Dating schedule

2687 Words
Patango tango lang si Chloe habang seryosong ipinapaliwanag ni Atty. Santos ang tungkol sa gustong mangyari ng Lolo ni Green habang si Green naman ay tahimik lang din sa tabi nya. after ng questions and answer portion at paliwanagan na ng maayos si Chloe. Nag paalam na ang matandang abogado dahil meron pa daw kasi itong appointment. Kaya sila nalang ni Green ang naiwan sa restaurant. “meron ka bang objection?” “Diba sabi mo ang grandparents nyo ang nag arrange din ng marriage nyo noon ni Fiona. Hindi na ba valid yun ngayon?” curious na tanong ni chloe. “Hindi naman kami ang sumira sa usapan sila. Nakasal na pala si Fiona 5 years ago pero hindi yata nag work yung marriage. I don’t know the details at wala na din akong balak alamin. So ano tayo na ba?” ngisi ni Green na nangalumbaba pa sabay papungay ng mata. Napangiti naman si Chloe sa inasta ni Green. “Akala ko ba matanda at makunat na ako e anong yang ginagawa mong pa cute.” “Bakit porket matanda at makunat na ba hindi na puwedeng mag pacute ang isang guwapong tulad ko.” “Ikaw cute? puwede ba Green.” “Sir the meeting is about to start.” wika ng isang babaeng maganda at napaka iksi ng suot na skirt di tuloy na iwasan ni Chloe na titigan ito mula paa hanggang ulo. Pag tingin nya kay Green naka ngisi ito sabay bulong sa kanya. “Hindi ko pa yan na titikman pero kapag ni reject mo nanaman ako i tatry ko ang bago kong secre—— agh!” napa ubo bigla si Green ng masama ang tingin na sinikmuraan nya ito kaya sapo sapo ang tiyan. “Joke lang naman yun ano ka ba?” “Umayos ka. Bilisan mo mag sstart na daw ang meeting mo.” irap nya rito bago sila nito nag kita sinabi nito na meron itong meeting ng 4pm sa isang chinese restaurant kaya doon na ito nag yaya na kumain ng merienda daw while nasa meeting ito na possible 30 minutes lang daw naman ang itatagal. Kaya pumayag sya pag out nya kanina 3pm doon na sya dumeretso kapag may pasok sya kotse ang dala nya pero kapag mga personal na lakad naka motor lang sya mas madali kasi ang biyahe kapag motor. “Intayin mo ako dito ipapaserve ko na ang food natin saglit lang ako.” anito na inayos pa ang necktie hahalik pa sana ito pero mabilis syang umiwas. “Damot! wag ka rin hahalik sa akin ha.” maktol pa ni Green ng tumalikod kasama ang secretary nito na pasimple pa syang inirapan na pagak naman nyang tinawanan ibang klase din talaga ang nga babae ngayon. Inihatid pa nya ng tanaw ang dalawa na pumasok sa isang VIP room. Naubos na nya ang isang siopao na inorder nya kanina ng bigla isang babae ang humila ng upuan sa harapan nya at walang paalam na naupo. Tumaas ang kilay nya ng makilala na ito yung babaeng past na nag babalik. The woman name fiona. “Hi.” late pang bati nito mukha lang pala itong mabait dahil sa amo ng mukha nito pero bastos ang pag uugali walang manners. “Who you?” patay malisya pang tanong nya pero imbis na sumagot. Mula sa paper bag na bitbit nito kanina may inilabas itong 8r na size na photo album. Parang alam na nya kung anong makikita roon pero kinuha pa rin nya sabay ngiti tama ang hinala nya mga picture ni Green at ng babaeng kaharap ang naroon. Mula pagkabata hanggang sa nag dalaga at binata si Green. Totoy na totoy pa si Green payatot at may suot na brace hanggang noong high school. Ang sweet ng mga ito sa picture. Yung tipong couple na parang di na mapapaghiwalay ng kahit sino. “Im Fiona, Exel’s Fiancee’” tumango naman si Chloe sabay balik rito ang album after nyang makita lahat ng laman. “Ex Fiancee.” pagtatama nya. Antipatika din naman kasi akala ata nito mabait sya. Mukha lang din syang mabait pero wag sya nitong subukan baka umuwi itong umiiyak. “Your wrong. I’ll never be an Ex.” “Kung di ka nya ex. Anong tawag sa akin? kabit?” biro nalang ni Chloe. “Oo kung di mo pa sya iiwan. Kapag ikinasal na kami.” “And who makes you think na pakakasalan ka nya?” “Dahil we promise to get married once i came back.” “Kaya pala nag pakasal ka na sa iba bago mo maisipang bumalik.” halatang napahiya ito sa sinabi nya. Hindi nito inaasahan na alam nya marahil ang tungkol doon. “Napilitan lang akong mag pakasal sa kanya dahil——- “Napilitan? Tumagal ng 5 year?” sarcastic na usal ni Chloe sabay tawa ng pagak. “Kung napilitan ka lang di yun tatagal ng 5 years porket hindi nag work ang marriage mo babalik ka dito for what reason? Para i claim ang pagiging fiancee mo sa lalaking ikaw naman ang unang nang iwan.” “Teka nga sino ka ba para mag salita ng ganyan wala kang alam.” Ngumisi si Chloe na bale walang sumubo ng isang dampling. “Sino nga ba ako? Bakit nilapitan mo ako at pinakitaan ng mga picture memories nyo ni Green.” “Fiona.” sabay pa silang napalingon ng babae sa pag lapit ni Green. “Sugar.” malambing pang bati ng babae na tumayo at mabilis na yumakap sa braso ng binata. “Sugar.” usal ni Chloe na di mapigilan na matawa. Naiinis sya pero di nya mapigilan na matawa sa endearment na sugar. “Bagay sayo. Sa edad mo Sugar talaga??? mukha ka na kasi sugar daddy.” biro pa ni Chloe sumimangot naman si Green na inaalis ang kamay ni Fiona na nakayakap sa braso. “Anong ginagawa mo dito Fiona.” “I told you susundan kita kahit saan hanggang sa matanggap mo ulit ako.” “May girlfriend na ako Fiona.” ani Green sabay kuha ng kamay nya. Ah yun pala yun kaya sya pilit nitong makipag date dito dahil sa babae ito. Dati option sya kay Audrey ngayon naman panakip butas pinakilig kilig pa sya nito pero ang ending basag trip. “Excuse me hindi mo ako girlfriend.” “Chloe.” mariin na saway ni Green. “Come on Green hindi mo na kailangan gumamit ng ibang babae para pag selosin ako. Mahal pa rin ki——- “Hindi nya ako girlfriend dahil fiancee’ nya ako kaya i zipper mo yan bibig mo. Mabilis mag init ang ulo ko baka tahiin ko yan.” ani Chloe na medyo mataas ang tono dahilan para napatingin sa kanila ang ibang customer ng restaurant. “May nakakatawa sa sinabi ko asawa ko.” mataray nantanong ni Chloe kay Green na halatang pigil na pigil na mapangiti. “Upo.” utos pa nya kay Green na agad naman sumunod at naupo sa tabi nya. “Ikaw uupo ka rin ba baka gusto mo pang ipakita naman kay sugar yung dala mong old photographs nyo together.” tanong pa ni Chloe. “Anong old photographs?” takang tanong ni Green na kumunot ang noo. “Pupunta nalang ako sa condo mo tonight. Exel.” ani Fiona na bumalik sa upuang iniwan nito kanina. “Gusto mo bang sa condo ko matulog tonight asawa ko.” tanong naman ni Chloe habang nakikipag sukatan ng tingin kay Fiona habang si Green e abot tenga na ang ngiti. “exel we really need to talk.” ani Fiona na humila ng upuan at naupo sa tabi ng binata. “Wala na tayong dapat pag usapan fiona. What we have is ended the day you left me.” “Pero mga bata pa tayo ng mga panahong iyon Exel. I thought you understand.” giit ni Fiona. “I do understand kaya nga i already forgotten you easily.” “Hindi ako na niniwala na malilimutan mo ako ng ganun nalang patutunayan ko sayo.” akmang hihilahin ni Fiona si Green para halikan pero mas mabilis si Chloe na nahawakan ito sa buhok sabay hila at sinubuan ito ng dampling. Napangibit naman si Green na napahawak pa sa ulo habang nginunguya ang isinubo nyang damplings dito. “My god! Why are you treating him that way. Wala ka bang breeding.” inis na wika ni Fiona na tinabig ang kamay nyang naka hawak sa buhok ni Green. nakaramdam naman ng pag kapahiya si Chloe na bigla lang din naman sya napatingin sya kay Green na parang balewala lang ang ginawa nya kahit alam nyang nasaktan nya ito sa ginawa nyang pag hikit sa buhok nito. Napabuga ng hangin si Chloe nakatingi sa kanila ang ibang customer kaya mas lalo lang syang napahiya sa inasal nya. “Chloe.” nausal bigla ni Green na napatayo ng tumayo sya. “Sorry nabigla lang ako.” nagyuko pa sya ng ulo pero nakanguso sya. Hindi nya ugali mag sorry sa kahit sinong pontio pilato pero heto sya ngayon nag yuyuko ng ulo. “Hay ano ka ba hindi naman masakit. it’s okay sanay naman na ako sa mga karinyo brutal mo asawa ko. No harm done.” naka ngiti pang wika ni Green habang hawak hawak ang braso nya. “Exel.” “Please fiona. May date kami wag ka ng makigulo pa. Wala ng tayo simula ng umalis ka kaya sana wag mo ng guguluhin ulit ang asawa ko.” ani Green. Habang sinasabi iyon ni Green hindi kumukurap si Chloe para kasing totoong totoo lahat ng sinasabi nito kay fiona. Nakakakilig at di nya mapigilan. No wonder kaya ang daming babaeng gustong makarelasyon ito kahit saglit lang. “Kakausapin ko sila Mommy Tita at Daddy Tito.” ani Fiona saka walang lingon likod na umalis. “Ursula mauna ka na din umuwi.” baling naman ni Green sa babaeng nasa likuran pala nya na di nya namalayan. “Yes sir.” tango pa nito saka umalis. “Muntik mo ng maubos tong inorder ko ah.” puna ni Green sa mga pagkain na naka hain sa mesa. Napabuga ng hangin si Chloe saka naka simangot na sumubo ng dampling. “Konti nalang iisipin ko na nag seselos ka talaga kay Fiona.” “Hindi ako nag seselos no na iinis lang kasi ako sa asal nya. Bakit ganun ang amo amo ng mukha nya tas yung ugali nya parang kamag anak sya ni Lucifer.” natawa naman si Green na kumain na din. “Tingin ko tataba tayong dalawa pag dating ng panahon parang si Ruby at si Enrico.” ani Green pansin kasi nya mahilig sa pagkain si Chloe pati tuloy sya na eengganyong kumain. “Hindi ako tataba mabilis ang metabolism ko.” ani Chloe na tuloy sa pagkain. “Bubuntisin nalang kita para tumaba ka.” pabulong na usal ni Green. “Kayo talagang mga lalaki laman lang siguro ng utak nyo e s*x kapag nakakakita kayo ng babae.” kulang lang itusok na ni Chloe ang chopsticks sa mukha ni Green na tumatawa. “Niyaya mo akong matulog sa cond——- “Ano naman akala mo totoo yun syempre hindi. Hindi pa ako hibang.” “Pero tayo na diba.” “o e ano ngayon kung tayo na ano akala mo lesensya yun parang makitulog ka sa condo ko.” ani Chloe. “Papaalala ko lang sayo may relasyon tayo sa loob ng 3 months hindi tayo nag papanggap lang.” “so?” puzzle na tanong ni Chloe. “Tingin mo kiss and hug lang natural kasama na doon ang———- “Puwes break na tayo kung yun lang pala ang habol mo sa akin.” ani Chloe na akmang tatayo na ulit pero pinigilan ni Green na tatawa tawa. “Ikaw kung makapag salita ka parang wala pang nangyari sa atin noon.” reklamo ni Green na hinila sya pabalik ng upuan. “Kung di mo ako tinakasan im sure may anak na tayo ngayon.” “Yeah right baka totoong matanda na ako ngayon sa dami ng stress na possible ibinigay mo sa akin ng mga panahong iyon.” “Let’s start all over again Chloe and this time i’ll be sweeter.” napalunok si Chloe na napatjngin kay Green. “Kung ayaw mo ng s*x it’s fine with me. Mag dadate tayo mag kikiss at mag huhug dahil normal lang siguro yun sa mga mag boyfriend. Magiging normal lang tayong mag boyfriend girlfriend sa loob ng 3 months. Hindi kita gagapangin i promise you that pero kung ikaw ang gagapang sa akin di kita pipigilan.” ngisi ni Green. Sasagot na sana si Chloe ng mag ring ang phone nya. Nakita nyang mama nya ang natawag kaya sinagot na muna nya. “Ma.” “Anak puwede ka bang umuwi muna saglit dito sa bahay. May kailangan lang kaming sabihin sayo ng daddy mo.” “Importante ba ma.” “Yes hija please.” tumango naman si Chloe. Tiyak nga syang importante iyon dahil hindj naman sya pauuwiin ng parents nya kung hindi. “Sige po ma nasa meeting lang po ako then deretso uwi na po ako.” aniya saka nag paalam. “May problema ba sa inyo.” umiling naman si Chloe. “Baka na mimiss lang ako nila mama.” “Ihahatid kita gusto kong magpakilala sa ——- “sira ka ba? 3 months lang ang relasyon natin at hindi naman tayo araw araw mag kikita. Busy ka sa work mo im sure at busy di ako sa trabaho ko. Sabado at linggo lang tayo puwedeng magkita.” “Ano? may relasyon tayo tas meron schedule kung kelan lang tayo mag kikita. Hindi puwede gumawa ka ng time para sa akin at gagawa ako ng time para sayo. Ganun ang totoong relationship.” “Ang totoong relationship liligawan mo ako tas iintayin mong sagutin kita. Ganun ang totoong relationship kaya wag kang demanding. Pumayag na nga ako ng instant relationship tas mag dedemand ka pa ng time time.” ganting sagot nya halatang nag titimpi naman si Green na sumagot. “Fine! let’s have it your way para wala ng away.” napangiti si Chloe. “Ano naman ang nginingiti mo dyan.” inis na tanong ni Green. “Your acting like a real boyfriend.” “I am your real boyfriend bare that in your mind.” “Sige mag test tayo. You ask me and i ask you paramihan tayo ng alam sa isat isa.” napatuwid naman ng upo si Green. “See hitsura mo palang halatang wala kang alam sa akin pero ako alam ko lahat lahat sayo.” Nag simulang i recite ni Chloe lahat ng alam nya tungkol rito na talaga naman nag paawang sa bibig nito at di makapaniwala. “I told you im a hired killer before at bago ako trumabaho inaalam ko muna kung sino ang dapat patayin at kung sino ang dapat buhayin.” ngisi ni Chloe. “Ano gusto mo na bang makipag break sa akin. Im a killer.” hamon pa ni Chloe. “Ang sabi mo naman diba pumapatay ka lang ng tao na dapat patayin ibig sabihin hindi ka pumapatay ng mga inosente tao na tulad ko.” Napangiti pang turan ni Green. Natawa naman si Chloe. “Ikaw inosente saan parte?” “Kapag meron kumuha ulit ng serbisyo mo puwede bang sabihin mo sa akin consideration ba mas close naman siguro tayo kesa sa mga client mo diba.” natawa si Chloe. “Rest assured di na ako natanggap ng mga ganun trabaho ngayon. Safe ka na sa akin.” ngumisi naman si Green. “Oo saka mag bagong buhay ka na matand—- “Break na tayo gusto mo?” “Ikaw ang pinaka maganda at pinaka sexy na babae na nakilala ko sa buong buhay ko.” ngisi ni Green natawa nalang ulit si Chloe sabay iling.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD