Pa fall

2863 Words
“Di mo ba ako tatanungin kung sino yung babae kanina?” tanong pa ni Green pagkatapos umalis ng waiter na kumuha ng order nila. “Hindi dahil alam ko naman na sya ang pag uusapan natin kaya ganyan hitsura mo.” napaklang ngumiti si Green sabay buga ng hangin. “Fiona Rigor. She’s my 1st love.” tumaas ang kilay ni Chloe. “Akala ko ba si Audrey?” “Yes pero iba si Audrey at iba si Fiona at mas lalong iba ka sa kanilang dalawa.” Tumarak naman ang mata ni Chloe sa sagot ni Green. “Childhood friend ko si Fiona. Bata palang kami pinag kasundo na kami ng mga grand parents namin na pag dating ng tamang panahon kaming dalawa ang mag papakasal.” “uso talaga sa family nyo ang arrange marriage no.” napapailing na komento ni Chloe na sinagot lang ng tango ni Green. “So anong nangyari bakit di kayo nagkatuluyan.” “Umalis sya papuntang new york noon high school na kami pinigilan ko sya pero ayaw nya sabi nya babalik sya sa tamang panahon kapag handa na syang magpakasal sa akin. Hinintay ko sya na balikan ako until i met Audrey and i forget about her.” “Tapos ngayon na wiwindang ka kasi binalikan ka na nya.” tanong ni Chloe at ewan ba nya pero kinakabahan sya sa isasagot ni Green. Umiling si Green sabay buga ng hangin. “No. Di ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko ng makita ko ulit sya after so many years.” “Diba sabi mo naka arrange marriage kayo noon pa ayan na sya bumalik na sya para pakasalan ka edi void na yung pa eklat ng lolo about sa ating dalawa.” matagal na hindi naka imik si Green parang ang lalim talaga ng iniisip nito.. “Look Green. Buhay mo yan wag mong hayaan na diktahan ka ng pamilya mo. Well hindi naman sa pakikielam para kasi sa akin may mga bagay na puwedeng sundin at puwedeng tangihan kung alam mo sa sarili mong makakabuti then go kung hindi naman then let it go. Ganun lang yun kasimple wag mong pagudin ang sarili mo sa pag iisip.” ani Chloe noon naman dumating ang order nila. “Hindi ba masyado ng late para tanggapin ko ulit sya sa buhay ko.” ‘buwisit na to! akala ko ba ako ang gusto nyang pakasalan noon.. kabuwisit napaka salawahan talaga ng puso kainis.’ 3 pa kami ngayon ang nag sisiksikan sa puso nya my god! bulong ni Chloe sa sarili. “Walang late sa taong nag mamahal kung mahal mo sya go for it wag ka ng tanga gaya ng ginawa mo kay Audrey. Wag kang mag paka martir hindi ka si Jose Rizal. Millennium na ngayon Kpop na ang uso.” “Let’s date kahit 3 months lang.” kumunot ang noo ni Chloe. “pumayag ka na tulong mo na lang sa akin.” “At bakit naman kita tutulungan close ba tayo?” “You intented to kill me before bawas yung ganda points sa langit baka di ka tanggapin doon.” “I was hire—— teka nga magkaliwanagan na nga lang muna tayo.” tumango naman si Green na tuloy ang kain. “Ano ba talagang papel ko sa buhay mo?” “My future.” balewalang sagot ni Green. “E si Audrey.” “A friend who always bullies me sila ng abnoy nyang asawa.” “E yung fiona?” “My past that i almost forgot.” hindi malinaw para sa kanya ang sagot ni Green lalo pat meron kamasamang Almost ang sinabi nito ibig sabihin hindi pa talaga nito na lilimutan. Ibig sabihin lang na overcome na nito si Audrey at tingin nya dahil sa kanya. Kaya sya niyaya nitong mag date kahit 3 months lang para ma overcome din nito si Fiona na di na nito inaasahan na babalik pa. “Paano if we end up loving each other paano na?” hamon na tanong ni Chloe. “Let’s get married gaya ng gusto ni Lolo.” “Paano si Fiona?” “bakit ibig bang sabihin possibleng mahalin mo—— “Wag kang assuming Green nag tatanong lang ako para malinaw.” “tinatamad akong isipin sya.” sagot nalang ni Green. “Tinatamad o di ka lang sigurado sa feelings mo kung in love ka ba sa kanya o hindi na.” “You want to know who im in love with?” tanong ni Green. Umiling si Chloe ng sunod sunod wala syang tiwala sa magiging sagot nito dahil ang mga playboy laging yan in love kaya ngayon di na nito alam kung ano ba talaga ang na raramdaman nito. “The first word of the my question is the answer.” sagot ni green na ikinakunot nalang ng noo ni Chloe. “Kumain ka nalang baka parehas pa tayong di matunawan. “what is love for you chloe?” tanong ni Green. “Love is the 7th sense that destroys all the 6 senses and make the person nonsenses.” sagot ni Chloe ng malala ang quote na nabasa noon na ikinangiwi naman ni Green. “Hindi ka pa talaga na iin love sa totoo lang ano.” “Wag mo kasi akong igaya sayo. Sa aming mga babae puso ang pinaiiral na min gamit ang utak namin kayo mga lalaki hindi puso ang pinaiiral nyo kundi puson. learn the difference.” mataray na sagot ni Chloe. “For me love is like a joke sometimes its fun but sometimes its hurt.” tumarak naman ang mata ni Chloe na napangiti. Napaka senti naman ng green na ito ngayon. Ang corny. “Gusto mo makarinig ng joke?” tanong pa ni Green bigla syang napangiti ng malaala ang mga joke noon ni Green na ikinatawa naman nya noon. “Sige nga pa sample tiyakin mo lang tatawa ako. pag hindi ikaw pag babayarin ko ng kinain natin.” tumikhim muna si Green. “Nag kita sina Pedro at Juan. Nakita ni Pedro yung sugat n Juan sa tenga. Tanong ni Pedro Anong nangyari dyan sa tenga mo Juan. Sagot ni Juan Namamalantsa kasi ako kanina nag ring kasi cellphone ko plantsa pala na dampot ko. Nagtaka si Pedro e bakit dalawa tenga may sugat sayo. tnaong pa ni Pedro. Sagot ni Juan: Tumawag kasi ulit.” Pigil ni Chloe ang matawa sa joke ni green. “Ang corny naman wala bang mas matindi?” Umayos naman ng upo si Green saka tumikhim bago uminom ng tubig saglit. “Mag ina nag uusap. Big revelation .” simula pa ni Green. Uminom na din ng tubig si Chloe. “Ma, Buntis po ako. sabi ng anak sagot ng ina, Okay sige matulog ka na. Nagalit yung anak nanumbat sa ina. “Ma, Ano ba naman kayo anak nyo po ba talaga ako. Hindi man lang ba kayo magagalit o sasampalin ako. Wala na talaga kayong pakialam sa akin Ma. Nagalit yung nanay na mewang.” ani Green na na mewang din sabay turo sa kanya. “Hoy ikaw tumigil ka Arturo! yang kabaklaan mo ay pinayagan ko na pero yan kabaliwan mo ay sumosobra na.” Di na napigilan ni Chloe ang matawa. “Ang ganda mo.” usal ni Green tumigil naman bigla si chloe sa pag tawa. “Joke lang din yun sympre. Assumera ka din naman ng taon e.” ani Green na sabay pa silang natawa. Abnoy din talaga ang nilalang na ito. Halos di na sila nakakain sa mga joke ni Green na puro kawalanghiyaan nalang hanggang sa makauwi na sila sa kanya kanyang bahay may pag tetext pa ito at himala na di ito na ngulit na makitulog sa condo nya nakakapanibago. Nasa banyo sya dinig nyang tunog ng tunog ang phone nya. Napangiti nalang syang umiling kung makakapag salita lang ang phone nya kanina pa yun nag reklamo. Pinaulanan na sya ng text ni Green ng mga walang ka kuwenta kuwentang joke. Mukhang talaga affected talaga ito sa fiona na yun. Inabot nya ang phone ng makalabas na sya ng banyo saka naupo sa gilid ng kama para basahin ang mga text ni Green. “Pssst!” “Anong ginagawa mo?” “Chloe.” “Chlodette.” “Babe.” “‘Mahal.” “Love.” “baby.” “asawa ko.” “Naka droga ka ba lakas ng tama mo today.” reply nya rito. “At last nag reply ka din? Nakatulog ka na ba? sorry if i disturb you damayan mo muna ako. Ayaw sagutin ni Allen phonecalls ko.” “Naliligo ako kanina.” “Can i come makikitulog ako dyan.” natawa si Chloe. Ayun sa text pala sya nito dadaanin ng pangungulit. “Tigilan mo. Malinaw pa sa alala ko na tinawag mo akong matanda at Makunat na.” “Di bale masarap ka naman.” reply pa nito. Natawa naman si Chloe sa reply ni Green. Alam na alam talaga nito kung paano makipaglaro sa babae. “Si Fiona. San category sya kasama?” text nya pero di ito nag reply at ewan ba nya pero naka ramdam sya ng disappointment mukhang talagang malaking space sa puso ni Green ang pag aari ng Fiona na yun at di nya maiwasang mainis. Nag intay pa sya ng 5 minutes pero di sya mapakali gusto nyang marinig ang sagot nito dahil sabi nito sa kanya noon kaya wala ang pangalan nya sa files kasi pang wife category sya e si Fiona saan category. Inis na dinial nya ang number ni Green di nya ito tinigilan sa pag tawag pero ayaw nitong sagutin. Imposible tulog na ito marahil umiiwas lang ito sa tanong. naka 15 call na yata sya sa phone at 7 sa videocall ng sa wakas ay sagutin nito ang call. “Hey ano ba tawag ka ng tawag may ginagawa ako.” reklamo pa ni Green. Mabilis naman na pinatay ni Chloe ang phone ng makita ang hitsura ni Green sa Videocall nila nasa loob ito ng banyo at basang basa pa ang buong katawan at buhok. Ang sira ulong si Green sinadya pa talagang kunan ang buong angulo nito na hubo’t hubad bago sinagot ang VC nya. nakita tuloy nya ang di dapat makita napakawalanghiya talaga. Nag mamadaling nahiga sya sa kama at pilit ipinikit ang mata pero bumabalik sa isipan nya ang hitsura ng katawan ni Green dapat pala tinitigan pa nya ng konti medyo blurred ang alala nya. “Hay landi mo rin talaga chlodette.” saway nya sa sarili nya. Narinig nya na nag ring ang phone nya pero di nya pinapansin alam nyang si Green iyon. Inabot lang nya ng marinig na may nag text. “Hoy! Asan ka na? Kanina tawag ka ng tawag ngayon ayaw mo sagutin ang tawag ko. Wag kang pa virgin Chloe baka puntahan kita dyan.” napangibit si Chloe sa text ni Green napaka bastos talaga kahit kelan. “Sinadya mo ano?” reply nya. “Hahahhaha.” reply ni Green. “bastos mo talaga.” “Baril ka ba?” “Hindi ako baril pero may baril ako gago.” “Your suppose to answer me bakit?” “Bakit?” sakay nalang nya sa joke nito. “Pa testing naman kahit isang putok lang.” “Abnoy ka.” natatawang reply nya. “Call ako sagutin mo.” anito napaisip pa sya ng mag ring ang phone nya pero videocall iyon hindi call. Pinatay nalang muna ni Chloe lahat ng ilaw nya at iniwan nalang nya ang lamp shade na bukas bago sinagot ang tawag ng muling nahiga. “Oh.” “Marunong kang makipag phone s*x?” bungad agad ni Green na abot tenga ang ngiti. “Wag ka ng tatawag sa akin kung puro kawa—— “Ito naman joke lang masyado kang serious.” Habol ni Green ng tangkain nyang patayin ang call nito. “Wala sa ngiti mo na nag jojoke ka.” “Nag try lang ako kung lulusot.” ngisi pa nito. Maliwanag pa ang buong kuwarto nito ng maupo ito sa kama at sumandal sa headboard. “Matutulog ka na ba bakit patay na ang mga ilaw mo?” “Hello past 12 na kaya.” “Buksan mo muna ang ilaw di pa naman tayo matutulog. Gusto kong makita ang maganda mong mukha kapag kasi madilim parang senior citizen ang kausap ko.” “Sira ulo ka talaga.” ani Chloe na ewan ba nya kung bakit sumunod sya at bumangon na binuhay nalang ulit ang ilaw saka naupo nalang din sa kamay at sumandal sa headboard ng kama. “Baba mo pa ang konti ang camera di ko makita.” utos nito na pinag taka nya. Alin ang di nito makita e kita naman ang mukha nya sa screen. Saka lang nya napAnsin sa screen nya ng makitang medyo labas ang cleavage nya at bakat din ang n****e nya sa suot na sandong puti. “Manyak mo talaga.” kinuha ni Chloe ang unan saka niyakap. Tumawa naman si Green. “Regarding to your question kanina hindi ko alam kung saan ba category si Fiona. Hindi ko sy naging girlfriend at hindi rin fling bed partner hindi ako sure dahil 1 beses palang naman may nangyari sa amin noon. She’s my first and im her first too.” “Masyado ka naman honest di ka ba kinikilabutan.” “Gusto ko alam mo lahat ng tungkol sa akin. I want to be open with you.” “bakit?” “As ive said ikaw ang future ko.” “Dahil sa gusto ng lolo mo?” “Try me Chloe 3 months lang kung di mo talaga ako magugustuhan sa loob ng 3 months sige fine hindi na kita kukulitin ako na ang bahala sa lolo ko.” “Hindi ba ako ang lugi dyan sa inaalok mo.” “Bakit ka naman malulugi?” natatawang tanong ni Green. “Matatanda na tayo Chloe. Ano pang malulugi sa atin all we have to do is try wala ng mawawala kung susubukan natin.” “Paano si Past na nag babalik.” “Ikaw ang dahilan kung bakit kaibigan nalang ang tingin ko kay Audrey ngayon kaya gusto ko din ikaw ang maging dahilan kung bakit ayaw ko ng lingunin pa ang past ko.” Napakagat labi si Chloe kinikilig sya ang bilis ng t***k ng puso nya konti nalang bibigay na talaga sya rito. “Chloe.” “Ano?” “Be my girlfriend kahit 3 months lang.” “Ayoko ko nga.” “Bakit?” “Basta.” “Babayaran kita. I will hired you as my girlfriend.” natawa naman si Chloe. “Ayoko ko nga.” “Bakit nga kasi?” “Baka ma in love ako sayo.” biro nya pero deep inside totoo yun. “Anong problema dun.” “Selosa ako sasakit lang ulo mo sa akin.” “Mas gusto ko yun. Seloso din ako.” “Mag aaway lang tayo.” “Proof yun na —— “Bayolente ako kapag galit ako.” “I know.” “Kapag naging tayo babaguhin kita.” “Kung for the better naman walang problema.” hindi naka imik si Chloe nakatitig lang sya sa guwapong mukha ni Green. “Let’s talk tomorrow ng personal. Pag isipan mo ngayon wag kang matutulog hanggang di ka makapag decide but i hope maganda ang sagot mo sa akin bukas.” huminga ng malalim si Chloe. “Isama mo yung attorney na kasama mo noon. Gusto kong marinig lahat ng sasabihin nya regarding sa matters na gusto mangyari ng lolo mo.” “ha? bakit kailangan pa ni Attorney. Mag dadate tayo dahil choice natin yun hindi dahil utos ni Lolo.” reklamo ni Green. “Sayang din yun mukhang malaki makukuha ko.” ngisi ni Chloe napailing naman si Green. “Why do i have this feeling na miyembro kayo ng sindikato ni Audrey.” natawa naman si Chloe sa sinabi ni Green. “Parang gusto ko talagang pumunta dyan.” “Matulog ka na babye.” “Di pa ako inaantok. Damayan mo muna ako.” “Hoy! Kailangan kong mag beauty rest may date ako bukas.” kumunot ang noo ni Green. “kanino naman?” inis na tanong nito. Natawa naman si Chloe. “O diba mag kikita tayo bukas. Mali ba ako ng intindi.” lumawak bigla ang ngiti ni Green. “sige na matulog ka na nga baka madagdagan pa ang edad mo kapag napuyat ka.” “Gago mo talaga.” “Chloe.” “Hmmm.” “Baba mo na.” “Ikaw na mauna mag out.” “Ikaw na.” “Ikaw na nga sabi e.” “Sus kunwari ka pa ayaw mo lang na—— chloe hoy.” natawa nalang si Green ng mawala na sa screen si Chloe di na nya tuloy na tapos ang sasabihin nya. Wala talagang ka sweet sweet sa katawan ang babaeng yun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD