Chapter 26

2144 Words
Chapter 26 My eyes were tired because of crying. "Pa, may leadership training kami ngayon," maingat na paalam ko nang makababa. Kaagad niyang sinulyapan ang suot ko kaya bahagya akong napayuko. I was wearing a denim high waisted pants, and our SSG uniform is tucked in it. It was a apply green polo shirt with a logo of our school in the middle and our position at the back with our last name. Naka-sneakers lang rin ako na puti. "Where?" tanong ni Papa kaya napalunok ako bago sumagot. "St. Agustine's Academy," mahinang sagot ko. I was crying last night when I received a chat from our SSG adviser. I am the president, so I can't back out. Kasama ko ang ibang SSG na pupunta. That is Zach's school. I might see him there. "Anong oras matatapos? I'll pick you up," sabi niya. Hindi ko pa rin makalimutan na napagalitan ako kagabi dahil sa mababa kong score. Hanggang ngayon ay naiilang pa rin ako. "Hapon pa po. Si Mama?" "She left early. Let's go. Saan kita ihahatid? Sa school niyo o sa SAA na?" "SCA, Pa, may service yata na kinuha si Ma'am," sabi ko kaya tumango siya. "Eat your breakfast first, and we'll go," marahan niya ako na hinalikan sa noo kaya napangiti ako ng bahagya. Matapos kong kumain ay hinatid ako ni Papa sa school. Alam kong medyo disappointed pa rin siya sa nalaman kahapon. Sanay sila na palagi akong nangunguna. I never failed since I started to think of my own. I understand them. "Nandoon na sila, Pa," sabi ko saka tinuro ang isang jeep na nasa labas ng gats ng school namin. Marahan naman na sumilip si Papa saka tumango. He got his wallet and handed me a five hundred pesos, which I slowly got. "Take care and focus," sabi niya bago ako makababa. Nang lumapit ako sa jeep ay kaagad ako na sinalubong ng SSG adviser namin. "Blaire, let's wait for other representatives. Late naman kasing pinaalam kaya hindi prepared and lahat. It's just a training it's not really important but our school needs to cooperate. Maraming school rin ang sasama," mahabang sabi niya kaya napatango ako. I just hope na walang pasok ang students ng SAA. I am not ready to see Zach. Hindi pa klaro ang utak ko. Ilang minuto naming hinintay ang mga kulang bago kami bumiyahe patungo sa kabilang school. Isang oras at kalahati pa ang magiging biyahe patungo sa kabilang school. Pero nasa daan pa lang kami ay kabado na ako. Hindi dahil sa dami ng mga SSG officers na pupunta. Cluster leadership training, so I am expecting a lot. But I am not nervous because of that. I am afraid to see Zach. He might have heard me crying last night. At malabo pa kami. Nang makarating kami sa mataas na gate ng SAA ay mas lalo akong kinabahan. I swallowed hard while looking at those students who's entering the gate. May klase sila. "Ma'am, may pasok sila?" tanong ng isa sa mga kasama namin. "Function Hall lang yata nila ang gagamitin natin," sagot ni Ma'am saka nauna ng lumabas. Ayaw ko man pero wala na akong magawa kundi sumunod. "Blaire, ikaw ang bahala sa mga kasama mo. I'll just get an attendance sheet for us," wala ako sa sariling tumango sa sinabi ni Ma'am. Bahagya kong nilibot ang tingin ko sa school nila. We are just at their gate, so I can't see what's really inside. This is my first time and I must say that their school looks better than ours. Sa pagtawag sa amin ni Ma'am ay sabay-sabay kaming pumasok. Halos pigilin ko ang hininga ko habang humahakbang papasok. "Ang ganda ng school nila. May crush ako dito eh, hanapin ko lang," rinig kong bulong ng mga kasama ko. I am too bothered of my own feelings. I know I'd see Zach here today. "It's not yet starting. Let's wait on their bench." Bahagya akong napanguso at akmang susunod na kay Ma'am pero napatigil ako dahil sa mahinang tili ng mga babaeng kasama ko. "Siya iyon! Ang crush ko!" Out of curiosity, I looked at the direction where their eyes were. Napaawang na lang ang labi ko nang makita si Zach na naglalakad habang nakatutok sa phone. Ilang sandali pa ang tumunog ang phone ko para sa isang tawag. Dali-dali ko itong kinuha at nang makita na si Zach ang tumatawag ay biglang naging blangko ang utak ko. I was about to answer his call, but I heard a familiar voice. "Zach!" Pinanood ko kung paano tumakbo si Ashley patungo kay Zach. I immediately cancelled the call, and I saw Zach raise his eyes to Ashley, who was smiling widely. I am here, watching them smile at each other. "Blaire!" wala sa sariling napalingon ako sa mga tumawag. I saw my officers calling me. "Sorry," mahinang sabi ko saka mabilis na naglakad papalapit sa kanila. Umupo kami sa malapit na bench. Sa pag-upo ko ay mabilis ko na binalik ang mga mata kung nasaan sina Zach kanina. I found them still in that place. Pero ang kaibahan lang ay sa akin na nakatingin si Zaxh. His smile faded. Biglang namasa ang mga mata ko kaya dahan-dahan akong yumuko. I am hurt seeing him this close. Kami pa ba? Bakit parang hindi na? "Function Hall na tayo," sabi ni Ma'am kaya lahat kami tumayo para sumunod. I was right that their school was huge. Malinis pa ang paligid. Naglalakad ako nang tumunog muli ang phone ko. This time, it's a text. Kaagad ko na binasa iyon. Zach: You're here. Let's talk later? Don't ignore me, please. I'm sorry. I feel like crying. The training started, and I can't focus. I can't really focus hanggang sa natapos kami para sa pang-umagang program. Marami ang mga school na nandito na galing pa sa kabilang bayan. Their function hall is huge and it's air conditioned so I am feeling fine. But my heart isn't. "Saan tayo kakain ng lunch? Sa canteen na lang nila o sa labas?" "Dito na lang po," sagot nila kay Ma'am. Napatingin ako sa relo ko. It's already eleven. I unconsciously touched my necklace. I won't deny that I missed Zach. I missed him so much. "Wala ka yata sa mood ngayon, Ate?" I smiled at the girl who approached me. "I am just amazed," sagot ko kaya napangiti siya at tumango. If I am in the mood, I would probably take a picture on every corner of their school. But I am not in the mood. Idagdag pa ang puso ko na kanina pa t***k ng t***k. When we reached their canteen I blinked twice. It's huge, as expected. "Baka puno?" sabi ko pero pumasok na sila kaya pumasok na rin ako. Puno nga pero may space pa kay kaagad kaming umupo. Nang makaupo ako ay kaagad na tumunog ang phone ko kaya mabilis ko iyong binuksan. It's Zach. Zach: Let's talk? Kaagad ko na nilibot ang tingin ko sa canteen at kaagad ko naman siyang namataan. He's looking at me like he is trying to read my mind. Bahagyang napaawang ang labi ko saka dahan-dahan na tiningnan ang mga kasama niya. His usual friends. Ashley is there too, but she's not sitting next to Zach. Muli akong yumuko para mapatingin sa phone ko. I was about to type, but my phone suddenly turned into black. Napasinghap ako ng mahina dahil sa biglaang pag low bat. Muli akong napaangat ng tingin kay Zach. Nakatingin pa rin siya sa akin na parang nag-aabang. "Cr lang ako," biglang paalam ko saka mabilis na tumayo at tuloy-tuloy na lumabas ng canteen. Hindi ko alam kung saan ang cr pero bahala na. Akmang liliko sana ako sa isang daan pero may biglang pumigil sa braso ko. My tears immediately formed because of his familiar touch. "Blaire," that voice. "Let me go," nanginginig na sabi ko. I can't look at him. Lalo na ngayong tumutulo na ang mga luha ko. "Please, let's fix this—" "Just let me go," umiiyak na bulong ko. May mga napapatangin na sa amin kaya mas lalo kong gusto na umalis. "Blaire," Dahan-dahan niyang akong pinaharap. At dahil nanghihina ako ng sobra ay hindi ko napigilan iyon. I harshly wiped my tears. Bahagya siyang nagulat nang makita ang mga luha ko. I noticed that his eyes turned into soft. Bahagya pa siyang napapikit bago ako hinigit papunta sa kung saan na hindi ko naman napigilan. "I was mad," sabi niya kaagad ng makarating sa kami sa likod ng isang building. Inis ko na binawi ang braso ko na hawak niya. "Let me go!" Parang nahanap ko na ang lakas na pilit na nawawala kanina. "Listen! I got jealous when I saw that picture! You were dancing with that guy! Who likes you!" Sinamaan ko siya ng tingin. "You got jealous, so you did not call me or even text? Tapos makikita ko na nakikipagtawanan ka sa ex mo? You were so closed that it made me think of our misunderstanding! Paano ka nakakatawa at nakakangiti ngayong hindi tayo maayos! Dahil ako halos mabaliw, Zach!" Malakas ko na tinulak ang dibdib niya pero kaagad niyang nahuli ang kamay ko. He sighed loudly as he pulled me close to his body. "I was mad. I want to see you after prom, but you—" "Umuwi ang Papa ko!' "Yeah, I know. Masyado lang ako nadala ng selos. And Ashley, she's my friend—" "You should have told me to end us so you two can back together," puno ng hinanakit na sabi ko pero hinuli niya lang ang baywang ko na hindi ko hinayaan. "No, no, no. I'm sorry. Let's not end this, no," paulit-ulit na sabi niya kaya mas lalo akong napaiyak. "Zach, this is so difficult." "I will understand, I can stay hidden—" "Paano kung ayaw ko na?" umiiyak na tanong ko saka napatitig sa mga mata niyang bahagya ring namumula. His mouth went open. Parang iniisip niya ng maiigi ang sinasabi ko. I want this so bad. I want him so bad. Pero naiisip ko ang mga kahaharapin namin. Naduduwag ako. "Gusto ko pa, kaya ko pa,'' sabi niya habang umiiling ng ilang beses kaya napaawang ang labi ko. Halos hindi na ako makahinga ng maluwag dahil sa sobrang pag-iyak. "My Papa is back. He'll guard me. Hindi tayo magkikita—" "It's fine, I will be content with calls and texts." Umiling ako. I want this, too. Gustong-gusto ko 'to kaya natatakot na ako. "I don—" "I won't talk to Ashley again. I will never let you feel jealous. I want this, please," sabi niya saka muli akong hinawakan sa baywang at sa pagkakataong 'to ay hinayaan ko na siya. I was sobbing real hard. "Babalik na ako," sabi ko saka mahina siyang tinulak kaya unti-unti niya akong pinakawalan. I could see his red eyes. The tip of his nose is also red too. Nakakapanghina. "Ihahatid na kita—" "No, kaya ko na," sabi ko kaya na pahinga siya ng malalim. "Can I text you?" Napa-lunok ako ng mahina saka tiningnan ang phone ko na kanina ko pa hawak. "I have no battery," Everything turns awkward again. Saglit siyang napa-sulyap sa phone ko. Dahan-dahan niya iyong kinuha sa kamay ko na hinayaan ko na lang. "I have a power bank in our classroom. Ihahatid ko mamaya," sabi niya kaya napatango naman ako ng mahina. Dahan-dahan niyang nilagay sa bulsa ng slacks niya ang phone ko na hinayaan ko na lang. I gently wiped my remaining tears as I calmed myself. Nakatitig pa rin siya sa akin na parang naninimbang kaya wala sa sarili akong naunang maglakad. Alam kong nakasunod siya sa akin kaya hinayaan ko na lang. Medyo malayo kami sa isa't-isa. Nang makapasok ako sa canteen ay ang una kong nakita ay ang mga kaibigan niya na nakatingin sa amin. Mabilis ako na nag-iwas ng tingin saka dumiretso sa mga kasama ko. Zach followed me, but I had no strength to stop him. Nang makaupo ako ay iyon lang ang pag-angat ko ng tingin sa kanya. "I'll give your phone later," sabi niya kaya tumango lang ako na parang walang pakialam. Pero sobrang bilis na ng t***k ng puso ko. Ilang sandali pa siyang nanatili sa gilid ko bago magpasya na umalis. I sighed when he's gone. Pinakiramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Parang may nawala na malaking bagay sa dibdib ko. Wala sa sariling napatingin ako sa table nila. I saw him there staring at me. Kinakausap siya ng mga kaibigan niya pero diretso lang ang tingin siya sa akin kaya muli akong napayuko. I am really in love with him. Kapag nag-break kami alam kong lubusan akong masasaktan. I fell so hard and I did not expect it. Mukhang malabo na ang pag-ahon ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD