Reject by the in laws

2843 Words
“Sino po ma?” parang shock pa si Chloe sa pangalan na narinig mula sa ina. Nagpalipat lipat ang tingin nya sa parents nyang ngayon ay kaharap nya sa loob ng studyroom ng papa nya. “Green Exel LaFradez.” speechless syang nakatingin sa mga magulang. Gusto ng mga ito na iwasan nya hanggat maari si Green. Ayon sa mga ito si Green dapat ang gusto ng mga itong mapangasawa nya dahil anak ito ng kaibigan ng papa nya pero dahil sa sunod sunod na scandalo nito noon parang tinabangan ang ama nya at pinaka cancel nito ang pamamanhikan na sana ng parents noon ni Green sa kanila. All along si Green pala ang lalaki gustong ipakilala ng parents nya sa kanya at sa iisang subdivision lang sila nakatira. Kaya pala parang nagtaka pa si Green noong unang beses ng ihatid sya nito pero wala itong sinabi. At noong araw na nagkita sila sa bahay ng pinsan nitong si Ruby ang unang araw sana pagtatagpo nila para sa arranged marriage nilang dalawa pero parehas silang tumakas. Pagkakataon nga talaga muntik pa nyang patayin ang mapapangasawa nya noon buti nalang nag bago ang isip nya at sya ang lumayo pero heto kung kelan pumayag na sya sa instant relationship nila Green saka naman nya malalaman ang lahat sa magulang. Alam ng mga ito ang gustong mangyari ng lolo ni Green. Kaya nakikiusap ang magulang ni Green na ituloy ang original na plano noon pa man ngunit tumanggi ang magulang nya dahil sa nangyaring scandalo ni Green noon. Kung baga na turn off ang parents nya sa binata. Para sa mga ito hindi gawain ng matinong tao ang mag video ng sarili habang may ginagawang kahalayan. Gusto ng mga ito iwasan daw nya si Green kung lalapit ito para i approach sya dahil sa manang possibleng mawala sa mga ito. Ang lalaking tulad daw ni Green ay mga tipo ng lalaking hindi mabuting haligi ng tahanan. Gusto sana nyang tumutol sa bagay na iyon at sabihin na hindi masamang tao si Green. Ginawa lang nito ang scandal para iligtas ang babaeng minamahal nito noon. Inilagay nito sa alanganin ang reputasyon nito alang alang sa ibang tao. Kung tutuusin puwede pa nga itong bigyan ng award para sa katangahan sa paningin ng iba pero para sa kanya humanga sya sa ginawa nito sa totoo lang pero syempre na disappoint din naman sya kahit papano. “Tiyak na lalapitan ka nya para di mawala sa kanila ang mana nila. Im sure he will do everything para mapapayag ka pero tiwala naman ako sayo anak na hindi ka ang tipo ng babaeng madaling mauto hindi ba.” alanganin napatango si Chloe. Paano na kapag nalaman ng mga ito na matagal na silang mag kakilala ni Green and she even gave her virginity to him and worst Green already have a space in her heart hindi palang nya ito tinatanggap ng buong buo dahil may takot pa rin syang mahalin ito ng tuluyan. “Makinig ka sana sa amin ng papa mo. Gusto ka namin na makapag asawa na at mag karoon ng apo sayo anak pero hindi na si Green ang gusto namin para sayo anak. Di bale ng di mayaman dahil mayaman naman na tayo ang importante iyon mamahalin ka ng walang ibang dahilan. Minahal ka dahil ikaw si Chloe. Isang babaeng kaibig ibig anak.” wika ng ina na hinaplos pa ang pisngi nya. Gets naman nya ang ibig sabihin ng ina. “Nakausap nanamin ang parents ni Green at nilinaw namin na walang kasalang magaganap sa pagitan nyo ni Green. Hindi rin natin hahabulin ang mana na maaring mapunta sa pangalan mo gaya ng nasa testamento. Isasauli natin hanggang sa huling sentimo kung sakaling dumating ang pagkakataon na mapunta nga sayo ang mana.” mahabang lintanya ng ama nya. Napalunok nalang syang tumango. “Tandaan mo Chlodette.” wika ng ama na may inilabas pang litrato ni Green at inabot sa kanya. “Oras na lumapit ang lalaking iyan sayo im sure kilala mo sya dahil hindi bat kinuha kang muse ng team nila noon at ikaw ang endorser nila noon nag momodelo ka pa.” “oras na lumapit sya sayo tiyak na meron syang motibo. Kaya gusto ko iwasan mo sya at wag kang mag papaloko sa guwapo nyang pag mumukha. Maniwala ka sa akin anak lalaki din ako masasaktan ka lang.” final na wika ng ama. Napatango nalang naman si Chloe habang nakatingin sa picture ni Green. ****** Nakahiga na sya sa kama nya pero di pa rin sya dalawin ng antok. Mula pa noon never syang sumuway sa lahat ng utos ng parents nya. Oo meron syang mga ginawang pag kakamali na walang alam ang parents nya pero never naman syang sumaway kapag inutos ng mga ito. Ngayon ang utos ng magulang nya iwasan nya si Green pero paano nya gagawin yun. At parang ayaw nyang sumunod this time at kung sundin naman nya anong idadahilan nya kay Green. Lalayo nanaman ba sya mag tatago? Matanda na sya para gawin iyon masaya na sya sa tahimik na buhay na pinili nya ang mag turo sa mga bata sa paaralan. Si Green handa na syang tanggapin ito pero bakit kung kelan handa na sya saka naman nangyari ito. Napalingon sya ng marinig na mag ring ang phone sya sa tabi nya sa kama. 11pm na ng gabi si Green ang caller napangiti sya ng damputin ang phone pero agad din binitawan at napatingin sa kisame. Nag tatalo pa rin ang isip nya. Huminto ang ring at tumunog ang text message. Dinampot nya ang phone at binasa ang text ni Green. “Tulog ka na agad?” napangiti sya obviously hindi ito na niniwala na tulog na sya. “Asawa ko.” “Psst.” “Chloe.” Napabuga ng hangin si Chloe na nag type ng reply rito. “Tulog na ako bukas nalang ulit.” reply nya na agad naman itong nag reply. “Gumising ka muna.” natawa sya sa reply nito na meron pang emojies na smiley. “Ano nanaman ba?” “Call ako.” “Wag na hindi sound proof ang kuwarto ko baka mapagalitan ako nila Mama.” “Ano ka bata?” “Baby nila ako excuse me.” “Hahahhaha! igawa nalang natin sila ng bagong baby.” “Sira ulo mo.” natatawang reply nya. “Miss na agad kita.” imbis na kiligin parang nalungkot si Chloe sa text na iyon ni Green. Green obviously knows how to please a girl ngayon palang parang nalulungkot na sya kapag nag break na sila after 3 months. Wala pa man 24hrs ang instant relationship nila pakiramdam nya kailangan na nyang lumayo dahil ayaw nyang sawayin ang parents nya pero ayaw din naman nyang sawayin ang puso nya na gustong subukan magmahal sa unang pagkakataon. Nagkanobyo naman na sya noon pero limitado ang inilalaan nyang pagmamahal dahil narin sa klase ng trabaho nya noon. “Hey! Are you still up. I said i already miss you.” “Wala lang akong maisip na sabihin.” reply nya. “Are you regretting your decision to date me?” napalunok sya sa tanong ni Green. “Be honest Chloe it’s fine with me dahil ako kahit 3 months lang to i will assure you what you see is what you get. I will be a man every womans dream.” “I don’t want my parents knows about us.” “Hindi na tayo teenagers Chloe. Why? Is there a problem?” tanong pa ni Green saka nya na alala ang sinabi noon ng parents nya. Na inayawan daw sya ng parents ng babaeng gustong ipakasal sa kanya ng lolo nya. So meaning parents yun ni Chloe dahil sa mga scandal nya noon. Napapikit bigla si Green. “Get rest let’s meet up tomorrow.” “Thursday palang bukas. Sabado at linggo lang ang usapan natin.” sagot nya rito pero di na ito nag reply ibig sabihin lang di ito pumapayag. Napabuga nalang sya ng hangin. “tsk! ano bang tamang gawin ko.” tanong pa nya sa sarili saka padapang nahiga sa kama nya. “bahala na 3 months lang naman to. Wala naman sa usapan namin mag papakasal. After 3 months mag hihiwalay din kami.” pabuga ng hangin na wika nya saka pumikit na. - - - - - - - - - - - Napahinto sa paglabas si Chloe ng matanaw si Green na pinag kakaguluhan sa parking ng mga teenager na studyante kanya kanyang pa picture at pa autograph. Talaga naman ito ang tunay na kilabot ng kolehiyala tirador ng mga minor. Sino ba naman hindi mag kakagusto rito ang lakas nitong maka trrending sa mga outfit nito na pang Kpop sino mag iisip na 39 years old na ang matandang hukluban na ito. Dinukot nya ang phone nya at nag send ng text rito. Na mukhang na received naman agad ng binata dahil nakita pa nyang nag excuse muna ito sa nga studyante. “Get out of here. Someone might see us hindi puwedeng makarating kila papa na im dating you.” nakita pa nya ang pag buga nito ng hangin. “You want me to talk to them?” “Hell no!” “im already here. I want to see you.” “i know i already saw you.” dahil sa reply nyang yun nag angat ng ulo si Green at hinanap sya. “12 o’clock front of you. Mauuna na ako let’s meet up sa cafe.” aniya. “Okay.” sagot naman nito na nakita nyang ngumiti bago nag paalam na sa mga studyante. “Wala ba manlang kiss.” turan ni Green ng makaupo na ito sa harapan nya. Halos kadarating lang din nya at naka order na sya ng puwede nilang meriendahin dalawa. “Hindi ka ba busy?” tanong ni Chloe. “I am actually i have a dinner meeting mamaya 6pm. Gusto lang sana kitang makita kahit sandali i have 2 hours to spend with you.” Napatitig si Chloe sa binata na nakangiti. “Ginagawa mo din ba ito sa mga naging steady girlfriend mo?” “No. Busy kasi ako sa mga practice games ko before at madalas may laro kami saka si Allen ang nadalas ko kasama sa mga free time ko.” “Sa dami ng flings mo at s*x partner mo ibig sabihin hindi ka nababakante kahit isang araw lang pero wala kang time noon mag seryoso. s*x lang talaga.” mataray na komento ni Chloe. Bahagya naman natawa si Green. “Bata pa ako noon syempre ——- “Wag ka ng mag explain dahil malinaw naman na sadyang ma L ka talaga.” “Well i admit pero hindi na ngayon.” “I doubt it.” taas kilay na ani Chloe tumawa naman si Green. “Believe it or not ikaw nalang ang gusto kong makatabi ngayon sa kama pero syempre di ko ipipilit hanggang hindi ka willing pero i assure you na wala na talagang iba. Retired fu*ked boy na ako.” natawa naman si Chloe sa term na ginamit ng binata. “Ewan ko sayo.” iling nalang ni Chloe saka kumagat sa waffles na nasa harapan nya. “I heard about your parents declining my parents proposal regarding in our fix marriage.” napaangat ng tingin si Chloe sa binata. “I also heard na ikaw din pala ang babae na dapat matagal ko ng fiancee’ kung alam ko lang edi sana di na ako tumakas noon. Sa meet up natin.” “Puwede bang wag nalang natin sabihin sa mga parents natin ang tungkol sa usapan nating dating within 3 months. Mag hihiwalay din naman tayo after ng 3 months diba.” natigil sa pag kagat si Green dahil sa sinabi ni Chloe. Bakit ba napakadali para sa babaeng to saktan ang puso nya. Wala ba syang karapatan mag seryoso sa buhay hindi ba kapanipaniwala ang mga sinasabi nya. Pinilipilit naman nyang iparamdam dito na seryoso talaga nya kahit sabihin pang 3 months lng ang usapan nila. Wala naman syang balak tapusin ng 3 months ang sinimulan nya. Ginamit lang nyang excuse ang lolo nya pero ang totoo. Wala na syang planong pakawalan pa ito. Si Fiona wala naman talaga na syang feeling rito. Oo nagulat sya sa biglaan nitong pag balik. Pero ginamit lang din nyang dahilan si Fiona para mapapayag si Chloe na makipag date sa kanya sa loob ng 3 months pero ang tunay nyang agenda ay mapaibig talaga si Chloe sa kanya sa loob ng 3 months sa kahit anong paraan. Alam nya kahit di aminin ni Chloe meron na syang space sa puso nito. Hindi palang talaga siguro ito aware kaya balak nyang palakihin ang space na iyon para sa kanya ngunit dahil sa pag ayaw sa kanya ng parents nito mukhang mag aalanganin pa ang nasimulan na nya. Kailangan nyang mapaibig talaga sa kanya si Chloe para mag karoon ito ng rason para ipag laban sya nito sa sariling magulang. Dahil kundi tiyak nyang matatapos lang talaga ang relasyon nila sa loob ng 3 months dahil sure syang susundin nito ang parents kesa sa relasyon meron sila. “Okay kung yan ang gusto mo pero im not tolerating you. Doing some blindate again dahil gusto ng parents mo. Wag mo akong galitin Chloe mabait lang ako pero kapag seryoso ako——- “Wag no akong tinatakot Green baka ikaw ang magulat kapag ako ang nagalit.” nakasimangot naman wika ni Chloe. Bigla naman napalabi ang binata. “Pumayag na nga ako na mag secret dating tayo. Hindj naman siguro masama na ipag damot kita 3 months lang naman kaya gusto ko akin ka lang ayoko ng may ibang lalaki kanh i dadate sa loob ng 3 months. Im sure pinababantayan na ni lolo ang kilos natin dalawa.” “Sino nga ba ulit ang lolo mo. Ang lakas din talaga nyang mag playing cupid tanda tanda na nya.” iling ni Chloe. “Redulfo La Fradez.” “Bantot ng pangalan.”ani Chloe sabay dampot ng phone. Balak sana nya i search ang pangalan ng lolo nito makita ang pag ilaw ng cellphone ni Green sa ibabaw ng mesa. “Fiona’s calling…” tumaas ang kilay ni Chloe saka inis na ibinaba ang phone sa mesa. “Sagutin mo natawag ang ex mo.” “Let ——- “Kung ayaw mong tawagan ka nya bakit naka save sa phone mo ang number nya at bakit alam nya ang number mo.” napangiti naman si Green na nangalumbaba pa habang nakikipag titigan kay Chloe. “Ang ganda mo lalo kapag nag seselos ka.” “Sasagutin mo ba yan o dudurugin ko yan phone mo. Napaka demanding mo kapag sa akin samantalang ikaw ex na naka save pa sa phonebook mo.” “Correction and objection. Kay mama nya nakuha ang number ko ibinigay ni mama dahil dumalaw sya sa parents ko kahapon. at sinave ko lang para alam ko kung sino natawag para alam ko kung dapat bang sagutin o hindi.” “Sanay na sanay ka talaga gumawa ng excuse.” ani Chloe saka mabilis na kinuha ang phone ni Green at sinagot ang tawag habang inilagay sa loudspeakers si fiona saka ipinatong sa gitna ng table. “Hello sugar. Thank you sinagot mo.” senenyasan ni Chloe na sumagot si Green. “What do you want? And would you please stop calling me sugar.” “Ayaw mo na ba akong tawagin creamy. Just like old times.” Pigil naman ni Chloe ang matawa nag kunwari syang nasusuka ng mapatingin sa kanya si Green na umirap. “Im busy Fiona. Tell me what you want.” “Nandito ako sa police station. Nahuli kasi ako beating the red light. I impound nila ang kotse ko kasi nalimutan ko dalahin ang OR CR. Can you please help me. Matagal akong wala dito sa pilipinas hindi ko na alam ang——— “im busy im sorry i can’t help you tumawag ka nalang sa iba.” sagot ni Green sabay off ng phone. “Ang suplado mo naman.” ani Chloe. “Mukha ba akong MMDA para ako tawagan nya. Napakaguwapo ko naman para hingian nya ng tulong.” natawan naman si Chloe sa excuse ni Green. “Baka naman natatakot ka lang mag solo kayo ni Fiona kasi baka bumalik yung feel——-agh!” naputol ang sasabihin ni Chloe ng mabilis na naka lapit sa kanya si Green at hinalikan sya sa labi smack lang yun pero para syang na ground sa live wire kaya napahawak sya sa labi nya na napatingin rito. “Wow ha! kung maka react ka parang ngayon ka lang nahalikan.” ngisi ni Green ngumuso naman si Chloe. “Nagulat lang ako. bumusina ka nga muna bago mang hahalik. Mag kakasakit ako sayo sa puso e.” tumawa naman si Green sa sinabi nya. “
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD