Shooter

2607 Words
********** Ang ingay ng buong coliseum sa sigawan ng mga fans ni Allen. May naririnig din syang sigawan ng pangalan ni Green pero wala naman si Green. Pasimpleng hinahanap ng mata nya ang binata pero di nya makita baka di na ito pupunta. Hindi naman na ito parte ng PBA. Ang alam nya mag reretired na din si Allen this year tinatapos lang nito ang contract. “Chloe.” bati ni Dwight ng lapitan sya nito at batiin. Kasama ulit nito ang asawa na hinalikan pa sya sa pisngi. “Balita ko kasama ka sa shooter.” “Oo may nag hamon e.” biro naman nya sabay nguso kay Allen. Wala naman nakakaalam na mag kamaganak sila ni Allen. Ang totoo hindi naman literal ampon lang naman ang mommy nya ng mga lagdameo pero kahit ganun pa man never naman itinuring na iba ang mommy nya ng mga kinilala nitong kapatid. “Si Allen hahahaha! Mukhang exciting to shooter vs Shooter.” anito saglit pa silang nag usap bago pa nag paalam ang dalawa. Nag invite rin ang mga ito para sa nalalapit na birthday daw ng anak di nalang muna sya na ngako na dadalo. Marami silang activity sa school this month kaya magiging busy sya. Exclusive girl school lang sila noon pero last year lang nag oopen up na ang school nila para na din sa mga batang lalaki from Kinder to Grade six lang wala pang high school. May ibang parents kasi na ayaw pumayag kaya unti unti lang muna prestigious school iyon kaya maingat sa bawat decision making. Napapalakpak naman si Chloe out of 60 balls 51 ang na i shoot ni Allen not bad at ito pa rin ang nanalo sa 3 points shot. Bagay talaga rito ang titolo na 3 points shot king dahil wala pang nakakatalo sa record nito sapol ng maging PBA Player ito. Bigla napatingala si Chloe sa malaking screen sa taas ng ring dahil bigla umugong ang malakas na sigawan sa buong arena. Saka nag close up shot ang guwapong mukha ni Green. Napasimangot naman si Chloe. Ayun nanaman yung malokong ngiti ni Green. Ngiting kinakikiligan ng mga babae. The Killer smile ika nga pero infairnes naman sa kurimaw na to ang galing talaga nitong puporma parang korean kpop kaya ang dami din na huhumaling ritong teenagers e ang lakas maka kpop ng galawan nito at pananamit hindi halatang 39 na ito this year. Mga loose shirt, Pants at white rubber shoes. “Ayan na si loverboy smile na kanina mo pa hinihintay diba.” biro ni Audrey na bumulong pa sa kanya. “Shut up! Alam mo bang sinabihan nya ako ng Matanda at makunat na. Putang**** na! maghanap sya ngayon ng babaeng bobolahin nya erase na sya sa akin ngayon demonyo sya.” Gigil nanaman sya ng maalala. Tawang tawa naman si Audrey at di makapaniwala. “Baka iniinis ka lang nya kasi lagi mo syang ni rereject.” “O puwes ngayon mas lalo na syang walang pag asa. Tama ng minsan na nakatikim sya ng langit sa akin. Tanga na ako kung papasukin ko pa sya ng entrance hall.” Napayakap na sa kanya si Audrey sa katatawa noon naman lumapit si Allen na nagtataka na napatingin sa kanilang dalawa. “Wag ka ng mag tanong mainit ulo ko.” ani Chloe. Kaya natawa nalang si Allen na naupo sa tabi ng asawa na tawang tawa pa din. “Your seating in my chair.” antipatikong wika ni Green ng makalapit sa puwesto nila. Nakatingin rito ang lahat ng dati nitong ka team na tuwang tuwa na binati pa ito at ang kumag naka simangot ngayon ay ngiting ngiti na habang nakikipag biruan sa mga dating ka teammate. “Meron ba syang split personality.” pabulong na usal ni chloe na iiling iling nalang na tumayo. Lalayo nalang sya baka mahawa pa sya rito masira lang ang araw nya sa kabilang side ni Allen na bakante naman. Nakita pa nya ng lingunin pa sya ni Green pero tinaasan lang nya ito ng kilay bago ito makaupo sa upuan na inalisan nya. “Anong drama yan? sa ginagawa mo tingin mo makukuha mo sya ng ganyang style.” bulong ni Audrey kay Green. “Watch and learn. Hindi ako tatanda ng ganito kung di ko pa alam ang likaw ng bituka ng mga babae. Manahimik ka nalang dyan kasalanan mo kung bakit ang hirap paamuin ng babaeng yan.” ganting bulong din ni Green rito. “Aba kasalanan ko bang ipanganak ng maganda.” biro ni Audrey. Napangiwi naman si Allen sabay iling. Di nya alam kung dapat ba nyang pasalamatan ang lolo nya sa ginawa nito. Iniisip lang nya paano nag kakilala ang dalawa. Bihirang lumabas ng bahay ang lolo nya. Lalabas man ito company nilang ang mga meetings naman nito sa comapny lang din ginagawa. Wala syang masyadong alam sa lolo nya dahil di naman sya close talaga rito. Mas close sya sa lola Tere nya at madalas nyang kaaway ang lolo nya noon bata pa sya tuwing bibisita sila sa mansion ng mga ito. Basta kasi umuwi sila sa mga ito ang lola nya nasa kanya lahat ng attention hanggang sa pagtulog gusto nito katabi sya. Kaya ang lolo nya lagi nalang galit sa kanya. Pero dahil sa ginawa nitong pag aarange marriage sa kanila ni Chloe bigla parang gusto nyang matuwa sa kahit ano pang rason ng lolo nya. Kaso lang as always rejected nanaman sya at last alas na nya itong nilalaro nya para lang makuhana ang attention nito. Di na nya alam kung ano pang gagawin nya kapag di pa nya ito nakuha baka tumanda na talaga syang binata. Alam nyang risky na galitin ito at mag panggap na galit rito pero kung ito nalang ang way para lagi syang isipin ng dalaga. It’s fine with him at tingin naman nya effective dahil kita ng sa peripheral view nya na kanina pa ito tingin ng tingin sa kanya at iirap kapag lilingunin nya. Gusto nyang matawa sa ginagawa nito pero pinipigilan lang nya. Alam nyang isinusumpa na sya nito pero okay lang titiyakin naman nya sooner or later yung hate nito sa kanya ngayon mapapalitan ng love. Naniniwala pa rin sya sa kasabihang the more you hate the the more you love. Kaya iyon ang plano nya to pissed her off hanggang sa hindi na sya mabura sa systema nito. “Uminom ka ba ng gamot mo baka rayumahin ka 60 balls yan.” pang aasar pa ni Green kay Chloe ng tumayo na ito dahil tinawag na ito sa ring para sa guest shooting. “Gusto mo pati ulo mo ishoot ko e.” inis naman sagot ni Chloe na tinawanan ng mga grupo ng mga itong nakarinig. “Aling ulo ba ang gusto mong ishoot. Dalawa kasi ang ulong meron ako.” ngisi pa ni Green na lalo pang tinawanan ng mga nakarinig. “Ganun ba? Di kasi ako na inform na ulo din pala yan nasa ibaba mo. Mukha kasing walang utak kung saan saan nalang pumapasok.” saka tumalikod dinig pa nya ang pang aasar ng mga ka teammate nito sa binata. Pag hudyat ng buzzer agad na nag simula syang mag shoot ng bola. Walang mintis kita na nya ng halos lahat ng PBA player ng ibat ibang kupunan ay napatayo at napa cheer na din sa kanya. Sigawan na ang buong crowd kasabay ng pag tunog ng buzzer ang pag shoot ng huling bola na hawak nya. 57 out of 60 mas mataas kesa sa 3 pointer ng pba na si Allen na napatayo na din sa pag palakpak. Nag bibiro naman ang ilang PBA player na mga lumuhod parang mga sira ulong sumamba sa kanya. Maging ang commentator ay naging maingay sa pagpapahayag kung gaano sya kagaling puwede daw syang sumaling basketplayer in woman division at tiyak daw na magiging ace player sya. Medyo humihingal pa sya ng bumalik sya sa tabi ni Allen na parang proud na proud na nakipag high five rito at ganun din kay Audrey. “Kalma lang Mr. LaFradez mukhang shock ka pa sa kaganapan sa buhay.” ngisi ni Chloe. “Boss mukhang bigatin ang girlfriend mo.” biro ng isang teammate nito. “Hindi ko sya girlfriend.” “Hindi nya ako girlfriend.” halos sabay na wika nilang dalawa sabay pa silang nag irapan. Natawa nalang naman ang mag asawang allen. “Chloe.” sabay pang napalingon silang lahat ng lumapit si Dwight may kasamang iba’t ibang players ng PBA. “Dwight. Dude.” nakipag high five si Allen rito ganun din sa ibang players. Mga nag reresquest ang mga itong mag papicture at hingiin ang number ni Chloe. “Sample palang yan mukhang mahihirapan ka.” bulong ni Audrey kay Green na na di na maipinta ang mukha habang pinapanood ang mga dating co player na nag papapicture kay Chloe na ngiting ngiti sa mga picture. Napakuyom pa sya ng kamay dahil hinahayaan lang ni Chloe na akbayan at hawakan ito sa bewang ng mga co-player nya noon. “Ang landi.” bulong ni Green na umabot naman sa pandinig ni Chloe kaya halos tumarak na ang mata nito ng irapan sya. “Selos na selos ka asan na yung galawang Green na kilala namin.” biro ng isang ka teamate nya noon. Ngumisi naman si Green na nilingon ang mga ka teamate na tuwang tuwa na inaasar si Green. “Invited kayong lahat sa kasal ko at binyag ng anak ko.” tumawa ang mga ito. “Meron ka ng bride? Handa ka ng iwanan ang berdeng at mapulang ni Green Exel LaFradez.” ngumisi muli si Green na nilingon si Chloe na di na yata na ngangalay ang panga sa kakangiti. “Chlodette Santillan. Will be my wife bare that in mind mga dude.” “Hindi mo girlfriend diba.” buska pa ng mga ito. “Hindi ko sya magiging girlfriend kahit kelan dahil pang misis ang title na kaya kong ibigay sa kanya.” umungol naman ang mga ito habang napangiwi naman si Audrey na lumayo sa binata at yumakap sa braso ng asawang si Allen na napakunot pa ang noo. “Why?” “Kinikilabutan ako kay Green. Mukhang may split personality talaga yan kaibigan mo. Mukhang malakas talaga ang tama kay cHloe.” ani Audrey. Natawa naman si Allen na napatingin sa kaibigan. Na nakatitig nga kay chloe. He’s happy for him mukha he finally overcome his unconditional love for his wife. And he think Green was really in love with Audrey to the fact na parang pinaniniwala lang talaga nito ang sarili na si Audrey talaga ang mahal nito he doubted it noon pa kasi para sa kanya kung mahal mo talaga ang isang tao ipag lalaban mo sa kahit anong paraan pero si Green wala man lang itong ginawang paraan kahit konti para ilaban ang feelings nito. Pero kay Chloe hayagan nitong pinakikita na nag seselos ito. Lumalabas ang pagiging childish nito tuwing si Chloe ang topic. Tingin nya ngayon lang talaga ito totoong na in love hindi lang talaga ito aware dahil babaero talaga ito noon. Di nya akalain na si Chloe lang pala ang magiging katapat nito. Ang pinsan nyang isa’t kalahati din may split personality kaya talagang bagay ang dalawang ito. Perehong nag iisang anak kaya spoiled at masakit sa ulong i handle. Kung di mo lalawakan ang pang unawa maaga kang tatanda sa mga ito pero infainess naman kay Chloe mukhang nag mamatured na ito simula ng maging teacher na ito at iwan na nito ang mundong pabago bago ng career. Nag focus na ito sa pag tuturo sana lang din mag karoon na ito ng love life at tingin nama nya si Green na rin iyon konti g push lang talaga. “Exel.” tawag ng isang babae habang papalabas na sila ng Arena after ng All star Game. Nahinto sa pakikipag biruan ang binata sa mga co player na kasabay nilang lumabas. Ngumiti ang babae meron pa itong malaking maleta sa tabi nito habang maganda ang ngiti pero di magawang ngumiti ni Green. Nagtama pa ang mata nila ni Chloe na nag palipat lipat ng tinggin sa kanila ng babaeng bagong dating si Fiona. “Dude mauna na ako.” nagpaalam na rin si Green sa mga kasamahan after tapikin sa balikat si Allen at humalik naman sa ulo ni Audrey habang tumingin lang kay Chloe saka malalaki ang hakbang na umuna na ng lakad mabilis naman sumunod ng takbo ang babae tumawag rito kanina habang pilit na tinatawag si Green na di man lang lumilingon. “Sino yun?” curious na tanong ni Audrey. “I don’t know ngayon ko lang din sya nakita.” “Baka ex.” sagot nalang ni Chloe isa sa mga fling hindi naman nya nakita ang mukha ng babae sa lahat ng files na dala noon ni Green baka isa ito sa mga listahan ni Green. “I don’t think so. Wala naman babaeng iniwasan si Green kahit mga ex pa nya or bed partner.” “Mukhang may katunggali ka na Chloe bawasan mo na ang pag papakipot sige ka.” ani Audrey. Tumarak naman ang mata ni Chloe sabay iling saka nag paalam na rin sa lahat na aalis na. ******** Nahinto si Chloe sa pag pasok ng basement parking ng condo nya ng matanaw ang kotse ni Green na naka park sa harapan ng condo nya na may ilang parking lots. Nakita pa nya ang pag bukas ng driver seat nakatingin lang si Green sa kanya. Seryosong seryoso ang mukha ng binata nakakapanibago kapag ganun ang hitsura nito. Napabuga ng hangin si Chloe na pinatakbo ang motor papalapit rito. “Anong ginagawa mo dito?” “Gutom na ako kain tayo?” “Pagkatapos mo akong tawagin matanda at makunat yayain mo akong kumain sa labas.” “Kailangan ko ng kausap ngayon.” anito sabay yuko bagay na ikinagulat talaga ni Chloe. Malakas talaga ang kutob nyang meron itong split personality iba klase mag palit palit ang mood ang isang to ang hirap spellingin. “Sakay.” usal nalang nya tumalima naman si Green na mabilis na umangkas sa likuran nya pero mabilis na pinalo nya ang kamay nitong ang bilis na yumakap sa bewang nya na konting konti nalang dibdib na nya ang hahawakan nito dahil sa klase ng ducati motor nya. “Humawak ka lang sa bewang hindi ko sinabi na yumakap ka.” “Hindi ba puwedeng payakap lang.” pabuga ng hangin na wika nito. “Hindi. Saan tayo kakain?” “Dyan nalang sa street foods.” sagot naman ni Green. “Hindi puwede baka naman mag ka hepatitis na ako kakain ng streetfood.” natawa naman si Green. “Kala ko pa naman makakatipid ako.” “my treat.” “Oo nga pala nanalo ka nga pala kanina sa shooting tama lang na manglibre ka.” ani Green ng maalala ang game kanina. “Wala pa sa akin ang pera. Ililibre kita dahil hindi ako kuripot na tulad mo.” pa ismid na ani Chloe. Saka pinatakbo na ang motor binigalan nalang nya ang takbo para hindi na yumakap si Green. Na wiwindang ang puso nya kapag sobrang lapit nila sa isat isa may atraso pa ito sa kanya at di nya matatanggap ang sorry lang after nitong yurakan ang pride nya ng tawagin sya nitong matanda at makunat na. Pakikibagayan lang nya ito ngayon dahil halatang may pinag dadaanan lang ito ngayon. Marahil dahil dun sa babae kanina at curious din naman sya kung sino ang babaeng yun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD