Arrange marriage

2359 Words
******** Tulala si Green habang kaharap si Chloe sa loob ng guidance office habang kaharap si Chloe na nag tataka din. From his office kinaon sya ng abogado ng lolo at driver nito para dalahin sa babaeng mapapangasawa daw nya. Pinag hintay pa sya ng 30 minutes ng abogado ng lolo nya sa guidance office ng isang exclusive girl school dahil tatawagin daw nito ang babaeng soon to be his wife daw pag dating nito nagulat at napatayo pa sya sa kinauupuan ng makita si Chloe sa likuran nito. Ngayon mag kakaharap na silang tatlo wala naman gustong mag salita. Nag papalipat lipat lang ang tingin ng abogado sa kanilang dalawa. Ngunit sa huli si Atty. Sylvester Santos na din bumasag ng katahimikan. “Ikaw si Chlodette Santillan diba. Ako nga pala si Atty. Sylvester Santos at ito naman ang apo ng kliyente ko si Green Exel La Fradez.” anito na inabot sa kanya ang sarili nitong calling card saka sinenyasan pa si Green na bigyan din ang dalaga ng calling card nya na wala naman sa loob na nag abot din sya. Litong lito sya sa nangyayari. Paano nakilala nito ang lolo nya. “Marahil nag tataka kung anong ginagawa namin rito. Hindi ko na patatagalin pa at alam namin na malaki kaming abala. Narito kami para sabihin sayo na ikaw ang napili ni Don Redulfo La fradez na maging succesor ng lahat ng ari arian nya.” bigla naman natawa si Chloe na binitawan sa mesa ang mga calling card saka tumayo. Naka PE uniform din sya tulad ng suot ng mga studyante nya. Meron syang 30 minutes na break at wala syang planong sayang iyon sa dalawang ito. Hindi nya alam kung anong pakulo ni Green para lang mapapayag syang makasal rito. “Teka lang chloe.” pigil ni Green sa kanya na hinawakan pa sya sa braso. Inis naman na nilingon nya ito. “Ano nanaman ba to Green.” “Hindi ko rin talaga alam ng una na ikaw ang tinutukoy ni Lolo na babae gusto nyang ipakasal sa akin. Maniwala ka.” “Ipakasal? ang lolo mo bakit sino ba ang lolo mo para ako ang piliin nyang ipakasal sayo. Galing mo rin naman mang scam ano? Pati lolo no idinamay mo pa sa kalokohan mo.” “Atty. Santos please explain to her… maupo ka muna chloe makinig ka nalang kahit sandali.” ani Green na hila hila na ng dalaga para pabalikin sa upuan. “As ive said apo sya ng client ko. Hindi mo ba talaga kilala si Redulfo La Fradez.” nagpalipat lipat ng tingin si Chloe sa dalawang lalaki. “Hindi at kung kilala ko man sya bakit naman nya ako gagawin successor nya at anong sabi ng asungot na to ako ang napili para pakasalan to? Ano to reality show?” napapailing na napahalukipkip si Chloe. “Bakit parang sukang suka ka sa idea. Nakakasakit ka ng damdamin chlodette.” ani Green. Nakaramdam naman ng konsensya si Chloe kahit papano saka bumuga ng hangin at naupo ng maayos. “Makinig ka Green. Hindi ko kilala ang lolo mo hindi ko rin kailangan ng mana dahil hindi naman mahirap ang pamilya ko or ang angkan namin at higit sa lahat hindi ako mag papakasal sa isang tao dahil inutos o idinikta sa akin. Mag papakasal lang ako kapag iyon ang gusto ko at sarili kong desisyon.” “Nakasalalay sayo ang ang buong mana ng pamilya ko Chlodette.” Medyo mataas na ang boses na wika ni Green. “Then let me meet your lolo para naman ako mismo ang mag linaw sa kanya ng mga sinabi ko.” “Hindi mo ba talaga ako kayang pakasalan kahit 1 year lang then mag hiwalay nalang tayo kapag napalipat na sa akin ang lahat ng mana ko.” “Mr. La Fradez.” gulat na saway ng Abogado. “Mag pasalamat ka nasa school tayo La fradez kung may dala lang akong baril dito. Butas na yan noo mo sa akin. Mukha ba akong desperada? na mag asawa.” “Wag kang choosy Chloe. Matanda ka na makunat ka na kung tutuusin pero masyado kang pa hard to get.” pagak naman tumawa si Chloe habang deep inside parang gusto na nyang tumayo at ihampas kay Green ang silyang inuupuan nya. Bakit bigla parang ang yabang yabang nito dahil lang ba possible itong mawalan ng mana dahil sa kanya. “Ako matanda at makunat?” “Im really sorry Ms. Santillan for my client behavior i personally——— “Sinabi ko lang ang totoo Mr. Santos bakit kailangan mong mag sorry sa kanya. Sumosobra na ang babaeng yan. I been waiting for you for too long pero balak mo pa rin mag pahabol hindi na mangyayari yun bahala ka sa buhay mo. Mag hanap ka ng lalaking papatol sayo.” ani Green saka tumayo na at nauna pang umalis. “Kapal ng mukha! Sabihin nyo sa boss nyo isako ang apo nya at itapon sa ilog. Kainis.” ani Chloe saka lumabas na din ng guidance office na inis na inis. Napakamot nalang sa ulo ang abogado. ******* Malakas na tumatawa si Don redulfo habang ikinuwento ng abogado ang nangyari sa unang meet up ni Chloe at Green. Kanina umaga lang nya nalaman na personal na makilala ang dalawa at 3 taon ng hinahabol habol ng apo nya ang dalaga kung nalaman lang sana nya ng mas maaga aga medyo hinabaan nya ng konti ang palugid sa apo nya. Unang kita palang nya sa dalaga noon natitiyak na nyang magiging parte ito ng pamilya nila dahil di nya alam ngunit ilang beses ng naging laman ng panaginip nya ang dalaga bago pa man sya nito iniligtas sa gubat. Kasama nya ng araw na iyon ang mga anak ng pangalawa nyang asawa sa una nitong asawa. Noon pa man wala na syang tiwala sa mga ito. Pinakasalan lang naman nya noon si Georgia dahil na aawa sya rito meron itong anak na 3 lalaki. May malubhang sakit ai Georgia at ayaw nitong mapunta sa bahay ampunan ang mga anak nito at dahil matalik na kaibigan ng asawa nyang si Teresita si Georgia pinakasalan nya ito at itinuring na mga anak ang mga anak nito ngunit ng malaman ng mga ito na maliit lang ang mamanahin mula sa kanya. Nakita nya ang pag babago ng tatlong lalaki although wala naman pinakikitang masama ang mga ito sa kanya kaya kampante lang sya noon. Ngunit ng subukan nya ang faithfulness at loyalty ng mga ito doon sya nag simulang mag duda. Nag panggap syang nag kakaroon na ng alzimer at nagiging makakalimutin na. Hanggang sa yayain sya ng mga itong mag hiking dapat ay kasama rin nila ang nag iisa nyang anak na si Axcel pero busy ito sa pag papatakbo ng negosyo nila kaya di ito naka sama. May matatas na posisyon din naman ang mga anak ni Georgia sa kumpanya nila pero mukhang masyadong mas mataas ang gusto ng mga ito at nalulungkot sya para sa ina ng mga itong namayapa na 1 taon na ang lumilipas. Lalong tumibay ang hinala nya na hindi aksidente ang nangyari pag kawala nya sa gubat. Sadyang iniligaw sya ng mga ito masuwerte lang dahil nag kataon na meron grupo ng mga studyanteng bata na nag cacamping para sa boyscout. Nailigtas sya ng isang magandang dalaga at mukhang hindi lang ito simpleng babae lang dahil nakita nyang nagawa nitong patayin ang isang ahas na di pa ganun kalakihan sa isang putok lang ng baril at madilim na gubat. Kaya naman nakabuo agad sya ng plano alam nyang mali at inilalagay nya sa delikado ang buhay nito ngunit tingin nya hindj magiging madali ang buhay ng kahit sinong susubukan kalabanin ang dalaga. Nag paimbestiga sya tungkol rito pero gaya ng inaasahan wala nakuha na kahit anong files dito maliban sa mga normal na detalye. Hindi sya na niniwala na simpleng teacher, pag momodelo at pag tuturo ng seldefense sa mga kababaihan ang trabaho nito. Masyado itong magaling sa baril at yung position nito at pag hawak ng baril halatang professional ito. Noon kabataan nya sumali din ya sa army ngunit hindi sya tumagal di nya kaya yung hirap ng training. “Tingin mo wala bang pag asa ang apo ko na magustuhan nya.” “Mukhang mahihirapan po ang apo nyo Sir.” muling tumawa naman si Redulfo. “Natitiyak kong magiging parte sya ng pamilya namin sylvester.” turan ng matanda. Nakita nya sa panaginip nya si Chlodette na kasama sa family picture ng pamilya nila habang may buhat na sangol kasama pa ang 3 bata. Hindi naman siguro nya mapapanaginipan ang isang taong di kakilala kung walang dahilan. Hindi sila mag kasundo ni Green madalas silang mag kaaway sobrang pasaway kasi nito. Ika nga ng mismong anak nya na ama nito. Galit talaga ang mag nanakaw sa kapwa mag nanakaw. Paborito si Green ng kanyang asawa dahil daw iisang iisa sila ng apo nya matinik sa babae pero wagas kapag nag mahal. “Keep me posted 2 buwan mo silang bantayan para sa akin. Hindi ako makakabalita kay Green kaya ikaw ang mag balita sa akin sa mga mang yayari sa loob ng 2 buwan at kung guguluhin si Chlodette ng mga anak ni Georgia.” “Yes Sir.” ******** “Grabe ano sabi nya. Ako matanda at makunat na.” paulit ulit na usal ni Chloe habang nililigpitan ang kinakainan nya. Nag pupuyos talaga sya sa galit di sya makapaniwala na makakarinig sya ng ganun sa buong talambuhay nya lalot higit kay Green pa iyon galing. Hindi sya maka get over bakit in just 1 snap of finger bigla nalang ito nag kaganun akala ba nya gusto sya nitong pakasalan tas bigla… Hay buwisit talaga buti nalang talaga di na sya bumigay ulit muntik lang talaga. “Sino kaya sa amin ang mas matanda at mas makunat. Buwisit na impakto yun kala mo kung sino guwapo lang sya at mayaman at saka sikat kaya habulin sya ng babae pero putsa wala mag kakgusto sa kanya kung wala sa kanya ang mga katangian iyon.” inis na wika pa nya sa sarili. “Ako matanda at Makunat.” muling ulit nya sabay padyak na bubuwisit talaga sya gusto nyang makapanakit. Inis na tinapos na nya ang pag liligpit ng plato saka nag mamadaling nag bihis. Kailangan nyang mailabas ang gigil nya kay Green kundi hindi sya makakatulog. Nag tungo nalang sya sa boxing gym ng kaibigan nya instruction buti nalang meron pang ibang nag eensayo rin. Mabilis syang nag hamon ng suntukan na tinawan pa ng mga ito dahil babae sya. Naka ngisi lang naman si Jayson na naka sparing na din nya noon pero isang suntok lang nya tulog agad. “30k. Kapag natalo nyo ako sanyo na.” hamon pa ni Chloe. Nagtawanan ang mga ito mas lalo pang tumataas ang init ng ulo nya sa reaction ng mga ito. “Sige ikaw ikaw at ikaw sabay sabay kayo no limitation basta ang rules matira matibay.” “Pasensya na miss beautiful hindi kami nanakit ng babae.” sabi pa ng isa ngumisi naman si Chloe na kinuha ang gloves na inabot ni Jayson saka itinali ang buhok in messy buns. “Don’t worry kahit mag tatlo pa kayo malabong masaktan nyo ako.” “Hahahhahah! Ayos din naman ang chick na to maganda na sexy mukhang malakas ang hangin sa utak. Patusin kaya natin.” wika ng isa. “Hindi namin kailangan ang pera Miss meron ka pa bang ibang iooffer bukod sa pera mo.” ngisi ng isa na sa dibdib nya naka tingin. Naka sport bra lang sya na pinatungan nya ng sandong pink at itim na jogger pants. “s*x. Sige mag s*x tayo iyon lang ba basta ba mapatumba nyo ako. No limitation and matira matibay.” nag high 5 pa ang 3 kurimaw na mukhang mga baguhan lang sa Gym ni Jayson at di sya kilala. Karaniwan kasi sa mga client ni Jayson naka sparing na nya at wala man lang nakapanalo sa kanya. Sya na ang unang sumugod sa tatlo na nag tatawanan pa habang nag uusap usap ng gagawin. Isang suntok lang bumagsak ang isa at di na bumangon. Awang ang bibig ng dalawa na tiningnan ang kasama cheneck kung buhay pa ba ito. “You b***ch.” galit na sigaw ng isa na agad ng sumugod ganun din ang isa ng madala sa gilid ang kasama ng mga itong lalaki. Sabay syang sinugod ng dalawa. Aaminin nya medyo nahirapan sya dahil parehas na matangkad at malaki ang katawan ng dalawa idagdag pa na malakas pero di sya naging top agent noon kung dalawang lalaki pang mag papabagsak sa kanya. Hinihingal na bumagsak sa gitna ng ring si Chloe after nyang mapatulog ang 3 lalaki nag kamalay na ang unang lalaki na sinapak nya pero halatang hilo pa ito kaya di pa makabangon ng ayos. Bagamat na satisfied na sya sa gigil nya gusto pa rin nyang makapanakit pero this time gusto nyang si Green. “Tawagin mo na lahat ng santong kilala mo La fradez. Gagapang ka sa akin.” bulong pa ni chloe saka tumayo at basta nalang binato ang gloves kay Jayson. “Mag ingat ka sa 3 yan Chloe baka balikan ka dahil sa ginawa mo sa kanila.” ani Jayson habang palabas sya ng ring. “Pakibigay nalang ang address ko. Pakisabi mag paparty ako kapag dumating sila.” tamad na sagot nya na tinawanan lang ni Jayson. “Sira ka talaga basta mag ingat ka. Ang alam ko may ni rape na ang 3 yan na babae pero na absuwelto. May pera kasi kaya nabaligtad ang kaso sa narinig parang uminit naman ang ulo ni Chloe. Mga ganun balita pa naman ang ayaw nyang marinig. Matagal tagal na syang graduate sa pag paslang ng mga lalaking tulad ng mga ito pero kung magiging tawag ng pag kakataon. Walang problema sa kanya mag sayang ng 3 bala para sa tatlong ito. Tinapik nya sa balikat ang kaibigan na si Jayson at nag paalam na rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD