Chapter 20

2178 Words
Chapter 20 New year has come. Nandito pa rin kami sa Manila. "Happy New Year," malambing na bati ni Zach kaya napayakap ako sa unan ko. "Happy New Year," sabi ko. It's our first month of being official also. Nahihiya nga lang ako na bumati. "It's our first month," biglang sabi niya rin kaya nanlaki ang mga mata ko. Naaalala niya. "Zach, I wish I'm with you this time," sabi ko. "I missed you so much, too." I smiled but my eyes were sad, I know. "Uuwi na ako bukas. See you." Kinabukasan ay hinatid kami ng mga pinsan ko sa airport. Hindi ko maitago ang galak. Gustong-gusto ko na talagang umuwi ng Del Rio. I miss the fresh air and I miss its people. "Saya mo ha?" nakangising sabi ni Tofer kaya mabilis akong sumimangot pero tinawanan niya lang ako saka bahagyang kinurot sa baywang. "Stop it," sabi ko. "Bisita ako sa inyo sa susunod. Let me meet your boyfriend." Parang ang saya sa pakiramdam na kahit isa lang sa pamilya ko ay alam ang tungkol kay Zach. Kahit palihim lang. Masaya ako na alam ni Tofer ang tungkol sa kanya. At kita ko sa mga mata niyang hindi siya tutol. My wish is that my parents have a mindset like my cousin too. "Manliliit ka promise," sabi ko kaya sinamaan niya ako ng tingin. May itsura rin naman si Tofer. Moreno siya at katamataman lang ang katawan sa height. Hindi ko alam kung taas pa ba 'to o hindi. He's just really short for a guy. Mas mataas pa ako ng one inch sa kanya. But he's handsome. "Tingnan natin. One on one pa kami sa basketball eh," mayabang na sabi niya kaya hindi ko na napigilan pang mapatawa. I've seen Tofer play, and I've also seen Zach play. Magaling si Tofer pero inaamin ko na mas magaling si Zach. Pumasok ako sa eroplano na may ngiti sa mga labi. "Bibisita daw si Tofer sa atin. Ano kayang pumasok sa ulo ng batang iyon ay nagka-interes?" natatawang sabi ni Mama kaya natawa na rin ako. "Baka gusto lang makalanghap ng preskong hangin," sabi ko kahit alam ko naman talaga kung anong pakay ni Tofer sa Del Rio. Is he really serious about meeting Zach? Sinabi niya pa kay Mama na bibisita siya ah? Nang makalapag kami sa Del Rio ay mas lalong nagwala ang puso ko. Hila-hila ang maleta ay kaagad ako na lumabas ng airport. Hindi ako mapakali. I wanna meet Zach! I missed him so much. Pagkarating namin sa bahay ay hindi ko pinahalata kay Mama ang sobrang pagkatuwa ko. Nagawa ko pang maglipat ng mga damit sa cabinet para hindi halatang may kinasasabikan ako ngayon. Zach: Baby, let's meet? I bit my lower lip. I would lie for this one. Dahan-dahan ako na bumaba sa first floor na kabado. I'm sorry, Ma. "Ma," mahinang tawag ko kay Mama na nakaupo sa couch kaya kaagad niya akong binalingan. Palihim akonna huminga ng malalim bago naglakas loob na magsalita. "Ma, pwede akong lumabas? I will meet my friends," sabi ko pero nanliit ang mga mata niya kaya nanlamig ako. "Friends? Who?" "Anne and Mae, then some of our classmates." Bahagyang nag-isip si Mama kaya mas lalo akong kinabahan. I really want to meet Zach today. "All girls? With guys?" "All girls po," I am a lier. "Sige, umuwi ka kaagad." Muntik na akong mapasigaw sa tuwa pero mabuti at na-kontrol ko ang sarili ko. "Uuwi ako kaagad," natutuwang sabi ko saka dahan-dahan na umakyat sa itaas para makapagbihis na. Me: Sa milktea shop ka na lang maghintay. I'll be there in a minute. Zach: Miss you. May kung anong nagliparan sa tiyan ko dahil sa nabasa. I really miss him so, too. Dahil sa pagmamadali ko ay sa tricycle ko na naalala na naiwan ko ang regalo na dapat sana ay ibibigay ko kay Zach. Pero wala na akong pahanon para bumlik kaya hinayaan ko na lang. Todo ang t***k ng puso ko nang matanaw ko ang paboritong milktea shop kung saan alam kong naghihintay si Zach. Nang huminto ang tricycle ay mas lalo akong nagwala sa tuwa. Sa labas pa lang kita ko na si Zach. Pero nawala ang tuwa ko nang makita kung sino ang kasama niya. He's with his friends. At nakikita ko na nag-uusap sila ni Ashley. Iyong ex niya. Pero kahit ganoon ay naglakas loob pa rin ako na pumasok. When I opened the glass door, Zach immediately found me. Napabaling ako sa kausap niya na kanina ay ngiting-ngiti ngunit ngayon ay hindi na. Then I turned to Zach, who was already standing. Inisang hakbang niya ang pagitan namin at naramdaman ko na lang ang kamay niya na nakapulupot sa akin. "I missed you so much." My eyes watered out of a sudden. Miss na miss ko rin pala talaga siya. He held my face and then stared at my eyes. Kita ko ang tuwa sa mga mata niya kaya mas lalo akong naging emosyonal. "I missed you too," sabi ko kaya mas lalo siyang ngumiti. And in a split of second, his lips crashed on mine. Mabilis lang pero ramdam ko pa rin ang lambot ng labi niya. Bahagya akong nakaramdam ng hiya dahil sa mga nandirito lang. "Una na kami," paalam niya sa mga kaibigan niya yata saka mabilis ako na hinapit sa baywang para dalhin sa labas. Parang gusto ko na lang na singhotin ang amoy niya sa buong araw. Nang makalabas kami ay wala sa sarili ako na napalingon sa loob. Hindi sinasadyang nakatagpuan ko si Ashley na nakatulala sa amin. Her friend is talking to her or more likely comforting her. Hindi lang talaga mawala sa isip ko na naging sila ni Zach. Zach opened the door of his car for me. Kaagad ako na pumasok sa loob at iyon din ang pagpasok niya sa drivers seat. Kaagad niyang kinuha ang kamay ko na akmang magkakabit ng seatbelt saka marahan akong hinila papalapit sa kanya. I gently laughed. Bumaba ang mga mata niya sa mga labi ko kaya marahan ko na kinagat iyon. Pumungay ang mga mata ko saka napatingin na rin sa mapula niyang mga labi. Parang nang-aakit na manghalik. I gently closed my eyes and suddenly gripped his shirt, telling him that I wanted a kiss too. At tulad ng gusto ko ay naramdaman ko kaagad ang malambot na labi niya sa labi ko. He taught me how to kiss the first time he kissed me. I gently opened my lips and kissed him back as passionate as he kissed me. He sucked my upper and lower lip like it was his favorite candy. Hindi ko na napigilan pang mapadaing dahil sa sensasyong biglang bumalot sa katawan ko. I've been feeling this way everytime we kissed. Para akong kinikikiti. Sa pagtigil niya sa halik ay para akong lasing. Pumungay ang mga mata niya saka marahan ako na hinalikan sa noo ng mariin. "I missed you so much," he said before he fastened my seatbelt. Nakangiti ko naman siyang pinanood na gawin iyon hanggang sa nagsimula siyang mag-drive. Hawak-hawak niya ang isang kamay ko kaya hindi ko maiwasang matuwa. And I was right thinking that we'll go to their house. Kita ko ang malaking bahay nila kaya muli akong kinabahan. His parents were there. Nahihiya pa ako. "Nandito ba ang Mommy at Daddy mo?" marahan na tanong ko kaya mahina siyang tumango bago ako pinagbuksan ng pintuan. "Let's go," sabi niya at muling hinawakan ang kamay ko para dalhin ako sa loob. Todo ang kaba ko ng makapasok kami. "Blaire! You're here!" Bigla akong napatingin sa biglang sumigaw at nang makita na si Lola Agnes iyon ay mabilis akong ngumiti ng matamis. "Hi po, Lola," sabi ko nang niyakap niya ako ng mahigpit. Nang humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin ay doon ko lang napansin ang babae ay lalaki na nakatayo malapit sa hagdanan. Kaagad akong nakaramdam ng hiya at ilang nang makilala na sila ang mga magulang ni Zach. "Mom, Dad, this is Blaire, my girlfriend," Zach introduced me to his parents. How I wish I could do the same, too. "Blaire, my son mentioned you to me. You are indeed beautiful," sabi ng Mommy niya habang unti-unti na lumalapit kaya nahihiya naman akong ngumiti. "Hi po," nahihiyang sabi ko pero mabilis siyang nakalapit sa akin. She has this friendly and lovely smile on her face. Marahan niyang hinawakan ang magkabilang balikat ko saka maiging tiningnan ang mukha ko. "Xander, your son's girlfriend is beautiful. Goodness," Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa sinabi niya. "Hi Blaire, nice to see you here," Zach's dad said, so I smiled. "Salamat po, Sir, Ma'am—" "Oh my, call me Tita Carmen and call him Tito Xander. Come, I have a lot of gifts for you. May mga chocolate pa sa ref. Det, kunin mo nga ang mga paper bags sa kwarto namin. I am sure that you will like it, Blaire!" Inosente ko na tiningnan si Zach na nakangiti lang habang nakatingin sa amin. Bahagya ko siyang nginusuan kaya napanguso na lang rin siya ng kaunti. "They like you a lot," he mouthed. I wish I could introduce him to my parents too. "Blaire, look! This one is good!" Nanlaki ang mga mata ko nang makita na puro mga designer brands iyon. "Huwag na po. Hindi niyo po kailangang bigyan ako ng mga ganyan," sabi ko pero umiling siya. "I bought this for you. This one! Oh my God! You will look like a barbie!" "Blaire, I have a lot of presents for you too!" sabi naman ni Lola Agnes kaya hindi ko na alam kung alin ang uunahin ko. They gave me a lot of dresses and shoes. At sobrang nakakapagduda pa dahil kasya halos lahat na parang sinukat pa. Ayaw ko sanang tanggapin kasi nahihiya ako pero hindi nila ako pinakikinggan. These are all a designer's items! Meron ako pero mga lima lang yata dahil sa mahal. Pero itong mga binibigay nila ay lampas sa sampu. "This one!" sabi ng Mommy ni Zach kaya masayang pinakita sa akin ang blouse na parang bra lang ang style. "Mom, no!" kagaad na sabi ni Zach at hinablot sa kamay ng mommy niya ang naturang blouse. "That's good!" "She won't wear this one," inis na sambit na Zach at pabagsak na umupo sa tabi ko. "Fine, Blaire, I still have a lot of chocolates for you." Hindi maalis ang ngiti sa mga labi ko habang tinitingnan sila na umaastang ganito sa harap ko. "Thank you, po," sinserong sabi ko kalaunan. Hindi ko akalain na ganito kainit nila akong sasalubungin. I feel so touched. And I've been wanting really hard now to let my parents know Zach. But my parents are not as good as his. Mama and Papa were strict. So strict. "Nakakahiya sa Mommy mo. She doesn't really have to buy a lot for me," sabi ko nang makapasok kami sa kwarto niya. Mabilis niya akong hinapit sa baywang saka niyakap ng mahigpit kaya niyakap ko rin siya pabalik. "Let her, she likes you." Napangiti ako ng mapait. "I'm sorry," sabi ko kaya napatingin siya sa mukha ko. Nagtataka niya akong tiningnan kaya napa-halakhak na lang ako ng marahan at bakas pa rin ang pait doon. "Why?" he gently asked while caressing my cheeks. "I can't introduce you to my parents yet," sabi ko kaya marahan lang siyang ngumiti bago ako pinatakan ng halik sa noo. "It's fine." "I want my parents to know about us." "Soon, baby, soon." Bahagya na namasa ang mga mata ko sa narinig. I am in love with this guy. "I also have a gift for you." "Huh?" ngumisi siya saka marahah na humiwalay sa akin saka marahan na lumapit sa drawer malapit sa kama niya. Nang bumalik siya ay may dala na siya na isang red na box. Kaagad kumabog ng mabilis ang puso ko. "What is that?" tanong ko pero ngiti lang ang sinagot niya. "Open it," Dahan-dahan kong tinanggap ang maliit na box saka unti-unting binuksan. Napaawang ang labi ko nang makita ang isang simple ngunit elegante na kwintas. It's a gold necklace with a key pendant. Purong ginto lang pero sobrang ganda. Dahan-dahan ko na hinawakan ang kwintas. "You like it?" "Ang ganda." Dahan-dahan niyang kinuha ng kwintas saka sinuot sa leeg ko. Hindi ko maalis ang tingin sa susi na pendant ng necklace. "Bakit susi?" "Why?" I asked, so he chuckled. "Hindi ko rin alam. Nang makita ko iyan ay naalala kita. I remembered that you managed to enter my heart so you have the key." "It's beautiful. Thank you." Muli niya akong nilapit sa katawan niya at ilang sandali pa ay naramdaman ko na lang ang labi niya na lumapat sa mga labi ko. "You are the only girl that I will introduce to my family." "Zach—" "I am so crazy about a girl who's named Blaire Arzeña. Totally crazy that I could not even think of losing her." I am also crazy too. Too crazy and it's scary.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD