CHAPTER 1

2138 Words
BELLA’S POV Hindi ko maintindihan kung bakit galit na galit si Sir Carlo sa mga ka-workmates ko. Alam ko naman ang kung anong kailangan nila sa ‘kin at sa totoo lang ay hindi ko naman tinatanggi na umaabuso sila lalo’t hindi nga ako tumatanggi sa kanilang inuutos. Napabuntong hininga na lamang ako at saka ako bumalik sa aking puwesto. Nang matapos ang trabaho ay nauna akong lumabas dahil sa pagod at sa nangyari na din kanina. Lahat sila ay ako ang pinag-uusapan at hindi ko kayang makinig sa kung anong pinag-uusapan nila. Nang makasakay ako ng jeep ay wala akong ibang iniisip kung hindi ang kung anong mangyayari bukas. Paano na kaya ito kung hindi na nila ako pansinin? Napailing na lang ako at saka ako pumasok sa k’warto. “Oh? Kumain ka na ba?” tanong ni Mama sa akin. “Hindi pa, Ma, mamaya po ng kaunti,” sagot ko naman kay Mama at saka siya umalis at bumalik na sa kusina. Bumangon ako at saka ako tumingin sa cellphone ko at naghanap ng kung anong maaring paglibangan. Nang makaramdam ako ng gutom ay naisipan kong lumabas para kaumain at ng makalabas ay nakita ko si Papa na kararating lang. “Pa,” tawag ko at saka siya nangunot ng noo sa ‘kin. “Ano’t gising ka pa?” tanong niya at saka ko kumuha ng plato para sa aming dalawa. “Nagutom ako kaya lumabas ako ng k’warto. Bakit ngayon lang kayo saan kayo galing?” tanong ko sa kaniya at saka siya bumuntong hininga. “Ngayon lang kasi natapos ‘yong trabaho namin. Dapat ay kanina pa ako pero nag-over time kami,” paliwanag niya at tumango na lang ako. “Kamusta ang trabaho? Hindi ka ba nahihirapan?” tanong niya sa ‘kin at saka ako umupo sa tabi niya upang magsalo kami sa pagkain. Hindi ako nakasagot sa tanong niya at hindi ko alam kung paano ko iyon sasagutin. Isa pa ay alam ni Papa ang ugali ko at alam niya kung gaano akong kabait at kagalang sa lahat. Napabuntong hininga siya at saka siya naiiling at saka niya hinawakan ang kamay ko at saka ako tumingin sa mga mata niya. “Sinabihan na kita, Bella. H’wag kang masyadong mabait sa lahat dahil iyon ang gagawin nilang kahinaan mo. Hindi ka na naman nakikinig sa ‘kin,” sabi nito. “Pa… ayos lang po ako. Hindi naman po nila ako inaabuso. Sad’yang matulungin lang po talaga ako,” sagot ko at saka siya naiiling. “Hindi mo matatago sa ‘kin ang kasinungalingan mo Bella.” Napangiwi na lang ako sa sinabi ni Papa at sakto naman na lumabas si Mama at saka siya kumuha ng tubig sa ref at tumingin sa amin ni Papa. Umupo siya at saka kami nagkuwentuhan dahil tulog na rin ang dalawang kapatid ko. Nagtatawanan rin kami at nang matapos kumain ay saka ako nagpahinga ng saglit at saka napagpasyahan na matulog. Kinabukasan ay maaga akong pumasok at agad kong binati si Kuya Guard at saka naman niya ako binati. Mula sa bungad ng stamp ay naro’n si Janna at nakataas ang kilay sa akin. “Maaga ka na naman iisipin kong dito ka natutulog kung hindi ako mas nauna sa ‘yo ng limang minuto,” sabi nito at kahit na mataray ang boses niya ay tinawanan ko lang ito. “Bakit naman ako dito matutulog kung may bahay naman kami?” saad ko at saka siya naunang maglakad. Sa pagpasok ay wala pa ang iba naming mga katrabaho. Hindi ko na lang inintindi pa ang mga ito at ang araw na ‘yon ay naging maayos naman ang lahat lalo na’t parang nakabantay sa ‘kin si Janna. Sa pangalawang pagkakataon ay pinapansin na ako ni Janna na kahit na noon ay hindi naman. Nakakapagtaka lang dahil iyon rin ang kauna-unahang pagkakataon na naging gano’n kagalit si Sir Carlo sa ‘kin. Nang matapos ang trabaho ay inaya ako ni Janna na lumabas at pumunta sa isang resto na tinatambayan niya. “Pero wala akong pera sa gano’ng restaurant,” sabi ko at saka niya ako tinignan ng masama. “Hindi ko naman sinabing gumastos ka. Ang sabi ko lang ay sumama ka,” seryosong sabi nito. Nakita kami ng mga katrabaho namin at ayon ang masamang tingin ni Mela. “Tsk. Ngayon ay magkaibigan na sila,” bulong pero naririnig namin ni Janna na sabi niya. Hindi ko na dapat siya papansinin ng makita ko ang masamang tingin ni Janna kay Mela at akmang susugurin niya ito pero pigilan ko siya. “Tara na doon sa sinasabi mo,” agad na sabi ko at saka ko siya nilayo sa mga ‘yon. “Bakit mo ‘ko pinigilan?” inis na sabi niya. “Hindi ko gustong mapaaway ka at hindi ko rin naman kayang makitang nakikipag-away ka,” sabi ko at saka ako ngumiti sa kaniya. “Bilang isang malditang nilalang ay wala akong pakialam sa sinasabi mo,” sabi niya at saka niya pinag-cross ang braso. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasan ang hindi mapatingin sa kaniya. Hindi naman dahil sa maganda siya, kung hindi dahil sa kahit gano’n ang ugali niya ay may tinatago s’yang kabaitan at mayro’n s’yang concern. Hindi nga lang niya ‘yon kayang i-express ng maayos dahil alam kong ayaw n’yang nakikita ng iba ang kahinaan niya. “Sana kaya ko rin na maging matapang kagaya mo,” mahinang usal ko at saka siya napahinto. “Kaya mo naman kung gugustuhin mo.” “Pero kapag ginagawa ko ‘yon ay nagi-guilty ako,” malungkot kong sabi. “Stupid,” sabi niya at saka tumalikod at naglakad na. Nang makarating kami sa resto na sinasabi niya ay namangha ako sa loob no’n. Ang ganda at ang daming mga libro. Tumakbo ako ng marahan patungo sa mga libro at sobrang daming mga manga. Habang nakangiting nakatingin sa mga libro ay bigla akong may naramdaman na kakaiba at saka ako napalingon sa may pintuan kung saan pumasok ang isang lalaking may itim na tuxido at maputi ito. Mapula ang labi niya at tumingin siya sa ‘kin at nagka-eye to eye contact kaming dalawa. Napasinghap ako nang makitang nag-iba ang kulay ng mga mata niya at napatitig ako doon. Nang makalapit siya kay Janna ay napanganga ako lalo na nang makita si Sir Carlo na kasunod lang no’ng lalaki. “Eh?” hindi makapaniwalang usal ko. “May kasama ako,” sabi ni Janna at saka ako nilapitan. “Bella? Hindi kita napansin, nandoon ka pala. Mahilig ka sa libro?” takang tanong ni Sir Carlo at tumango lang ako sa kaniya. “Bella?” takang sambit ng lalaki at tila nanindig ang balahibo ko dahil sa lalim ng boses nito. “Oo, Knight, isa sa mga employee mo,” sagot naman ni Sir Carlo sa lalaking nasa harapan namin ni Janna. Hindi ko alam kung paano ko s’yang titignan sa mga mata dahil baka makita ko na naman na mag-iba ang kulay no’n. Natatakot ako sa kaniya at hindi ko alam kung bakit kahit na wala namang s’yang ginagawa sa ‘kin na masama. Hinawakan ni Janna ang kamay ko at saka ako hinila para umupo sa tabi niya. “Mag-order ka na Kuya,” sabi ni Janna at tinaas naman ni Carlo ang kamay niya upang tawagin ang waiter. Iyong lalaki naman ay nasa harapan ko at hindi ako makatingin sa kaniya. Nakatitig lang siya sa akin at sobrang ilang na ilang na ako. Tumingin si Janna sa lalaki at saka ko narinig ang kalabog sa ilalim ng mesa namin at narinig ko ang pagmura ng lalaki. Napatingin naman si Carlo at tinanong kung ano ang nangyayari pero ngumiti na lang si Janna sa kaniya at saka tumingin kay Knight. Ibig sabihin… ang lalaking ito ang may-ari ng kompanyang pinagta-trabahuan ko? Habang kumakain ay hindi ko maiwasana ang hindi tumingin sa paligid at makaramdam ng kakaibang init. “Ayos ka lang ba?” tanong ni Janna sa ‘kin at tumango ako sa kaniya. “Ayos lang ako. P’wede bang kumuha ng libro dito?” tanong ko. “P’wede naman. Pero hindi mo p’wedeng dalhin dito sa table natin kaya kung saan ka ay doon mo lang basahin. May upuan naman sila kaya hindi ka mangangalay na tumayo,” paliwanag niya at saka ako ngumiti. Tumayo ako at nagbasa-basa muna. Nagpaalam ako kay Mama na gagabihin ako dahil sinama ako ni Janna sa resto at wala namang pasok bukas kasi day-off. Habang nawiwili akong magbasa ay naro’n pa rin ang pakiramdam ko na mayro’ng nakatingin sa ‘kin at napatingin ako sa paligid ko at wala naman akong nakitang kakaiba. Mula sa kinauupuan ko ay may naramdaman akong umupo pero hindi ko pinansin dahil na rin sa ganda ng binabasa ko. “Hi,” biglang bati ng nasa harapan ko at saka ako napatingin dito. “Ah…. hi?” bati ko naman sa kaniya at saka siya ngumiti sa akin. “Mag-isa ka lang ba?” tanong niya at umiling ako. “Mayro’n akong kasama,” sagot ko. “Ang ganda mo naman at nakangiti ka pa habang nakikipag-usap,” sabi nito at napangiwi ako. “Alangan naman na simangutan kita habang nakikipag-usap ako?” ani ko at tumawa ito. “Ano’ng pangalan mo?” tanong niya. “Bella,” sagot ko naman. “Ohh… Bella… ako naman si Xion,” pagpapakilala naman niya at akmang kakamayan ko sana ng bigla na lang lumitaw si Janna. “Kailangan na nating umuwi,” sabi nito. “Agad?” “Gusto mong iwan kita dito?” mataray na sabi niya at saka ako tumayo at binalik ang librong binabasa ko. “Pasensya ka na. Bye,” paalam ko naman doon sa Xion at saka ako sumunod kay Janna. Nang makalabas kami ay doon ko nakita ang dalawang sasak’yan na nakaparada sa harapan namin at binuksan ni Janna ang pinto ng kotse at akmang bubuksan ko sana iyong nasa may likuran kaso lang ay pinigilan niya ako. Tinuro niya ang kotse sa may likuran kung saan nandoon ‘yong si Sir Knight na s’yang ikinalaki ko ng mata sa kaniya. “Hindi nangangain ng tao si Knight. Kapag may ginawa s’yang mali sa ‘yo ay isumbong mo sa ‘kin,” sabi niya at saka tuluyang sumakay at ako naman ay naiwan. Umalis na sila at saka ako naiwang tulala at hindi ko alam kung sasabay ba ako doon kay Sir Knight o hindi. Unang-una ay siya ang may-ari ng kumpanyang pinagtatrabaguan ko at pangalawa ay naiilang ako sa kaniya. Ang pangatlo naman ay natatakot ako lalo na at nakita ko kung paanong nagbago ang kulay ng mga mata niya kanina. Umabante ito sa harapan ko at kumabog ng malakas ang puso ko dahil doon. Tumingin siya sa akin at saka niya ako sinenyasan. “Come in,” sabi nito sa mahinahon pero ang lalim pa rin ng boses niya. Nanginginig akong binuksan ang pinto ng kotse at saka sumakay doon. Nang umandar ito ay napapaisip ako sa nakita ko kanina sa mga mata niya. Hindi ko naman sigurado kung totoo ‘yon o baka naman imahinasyon ko lang. G’wapo si Sir at matangos ang ilong niya. Ayon nga lang ay sobrang puti na parang bangkay at parang sinubsob ito sa espasol. Ang pula rin ng labi niya at parang ang sarap no’n halikan. “Saan ang bahay mo?” tanong niya sa ‘kin. Tinuro ko kung saan ako nakatira at nang makarating sa labas ng bahay ay naro’n sila Dandan at Tantan. Nagpasalamat ako kay Sir Knight sa paghatid sa ‘kin at ngumiti lang siya sa ‘kin. Habang tinitignan ko siya paalis ay hindi nawawaglit ang kabog sa puso ko. Ang ganda ng ngiti niya. “Ate sino ‘yon?” tanong ni Tantan. “Boss ko,” agad na sagot ko naman. “Bakit ka niya hinatid?” tanong naman ni Dandan. “Sinabay lang ako,” sabi ko at saka pumasok na sa bahay. Naunang pumasok ang dalawa at agad na lumapit kay Mama. “Mama hinatid si Ate ng boss niya,” agad na sabi ni Tantan. “Opo, Ma. Ang ganda rin ng kotse,” sabi naman ni Dandan. Sinaway ko silang dalawa at saka ako tinignan ni Mama. Napangiwi ako at saka napahigpit ang hawak ko sa bag ko at saka ako pumasok sa k’warto at humiga sa kama. Habang nakahiga sa kama ay hindi pa rin maalis sa isip ko ang nangyari kanina. Pero ang pinagtataka ko lang ay close sila Janna at Sir Carlo. Hindi naman ako tinanong ni Mama sa kung sino ang naghatid sa ‘kin. Napapikit ako ng mata ko at tuluyang nakatulog dahil sa pag-aya sa ‘kin ni Janna kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD