Chapter 27

2034 Words
Chapter 27 I silently eat my lunch. Nang mapatingin ako kay Zach ay naabutan ko siya na nakatayo na. Our eyes immediately locked. Sumenyas siya na aalis kaya marahan akong tumango saka muling tumingin sa pagkain. I sighed because I lost my appetite. "Ate Blaire, boyfriend niyo po pala si kuya Zach?" Gulat akong napatingin sa nagtanong. "Oo," mahinang sagot ko kaya mas lalo siyang ngumiti na parang kinikilig. "Alas dos na mag-uumpisa ang next na program. You can tour around first. Bumalik kayo dito five minutes before the call time," pahayag ni Ma'am kaya kanya-kanya na tumayo ang lahat. "Maganda iyong science garden nila!" Napanguso na lang ako ng mahina dahil kami na lang ni Ma'am ang natira. I don't have friends here. Ako lang ang grade twelve dito. "Hindi ka mag titingin-tingin sa paligid, Blaire?" tanong ni Ma'am kaya wala sa sarili akong umiling. Wala akong kasama baka maligaw pa ako. I better stay here and just wait for the program to start. Dahan-dahan ko na hinawakan ang kwintas na suot saka marahan na pinaglaruan. I need my phone. Saan niya ba dinala iyon? Sa muling pagsulyap ko sa entrance ng canteen ay namataan ko si Zach na papasok. He's holding my phone and he seems checking what's inside. Bigla namang napakunot ang noo ko dahil doon. Bigla akong tumayo at nagpaalam kay Ma'am saka dali-daling naglakad palapit kay Zach habang kunot ang noo. "What are you doing?" He seems busy checking my phone. Parang gulat pa siyang nang makita ako sa harap niya. He slowly give my phone to me. Tiningnan ko iyon ng marahan. May naka-connect na power bank kaya pwede ng buksan. "I was just cheking something," sabi niya kaya mabilis ko na kinuha ang phone pati na rin ang power bank. Wala naman akong tinatago. What's with the checking? Napatingin ako sa phone ko na ngayon ay naka-bukas na sa messenger. I scrolled down my messenger, and I saw that a lot of guys were messenging whom I ignore. Hindi ko lang na-delete. "Jericho is messenging you?" tanong niya bigla kaya napakurap ako. "Hindi ako nag re-reply, Zach," sabi ko kaya bahagya siyang napa-kagat sa ibabang labi. Sandali akong na patingin sa mga labi niya bago nag-iwas ng tingin. "Want to roam around?" medyo maingat na pagkakasabi niya kaya wala sa sarili akong napatingin sa wrist watch na suot. "We still have a program at two—" "We still have one hour," nananantyang sabi niya kaya mariin ko siyang tiningnan. I am trying to read what's inside his head. Naglikot ang mga mata niya na parang kinakabahan sa inaasal ko. We fought, and now we're kinda okay. And it's a little uncomfortable even though I missed him so much. Bahagya kong nilingon si Ma'am na naiwan doon sa table namin. I found her busy on her phone, so I sighed. Bahagya pa akong napahawak sa strap ng bag ko saka muling napatingin kay Zach na parang binabantayan rin ang magiging sagot ko. "Saan ba?" mahinang tanong ko kaya unti-unti siyang napangiti. I slightly pouted to hide my smile. Tumikhim ako ng mahina saka bahagyang napatingin sa paligid. Nang binalik ko ang tingin sa kanya ay nakita ko na nakatitig siya sa akin habang may maliit na ngiti. Bahagya ko siya kinunutan ng noo kaya biglang bumaba ang tingin niya sa kamay ko na parang nagdadalawang isip. "Are we okay, right?" tila wala sa sarili niyang tanong kaya marahan akong napasinghap. Hindi ako naka-sagot kaya marahan siyang napakurap bago napaiwas ng tingin sa akin. We are okay. Sadyang hindi ko lang maisatinig iyon. "Saan ba tayo pupunta?" sabi ko para ibahin ang topic. "Anywhere," sabi niya kaya marahan akong tumango. Nahuli ko ulit na napa-tingin siya sa kamay ko na parang nagdadalawang isip. Pero sa huli bigla na lang siyang tumalikod ng bahagya sa akin. Napa-kurap na lang rin ako saka napatingin sa kamay ko. Is he thinking of holding my hand? Nagsimula siyang maglakad kaya dahan-dahan akong sumunod hanggang sa pumantay siya sa akin. We are both silent as we walk. Ramdam na ramdam ko ang paglingon niya sa akin kada minuto kaya mas lalo akong nakaramdam ng kung anong init na bumabalot sa puso ko. "Blaire!" sigaw ng kung sino sa hindi kalayuan kaya mabilis ko iyong tiningnan. I saw a group of boys maybe on their grade seven pushing each other while looking at me. Kilala nila ako? "Wala ba kayong class?" mahinang tanong ko kay Zach habang nasa mga lalaki pa rin na nagtutulakan ang mga mata. "Nope," mahinang sagot niya at naramdaman ko na lang na biglang nagtama ang mga braso namin kaya napa-lingon ako sa kanya. I saw him glaring at the group of boys who called me earlier. Wala sa sarili ako na napangiti dahil sa itsura niya. "Bakit nila ako kilala?" tanong ko kaga nakuha ko ang atensyon niya. Nandoon pa din ang naiinis na ekspresyon pero sa bigla niyang pagkurap ay nawala ito. "You are quite famous," mahinang sabi niya kaya nanlaki ang mga mata ko. "What?" gulat na tanong ko. Famous? Here? In St. Claires Academy, which is my school, I must say that they all know me. I am the president of the Supreme students' government, so they tend to know me. Pero dito? How? Tuluyan na niya akong hinarap ng tuluyan. "Jericho confessed to you? I saw his chat. He is asking for your forgiveness for being too straight." Mas lalo akong nagulat sa sinabi niya. "Ano?" Hindi ko alam kung anong ekspresyon na ang pinapakita ko. I am shocked. Nakita niya? "Anong sinabi niya? Do you like him too?" Napangiwi na ako dahil doon. Saan nanggagaling ang mga pinagsasabi niya? "Let's not that about it—" "Let's talk about it," sabi niya saka marahan na hinuli ang siko ko. Wala sa sarili akong napairap. "Fine! He said he likes me since we were in elementary school! I don't like him, so stop being jealous!" Marahan siyang napanguso at parang nag-isip pa sandali. "Elementary? F*ck, I started during high school," bulong niya pa kaya napa-kunot ang noo ko. "What did you say?" nagtatakang tanong ko pero umiling lang siya. "Sabi ko kilala ka dito ng halos lahat," Alam kong hindi iyon ang sinabi niya kanina pero nagulat pa rin ako. "What? And why?" I am really curious. Why would they know me? I am not even studying here. "You are beautiful, and you are dancing for every municipal meet and fiesta." Paano niya nga ba ako nakilala? Hindi sa f*******: lang. I should have think of it the first time he chatted. Hindi ko alam kung bakit ako napangiti sa sinabi niya. Every municipal meet? "Kilala mo ako noon pa?" hindi ko maiwasan ang panunuya sa boses ko kaya napangisi na rin siya at nag-iwas ng tingin. "Ano sa palagay mo?" tanong niya na parang nanunuya rin kaya napaawang ang mga labi ko. "What do you mean?" He smirked even more and let go of my elbow. Nagsimula na siyang maglakad kaya naiwan ako na gulat pero may ngiti sa mga labi. The awkward air was gone. "Zach, ang daya," habol ko pero umiling lang siya habang naka-ngiti. Hanggang sa makaabot kami sa gate nila ay ganoon pa rin siya. May ngiting nanunuya sa mga labi na parang may sikretong hindi ko pwedeng malaman. "Oo na, kilala na kita," sabi niya kaya mas lalong nanlaki ang mga mata ko. "What? Kailan pa?" He smirked even more, "Grade seven—" "That long? Tapos ngayon ka lang nag-chat?" Namula ang pisngi ko sa hiya sa huling sinabi. Ngumiti naman siya ng todo kaya naging malikot ang mga mata ko. "You didn't even know me that time, Blaire—" "May fishball doon, bili tayo," pag-iiba ko ng topic saka mabilis siyang nilampasan. Narinig ko ang marahan na halakhak niya kaya napapikit ako dahil sa hiya. Yeah, hindi ko nga siya kilala noon. Bakit nga ba hindi ko siya kilala? He's handsome but maybe I don't really go out a lot. Nakalabas ako sa gate nila para dumiretso sa stall na hindi kalayuan kung saan may mga fishball na binebenta. Marami ring students na nakapila para bumili. "Pa singit," sabi ni Zach sa isang lalaki sa harap saka ako hinawakan sa magkabilang siko at pinauna. "Ang daya!" sigaw ng iba pero tumawa lang ang loko. "Sa susunod na lang kayo," sabi pa niya kaya muli akong nakaramdam ng hiya. "Zach, una sila," sabi ko pero umiling lang siya. "No bother, what do you want?" Ngumuso na lang ako ng bahagya saka tiningnan ang mga binebenta. Wala akong balak kumain ng mga ito pero pangangatawanan ko na lang ang sinabi ko kanina. "Fishball lang," sabi ko kaya kaagad niyang sinabi sa babaeng nagbebenta. "I don't eat a lot, kaunti lang," sabi ko pero tiningnan niya lang ako. "I'll eat too," sabi niya kaya tinanguan ko na lang. At ilang sandali pa ay naramdaman ko ang kamay niya sa magkabilang baywang ko. "Missed you," biglang bulong niya sa malapit sa tainga ko kaya napalunok ako ng dahan-dahan. "Ito na, Hijo," sabi ng tindera kaya mabilis na inabot ni Zach ang fishball saka nagbayad. Muli kaming pumasok muli sa gate at dumiretso sa mga bench. Nauna siyang umupo kaya umupo na rin ako. Nilapag niya ang fishball sa gitna namin kaya kumain ako ng isa. "Zach! Basketball!" sigaw ng kung sino kaya sabay kaming napalingon. I saw a tall guy holding a ball. Medyo malayo ang lalaki kaya hindi klaro ang mukha niya. "I'm with my wife! Kayo na lang!" ganting sigaw ni Zach kaya gulat na gulat ako. What did he just say? My heart pounds so hard. Parang lalabas at hindi mapakali. "Oh, next time!" sigaw naman ng lalaki "Who's that? And I am not your wife!" He laughed a bit. "The Mr. JS," he answered, so my eyes followed that boy until it reached in the next bench. Muntik na akong mapa-singhap nang makita ko si Ashley na titig na titig dito sa amin. Hindi niya napansin na nakatingin ako dahil tutok na tutok siya kay Zach. Her eyes wants something. She's longing for it. Natigil lang siya sa kakatitig ng may tinanong ang babaeng katabi niya. Napa-lunok naman ako ng mahina saka napa-baling kay Zach na nasa kamay ko ang mga mata. He's lovable. Hindi siya mahirap magustuhan at mahalin. Ilang sandali pa ay naramdaman ko na lang ang kamay niya sa kamay ko. I gently raised my hand, so he immediately intertwined our fingers. I smiled when I saw our hands being locked. "I'm sorry for being so jealous," he said while staring at our intertwined hands. Gamit ang isang kamay ay inalis niya sa gitna namin ang hindi pa ubos na fishball saka marahan na lumapit sa akin. Nahulog ang mga mata ko sa relong suot niya hanggang sa naramdaman ko na lang ang isa niya pang kamay sa baywang ko. His forehead rested on mine. My breathing became so soft and calm. "I can't wait for us to grow older," he whispered, so I smiled softly. "Why?" "So I can asked formally to your parents for loving you," Mas lalo akong napangiti. "I can't wait for us to grow older too," bulong ko rin. Sana mabilis lang ang paglipas ng panahon. I want my parents to be proud of me and to my achievements. And I want to love Zach freely, too. Without hiding and without feeling so nervous. We are maybe young right now, but I am sure of this. I am indeed sure of my feelings. It's way too deep. My days became bright again. Zach and I continued chatting and calling each other. Ginagawa ko ang lahat para itago kay Mama at Papa. I am feeling guilty for hiding and for disobeying them, but this can make me happy. Zach can definitely make me happy. We are sometimes seeing each other in person if I can make it. Pumupunta kami sa bahay nila para maligo sa dagat o kumakain sa labas. Kulang na lang ay doon na ako tumira sa kanila kasi may mga damit na ako sa kwarto niya. My heart is so happy. I am so in love.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD