Chapter 10

2328 Words
Chapter 10 While holding hands, we walked without minding anyone around us. Marami ang gustong kumausap pero tila sabik na sabik siyang makaalis kami sa maraming tao. I can't help but smile. Him holding my hand is making me crazy. Parang kinikiliti ang loob ng tiyan ko. I can't explain. I am not sad. I am excited, and I don't know. "Zach," marahan kong tawag ng medyo nakalayo kami sa maraming tao. Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko. I suddenly feel conscious. Does my hand feel soft? Namamawis ba ang kamay ko? Mabilis niya akong nilingon kaya muli kong nakita ang nagtatago niyang ngiti. Saglit akong napalunok dahil sa hindi maipaliwanag na nararamdaman. "We'll enjoy this night," It's almost a whisper, but it gave me so many feelings that I couldn't handle. Para akong sunod-sunod na susunod sa kung akong gusto niya. Hindi nakakatakas sa mga mata ko ang mapanuring mata ng iilan. I wonder if those people know us. The stalls were everywhere. Maingay pero hindi ako nakakaramdam ng inis o ano man. Ilang minuto pa kaming naglakad hanggang sa makarating kami sa isang lugar na kaunti lang ang tao. Puro food stalls ang mga nandito kaya nalanghap ko kaagad ang mabangong amoy ng street foods. Napangiwi ako saka isa-isa na tiningnan ang mga pagkain na binebenta. "Do you wanna eat?" he asked while still holding my hand. Hindi pa ako nakaka sagot ay mabilis na niya akong nadala sa harap ng isang stall. Using his one hand, he easily got something on his pocket. Nang makita ko na wallet niya iyon ay mabilis kong binawi ang kamay ko sa pagkakahawak niya kaya bahagya siyang natigilan saka nilingon ako. "Huwag kang manlilibre," sabi ko kaagad saka akmang bubuksan ang sling bag para maglabas rin ng pera pero mabilis niyang napigilan ang mga kamay ko. He chucked. "Bakit hindi?" Bahagya akong ngumuso. "You paid for my milktea yesterday and—" "And I will pay for our food again this time," marahan na sabi niya saka muling pinagsalikop ang mga kamay namin. Napabuntong hininga na lang ako saka hinintay na matapos sa pagbili ng mga nauna sa amin. "Shake? Fries?" Tumatango ako sa bawat sinasabi niya kaya sa huli parang binili niya lahat ng klase ng pagkain na binebenta sa stall na iyon. I wanted to laugh, but I stopped myself. Nagpasya kami na umupo sa bench na nasa gilid lang. He put the foods between us, so he needed to let go of my hands. Dahan-dahan naman akong umusog para magkasya ang mga pagkain saka marahan na nilibot ang tingin kung saan kami. Wala masyadong tao dito dahil karamihan yata ay nanonood ng fire dance. "Thanks," mahinang sambit ko ng bigyan niya ako ng shake. Kaagad na nauot ang lamig ng shake sa palad ko kaya marahan kong tinikman iyon. Pero napangiwi kaagad ako dahil sa sobrang tamis at nakita niya iyon. "What?" natatawang tanong niya kaya marahan akong sumimangot saka dahan-dahan na binaba ang shake. "Ang tamis," sabi ko kaya timikman niya rin ang para sa kanya. "It's fine," he commented, so I shrugged. Kumuha ako ng isang fries saka mabilis na sinubo iyon. Hindi ko maipagkakaila ang kakaibang nararamdaman ko ngayon. I am feel chill. I mean, I am at peace. "Gusto mo nito?" alok niya at nang makita ko na kwek-kwek iyon ay kaagad akong ngumiti at bahagya lumayo. "No, yuck," sabi ko kaya mangha siyang napatingin sa akin. His dimple is just too deep. Kahit pagsasalita lumalabas. It's a distraction. "Arte," marahan na sabi niya na puno ng pagkamangha kaya nang-init ang pisngi ko. "Ayaw ko kasi ng lasa," I tried to explain, but he just chuckled. Marahan ko na pinagdaop ang parehong kamay ko kaya kita kong napatingin siya doon. I am cold. This crop top is not helping. "Bili tayo ng hot choco?" biglang sabi ko kaya natigil siya sa pagkain. "Ayaw mo ng ice cream?" Tinuro niya ang ice cream na nasa malapit. "Ang lamig," sabi ko pa kaya marahan siyang tumayo habang natatawa ng kaunti. I gently fixed my sling bag before standing up, but he offered his hand. Saglit ko iyong tiningnan bago dahan-dahan na hinawakan. My heart went wild once again. "Paano 'tong mga 'to?" wala sa sariling tanong ko habang tinuturo ang mga pagkain na hindi naubos. "Hayaan mo na," sabi niyankaya hindi ko na napigilan pa na matawa. "Yaman," I whispered, so he shook his head, then laughed after. Hindi pa kami masyadong nakakalayo ay biglang may tumawag sa kanya kaya bahagya kaming huminto para lingunin ang mga iyon. When I saw his friends yesterday, I immediately felt uncomfortable, so I withdrew my hand from his hold. Mabilis niya ako na tiningnan at akmang kukunin ulit ang kamay ko pero marahan ko iyon na tinago sa likod ko. "Zach!" the woman named Rashen excitedly said, and she even gently pushed the other girl who seemed shy who's amed Ashly, if I remember it right. "Saan kayo?" parang bored at medyo inis na tanong ni Zach kaya lahat sila bumaling sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya pinili ko na lang na yumuko ng bahagya sakto lang para makita ko pa rin sila. I am not really friendly at all. I chose my friends and I can't be with them. "Ikot-ikot kami dito? Kayo ba saan?" nag-aalangan na tanong ng isang lalaking Lex ang pangalan. I'm really good when it comes to remembering names. I saw Zach glance at me for a second before answering. "Dito lang rin." "Sama na lang kami?" sabi ng pinaka tahimik na babae kaya doon ako napa angat ng tingin. Para silang gulat na lahat dahil doon kaya mas lalo akong nagtaka. Hindi nakapagsalita si Zach na para bang hindi niya alam kung paano sila tatanggihan. Bahagya akong napabuga ng hangin. It's fine. Kaibigan niya naman sila. "Kaya nga, sama na lang kami?" sabi ng Ivan habang nakatingin sa akin na para bang sobrang kuryuso. Zach suddenly laughed a bit, so I turned to him. "Manood na lang kayo ng fire dance doon, mukhang maganda," sabi niya saka walang pasabi na hinawakan ang kamay ko kaya marahan ako na napasinghap. Ang bilis ng kamay ng lalaking 'to. Hindi nakapagsalita ang mga kaibigan niya na tila gulat na gulat rin. I saw them look at our hands, so I tried to get my hand from Zach's hold, but I couldn't. Magsasalita pa sana ang mga kaibigan niya pero mabilis na niya akong hinigit palayo doon. Nanlalaki ang mga mata ko na nagpadala dahil gulat pa rin ako sa sinabi niya. "Dapat sinama mo na lang sila," sabi ko ng makalayo kami. "They're fine," marahan na sabi niya saka mas lalo pang binilisan ang paglalakad kaya bumilis na rin ako dahil hawak niya ang kamay ko. Ilang saglit pa nakita ko na lang ang mga sarili namin sa harap ng seven eleven. Napangiti ako saka tuloy-tuloy na pumasok sa loob habanb habang siya. "Dito na lang tayo, walang tao," tila nagbibiro na sabi niya pero hindi ko na pinansin. Hot chocolate lang sana ang bibilhin ko pero nang makita ang donuts saka siopao parang nagbago ang isip ko. "God, hindi ako makapili," marahan na bulong ko pero ang kasama ko ay mabilis na naglabas ng wallet na parang naghahanda. I won't let him pay for me this time. Mabilis ko na kinuha ang kamay ko sa pagkakahawak niya kaya kunot noo na naman siyang bumaling sa akin. "Maybe I could pay for myself," sabi ko sabay labas ng wallet saka phone kaya bahagya siyang napangiwi. Mabilis ako na naglakad papunta sa mga drinks. When I saw a vita milk, my mind changed. Hindi na pala ako nilalamig. Nang binuksan ko ang cooler nila para kumuha naramdaman ko na lang na may humawak sa baywang ko kaya bahagya akong natigilan. He gently leaned to see what I'm about to get. "Teka," naiilang na sabi ko pero hindi niya kinuha ang kamay niya sa baywang ko kaya kinuha ko na lang ang vita milk. I am afraid that he might hear my fast beating heart. I was wearing a crop top so I could feel his hand against my skin. That is making me uncomfortable. "Gatorade," he suddenly murmured, and my hand had its own will to get it for him. I got the blue one. Akala ko bibitawan na niya ako pero hindi niya ginawa. Gusto kong sabihin na bitawan niya ako pero hindi ko magawa. I am so tense. I can't think straight. His hand on my waist is distracting me. "Ayaw mo na ng hot choco?" I gently shook my head nervously, so he nodded. Kahit wala akong sinasabi ay kumuha siya ng maraming pagkain saka sabay kami na pumunta sa counter. Kaagad na ngumiti ang babaeng cashier sa amin saka marahan akong tumango habang may tipid na ngiti. "Five hundred seventy-seven po, Ma'am," Ang dami. Mabilis ko na binuksan ang wallet ko para sana kumuha ng pera ko wala pa man din akong nagagawa ay kaagad ng naglagay si Zach ng isang libo sa counter. "I'll pay," gitt ko pero nginisian niya lang ako. "Maybe soon," sabi pa bago kunin ang isang plastic ng mga pinamili namin. Napabuntong hininga na lang ako saka hindi na nagreklamo pa. When we got outside, he suddenly let go of my waist to hold my hand. Napatingin na lang ako sa kamay naming magkahawak saka marahan na napakagat sa ibabang labi. Tahimik kami na naglakad pabalik sa plaza. The firedance is not yet done. Hindi pa nga yata nakakahalati ang performance. I gently glanced at my wristwatch, and then I saw that it's nearly nine in the evening. Napanguso ako dahil sobrang bilis ng oras. I suddenly felt sad knowing that I'll get home at ten. "It's nine," I murmured when he made himself comfortable at a small table just near the bench where we were earlier. Bahagya rin siya na napatingin sa relong suot saka marahan akong binalingan. "Hanggang ten ka lang?" I nodded gently and opened my drink. "Yup, susunduin na ako ni Mama mga ten." My parents were so strict. "We still have one hour, it's fine," he said before drinking his gatorade. Marahan naman ako na tumango saka dahan-dahan na nilapag ang sling bag at cellphone sa ibabaw ng lamesa. He then got his phone beside the foods we got. Malaki ang space ng inuupuan namin pero magkadikit na ang mga braso namin. Hindi ko alam kung bakit wala na akong nararamdamang ilang. I suddenly get used to it. I am now comfortable with him. So fast, so fast that it's scary. I saw him open the f*******: application. He scrolled on his news feed, and I watched him do that. He stopped on the pictures that I posted earlier. Nakaramdam ako ng hiya nang isa-isahin niya iyon. "Stop reacting to each of my photos," pigil ko kasi pinupusuan niya lahat. "Why?" he asked, then he saved one of those kaya nanlaki ang mga mata ko. "Huh?" naguguluhan na tanong ko pero ngumisi lang siya saka muling nilapag ang phone sa ibabaw ng lamesa. He gently played with my fingers. Napatingin ako doon. I suddenly have the guts to take a photo of our intertwined hands. It's my first holding hands. At hindi ko alam kung bakit gusto ko 'to. I just like how his hand feels on mine. His hand was smooth, but that was not too smooth. Ang sarap hawakan. "Blaire." My heart hurts because it's beating fast. "Hmm?" I swallowed hard. I knew it. I am feeling butterflies in my stomach, like how they describe it in the novels that I have read. Mas lalo siyang lumapit sa akin kaya halos pati hangin hindi na makadaan sa pagitan namin. I gently crossed my legs. Marahan niyang pinatong ang magkahawak na kamay namin sa bandang itaas ng tuhod ko. I swallowed once again. I feel like peeing. He chuckled lightly and then shook his head, "I'll take it slow," he whispered to himself, but I heard it clearly. Napaawang ang mga labi ko saka nakuntento na lang sa ganoon. Inubos namin ang oras namin sa pagkain habang maghawak ang kamay. Most of the times we were silent. He'll scroll on his news feed while I'm watching him. He'll play with my fingers. So chill. So peace. But when my phone suddenly rang I suddenly felt sad. "Ma," sagot ko kaagad sa tawag saka marahan na tumingin kay Zach na nakatutok lang rin ang mga mata sa akin. "I'm on my way. It's already ten," I sighed. "Opo, maghihintay po ako sa labas." Dahan-dahan ko na kinuha ang sling bag ko saka nilagay sa loob ang phone. "Hatid kita sa labas," marahan na sabi niya kaya tumango na lang rin ako. He didn't let go of my hand. We are holding each other's hands while walking. Nang makarating sa gate ng plaza ay kusa na akong huminto kaya napahinto rin siya. I gently shook my head, telling him that my mother must not see him. "Ikaw? You'll be with your friends?" He shrugged, "I'll go home too," I then nodded. "Anong sasakyan mo? May sundo ka?" "Motor," I nodded again. Nang matanaw ko ang kotse ni Mama na huminto sa labas dahan-dahan ko na kinalas ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Napatingin rin siya sa labas saka unti-unting tumango. "Ingat." "You too, take care please," marahan na sabi ko saka unti-unting naglakad papalabas habang lingon nang lingon sa kanya. Hanggang sa makapasok sa kotse hindi ko pa rin maiwasang mapatingin sa kanya. I sighed. "Maganda ba ang fire dance? Anong school ang pinakamagandang performance?" I swallowed, "Maganda lahat, Ma. Masaya," wala sa sariling sagot ko. "Mga kaibigan mo?" "Kakauwi lang rin." It's too hard to ignore. I realized that I do not simply have a crush on him. Maybe it's deeper than that. More deep and dangerous that it scares me. It's fine, right?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD