Chapter 19

2277 Words
Chapter 19 Ang bilis ng pagpalit ng araw. Christmas vacation came. "Ma, sa Manila tayo magpapasko?" hindi ko maitago ang lungkot sa boses ko. My mom's parents were there which is my grandparents and my other cousins. Hindi ako masyadong malapit sa kanila dahil dito ako lumaki sa Del Rio kung saan rin nagmulat si Papa. We have no relatives here because my father was only son and his parents died so early. "Oo, hindi makakauwi ang papa mo kaya doon tayo magpapasko." I sighed and nodded. "Kailan daw po uuwi si Papa? Sa new year?" Mama sighed and gently shooh her head. "Sa march na lang uuwi ang papa mo para sa graduation mo. He insisted that we must celebrate christmas and new year in Manila." "Sige po." "Aalis tayo bukas na bukas kaagad kaya mag-ayos ka na ng mga gamit. We'll stay there until new year so bring enough clothes." Matamlay ako na bumalik sa kwarto ko. Pero imbes na mag-ayos ng mga gamit ay phone ko kaagad ang kinuha ko. I saw Zach's messages so I smiled. Magtitipa sana ako ng reply pero kaagad na siyang tumawag kaya napangiti na lang ako saka umiling. "Sa manila kami magpapasko," kaagad na bungad ko kaya hindi siya kaagad nagsalita. "What? Until new year?" I sighed, "Yes." Zach being a boyfriend is really great. He undertands my situation so he really won't demand my time. We are really contented calling each other every hour. Minsan ay bumibisita siya sa school at lumalabas rin kami. I am lying for this relationship but it's fine. He's making me happy. Sobrang saya ko. "Pupunta rin kami sa London para sa christmas. But we'll celebrate our new year here with Mom and Dad." Napangiti na lang ako ng matipid. "Hindi kasi makakauwi si Papa kaya sa Manila kami magpapasko at bagong taon. My grandparents and cousins are there." "You'll call me everyday right?" Mahina akong humalakhak dahil sa tono niya. "Of course. Pero hindi ba tayo mahihirapan kapag nasa London ka na? I mean umaga doon at gabi dito kay—" "No, sanay ako na gising sa gabi." Our call lasted for about an hour so after that I finally fixed my things. Nagdala ako ng maraming damit kahit pwede naman akong bumili doon. Dinala ko rin pati ang laptop ko saka power bank. Kinabukasan ay kaagad kami na pumunta sa airport ng probinsya namin ng sobrang aga. I texted Zach before we went in a plane. Me: We're leaving. Are you awake? Wala pang isang minuto ay nag-reply na siya kaya napangiti ako. Pero kaagad ko rin na tinago iyon nang mapalingon si Mama. "May ka-text ka?" tanong niya kaagad kaya napailing ako ng maraming beses. "Wala, may nabasa lang ako na memes sa f*******:," dahilan ko kaya napatango siya. Patago ko naman na binasa ang sagot ni Zach. Zach: Good morning. Take care, we'll also leave for London the day after tomorrow. Hindi na ako nagkaroon pa ng pagkakataon na mag-reply dahil tingin ng tingin si Mama kaya tinago ko na lang ang phone para hindi siya magduda. Wala pang isang oras ay nasa Manila na kami. Kaagad akong napatakip sa ilong dahil sa amoy ng pulosyon kaya marahan ako na tinawanan ni Mama. "Taong bundok ka kasi," panunuya niya pa kaya sumimangot na lang ako. "Ang baho kaya," sabi ko pero umiling lang siya. Nang makarating kami sa bahay nila Lolo at Lola ay kaagad nila akong niyakap. I am not really close with them. Isang beses o dalawang beses sa isang taon lang kasi kami nagkikita kaya medyo awkward ako sa kanila. "Dalaga ka na, Apo. May nobyo ka na ba?" tanong ni Lolo habang nakahawak sa balikat ko kaya namula ang pisngi ko. "Wala 'yan, Pa. Aral muna 'yan," sagot ni Mama para sa akin kaya napalunok ako. "Blaire! Mas mataas ka na sa akin!" sabi ng pinsan ko na si Tofer na nasa kabila lang ang bahay nila. Nginiwian ko naman siya. He's older than me, but I am really taller than him. Mataas si Papa kaya namana ko. "Ang itim mo," sabi ko sa kanya kaya sinamaan niya ako ng tingin. "Taong bahay ka kasi! Ako naglalaro ng basketball!" sabi niya naman. "Hindi lahat ng naglalaro ng basketball maitim." Zach is playing basketball, and his skin color is not dark. Matagal kaming nag-usap ng mga pinsan ko bago ako tuluyang umakyat sa kwarto na para sa akin sa bahay nila Lolo at Lola. My grandfather was an army, and my grandmother was a principal also just like my mother. Parehong retired na pero malaki ang natatanggap na pera buwan-buwan kaya maayos pa rin ang buhay. Puro propesyonal rin ang mga anak nila kaya mas lalong walang problema. Hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na tawagan si Zach dahil tumawag sa akin si Papa. "I won't be with you on christmas. Sa march na lang ako uuwi para maka-attend ako ng graduation mo. You'll be on top, right?" I smiled, "Yes, Pa." "Sa pag-uwi ko na lang ang regalo mo," natatawa na sabi niya kaya natawa na rin ako. "Papa, don't forget my new phone." "Fine, ang mahal ng phone na gusto mo." "Papa! Ang laki kasi ng storage saka ang ganda ng camera. I really love that one. Bagong labas na model." "Fine, bibilhin ko na." Napatawa ako ng malakas saka pumalakpak dahil sa tuwa. Marami pa akong pinabili kay Papa at umabot talaga sa punto na naglabas siya ng papel para mailista ang lahat ng sinabi ko para hindi niya makaligtaan. Sobrang tuwa ko naman ng matapos ang tawag kaya akmang mag re-reply na sana ako sa text ni Zach na kanina ko pa natanggap pero tinawag na ako ni Mama para kumain kaya wala akong nagawa kundi bumaba. "Your Papa told me that you requested a lot," sabi ni Mama kaya ngumiti ako ng matamis. "Hindi, kaunti lang—" "Kaunti?" sabi niya saka pinakita niya sa akin ang isang picture na puno ng sulat na sa palagay ko ay pinasa ni Papa sa kanya. "Sabi niya okay lang naman," rason ko kaya napa-buntong hininga na lang si Mama. "Grace, hayaan mo na at nagdadalaga na itong si Blaire," sabi ni Lola. "Ma, sobrang gastos," Parehong natawa si Lolo at Lola sa sinabi ni Mama. "Ganiyan talaga ang mga bata," sabi rin ni Lolo kaya tumahimik na lang si Mama. Matapos naming kumain ay pumunta pa kami sa bahay ng mga tiyo at tiya ko na kapatid rin ni Mama na nasa subdivision lang na ito. Wala akong dalang phone kaya kahit gustong-gusto ko na sanang makausap si Zach ay wala akong magawa. Hapon na nang makabalik kami sa bahay nila Lolo kaya dali-dali akong umakyat sa kwarto na palagi kong tinutulugan kapag nagbabakasyon kami dito. I immediately called Zach when I saw that he have a lot of messages. "Are you that busy that you can't even send a single message?" kaagad na bungad niya kaya napalunok ako. "Sorry, pumunta kasi kami sa bahay ng mga tito at tita ko—" "I called how many times, but you did not answered—" "Wala akong dalang phone. Pag-aawayan pa ba natin 'to?" sabi ko kaya rinig kong napabuntong hininga siya. "Fine, let's video call." Kaagad ako na nag-online sa f*******: para sagutin ang video call niya. Kaagad ko siyang nakit sa screen at pansin ko kaagad ay kunot na noo niya. He's pissed. "Bukas kayo lilipad patungong London?" tanong ko kaya bahagya siyang tumango bago inayos ang pagkakaupo sa computer chair kaya nakita ko ang hubad niyang pang-itaas. "Yeah, can you text me every hour? I just can't think straight." I sighed, "I'm sorry," sabi ko. Mas lalong naging mahirap para sa akin ang makausap siya noong nakarating na siya sa London. Our time is not even so we need to make an effort ko call of message each other. Na hirap akong gawin dahil ayaw kong makahalata si Mama. "Blaire, ibaba mo muna ang phone mo," sabi ni Mama nang makita ako na tutok na tutok sa phone habang sabay kaming kumakain. Nandito rin ang ibang pinsan ko kaya sobrang dami namin. Tinigil ko ang pag-text kay Zach saka marahan na tumango. "Tita Grace baka may boyfriend na iyang si Blaire na hindi niyo nalalaman. Lagot ka kay tito Bernard!" tukso ni Tofer kaya nanlaki ang mga mata ko. "Stop bluffing!" inis na sabi ko kahit totoo naman siya. "Alam na alam ko ang mga reaksyon na ganyan, Blaire. May mga kaibigan ako na babae kaya alam ko!" Sinamaan ko siya ng tingin pero tawa lang ito ng tawa. Mabuti na lang at hindi sineryoso ni Mommy ang sinabi niya kaya nakahinga ako ng maluwag. "What are you doing?" Kita ko ang antok sa mga mata ni Zach habang magka-video call kami. Parang sobrang antok na niya pero pinipilit niya pa rin na manatiling dilat para lang makausap ako. "Katatapos lang namin na mamasyal sa mall kasama ang ibang pinsan ko? Ikaw?" He smiled gently, "I went out with my friends here." Nanliit ang mata ko sa sinabi niya, "Babae?" He chuckled, "Meron—" "Kasama rin doon ang mga naging ex mo?" Mas lalo siyang tumawa na para bang nawala na ang antok niya kaya napairap na lang ako. London is a beautiful place, but its people aren't pure nice at all. They are liberated, which I don't really trust. "No worry, I am just looking at my phone while waiting for your messages the whole time that I was with them." Nang-init ang pisngi ko sa sinabi niya. "I can't wait to go home," marahan na sabi ko. "I can't wait to see you again on person too. I missed kissing you." Kissing me. He's been so addicted to my lips. Walang oras na hindi niya ako hinahalikan sa mga labi kapag nagkikita kami. He's even a fan of PDA. "Matulog ka na," sabi ko pero mahina lang siyang tumawa. "I missed you so much." Christmas came here in the Philippines. The whole family is here and we are preparing for the noche buena. Katawagan ni Mama si Papa at ako naman ay palihim na ka-text si Zach. "Blaire, tumulong ka muna," sabi ni Mama saka marahan na nilapag ang phone kung saan tumatawag si Papa. "Ma, binabati ko lang ang mga kaibigan ko." Zachary Montañez: It's not yet christmas here but merry christmas. Blaire Arzeña: Advance merry christmas. Baka tulog na ako mamaya kapag nag-pasko sa inyo. Zachary Montañez: Can I call? I sighed. Gusto ko sana. Blaire Arzeña: I'm sitting with family, I'm sorry. Zachary Montañez: I missed you. I smiled gently. Blaire Arzeña: I missed you too. "Tita! Si Blaire may ka-chat! Zach ang pangalan!" biglang sigaw ni Tofer na nasa likuran ko pala kaya bigla akong kinabahan. "Tofer!" sigaw ko saka malakas siyang binato ng throw pillow pero tawa pa rin siya nang tawa. "Tama na iyan, para kayong mga bata," saway ni Mama kaya mas lalo kong sinamaan ng tingin si Tofer. Base sa mga sinabi niya ay alam kong nakita niya nga. Pero buti na lang dahil likas na mapagbiro ang pinsan ko kaya hindi siya sineryoso ni Mama. But I am still nervous. "Sabi na nga ba eh. Sige lang, hindi ko sasabihin," nakangisi na bulong niya sa akin ng umupo siya sa tabi ko. "Tofer," mahina na sabi ko pero mas lalo lang siyang ngumisi. "I missed you, huh? Pasalamat ka mahal kita." Napahinga ako ng malalim. "Huwag mong sabihin kay Mama," sabi ko kaya napanguso siya ng bahagya na parang nag-iisip. "Hindi nga. Gwapo ba iyan? Baka pangit ah?" I pouted and glared at him. "Shut up, mas gwapo siya sayo." "Patingin nga!" Sinubukan niyang agawin ang phone ko pero hindi ko siya hinayaang gawin iyon. Hanggang sa muli kaming sinaway ni Mama kaya tumigil na kami sa paghaharutan para tumulong. Pagkatapos ng noche buena ay kaagad nga akong nakatulog kaya umaga ko ng nabasa ang mga message ni Zach. May mga pinasa rin siyang pictures kaya inisa-isa ko lahat habang nakangiti. His mom and dad were both looking great. Zachary Montañez: I told Mom about you. She bought a lot of presents for you. We're going back to the Philippines. Nanlaki ang mga mata ko sa nabasa. Sinabi niya sa Mommy niya? Oh my God! Blaire Arzeña: Sinabi mo? Zach! Hindi siya nakapag-reply dahil baka tulog pa kaya hindi ko na kinulit. Biglang nag-aya ang mga pinsan ko na mag-mall kaya napilitan akong sumama. I shopped new clothes for myself. Pero napapangiwi na lang ako kapag may nakikita na croptop. Mr. Zachary Montañez is not really a fan of that. Nang pumasok kami sa mamahalin na shop kung saan may mga magagandang relo ay hindi ko maiwasang tumingin-tingin. I suddenly remembered Zach when I saw a blue watch. He loves blue. Hindi man niya sabihin ay alam ko. Tiningnan ko ang presyo ng relo pero halos mawalan ako ng hiningi dahil tumatagingting na sampung libo ang presyo. It's an original g-shock watch. "Ang mahal niyan, ibibigay mo sa boyfriend mo?" biglang tanong ni Tofer na biglang sumulpot. "Tumahimik ka nga," sabi ko saka muling sumulyap sa relo. Ang mahal. "Bilhin mo na, maganda," Dahil sa sinabi niya ay mas nakumbinsi ako na bilhin iyon. In the end I really bought the watch. Naubos man ang ipon ko pero masaya ako dahil nabili ko ang relo. "Delikado ka na. Hindi ako bibili ng regalo na may halagang sampung libo kung hindi ko mahal," sabi ni Tofer ng makauwi kami. Natigilan ako. Mahal? Am I really in love with Zach? I don't know. In love na ito kung tawagin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD