponytail yung buhok at naka lipstick. Simple lang yung itsura nya, morena pero maganda. Sinundan ng tingi ni Ram yung babae kaya nakita nya na pababa rin ako.
Kita ko na mabilis ang pagtayo ni Ram. Hindi ko alam kung bababa pa ako pero sinunod ko ang instinct ko. Nang makababa na ako, agad na lumapit sa akin si Ram. Naamoy ko ang amoy ng alak sa kanya. Doon ko napansin na parang babagsak na nga ang mga mata nya at magulo ang buhok nya.
Nakatingin lang sa akin yung babae. Ngumiti ako sa kanya at ngumiti rin sya.
"Hi. Ako nga pala si Veronica." Pakilala nya. Lumapit sya sa akin at nakipag kamay. Inabot ko naman iyon ng nakangiti. Agad rin syang lumayo.
"Uh Ako si Beatriz."
"Pinag drive ko lang si Ramiel. Medyo nakainom na kasi." Paliwanag nya. Mahinhin magsalita si Veronica at parang laging nahihiya kapag nagsasalita.
"Sabi ko naman sayo, kaya ko. Ilang bote lang nainom ko." Sagot ni Ram.
Ramdam ko na pumulupot ang isang braso nya sa bewang ko at hinila nya ako palapit sa kanya. Hindi ko nakaligtaan ang pagtutok ni Veronica sa ginawa ni Ram. Hindi naman ako tanga para hindi maisip na gusto nya si Ram.
"Natulog ka pa nga sa byahe, kaya mo? Ay nako, sinong niloko mo." Sagot pa ni Veronica.
Tumawa sila ni Ram bago tumingin sa akin si Ram. "Sabi ko sayo wag mo na ako hintayin. Pasado ala una na." Mahinang sabi nya.
"Nagising lang ako." Mahinang sagot ko pero kay Veronica pa rin nakatingin.
Ram cleared his throat. "Tulog na ang mga pwedeng mag drive sayo pabalik. Dito ka na matulog, bukas ka na lang umuwi." Sabi ni Ram kay Veronica.
Doon ko tiningala si Ram. Nagseselos ako. Sino ba to'ng Veronica na 'to?
"Hindi ba nakakahiya? Hindi mo nabanggit na may bisita ka pala, Ramiel." Muli ay parang nahihiya na naman na sabi ni Veronica. Pinagsalikop nya ang mga kamay nya at medyo na intimidate ako. Bigla kong kinwestyon bakit ibang iba ako kumilos sa kanya.
"Hindi, ano ka ba. Doon ka na lang ulit matulog sa tinutulugan mo kapag nandito ka. Ihahatid ka pa ba namin? Kumpleto naman na doon ng kailangan mo." Cheerful ang boses ni Ram pero ako nakikiramdam lang.
"S-sige, kung ipipilit mo." Ngumiti ang babae sa amin ni Ram. "Mauna na kayo, magpahinga ka na, Ram. Ikinagagalak ko na makilala ka, Beatriz." Baling nya sa akin.
Tuyo ang lalamunan ko kaya ngumiti at tumango lang ako sa kanya.
Iginiya na ako ni Ram para bumalik na sana kami sa kwarto nang tumigil ako. I cleared my throat at tinanggal ang pagkaka hapit ng braso nya sa bewang ko. "Mauna ka na, iinom lang ako ng tubig sa kusina."
Hindi pa sya nakakasagot ay umalis na ako.
Mabilis akong naglakad papunta sa kusina. Bukas naman ang maliliit na lamp sa mga dadaanan. Dumiretso ako at kumuha ng baso at tubig sa ref. I closed the fridge at muntik ko pang mabitawan ang baso na hawak ko nang lumingon ako at nakita na katayo sa Ram sa likod ko.
Nasa bewang nya ang mga kamay nya at nakatingin lang sa akin.
"Ram! Sabi ko mauna ka na.." Napabuga ako ng hangin at naglakad papunta sa sink upang iwan ang baso.
Sumunod lang sya sa akin. "Gusto ko lang sabihin na kababata ko lang si Veronica at walang namamagitan sa amin."
Napakurap ako dahil sa sinabi nya. "R-ram hindi ko naman-"
"Beatriz, kita ko sa mga mata mo kanina. Gusto mo malaman kung ano kaugnayan nya sa akin. Hindi ako manhid. Maghuhulaan pa ba tayo?" Seryosong seryoso yung boses at mukha nya.
Napalunok na lang ako. Why is Ram always like this straightforward?
"O-okay.."
Naglakad na naman sya na parang model at nang makalapit sa akin ay yinakap ako bigla.
"Matulog na tayo. Tara na." Ginagap nya ang kamay ko at hinila ako.
Tahimik lang si Ram hanggang makapasok na kami sa kwarto nya. Nauna ako humiga pero nag shower muna sya before he joined me. Naka boxer na lang sya at puting sando. Naka full blast ang aircon at hindi ko alam paano nya natitiis ang lamig, kahit pa naka comforter kami.
Nakatalikod ako sa kanya. I was hoping na yayakap sya sa akin pero hindi. Sinilip ko sya at nakahiga rin pala sya patalikod sa akin. Nainis ako ng kaunti pero naisip ko na baka ako naman ang kailangan maglambing.
Umurong ako palapit sa kanya. Nagdalawang isip pa ako kung yayakapin ko sya mula sa likod, in the end ay yinakap ko sya. Isiniksik ko ang sarili ko sa kanya. I pressed my chest into his muscular back. Hindi sya gumalaw. Gusto ko na sana bawiin ang kamay ko nang maya maya ay ginagap nya iyon at tinapat sa dibdib nya.
Ilang sandali pa at humarap sya sa akin. He slid his one arm into my head para maging unan ko then pulled me closer.
"Sorry." Mahinang sabi ko.
"Hmmm."
"I know I'm becoming such a b***h for not-"
"Shhh. Ingat sa mga sasabihin, Beatriz." He murmured while kissing my hair.
Napalunok ako. "Okay, I know I'm becoming a little bit of uhm, pasaway kasi hindi kita sinagot nung tinanong mo ako kung gusto kita."
"Tapos?" He murmured again.
"Obvious naman diba? I stayed. Kasi gusto kita. At saka.. sayo ko sinuko ang bataan. Nakakailan ka na nga pati." Hindi ko kayang maging sobrang seryoso kaya napangiti ako nang marinig ko ang mahinang tawa nya.
"Thank you, for staying. And for letting me be the first man in your life."
Tiningala ko sya. Naaamaze talaga ako pag nag i English sya. Nabubuyo na ako na tanungin sya bakit ayaw nya ng nag i English pero again, baka masira ang mood. I was all smiles nang bigla ko na lang maramdaman na dumapo na sa dibdib ko ang isang kamay nya.
"Ram.." Saway ko kunwari.
He leveled his self into me at tinitigan ako. "Isa lang."
Tumawa ako. "No. Matulog na tayo. Bukas na lang."
Ngumisi sya. "Sigurado ka?" Tumaas ang kilay nya.
Tumawa ako at pinisil ang ilong nya.