Chapter 18

2349 Words
Chapter 18 "Sa bahay ka na raw matulog sabi ni Lola," Napatingin ako kay Zach na nakaupo sa kama ko nang sinabi niya iyon. "Okay lang ako dito. Umuwi ka na kaya?" Napahinga siya ng malalim saka umiling. Napangiti naman ako saka napatingin sa relo. It's already nine in the evening. Kakauwi lang rin namin kasi doon na ako nag-dinner sa kanila. His grandmother is very fond of me. And I like her so much, also. Marahan akong humikab kaya tinapik niya ang espasyo sa tabi niya. "I'll go home later." Dahan-dahan naman akong umupo sa tabi niya saka unti-unting humiga. Siya ang naglagay ng kumot sa akin at marahan na pa akong hinalikan sa noo na nagpangiti sa akin. "Uwi ka na," sabi ko pa pero nanatili lang siyang nakaupo sa tabi ko. Umiling siya saka bahagyang napatingin sa relo na suot niya. I could see that he's already sleepy. Namumungay na ang mga mata niya saka bahagyang namumula. Hindi ko alam kung anong oras akong nakatulog dahil paggising ko ay wala na si Zach. Nang mapatingin ako sa orasan nakita kong alas sais na ng umaga kaya kahit inaantok pa sana ay pinilit kong bumangon. I then texted Zach. Me: Anong oras kang umuwi? Good morning. Wala pang isang minuto ay nag-reply na siya kaagad kaya nagtaka ako. Did he wake up early today? That's new. Zach: Wait for me. I'll take you to your school. Mabilis akong naligo at nag-ayos dahil sa sinabi niya. And after that I cooked my breakfast and eat. Saktong alas siyete ay may bumusina sa labas kaya lumabas na rin ako kaagad dala ang bag ko. I saw Zach on his motorcycle, so I immediately went out. "Anong oras kang umuwi?" sabi ko habang papalapit. "Near five?" hindi siguradong sabi niya kaya nanlaki ang mga mata ko. "What?" he smirked at my reaction. Kakauwi niya lang noong paggising ko. He suddenly put a gentle kiss on my cheeks while smirking, so I rolled my eyes a bit. Pero hindi ko na rin naitago ang ngiti sa labi ko. "Good morning, December is really cold," sabi niya kaya napatango lang ako bago sumakay sa likuran niya. Naninibago akong motor na naman ang dala niya ngayon. I have been seeing him drive his car for the past few days. "Hindi ka nakatulog?" "I did. It's my first time of not being late," wala sa sarili na lang akong napatawa dahil sa sinabi niya. Tahimik lang kami habang nagmamaneho siya. Wala pa masyadong sasakyan sa kalsada dahil medyo maaga pa. Hindi nagtagal ay nakarating kami sa school kaya mabilis akong bumaba. Nakita ko ang mga kaklase ko na kakarating lang rin at kuryoso silang napatingin sa amin. I smiled at Zach without minding anyone. "Let's eat lunch together?" walang pagdadalawang isip ako na tumango. Nakita ko na pa-simple pa siyang napatingin sa mga labi ko kaya namumula akong napaiwas ng tingin. "Uhmm, j-just text me," sabi ko saka mabilis na tumalikod. I suddenly remembered the kiss we shared yesterday. That was my first kiss, and it made me crazy. The taste of his lips. It was so sweet and soft like I was eating a marshmallow. Hindi maalis sa utak ko. I just can't get it out of my head. "Wow, hinatid ka?" biglang sabi ni Anne na kanina pang nasa gate. "Yeah—" "Ang gwapo niya talaga hindi ba? Ang dimple! Nakakaakit! Parang gusto ko siyang hawakan at yakapin!" Napahinto sa paglalakad saka mariin na tumitig kay Anne. I felt suddenly pissed for no reason. Todo ang ngiti niya na parang kinikilig pa siya kaya wala sa sarili akong napairap. "Hindi ka niya kilala," sabi ko at hindi ko naitago ang inis sa tono ko kaya natigilan siya kaya napasimangot. "Crush ko lang naman siya. No offend, ha. Ang gwapo kasi talaga." Muli akong napairap saka mabilis na siyang iniwan doon. Of course I am not offended. "Hindi naman siya papansinin ni Zach," mahina ko pang sabi saka kunot ang noo na pumasok sa room. My class went fine. Pero hindi ko maitago ang kagustuhan na matapos na ang klase. I want to be with Zach again. Saan kaya kami kakain? Pero kapag nga nagmamadali ka ay mas lalong bumabagal ang pagtakbo ng oras. Inip na inip na ako at ang tanging nagagawa ko na lang ay ang pag sulyap sa relo kada minuto. Our teacher is boring yet he won't dismiss! Wala naman ng nakikinig sa kanya. Kung nasa mood ako ay makikinig ako ngunit ngayon ay gusto ko na lang na matapos ang klase. "Ang tagal naman," wala sa sariling sabi ko na parang napalakas kaya napatingin sa akin si Sir. Nanlaki ang mga mata ko sa kaba dahil doon. "What did you say, Miss Arzeña?" taas kilay nitong tanong kaya napalunok ako bago pilit na ngumiti. "Ahmm, the entrepreneurial skill is a great skill that can make someone successful," sabi ko kaya napangiti siya at tumango-tango bilang pagsang-ayon sa sinabi ko. "Indeed!" Napahinga ako ng maluwag dahil nakalusot ako sa sitwasyon na iyon. "I must really keep quiet," sabi ko sa sarili saka nagkunwari na nakikinig sa lecture kahit na ang totoo ay oras lang naman ang binabantayan ko. After an hour, na-dismiss nga ang klase pero sinabihan kami na huwag munang umalis kaya mas lalo lang akong nainis. Zach already texted that he's outside. Tatayo na sana ako para mauna na kahit pa sinabi ng adviser namin na maghintay pero sa pagtayo ko ay ganoon rin ang pagpasok niya kaya napipilitan ako na bumalik sa pagkakaupo. "Our class is suspended this afternoon because we will have a meeting. I will let you do an activity that you'll pass tomorrow. Get your book and open it on page one hundred eleven. Answer the activities one, two, and three." Napadaing ang mga kaklase ko sa sinabi ni Ma'am pero ako walang lang reaksyon. "Ma'am ang dami naman! Activity one lang!" lakas loob na sabi ng kaklaseng lalaki kaya napataas ang kilay ni Ma'am. "Wow, ikaw na lang ang teacher at ako ang estudyante? You choose?" Bahagya kaming natawa dahil doon. "Ma'am, naman!" "Answer it! Understood?!" Lahat kami napatango dahil sa sinabi niya at ang mga lalaki naman ay kinantyawan ang kaklaseng napagalitan. Nang magpaalam si Ma'am ay kaagad ako na tumayo ay dali-daling lumabas. "Blaire, teka!" Bumagal ng bahagya ang paglalakad ko nang tinawag ako ni Jericho. "Huh?" He smiled shyly, so my brows furrowed. Sabay kami na naglakad pero ramdam ko na may gusto siyang sabihin. "Blaire, gusto mong pumunta sa bahay?" sa wakas ay naisatinig niya nang makalabas kami sa gate ng school. "Huh?" Nagtataka ako sa sinabi niya. Why would he invite me to their house? Kaagad kong nakita si Zach sa hindi kalayuan kaya mabilis ako na ngumiti ng malapad. Akma na akong maglalakad papunta sa kanya kaya lang ay hinawakan ni Jericho ang palapulsuhan ko kaya napalingon ako sa kanya. Kunot ang noo kong tiningnan ang kamay niyang nakahawak sa akin. "Jericho, ano ba?" tanong ko na bahagyang pinipigilan ang inis. Saglit siyang napatingin sa likuran ko saka muling bumaling sa akin. "Birthday kasi ni Nanay kaya may handaan. Gusto mong pumunta?" Mas lalo akong nagtaka. "No—" Hawak niya pa rin ang palapulsuhan ko. I tried to get my hand, but he gripped it even more. "Aayain ko rin sina Anne at Mae para may kasama ka." "Hindi ako pwedeng—" "Sige na, Blaire. Mabait naman si Nanay." Muli kong sinubukan na kunin ang kamay ko pero hindi ko magawa. Pinakitaan ko na siya ng inis kaya lang ay parang hindi siya apektado. "Jericho, let me go!" inis na sabi ko. "Blaire, sige na—" Ilang sandali pa ay may biglang tumapik sa kamay ni Jericho kaya nabitawan niya ako. Kaagad akong dumikit kay Zach na mukhang galit. "Zach, may sinasabi lang ako kay Blaire," kalmado na sabi ni Jericho na parang hindi niya ako pinipilit kanina. "Hindi ako sasama," sabi ko. "Blaire, sige na. Marami namang pupunta na mga kaklase natin," sinubukan niya pang lapitan ako kaya lang ay bigla siyang tinulak ni Zach kaya bahagyang napaatras si Jericho. "Oh my," natatarantang sabi ko saka mabilis na hinawakan ni Zach sa kamay na mukhang galit na. "Ayaw nga eh, respeto na lang," mataman na sabi ni Zach. "Ano bang pakialam mo?!" malakas na sigaw ni Jericho kaya nakuha namin ang atensyon ng mga nasa malapit. "Zach, it's fine. Tara na, please," sabi ko kaya inis na tumingin kay Jericho. I can't believe this. We are making a scene here. Bahagya ako nilagay ni Zach sa likuran niya kaya mas lalo akong nataranta lalo na dahil may papalapit na teacher. "Hindi ka naman boyfriend ah?! Huwag kang makialam!" galit na sabi ni Jericho saka akmang susugod pero mabuti na lang at may lumapit na mga lalaki para pigilan siya. "F*ck!" akmang susugod rin si Zach na kumukuyom ang kamao kaya naiiyak akong umiling sa kanya. "Please, huwag na. Uwi na tayo—" "Sige!" "Ano bang problema mo?! Ano naman kung boyfriend niya ako? Stop bothering what's mine." Kita ko ang pag-igting ng panga ni Zach kaya nataranta na ako. Para siyang makikipagsuntukan. "Ano nangyayari dito?!" malakas na sabi ng isang teacher na lumapit kaya bahagya ko ng tinulak si Zach para lumayo kami. "f**k you!" habol niya pa habang nakatingin kay Jericho bago ako hinawakan sa kamay. Todo ang kabog ng dibdib ko. "Zach, sana hindi mo na pinatulan—" "He is trying to harassed you! Kitang-kita ko kaya sa palagay mo tatahimik lang ako?" Ramdam ko pa rin ang galit niya hanggang sa umalis na kami. Ang tanging nagawa ko na lang ay yakapin siya mula sa likod. I am still so nervous. "Bili muna tayo ng tubig," bahagyang sabi ko kaya unti-unti siyang tumigil sa isang tindahan kaya mabilis ako na bumaba. Nagkaroon ako ng pagkakaton na tingnan ang mukha niyang namumula pa rin sa galit. Nanlilisik rin ang mga mata niya kaya napabuntong hininga na lang ako saka marahan na hinimas ang pisngi niya bago pumunta sa tindahan. "Tubig nga po," sabi ko sa tindera. "Ilan, Hija?" "Dalawa po." Mabilis ako na naglabas saka pinabayad nang matanggap ko na ang tubig. "Para sa boyfriend mo ang isa, Hija?" tanong medyo matandang babae na nakaupo sa maliit na bench na gawa sa kawayan na sa tabi nitong tindahan. Saglit ko naman na tiningnan si Zach na seryoso lang sa motor niya. "Opo," mahina ngunit klaro na sagot ko. I know that Zach heard it. "Boyfriend mo siya, Hija?" I smiled then glanced at Zach again who looks so shocked right now. "Boyfriend ko po," nakangiting sabi ko bago naglakad pabalik kay Zach na nanlalaki ang mga mata. "What did you say?" tanong niya kaagad kaya napangiti ako. "Galit ka pa?" "What did you say, Blaire Arzeña? I'm your boyfriend?" Kita ko ang taka at saya sa mga mata niya kaya mas lalo akong napangiti. "Hindi pa ba? We kissed already, Zach." "D*mn," mahinang mura niya saka bahagyang napatingin sa relong suot. "Hey—" "December one at exactly twelve o'clock in noon time." Mabilis niya akong hinigit palapit sa kanya saka mahigpit na niyakap. Now I know how to make him forget his anger. "Hindi ka na galit?" "Sa palagay mo?" Mas lalo akong ngumiti saka niyakap na rin siya pabalik. I am hugging my boyfriend. Sa bahay nila kami dumiretso. Hindi maalis ang ngiti sa mga labi niya habang papasok kami. Hawak niya rin ang kamay ko kaya hindi ko maiwasang matuwa dahil doon. "La, she answered me!" natutuwang balita niya kay Lola Agnes nang makita ito sa hagdanan. "Oh my God! Blaire!" masayang sabi nito saka mabilis ako na niyakap. "Hindi ka magsisisi dito sa apo ko. Mabait at mapagmahal kahit medyo tamad minsan." I laughed gently. "La, you are making my girlfrend regret—" "Tara na, Blaire, I cooked something that you will really love." Tuluyan na niya akong inagaw mula kay Zach kaya napadaing naman si Zach at mabilis na sumunod. "Salamat po, Lola," nahihiyang sabi ko kaya natutuwa lang siyang tumawa. "You are really beautiful. My grandson is handsome but are you really sure about him?" "La!" Tumawa naman ako saka sinulyapan si Zach na nakasimangot. "Sasabihan ko na lang po kayo kapag na-realize ko na nagkamali ako," ganti kong biro kaya mas lalong sumama ang tingin ni Zach sa amin. "Sige, Hija. Ngayon kumain ka ng marami dahil ako ang nagluto nitong lahat para sa iyo." Napatingin ako sa mga putahe na nakahanda. Parang may fiesta sa dami. I am seeing menudo, adobo, nilagang baka, sinigang at lechong kawali. Pero nang makita ko ang carbonara ay nakaramdam ako ng matinding gutom. I love that food. "Salamat po," sabi ko kaya marahan niya akong pinaupo. Sabay-sabay kaming kumain at matapos iyon ay sinabi ko kay Zach na wala na kaming pasok kaya ang lalaki ay nag-absent para lang makasama ako. I tried to stop him. "Pumasok ka na," sabi ko pero nakangisi lang siyang umiling. "Nope," sabi niya habang natatawa ng bahagya. Marahan niya akong hinila pababa sa tabing dagat kaya nakasimangot naman ako na nagpadala. "Baka may quiz kayo—" "Wala 'yan." Mabilis kong hinubad ang black shoes na suot bago pa niya ako mahila ng tuluyan. "Hindi ka sigurado—" "I'm happy to be here with you. Boring naman ang klase," sabi pa niya bago ako hinila para maupo sa polo na hinubad niya. Namula ang pisngi ko dahil sa hita niya ako napaupo. "Zach, ano ba!" He chucked sexily. Mas lalo niyang hinawakan ang baywang ko kaya nagpumiglas ako lalo. Pero nalilis lang ang blouse na suot ko kaya nahawakan na niya ang mismong balat ko. Kaagad ako na kinabahan dahil doon. "I am your boyfriend now," sabi niya kaya tinigilan ko na lang ang pagpupumiglas. Inayos niya ang pagkakaupo ko sa hita niya kaya napangiti naman akong napapikit. Being with him makes me calm and happy at the same time. Disobeying my parents is bad. Pero wala na akong pakialam. I am happy. Bahala na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD