CHAPTER 2

2102 Words
BELLA’S POV ~~~ Nagising ako sa amoy ng bulaklak. Nang imulat ko ang mata ko ay puro’s pulang rosas ang bumungad sa ‘kin na s’yang kinahihigaan ko. Nang tignan ko ang buong paligid ay doon ko lang napagtantong wala ako sa k’warto ko. “Nasa’n ako?” takang tanong ko sa sarili ko. Tumayo ako at saka naglakad. Tumingin ako sa labas at maganda ang sikat ng araw. Maganda ang tanawin at maganda rin ang panahon. Pero hindi ito ang k’warto ko kaya naman lumabas ako para tignan kung nasaan ako. “Bella.” Napahinto ako sa paglalakad ng marinig ko ang tinig ni Sir Knight. Nang lumingon ako ay doon ko nakita si Sir na nakatingin sa ‘kin at ang mga mata niya ay kulay pula. Ngumiti siya sa ‘kin at para bang kidlat nang mapunta siya sa mismong harapan ko. Sa pagkakataon na ‘yon ay hindi agad ako nakakilos dahil sa bilis ng paglapit niya. “S-Sir…” “You’re so beautiful, Bella,” bulong nito sa tainga ko na s’yang napatayo sa balahibo ko. Naramdaman ko ang kakaibang sakit sa leeg ko na para bang may tumusok dito. Napainda ako at sa pagkakataon na ‘yon ay mahigpit ako nitong niyakap at naramdaman ko ang panghihina ko. “AHHH!” Napabalikwas ako ng bangon dahil sa panaginip ko. Napasapo ako sa dibdib ko at hindi ko alam kung anong nangyari. Napahawak ako sa leeg ko at saka ko naman tinignan ito sa salamin pero wala naman akong nakitang ano mang sugat sa leeg ko. Nakahinga naman ako ng maluwag at saka ako huminga ng malalim at bumangon na. Binati ko si Mama at saka ako umupo para mag-almusal. “Narinig kitang sumigaw. Anong nangyari sa ‘yo?” takang tanong ni Mama sa ‘kin. “Nanaginip lang ako na nahuhulog ako,” sabi ko naman. “Bakit ang lakas ng sigaw mo?” “Ikaw kaya malaglag hindi ka sisigaw?” sabi ko naman at saka natawa si Mama sa ‘kin. “Mayro’ng tumawag sa selpon mo kanina. Sinagot ko at sabi niya pupuntahan ka daw niya dito. Janna daw ang pangalan niya.” “Bakit daw?” takang tanong ko. “Hindi ko alam,” sabi ni Mama at saka ako napabuntong hininga. Matapos kong mag-almusal ay naligo na ako at nagbihis at sa pagkakataon na ‘yon ay sakto naman na may bumusina sa labas ng bahay namin at napatingin ako. Sa paglabas ko ay nakita ko si Janna na nakasakay as kotse at nanlaki ang mata ko dahil hindi ko natatandaan na mayro’ng sasak’yan si Janna. “Magbihis ka at hihintayin kita dito,” sabi nito at saka ako napatango. Bumalik ako sa k’warto at saka ako nagbihis at mabilis na kumilos kasi nakakahiya naman kung paghihintayin ko si Janna. Nang makalabas ako ay binuksan nito ang pinto ng kotse at saka niya ako tinignan mula ulo hanggang paa at saka siya napangiwi na parang may mali sa suot ko. Nalilito ako sa pagtingin niya at hindi ko alam kung anong mali sa ‘kin. Hindi ko alam kung saan kami pupunta ngayon. Basta ang alam ko ay sasama lang ako sa kanya. Habang nasa daan ay hindi ko maiwasan ang hindi mabahala ang kung anong ibig sabihin noong panaginip ko. Gano’n pa man ay nakarating kami sa isang mall at nang makapasok kami sa may parking area ay napatingin ako kay Janna. “What are we doing here?” takang tanong ko. “There’s someone who want to talk to you. But, before that I need to change your outfit first. It’s so gross,” sabi nito na may kasamang panlalait. Napatingin naman ako sa suot ko at wala naman akong nakikitang pangit. Baka naman hindi lang sIya sanay kasi iba ang suot ko kapag nasa office ako. Pero hindi na lang din ako nagreklamo kasi baka magalit sIya. Nang makapag-park na kami ay bumaba na ako at nauna naman si Janna na maglakad. Agag naman na sumunod ako at sumakay kami sa elevator. Nang makarating sa loob ng mall ay agad nya akong dinala sa bilihan ng mga dress. Napahinto ako at saka napatingin sa ‘kin si Janna. “You don’t have to worry, it’s my treat,” saad nito at saka naman nito hinawakan ang kamay ko at hinila ako papasok sa boutique. Sa pagpasok namin ay bigla naman kaming sinalubong ng sales lady at saka binungad sa amin ang kulay asul na dress na off-shoulder at mayro’ng pares ng sapatos na kulay puti. Kinuha ito ni Janna at saka nya ito binigay sa ‘kin at napainda pa ako dahil sa pagkakatama ng kamay niya sa mukha ko. Sinenyasan niya ako na pumunta sa may dressing room at hindi na rin ako nagreklamo pa kaya naman pumunta na ako at walang alinlangan na nagpalit. Nang makarating ako ay tinignan ko ang sarili ko sa salamin at saka ko tinignan ang sarili ko sa salamin at tinitignan kung bagay ang dress na ‘yon sa ‘kin. Masyado s’yang hapit at kurbang-kurba ang katawan ko. Napabuntong hininga na lang ako at saka naman nagpalit na. Matapos ‘yon ay saka ako lumabas at tila huminto ang oras nang makita ko kung sino ang nasa harapan ko at nakaupo sa may sofa katapat ng dressing room na nilabasan ko. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. “Sir?” takang sambit ko. Hindi ko alam kung paanong nandito siya at lumapit siya sa ‘kin at saka niya limapit ang mukha niya sa mukha ko na siya namang ikinaatras ko. Ang lakas ng kabog ng puso ko sa ginawa niya at hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hinawakan niya ang mukha ko at saka ako napasinghap dahil sa ginawa niya. Napakapit ako sa dress ko at napapikit ng mariin. “Knight?” Napamulat ako at saka ako napatingin kay Janna at agad ko s’yang nilapitan. “Akala ko ay mamaya ka pa?” ani nito at saka ito bumuntong hininga at nakatingin lang sa ‘kin. “I’m catching her,” sabi nito at tinutukoy ako. “Yea I know, pero sabi mo ay mamaya pa hindi ba?” “But I want her now,” sagot naman nito at narinig kong nagmura si Janna. “You’re so bad to me, Janna,” sabi nito at saka tumingin sa kaniya si Janna. Hinawakan ni Janna ang kamay ko at saka ako binigay kay Sir Knight na s’yang ikinagulat ko. Hindi ko inaasahan ang gagawin niya at gano’n pa man ay agad naman na hinawakan ni Sir ang magkabilaang balikat ko at saka nito nilapit ang bibig niya sa tainga ko. Ramdam ko ang hinga niya at ramdam ko kung paano nitong hinipan ang likod ng tainga ko. Hindi ko alam kung bakit niya ginawa ‘yon at hindi ko alam kung anong iniisip niya sa pagkakataon na ‘to. “I’m leaving now,” sabi ni Janna. “Be good to her,” bilin nito kay Sir na s’yang ikinakunot ko ng noo. “A-Ano daw?” takang sambit ko. “Come on,” sabi nito at saka niya hinawakan ang kamay ko. Sa totoo lang ay hindi ko maintindihan ang kung anong nangyayari at hindi ko alam kung bakit nandito ako ngayon at kasama ang lalaking ito. Ang akala ko ba naman ay si Janna ang makakasama ko ngayon at magkakaroon kami ng girl bonding pero mali ang iniisip ko sa pagkakataon na ‘to. Nakarating kami sa isang restaurant na malapit lang din dito sa may mall at saka kami pumasok doon at saka kami pumunta sa may dulong area kung saan makikita ang magandang garden sa labas. Pinaupo niya muna ako bago siya umupo. “P’wede po ba akong magtanong?” sabi ko at saka siya tumingin at ngumiti sa akin. “What is it?” tanong niya at saka ako huminga ng malalim. “Anong ibig sabihin nito? Hindi ko kasi maintindihan ang kung anong nangyayari. P’wede mo bang ipaliwanag mo?” sabi ko at saka siya ngumiti ng matamis. Hindi ako makapaniwalang mas g’wapo siya kapag nakangiti at sa totoo lang para s’yang model ng toothpaste. Pero agad akong binalik ang sarili ko sa riyalidad at saka ako napasampal sa sarili ko. “We’re dating?” sagot niya na may patanong. “Hindi ka sigurado sa sagot mo?” takang sambit ko. “We’re dating,” diretsang sagot niya. “Pero bakit? Hindi ba’t bawal ‘yon?” “Sino may sabi? Papatayin ko mismo sa harap mo,” sabi niya na walang pag-aalinlangan na siya naman ikinatakip ko ng bibig ko. “S-Sir?” “I was just kidding.” Ngumiti na lang ako at kahit na naiilang ay pilit kong pahinahunin ang sarili ko. Masyado naman s’yang seryoso sa sinabi niya kanina at sa isang segundo lang ay mabilis magbago ng ekspresyon ang mukha niya. Ang hirap basahin ang kung anong nasa isip niya at sa totoo lang iyong mga mata niya ang mas napapansin ko. “May lahi po ba kayong Americano, Sir?” wala sa sariling usal ko. “I guess so?” sagot niya. “But you’re handsome and all of the girls were looking at you like you’re a celebrety star,” puri ko sa kaniya at tumingin naman siya sa paligid. Dumating ang order namin at nakita ko ang mga nakahain ng pagkain na masarap sa ilong at tingin ko naman ay masarap ito. Habang nakatingin sa mga pagkain ay agad kong hinawakan ang kutsara at tinidor at saka ko tinikman ang mga ito. Napapikit ako sa sarap nito at hindi ko inaasahan na mas masarap pa ‘to kaysa sa luto ng Mommy ko. Tumingin ako kay Sir at saka niya ako sinenyasan na agad ko namang na-gets at saka ko pinunasan ang bibig ko. “Ahh… hehehehe it’s so delicious and it was my first time to taste this kind of food,” sabi ko at tumango lang siya. “You’re beautiful.” Napatingin ako sa kaniya. Pinatong niya ang parehong siko sa may lamesa ang ang parehong kamay niya ay magkahawak habang ang mukha niya ay nakapatong at nakatitig siya sa ‘kin na para bang walang ibang babae sa paningin niya kung hindi ako lang. Sa ginagawa niya ay nakakaramdam ako ng kakaiba sa katawan ko na para ba akong kinikiliti at sa totoo lang gusto ko na matitigan siya ng ganitong kalapit. Inayos ko ang sarili ko at saka ako tumingin sa ibang direksyon at saka ako napalunok. “Sir ano… hehehehe nakakailang po kayo tumingin baka may ibang makakita sa atin,” sabi ko at saka siya ngumiti. “And so? What’s the matter with that?” tanong naman niya na parang wala lang sa kaniya kung sino man ang makakita sa aming dalawa. Sinubukang kong labanan ang tingin niya sa ‘kin per hindi ko kaya. Sobrang nakakailang kasi talaga. Sa totoo lang ay hindi ko naman inaasahan na aayain niya akong lumabas. Nang matapos kaming kumain ay saka ako nagpaalam sa mga waiter na mababait at ngumiti lang silang lahat sa ‘kin. Nagsisisi akong sumama ako kanina kay Janna pero bakit nga ba niya ako inaya? Nang makalabas kami ng resto ay saka niya naman akong inaya na manood sa sinehan. Ito ang kauna-unahang manonood ako sa loob mismo ng sinihan. Sino ba naman kasi ang gugustuhing manood sa sinihan kung libre mo lang s’yang mapapanood sa ibang aplication? Gano’n pa man ay excited pa rin ako. Nang bumubili pa lang si Sir ng ticket ay ako naman ay bumibili ng popcorn. Iyong lalaking nagse-serve ay nakangiti at nakatingin lang sa ‘kin habang ang kaniyang kamay ay gumagalaw. “Anong name mo Miss?” tanong niya sa ‘kin at lumingon ako sa likuran ko kasi baka hindi ako ang kausap niya. “Ako ba?” takang tanong ko. Ngumiti siya at saka niya pinatong ang parehong braso at inilapit ang mukha niya sa ‘kin. “Wala naman akong ibang tinitignan kung hindi ikaw,” sagot niya at bahagya akong napaurong. “Bella,” inosenteng sagot ko. Umayos siya at saka niya akmang iaabot sa ‘kin iyong popcorn ng bigla na lang sumulpot sa harapan ko si Sir Knight na siya namang ikinagulat ko at napaatras ako hanggang sa inilagay niya ako sa likuran niya. Tumingin iyong lalaki sa kay Sir at saka naman siya tumingin sa ‘kin at kinindatan ako. Lumingon si Sir sa ‘kin at agad naman akong nangunot ng noo sa kaniya at nag-inosente ang aking mukha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD