THE VAEWOLF'S LUNA [HYBRID]

THE VAEWOLF'S LUNA [HYBRID]

book_age16+
4
FOLLOW
1K
READ
alpha
HE
age gap
fated
powerful
bxg
werewolves
vampire
mythology
pack
superpower
like
intro-logo
Blurb

Paano kapag nalaman mong ikaw pala ay nakatakdang maging Luna ng isang hybrid na nilalang? Isang asong lobo na may kalahating bampira ang magmamahal sa isang ordinaryong tao. Ngunit hanggang saan ang kayang gawin ng isang hindi ordinaryong gaya niya sa para sa pagmamahal na gusto niyang makamit? Ang pag-ibig na nabuo at ang mithiing gustong makamit ay pipiliting abutin para sa taong ninanais.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Isang magandang umaga ang bumungad kay Bella. Bumangon siya at saka ngumiti at tinignan ang bintana n’yang gawa lang sa fly wood. Huminga siya ng malalim at saka siya tumayo upang mag-asikasong maligo para pumasok. Nang makapagbihis siya ay saka ito lumabas ng k’warto at doon nakita ang kaniyang ina na naghahanda ng pagkain habang ang kapatid nitong dalawa ay naro’n at kumakain na rin. Sumabay siya ng almusal at saka naman binalot ng kaniyang ina ang kaniyang babauning pagkain. Matapos n’yang mag-almusal ay saka ito nagpaalam at umalis na. Habang naglalakad ay ngumingiti ito sa bawat tao na kaniyang madadaanan at maski naman sila ay binabati si Bella. Habang naghihintay ito ng jeep na masasak’yan ay nilagay niya sa kan’yang tainga ang earphone at saka nagpatugtog ng mahina habang naglalakad. Nakagawian na ito ni Bella sa tuwing siya ay papasok at ito lamang ang kan’yang paraan para naman maiwasan ang kung sino man ang gagambala sa kaya sa daan. Nang makasakay na ito ay nagbayad na siya. Sa pagdating sa kompanyang kan’yang pinapasukan ay tinanggal niya ang kan’yang earphone saka huminga ng malalim. “Good morning manong guard!” bati nito sa guardya. “Good morning, Bella,” bati rin sa kaniya nito. Nang makapasok ay nilagay na nito ang kan’yang daliri sa may stamp. Pagkatapos ay umupo na sa kan’yang kinapupuwestuhan. “Bella may gagawin ka ba? P’wede ba akong pakisuyo na tignan ‘yong document? Send ko sa ‘yo ang dami ko lang kasing ginagawa,” pakisuyo ni Diane. Tumingin sa kaniya si Bella at saka ngumiti. “Sure,” sagot nito. “Ah, Bella, ako rin sana. Kasi maraming mga kailangang dalhin na papers dito. Pasuyo?” ani naman ni Mela. Kaliwa’t kanan na naman ang pakikisuyo at utos ng mga ka-office mate niya. Naro’n si Janna na naawa na lang kay Bella pero wala s’yang ibang magagawa kung hindi ang tignan lang ito. Ginawa ni Bella ang gawa ng mga ka-work niya kahit na hindi naman iyon ang kan’yang trabaho. Maski nga ang bumili sa labas ay ginagawa niya dahil sa tamad ang mga ito. Tinutulungan naman siya ni Janna sa ibang paraan pero hindi maiwasan ni Janna na hindi mainis sa mga ka-work mate nila. “Bakit ba hindi ka tumanggi sa mga pinapagawa nila? This is not part of your work, Bella. Ginagawa ka nilang alila alam mo ba ‘yon?” inis na sabi ni Janna. “Hindi naman siguro,” kibit balikat na ani ni Bella na ani mo’y walang pakialam. “Kung may powers lang ako malamang nasipa ko na silang lahat. Nakakainis ka rin alam mo ba? Hindi ko alam kung anong pangaral ang gagawin ko sa ‘yo. Ang hirap mo rin kasing kausapin ng masinsinan.” Naunang maglakad si Janna at nagkibit balikat na lang si Bella. Nang makarating sa office ay tuwang-tuwa ang lahat dahil sa ginagawa ni Bella. Ang akala ni Bella ay kinakaibigan siya ng mga ito dahil sa natutulungan niya ang mga ito ngunit lingid sa kaniyang kaalaman na inaabuso ng mga ito ang kabaitan niya. Hindi kasi siya marunong tumanggi lalo na kung ang mga ito ay nakikiusap naman ng maayos. Iyon nga lang ay masyado nilang inaabuso ang walang muwang na si Bella. “Salamat, Bella!” sabi ng lahat sa kaniya. Wala pa s’yang kain at kumakalam na ang kan’yang sikmura. Hindi pa man niya natatapos ang mga pinapagawa ng lahat ay napapaisip siya kung kakain ba siya o iinom na lang ng tubig. Ngunit inalala niya ang baon na gawa ng kaniyang ina dahil t’yak na magagalit ito sa oras na malamang hindi na naman niya ito kinain. Ayaw ni Bella na nagtatampo ang kaniyang ina at ayaw din nitong nalilipasan soya ng gutom. Napabuntong hininga si Bella at tinignan ang lahat na no’n ay masagana sa pagkain. Dumating ang kanilang super visor at doon napansin nitong gumagawa si Bella ng habang ang lahat ay kumakain. Dahil sa nasaksihan ay nainis ito sa kaniyang team at saka siya sumigaw na siyang ikinatingin ng lahat. Hindi inaasahan ng lahat na dadalawin at pupunahin sila ng kanilang super visor. “WHAT THE HELL ARE YOU DOING!?” sigaw niya kay Bella na s’yang ikinalingon nito. “N-Nagtatrabaho, Sir?” inosenteng sagot niya na mas lalong ikinainis nito. Tumayo si Janna at saka sinumbong ang ginagawa ng mga ka-work mate niya. “Kay Bella nila pinapagawa ang dapat na sila ang gumagawa. Sumasahod sila gaya ng sahod ni Bella pero wala naman silang ginagawa kung hindi iutos ang gawa nila kay Bella,” paliwanag nito. “The heck? She even didn’t say no. Kaya namin pinapagawa,” angal ng isa. “So? Ipapagawa niyo pa rin kahit na iyon ang trabaho niyo?” galit na sabi ng kanilang super visor. “S-Sir…” “Kung kay Bella ko kaya ibigay ang lahat ng sahod niyo at walang matira sa in’yo? Sumasahod kayo ng walang ginagawa? Ang kakapal naman ata ng mga pagmumukha niyo ano?” galit na sigaw ng kanilang super visor. Hindi nakaimik ang lahat at si Bella naman ay halos hindi nakapagsalita. Galit ang lahat kay Bella at mas lalo na kay Janna. Kinuha nila ang mga pinapagawa nila kay Bella at saka sila nanghingi ng pasensya pero ang mga tingin naman nila ay hindi maganda. Sinenyasan ni Carlo si Bella at saka naman ito sumunod ng nakayuko at naro’n ang nagbabadyang luha sa mga mata niya. Nang makarating sa office nito ay saka niya tinignan si Bella na may awa. “What the hell are you doing, Bella? Are you out of your mind? You fcking care about other people, but in yourself, no? What the fck is this? You’re not working here because of them; you’re working here because you’re working at the COMPANY and not to those stupid motherfcker!” Napapikit ng mariin si Bella at saka tuluyang pumatak ang luha niya. “Hindi ko kasi silang magawang tanggihan. Nagagalit sila sa oras na tumanggi ako at sasabihan ng kung ano-ano. Pero sir… ginusto ko rin naman po ang tumulong. Hindi po ‘yong sapilitan. Pangako,” ani nito at tinaas pa ang kamay. “You’re fcking insane!” asik ni Carlo. Naririnig naman ni Janna ang inis na pagsermon ni Carlo kay Bella. Tumingin siya sa mgga kasamahan niya na no’n ay halatang galit. “Waw? Kayo pa may ganang magalit ah? Ano kayo? Santo? Hindi na talaga kayo nahiya sa mga pinaggagawa niyo. Masunog nawa ang kaluluwa niyo sa imp’yerno,” galit na sabi naman ni Janna. Pumunta siya sa opisina ni Carlo at saka naman niya ito pinahinahon. Si Carlo ay kapatid ni Janna. Alam ng mga nandoon ang ugnayan ni Carlo at Janna. Magkaiba ang kanilang ama ngunit iisa ang kanilang ina. Gayon pa man ay tinuturing pa rin nila ang isa’t-isa na magkapatid. Bumuntong hininga na lang si Carlo at galit siya kay Bella dahil sa nalalaman niya. Sinumbong kasi ni Janna ang nangyari kay Bella lalo’t hindi ito nakakain ng matino. “Lumabas na kayong dalawa at baka kung ano pa ang masabi ko kay Bella,” mahinahon pero galit pa ring sabi ni Carlo.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Mate and Brother's Betrayal

read
682.8K
bc

The Pack's Doctor

read
449.6K
bc

The Triplets' Fighter Luna

read
279.4K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
441.8K
bc

Her Triplet Alphas

read
7.0M
bc

La traición de mi compañero destinado y mi hermano

read
227.4K
bc

Ex-Fiancé's Regret Upon Discovering I'm a Billionaire

read
200.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook