Chapter 25

2211 Words
Chapter 25 Kinabukasan ay napapikit na lang ako ng mariin dahil wala akong natanggap na kahit isang message galing kay Zach. No good morning, like what he used to do. "You don't have a class?" tanong ni Papa noong bumaba ako. "Rest day," sabi ko saka marahan siyang niyakap mula sa gilid na ikinangiti niya. "Aalis na ako, Honey, take care of your daughter," biglang paalam ni Mama kaya marahan akong tumango. Papa gave my Mama a swift kiss on her cheek. Napangiti naman ako habang tinitingnan silang ganoon. Sometimes, being young is not good. I want to grow older so fast. Nang makaalis si Mama ay naiwan kami ni Papa. We watched tv and played some board games. Ilang ulit akong napapsulyap sa phone ko habang ginagawa namin iyon. Dahil baka sakaling maisipan ni Zach na mag-text pero wala. "Are you waiting for someone's message? Kanina ka pa tingin ng tingin sa phone mo," puna ni Papa kaya mabilis ko na binalik ang tingin sa kanya saka ngumiti ng maliit. "No, hindi lang ako sanay na bago ang phone ko," rason ko kaya tumawa lang siya at umiling. Saglit siyang napatingin sa relong suot kaya palihim ako na huminga ng malalim. I hate this feeling. Nasasaktan ako at hindi mapakali. "Let's eat outside?" biglang aya ni Papa kaya mabilis ko siyang tinaasan ng dalawang kilay. He laughed, "Go change, let's eat outside." Saglit ko pang tinitigan si Papa bago natatawa na umakyat sa taas. Forgetting Zach for a day is not bad. I am hurt that he doesn't message me. Kanina pa akong kating-kati na mag-send ng message sa kanya pero hindi ko rin ginawa. Mabilis akong natapos sa pagbibihis at natagpuan ko si Papa sa sala na naghihintay. Nang makita niya ako ay kaagad siyang tumayo. "Pa, sa labas tayo kakain ng lunch?" "Yeah, we'll visit your Mama too." Napatango na lang ako saka nauna nang umakyat sa kotse niya. "Papa, seatbelt," paalala ko kasi pinaandar niya kaagad ang kotse kahit wala pa siyang seatbelt na suot. "My bad, may mga bago bang kainan sa bayan?" tamad lang ako na nagkibit balikat sa kanya. Dahan-dahan ko na pinaikot-ikot sa kamay ko ang cellphone na hawak. Hindi ko akalain na matitiis niya ako. Ilang oras, Zach? Is he that jealous to act like he doesn't care? Habang ako parang baliw na baliw na sa kakaisip? "That's new?" tanong ni Papa noong makarating kami sa bungad ng bayan kaya wala sa sarili akong napatingin sa labas. "Ngayon lang yata," sabi ko habanbgtinitingnan ang lugar. Para siyang bahay kubo na restaurant. So cozy and peaceful. Ngayon lang yata talaga ang opening. May mha balloons pa kasi at ribbon sa labas. "Let's try then," sabi ni Papa saka unti-unti na nag-park sa harap ng bagong restaurant. Una akong lumabas ng kotse. Pinakatitigan ko ang labas ng bahay kubo. It's clean so it's good. Nilingon ako ni Papa kaya sumabay ako sa kanya papasok. Kawayan lang rin ang sahig ng kainan pero mukhang matibay naman kaya hindi ako nagdalawang isip na maglakad. There's a lot of tables inside and the place looks so fresh. Hindi siya mainit. Marahan ako na napanguso saka bahagyang nilibot ang mga mata sa lugar. Pero bigla akong nanghina sa nakita sa hindi kalayuan. My eyes immediately watered while watching Ashley holding Zach's arms. Ngumiti pa si Zach dito at nagkatinginan sila. They are not alone in their table, but their stares give me creep. Napaawang ang mga labi ko. My heart slowly ripped. I want to laugh at myself. Halos wala ako sa sarili dahil hindi siya nagparamdam. And here he is, hanging out with his ex like they were the real couple. Good, I did not expect this. May isang butil na luhang tumulo galing sa mukha ko kaya mabilis ko iyong pinunasan. I sighed softly and fixed my face. Naglakad ako papunta sa counter kasunod ni Papa na parang walang nangyari. Pero ramdam na ramdam ko pa rin ang nanunuot na sakit sa dibdib ko. Ganito ba siya mag-deal ng misunderstandings? Going out with his ex, knowing that I am jealous of her? Dahil nagselos rin siya kaya ganito? "What do you want?" marahan na tanong ni Papa kaya napakurap ako at bumaling sa mga ulam. "Pa, take out na lang tayo? Sabay na lang tayo kay Mama kumain," sabi ko. I am thanking myself inside my head for not stuttering. I won't cry here. I had enough last night. "Good idea," sabi niya kaya wala sa sariling napakapit ako sa braso niya para kumuha ng lakas. Gusto kong sumulyap kung nasaan si Zach pero kapag ginawa ko iyon ay baka lalo lang akong mawala sa sarili ko. He's acting like nothing happens. May gana pa siyang makipag ngitian at makipagtitigan sa ex niya. Pumili kami ni Papa ng ulam saka pina-take out pati na rin ng kanin. When he's done paying, I slightly positioned myself on his back. Don't look at them, Blaire. Kahit anong sabi ko sa utak ko na huwag silang titingnan ay hindi ko rin nagawa. Sa paghakbang namin ay wala sa sariling napadapo ang mata ko kay Zach. Hindi niya alam na nandito ako. Wala siyang ideya na nakikita ko siya ngayong nakikipag tawanan kay Ashley. They are even so close to each other. Iyong tipong magkadikit na ang mga muka nila pero wala silang pakialam. It gave me so much hurt. Paano niya nagagawa iyan? Paano niya nakakayang tumawa habang ako parang hindi makapag-isip ng maayos? Galit, inis at lungkot ang namuo sa puso ko. Nanginginig kong binuksan ang phone ko. I quickly typed a message for him while walking towards the exit. Nagpupuyos ako sa galit. Gusto kong umiyak pero hindi pwede. Me: You should have told me to stop this. Ginawa mo akong t*ng*. Nang ma-send ang message ko ay napasulyap ako kay Zach. Nagdidilim ang mga mata ko. I want to slap him in front of his ex. How dare he? How dare he hurt me like this? Kita kong natigil siya sa pagtawa habang nakatingin na ngayon sa phone. Ashley is still talking to him. Sa pag-angat niya ng mga mata ay nagtagpo ang mga tingin namin. He looked shocked for a while, but it immediately vanished. Nilipat ko ang tingin sa babaeng katabi niya na ngayon ay napansin na rin ako. I smiled without humor and rolled my eyes at them. Tell me that breaking the rules is worth it, Zach. Prove it. Dahil sa ngayon nagdududa na ako. "Let's go, Blaire," sabi ni Papa kaya napatango ako at tuloy-tuloy na naglakad palabas. Bago kami nakarating sa kotse ay may natanggap ako na message kaya palihim ko na binasa. Zach: Stop what, Blaire? I did not reply. Ano pang isasagot ko? I made him jealous, and I admit that I am wrong for that. Pero nasaktan rin ako ngayon. Seeing him laugh with his former girlfriend while we were having a misunderstanding made my heart break. "Are you okay?" tanong ni Papa nang mapansin niya na tahimik ako at wala sa sarili. "Opo, antok lang." We headed to the school where Mom's working as a principal. Sobrang wala ako sa sarili pero pinilit ko na huwag ipahalata iyon. Nang makauwi kami sa bahay ay nagkulong ako sa kwarto ay nagdahilan na masakit ang tiyan. Zach is messaging me through text and messser. Tumatawag pa siya pero ni isa ay wala akong sinagot. I just can't talk to him. I can't. Hindi ko matanggap na nakita ko siyang parang hindi apektado. While I am here, crying over and over again for him. Buong gabi akong umiyak kaya kinabukasan ay halos hindi ko alam kung paano itago ang pamamaga ng mga mata ko. Wala rin ako sa kanila. Nanunuyo ang lalamunan ko at ramdam ko ang medyo pagka-paos. Hinatid ako ni Papa sa school. Todo ang pag-arte ko na maayos ang kahat kahit hindi naman talaga. I am broken inside. Nakakabaliw. Sobrang sakit sa puso. It's ruining me. Mas lalo lang akong nakaramdam ng takot at kaba dahil may surprise quiz sa isang subject. I am not prepared. Hindi ako makapag basa ng notes. In the end, I answered all items unsure. Alam kong marami ang mali. Thirty items quiz is a big deal. Kabado ako habang iniisa-isa ang scores kalaunan. May mga naka-perfect pero iyong akin hindi pa nasasabi. "Blaire Arzeña, ten over thirty?" nagtatakang sabi ng guro kaya namutla ako sa kaba. Nagkatinginan ang mga kaklase ko. "Blaire, baka mali ang pag-check," sabi ng isa kaya nagtataka na tiningnan ni Ma'am ang papel ko. Napakurap ako saka kumapit ng mahigpit sa desk. "I'll check later," sabi ni Ma'am saka ipinagpatuloy ang pagbabasa ng scores. I am the lowest! Sobra ang kaba ko noong pinalapit ako ni Ma'am sa table niya. She sighed then handed me my fail quiz. Tiningnan ko ang score na nakasulat gamit ang red na ballpen. "Ma'am?" nanginginig na tanong ko. It's my first time. First time kong makakuha ng pinakamababa sa klase namin. "I checked it thrice. Ten nga ang score mo. Are you okay?" concern na tanong ni Ma'am kaya dahan-dahan akong tumango bago kinuha ang papel ko na bagsak. "Okay lang po, s-salamat," sabi ko kaya napatango si Ma'am ng mahina. "Bawi ka na lang next squiz. I won't record this squiz because all of you got a low score." "S-sige po," sabi ko bago dahan-dahan na bumalik sa upuan ko. Nanginginig ang kamay ko na may hawak na papel. Seeing my failed score made me disappointed. Masyado ba akong naging kampante? "Bawi na lang next time, Blaire,' sabi ni Mae pero hindi ko magawang ngumiti. "Blaire, phone mo kanina pa nag ri-ring," sabi rin ni Anne kaya napatingin ako sa phone ko na nasa arm chair. Napalunok ako nang makita na tumatawag si Zach. Tiningnan ko lang iyon hanggang sa mamatay. But after some seconds, he messaged me again. Zach: You're ignoring me since last night. Anong plano mo? Nanginig ako dahil sa nabasa ko. Wala sa sarili ko na inayos ang lahat ng gamit at tuloy-tuloy na lumabas ng room. Anong plano ko? Anong ibig niya sabihin? I was about to type a reply, but I saw Papa's car outside the gate, so I hid my phone on my skirt's pocket. Ngumiti ako ng pilit kay Papa bago pumasok sa kotse. "How's school?" tanong niya kaya bigla ko na namang naalala ang score ko sa quiz namin. "Okay lang po," Definitely not. Nang makarating kami sa bahay ay bigla kong binagsak ang libro at bag na dala sa living room saka dumiretso sa kusina para uminom ng tubig. "Problem?" tanong ni Mama na inilingan ko na lang. Uminom ako ng maraming tubig saka huminga ng malalim pagkatapos. I need to clear my mind. I need to focus on one thing. Gulong-gulo na ako. Mabilis sana ako na aakyat sa kwarto ko kasi ramdam ko na ang luha sa mga mata ko pero natigil ako nang makita si Papa na hawak ang isang papel. Kunot ang noo niya kaya sinilip rin ni Mama ang papel. Namutla ako sa kaba. That's my quiz earlier! "M-a, P-a, hi—" "Ten over thirty?" nagtatakang tanong ni Papa pero ramdam ko na seryoso siya kaya mas lalong nanubig ang mga mata ko. Napahakukipkip naman si Mama habang nakatingin sa akin na parang disappointed rin. "P-a, mahirap kasi ang quiz saka hindi ako nakapag-aral—" "Alam mo kung kailan ko huling nakita na bumagsak ka sa isang quiz? It was ten years ago, Blaire!" Napa-talon ako ng mahina sa biglang sigaw ni Papa. Tumulo na rin ang mga luha ko dahil sa taranta. "Mama, babawiin ko po, Pa," umiiyak na sabi ko pero umiling lang si Papa. "All you have to do is study hard, Blaire. We are giving you all what you want. What are you doing? Nagbubulakbol ka ba?" Umiling ako ng maraming beses sa sinabi ni Papa. "No, nahihirapan lang po ako sa subject na iyan—" "Then study, Blaire. Go to your room and study," biglang singit ni Mama kaya mabilis ako na tumango at lumapit sa mga gamit ko. "Sorry po," umiiyak na sabi ko bago mabilis na tumakbo papunta sa taas. Nang makapasok ako sa kwarto ko ay mas lalo kong nilabas ang mga luha. Nanghihina ako na napaupo sa kama at kasabay nito ay ang pag-ring ng phone ko. I gently wiped my tears as I looked who's calling. Nang makita ko ang pangalan ni Zach ay mas lalo lang akong umiyak. I pressed the answer button. Patuloy ako na umiiyak ng tahimik. "Let's talk, please," bungad niya kaya napatakip ako sa bibig ko para hindi kumawala ang hagulgol. How can I deal with this? Mahirap. Sobrang hirap. "Are you crying?" His voice sounded serious all of a sudden, so I quickly ended the call. Tumawag siya ulit pero hindi ko na pinansin. Nanghihina ko na nilabas ang isang libdo saka pinilit ang sarili na magbasa. My tears were falling on its pages, but I don't care. I am so pressured. Wala akong naiintindihan sa binabasa pero pinagpapatuloy ko pa rin. Patuloy rin na tumatawag si Zach na hindi ko sinasagot. I was sobbing hard while facing my book and hearing my ringing phone.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD