Chapter 28

2216 Words
Chapter 28 "Blaire, what are you doing?" tanong ni Papa nang naabutan niya ako na ka-text si Zach. Mabilis kong binaba ang phone ko saka nagkunwari na nanonood ng tv. "I was just checking my f*******:, Pa," sabi ko pero kumunot lang ang noo niya. "I've been seeing you so busy with your phone lately. Nakakapag-aral ka pa ba?" Napalunok ako sa kabado na tumango. "Oo naman, Pa," sagot ko. "Mabuti naman. Balance your time. Huwag kang masyadong tumutok sa cellphone. This is not the right time to have low grades, Blaire. You are a graduating student." Napalunok ako ng dahan-dahan sa sinabi ni Papa. I've been busy with Zach lately. Palagi akong nagdadahilan na may bibilhin pero ang totoo niyan ay magkikita kami ni Zach sa bayan. And we'll go to their house or anywhere that we can feel at peace. I missed him so much. Kahit kahapon lang ay nagkita na kami. Nang lingunin ko si Papa ay naabutan ko siya na kunot ang noo na parang binabantayan ang galaw ko kaya pilit ko pinakalma ang paghinga ko. "Mag-aaral lang po ako sa taas," mahinang paalam ko saka mabilis na tumakbo papunta sa kwarto ko dala-dala ang phone. Huminga ako ng malalim nang makapasok sa kwarto ko saka napa-pikit ng mariin. Papa's just reminding me. Wala siyang alam. Wala siyang nahahalata. It's fine. Sa gitna ng pagkukumbinsi ko sa sarili ko ay biglang tumawag si Zach. Huminga muna ako ng malalim bago sinagot ang tawag niya. "Baby, it's the first day of March," kaagad na bungad niya kaya wala sa sarili akong napangiti. It's our monthsary. Parang kailan lang at ngayon ay magtatatlong buwan na kami. The excitement is still here. Parang mas lalo akong nahuhulog sa kanya. And that is so scary. Natatakot ako dahil mahal na mahal ko na siya. "I know," sabi ko habang naka-ngiti ng malambing. I wish I could see him right now. "Can I see you? Thirty minutes?" Mahina akong huming ng malalim. "I'll try," sabi ko saka dahan-dahan na pinatay ang tawag. I really want to see him. Mahina ako na nag-isip ng magiging dahilan sa loob ng utak ko bago tuluyan na bumaba. I found my father and my mother sitting on our couch. Bahagyang nakaakbay si Papa kay Mama at pareho silang naka-tutok sa tv. "Pa, Ma, pwedeng labas muna ako? May bibilhin lang," I tried to be so innocent in front of them. "Anong bibilhin mo? I thought you're studying?" tanong ni Papa kaya bahagya akong napa-kurap. "Bibili po ako ng art papers at mga highlighters," dahilan ko kaya bahagyang nagkatinginan si Mama at Papa. "Highlighters again?" sabi ni Mama kaya marahan ako na tumango. My heart pounded very hard because of nervousness. "I need more colors," I am really sorry for lying over and over again. "Fine, uwi kaagad," sabi ni Papa kaya napasigala ako sa loob ng utak ko. Mabilis ako na bumalik sa kwarto ko para maghanda. I sprayed a lot of perfumes and even put on a lip tint before I decided to go. "Hatid na—" "No, Pa! I mean kaya ko na," natatarantang sabi ko kaya mahina lang siyang tumango ay muling napalingon kay Mama na tahimik lang. Mabilis ako na lumabas ng gate at sakto naman na may dumaan na tricycle kaya kaagad rin ako nakasakay. I texted Zach that I am on my way. Hindi mawala ang ngiti sa labi ko sa sobrang tuwa at excited na makita siya. "Dito na, Hija," sabi ng driver nang makarating kami sa isang park kung nasaan ai Zach. Nakangiti naman ako na nagbayad saka mabilis na nilibot ang tingin ko paligid. I bit my lower lip when I did not see Zach. Matamlay ako na lumapit sa isang bench na may table ay akmang uupo pero may braso na pumulupot sa baywang ko kaya napatili ako bigla. Zach laughed because of that, so I glared at him. "Sorry," sabi niya habang bahagya pang tumatawa kaya medyo may kalakasan ko siya na pinalo sa dibdib. Mas lalo niya lang akong niyakap sa baywang habang nakangiti. Napangiti na lang rin ako saka bahagyang humilig sa dibdib niya. "I love you," malambing na bulong niya saka dahan-dahan na tinapat sa mukha ko ang tatlong pirasong rose. I smiled even more. "Thanks," malambing na sabi ko bago inamoy ang rose. Walang paalam niya akong binuhat para paupuin sa lamesa pero imbes na tumili ay tumawa na lang ako. He even pulled a little my shorts in between my tighes kaya bahagya akong napayuko para tingnan ang kamay niya doon. "Ilang beses ko na bang sinabi na sayo na huwag kang magsusuot ng maikling shorts? You don't even know how sexy you are," mariin na bulong niya kaya napa-nguso ako ng kaunti saka mahinang sinara ang mga hita ko kaya naipit ang kamay niyang naroon. "You don't allow me to wear dresses too," katwiran ko kaya napailing na lang siya. "Pants then?" I smiled at that. "Next time?" He chuckled a bit and gently shook his head. Dahan-dahan niya na inalis ang isang kamay sa pagitan ng mga hita ko saka nilipat sa baywang ko. We are too close. Mabuti na lang ang kaunti lang ang tao dito sa park na 'to. At may malaking puno pa sa pwesto namin kaya medyo tago. I gently encircled my arms on his nape. Still holding the rose, I slightly played with his hair. Humahaba na. I can grip it now. Sinubsob niya ang mukha niya sa leeg ko kaya napa-tinghala ako ng bahagya. And in a second, I felt him planting a small kisses. Napatingin naman ako sa paligid dahil baka may nakatingin pero nang makita ko na wala ay hinayaan ko na lang siya sa gusto. He's a fan of PDA. Hanggang sa naramdaman ko na lang ang dila niya na lumalandas sa leeg ko. Mahina kong sinabunutan ang buhok niya. "Zach, we're on public," mahinang saway ko pero tumawa lang siya ng mahina. "They don't know us," sabi niya pa habang paunti-unti na umaakyat ang mga halik niya sa panga ko. "Z-ach—" "Sshhh, it's fine. I won't go beyond the limits," he whispered, so I let him. Nakaramdam ako ng mga kiliti dahil sa halik niya. We are making out in public. And I really want to moan now! Hindi na ako nakapang laban pa ng makarating sa mga labi ko ang labi niya. He wetted my lips first like he was tempting me. Hanggang sa binigyan na niya ko ng malambot at matamis na halik. I immediately responded to his kisses. "Blaire! What the f*ck are you doing?!" Mabilis ko na tinulak si Zach saka nagkukumahog rin ako na bumaba sa lamesa nang marinig ang boses na iyon. Kaagad nanginig ang buong katawan ko at kasabay nito ay ang pagbuo ng mga luha sa mga mata ko. I saw my father madly walking towards us. Tuluyan ng nahulog ang mga luha sa mga mata ko. "Pa—" "Who's that guy!" Dumagundong ang boses ni Papa na nagbigay ng kakaibang takot sa akin. Humihikbi akong tumingin sa kanya pero wala akong makitang ibang emosyon kundi galit. Galit na galit siya. Pumagitan si Zach kaya mas lalong nagdilim ang mga mata ni Papa. "Sir, don't hurt her. I am willing to explain!" "Get out of my sight if you don't want me to do inhuman things! Blaire, let's go home!" Hinablot ako ni Papa sa kamay at halos madapa ako dahil doon. Patuloy ako sa paghikbi. I am scared. "Sir, don't hurt her!" "Get out, kid! Huwag mong pilitin na patayin pa kita dito mismo!" "Papa!" Marami na ang nakukuha naming atensyon. "Blaire! How dare you disobey us!" Mas lalo akong kinaladkad ni Papa. Iyak lang ako ng iyak at hindi umaangal dahil alam kong may kasalanan rin ako. "Blaire! Sir! I will explain!" "F*ck! Stay away from my daughter, you b*st*rd!" Zach tried to hold my hand, but I shook my head while crying. Kita ko ang pamumula ng mukha niya na parang gusto pa niyang lumaban kay Papa pero pinipigilan niya ang sarili niya. "Papa, sorry po, sorry po," iyak na iyak na sabi ko pero mas lalo niya akong kinaladkad. My wrist hurts, but I don't care. "You are a disappointment, Blaire! Hindi ako makapaniwala!" "Sir, please don't hurt her!" Zach shouted. Pinukol siya ng masamang tingin ni Papa kaya pilit kong niyayakap si Papa kasi parang sasaktan niya si Zach. God, I am really sorry. "Don't you dare, kid! Huwag na huwag ka ng magpapakita ulit sa akin. Hindi ako magdadalawang isip na patayin ka!" Pwersado akong pinapasok ni Papa sa loob ng kotse. Iyak ako ng iyak habang sinusubukan na hawakan siya pero winawalis niya lang ang kamay ko. "Papa—" "We trusted you! Kung hindi kita sinundan hindi ko pa malalaman! Gaano katagal ka nang nagsisinungaling?!" Iyak lang ako nang iyak habang nasa loob ng kotse. Sari-sari ang emosyon na namuo sa dibdib ko pero ang pinakamalakas ay ang takot. Nang makarating kami sa bahay ay mabilis ako na kinaladkad ni Papa papasok saka malakas na tinapon dahilan para mapasalampak ako sa sahig. I almost kissed our tiled floor. "Bernard! Anong nangyayari dito!" kaagad na sigaw ni Mama at akmang dadaluhan ako pero pinigilan siya ni Papa. Tinuro ako ni Papa at halos gusto na niya akong sampalin. "Your daughter is kissing a guy in the park! Anong gusto mong gawin ko, Grace?!" Nalaglag ang panga ni Mama sa narinig at napatingin siya sa akin ng hindi makapaniwala. Mas lalo akong napaiyak ng malakas. "Ano?" "Hindi ka naming pinalaking bastos at sinungaling, Blaire!" Nakita ni Papa ng phone ko na nalaglag kanina kaya mabilis niya iyong pinulot saka hinampas ng malakas. Hindi pa siya nakuntento dahil inapakan niya pa iyon kaya nagka lasog-lasog. "Papa! Papa!" paghagulgol ko pero tila hindi niya ako naririnig. "How dare you, Blaire!" Nagpupuyos sa galit si Papa at ako halos gumapang na sa takot. Si Mama naman ay naluluha at hindi makapaniwala. "Blaire, you have a boyfriend?" Sa wakas ay nagsalita na rin si Mama. "Kailan ka pa naging malandi, Blaire?!" sigaw ni Papa kaya umiling ako. "Pa! He he's from a good family—" "Wala akong pakialam kung milyonaryo pa iyan! You broke our trust!" "Mama, Papa, sorry po, sorry po," Nanghihina kong inabot ang kamay ni Mama kaya napaiyak na rin siya ng sobra. "You lied?" she asked. "Sorry po—" "Blaire! You are kissing that guy like a slut! Sino ang makikipaghalikan sa publiko?! Hindi ka na nagtira ng kahihiyan! I am so disappointed! Hindi ikaw ang anak na iningat-ingatan ko! You are different! My daughter would not lie for a guy!" Nawasak sa pira-piraso ang puso ko dahil sa mga sinabi ni Papa. Tuluyan na akong nanghina sa sahig. "Sorry po—" "Oh my God, hindi ko akalain. So all this time that you are going out you're meeting that boy? Blaire, how could you lie?" Halos hindi na ako makahing sa sobrang pay-iyak. My mother's voice was shaky. She sounds disappointed. Hindi ko matanggap. Nasasaktan ako. I lost their trust. I am really sorry. "Sorry po, Ma, Pa." "Better break up with that guy. From now on you are no longer free. I will take all of your gadgets. I am so disappointed. Wala akong anak na sinungaling at malandi. I thought you're better than girls on your age. Akala ko hindi kami nagkulang ng Mama mo sa pagpapapa-alala sa iyo. I did not expect this. My daughter was perfect in my eyes." "Papa, sorry na. Sorry na po," I tried to hold his hand but he forcely withdraw it. "Fix yourself, Blaire," sabi ni Mama habang pinapakalma si Papa. Sobrang sakit na makita ang mga mata nilang disappointed habang nakatingin sa akin. Sobra akong nagsisisi. Pero nagsisisi ba ako na minahal ko si Zach? No! "Papa, Mama, I love him—" "You are just eighteen! Hindi ka pa marunong humarap sa kung anong meron sa labas nitong komportableng buhay mo! Mahal mo?! You don't know anything, Blaire!" "Papa! I am already in my legal age, Papa naman—" "Legal age?! Anong alam mo? Magmamahal ka? You are just infatuated!" I shook my head. It's not just infatuation. Alam ko 'to. "Ma," I turned to my mother to ask for help but I saw her crying. Mas lalo akong nasaktan. I am hurting them. I am really sorry. "Go to you room! Bago pa kita masampal, Blaire!" Dahan-dahan akong lumuhod aa paanan nina Mama at Papa. I will for forgiveness. "Sorry po—" "Blaire! Go to your room! Now!" Marahas ako na pinatayo ni Papa saka kinaladkad papunta sa taas. Halos madapa na ako sa hagdanan dahil sa rahas ng pagkaladkad niya. Iyak ako ng iyak. Kita ko din ang paglandas ng luha sa pisngi ni Papa. Mama is followig us, trying to stop my father. We are in chaos. And it is my fault. "Fix yourself! Don't make us feel more disappointed!" Napaupo ako sa sahig ng kwarto ko habang iyak ng iyak. They locked me inside my room. "Papa, Mama, sorry po, sorry po, sorry po, sorry po," paulit-ulit na bulong ko sa pinto habang umiiyak ng malakas. What did I do? Bakit humantong sa ganito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD