Chapter 11

2501 Words
Chapter 11 When my back touched the soft bed, I gently closed my eyes, but I could not sleep. Patuloy na bumabalik sa isip ko ang mga nangyari. Ang simpleng pagdampi ng mga braso. His smile, his dimple, and his laugh. Hindi maalis sa isip ko ang kamay niyang nakahawak sa kamay at baywang ko. I could still feel his hand on mine. It's making me awake. I smiled. God, I'm crazy. Marahan kong kinuha ang cellphone saka tiningnan kung may message niya. And when I saw that he had, I totally forgot about sleeping. Zachary Montañez: Just got home. Are you going to sleep? Mag ta-type pa lang sana ako ng sagot ko ay bigla ng nag-ring ang phone ko sa isang tawag. Mas lalong tumamis ang ngiti ko habang sinasagot iyon. His face appeared on my screen. "I couldn't forget how soft your hand is," marahan na sabi niya kaagad kaya muli na namang nagwala ang puso ko na wala ng pahinga sa araw na ito. I spent the night talking to him on the phone. Hanggang sa nakatulugan ko na lang habang katawagan siya tulad ng dati. Days have passed. Sobrang bilis ng oras na parang isang kurap ko lang panibagong araw na naman. The last day of fiesta has come. The real fiesta of our town, Del Rio. I was busy preparing for my dance number. Busy rin si Mama sa pag-aasikaso sa akin saka sa pag-aasikaso sa mga kakailanganin kasi kinuha siyang judge para sa Miss Del Rio mamayang gabi. I am nervous. Yeah, I am nervous again. Zach will be there. He'll watch me dance. Kinakabahan ako dahil manonood siya at hindi dahil maraming tao. "Blaire, your dancing shoes. Sigurado kang komportable?" paulit-ulit na tanong ni Mama habanb nilalagyan ako ng makeup ng baklang palagi nag me-makeup sa akin. "Ma, mas kinakabahan ka pa sa akin," natatawang sabi ko kaya napabuntong hininga siya. "Blaire, I will be a judge. At sasayaw ka sa opening ng program. Uupo ako sa harap at hindi mo ako makakasama sa backstage. Paano kapag magka-problema?" Mahina akong natawa dahil kanina pa siya natataranta. Nang tumawag si Papa kanina ay nakita niya rin kung paano mataranta si Mama kaya sabay namin na tinawanan. I've been dancing since I was seven or eight. Nakakatuwa na hindi pa sanay si Mama dito. "Ano ka ba, Ma'am. National levels na ang galing nitong si Blaire," sabi ng makeup artist pero patuloy pa rin si Mama sa pagtingin sa mga gagamitin ko. At exactly six thirty, I was already done. Hinagop ko ng kamay ko ang suot na damit. Para itong pang belly dance na damit pero mas maraming kulay ang ginamit. It's also a little bit heavy but I am used to it. So short, and my thighs were visible, but I am a dancer, so I have no say on that. Makapal at medyo dark rin ang makeup ko dahil kailangan ang fierce na mukha sa sayaw. "Sayang at hindi ka sumali ngayong taon. Nationals ka ulit sana," nanghihinayang na sabi ng baklang makeup artist habang inaayos ang buhok ko. Marahan naman ako na tumawa. "Ayaw na ni Papa. I must focus on my studies since it was my last year in high school." "Sayang pa rin." Napangiti na lang ako habang inaalala ang mga karanasan ko sa pagsasayaw. I was always joining in a dance contest. I already represented our province at the national level for two times. Grade ten ako noong unang nakatapak sa national level at nagpatuloy hanggang grade eleven. Sasali rin dapat ako ngayong taon kaso ayaw na ni Papa kaya hindi ko na pinilit. Studies firs, so I did study hard. Pero nakakasayaw pa rin naman ako kagaya nito. Pero hindi ko maiwasan na ma-miss na magsayaw sa maraming tao, maraming judges at maraming mga kalaban. I love the thrill. Dito sa backstage kasama ko ang mga babae na kasali sa pageant para sa Miss Del Rio ngayong taon. They are older than me, but I am as tall as them or maybe taller without those high heels. Malayo sila at hanggang tingin lang sa akin habang ako ay naghahanda para sa unang sayaw. "And now, may we call on the dancer who represented our province and made us all proud. And talento na sinanay upang maging mataas sa lahat. The only dancer from here who got into national competition two times, too bad she's done now. Our very own, Blaire Arzeña of Del Rio!" Napalunok ako ng mariin saka napa buga ng hangin bago unti-unting humakbang patungo sa stage. I remained my fierce expression as I saw a lot of people shouting and clapping their hands. I made my signature bow before starting the actual dance. I am used to it. I bent a little, and then my hand made a sexy move from my feet up to my waist. As the slow music plays, I put my mind on focus. Sinabayan ko ang mabagal ngunit medyo paiba-iba ang ritmo. I swayed my hips like I always do and then moved my feet in a rhythm that's hard to practice. I did not smile. I kept my fierce and strong look even though the shouts and claps of people were kinda distracting me. Nakita ko pa si Mama na nakangiti kasama ang ilang judges. Nag vi-video siya sa akin kaya mabilis ko na inalis ang mga mata ko sa kanya bago pa ako mawala sa konsentrasyon In the middle of the music, I made a bending, then a few kick on air like in ballet. Sa muli kong pagtingin sa crowd na maingay may nahagip ang mga mata ko na labas na nagbigay ng kaba sa akin. My fierce look has gone. Nanlaki ang mga mata ko pero patuloy ko pa rin na sinasabayan ang music. Nang-init ang pingi ko habang tinatanaw si Zach na titig na titig sa akin. I began to show a small smile, but I tried to suppress it by biting my lower lip. I tried to concentrate again, and I'm glad I did. Sa huli kong pag-bow ay nagbigay ako ng isang ngiti bago mabilis na bumalik sa backstage habang kabog ng kabog ang dibdib. "Oh my God," kinakabahan na sabi ko habang nakahawak sa puso. "Wow! Ang galing mo talaga!" sabi ng makeup artist pero sobra ang bilis ng t***k ng puso ko kaya hindi ko na siya napagtuonan ng pansin. Bakit ko nga ba nakalimutan na nandito siya? His stares are making me nervous! I suddenly smiled. Buti hindi competition 'to dahil kung oo ay talo na ako. "Magbibihis lang ako," paalam ko sa artist at mabili na pumasok sa banyo nitong stage. Huminga ako ng malalim saka napatingin sa mukha na punong-puno ng makeup. I have a very dark eyeshadow with glitters on its side. May kulay rin ang ginamit nilang false eyes kaya mas lalong naging matapang tingnan. My blush on is also a dark color, and my lipstick is a mixture of brown and black. Para akong kontrabida sa pelikula. Walang panghihinayang ko na tinanggal ang lahat ng makeup sa mukha ko hanggang leeg pati na rin ang contact lenses na kulay abo. Nang matanggal ko lahat ng makeup ay sinunod ko naman ang buhok na naka tirintas na sobrang higpit. It was well made. May hair spray pa kaya natagalan ako sa pagtanggal. Nang matanggal ko ay naging kulot ang straight ko na buhok. After removing all of them, I began to change my clothes into a crop top and high waisted shorts! At iyon din ang pagpasok si Mama kaya inis ko siyang binalingan. "Ma, crop top saka short ang hinanda mong damit ko? Ang lamig!" inis na sabi ko at parang ngayon niya lang na sip iyon. "Bumili ka na lang ng jacket sa labas mamaya. Kasalanan ko ba kung ako ang pinakuha mo ng damit mo? Hurry up, the pageant is starting." Tinulungan niya ako sa pagbibihis at mas lalo niya pang nilinis ang mukha ko na may tira-tira pang makintab na silver dust na nilagay sa akin kanina. "Okay na, Ma," sabi ko nang makita na wala ng tirang makeup. "Okay, I'll be on the judges' table. Tumabi ka na lang sa akin mamaya pero kung gusto mong bumili muna sa labas ay papayagan kita." I gently nodded while wearing my strap sandals. "Where's my phone?" Binigay niya sa akin ang itim kong sling bag at kumuha rin siya ng isang libo sa sarili niyang wallet bago binigay sa akin na nakangiti ko namang tinanggap. "Dadalhin ko na 'to. Watch your moves, Blaire. At bumili ka ng jacket," Napangiwi pa siya habang hinahagod ako ng tingin kaya inis akong napairap. I look like a girl who has three boyfriends at the same time. Nang makaalis si Mama ay kaagad rin ako na lumabas habang kinukuha ang phone ko sa sling bag. I immediately saw Zach's message. Zachary Monatñez: Miss perfect. Napakunot ang noo ko sa message niya habang mabagal na naglalakad. Miss perfect? What does he mean? Wala sa sarili na lang ako na napanguso. Sinira niya ang sayaw ko. Blaire Arzeña: What? Bigla akong napatalon sa gulat ng may biglang humawak sa siko ko. Napatili rin ako ng malakas kaya napatingin ang mga nasa malapit. Zach laughed and slightly hugged my waist, but I pissedfully pushed his chest. "Ingay mo," natatawang sabi niya kaya sinamaan ko ng tingin. "Ginulat mo ako!" Hindi natigil ang pagtawa niya kaya napasinghap ako ng mariin. Nagtagal ang tingin niya sa mukha ko bago ako marahan na hinagod ng tingin. He's wearing a ziplock jacket, a white t-shirt inside, pants, and black sneakers. Napanguso ako ng bahagya dahil ang gwapo niyang tingnan sa suot niya. It's not that he's not handsome but this one really suits him well. Siguro napatingkad ng puting t-shirt medyo maputi niyang kulay. Dahan-dahan na bumaba ang kamay niya sa kamay ko kaya muli ko na naman na naramdaman ang kamay niya. Napalunok ako ng mariin. It's been how many days. I missed his hand on mine. Nang makarating kami sa medyo walang tao ay mabilis niya akong binitawan. He took off his jacket so my mouth opened in shock. "You are too sexy," he whispered before making me wear his jacket that made my heart pound so hard. Matapos niyang ipasuot sa akin ang jacket ay muli niya namang hinawakan ang kamay ko. His addictive manly scent is all over me now. "Manonood ka?" tukoy niya sa pageant kaya kaagad ako na umiling. Tiningnan ko ang ekspresyon niya bago ako nagsalita. "Ikaw manonood ka?" nanlilit na mga matang tanong ko kaya bahagya siyang tumawa saka umiling. "Hindi na lang," natatawa na sabi niya kaya napasinghap ako. "Bakit? Manonood ka dapat?" Marahan na niya ako hinila palayo doon kaya nakaramdam ako ng inis. "Manood ka na lang dito!" sabi ko kaya mabilis niya akong hinarap saka hinawakan sa baywang. May naglalarong ngiti sa mga labi niya kaya kitang-kita na naman ang malalim niyang dimple. I suddenly want to touch it. "Hindi nga," sabi niya kaya napairap ako ng bahagya habang namumula. We walked towards some stalls. Marami pa rin ang taong naglilibot kahit may pageant. Maybe they do not want to watch girls in bikinis, not like this guy who's holding my hand right now. Medyo malakas ang hangin kaya nililipad nito ang medyo naging kulot kong buhok. Ang lagkit sa pakiram dahil sa dami ng hair spray. Habang naglalakad kami ramdam ko ang tingin ng mga kaedad namin. I gently bowed my head a bit to let them know that I am not really comfortable. "Sila pala?" Mas lalo akong nakaramdam ng ilang at hiya sa mga narinig kaya akmang kukunin ko sana ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Zach pero hindi niya binitawan. "Alis tayo?" marahan na tanong niya dahil baka nararamdaman niya yata ang pagkailang ko. "Saan tayo?" tanong ko pero hinila niya lang ako papunta sa lumang playground sa hindi kalayuan. When we got there, we sat on the mini cottage at the middle. Madilim pero may naaaninag pa naman ako. We sat next to each other while he's still holding my hand. Bahagya akong nakaramdam ng antok kaya nilabas ko ang phone ko para makahanap ng mapaglilibangan pero pinatay ko rin kaagad dahil wala akong mahanap. "Amoy makeup ka," natatawang sabi niya kalaunan kaya napangiwi ako. "Ang kapal kasi ng makeup ko kanina!" sabi ko pero mas lalo lang siyang tumawa. "You look like maleficent." Sa pagkakataong iyon pwersado kong kinuha ang kamay ko sa kanya saka pinukol siya ng masamang tingin. "No!" "Yeah no—" "Bahala ka na," inis na sabi ko saka akmang tatayo pero kaagad niyang napigilan ang baywang ko habang natatawa pa rin. Hindi ko maintindihan kung bakit natawa na rin ako kahit sobrang halata na inaasar niya ako. "Maleficent can't dance and you can so yeah, hindi siya ikaw." Hindi ko alam kung ika-sasaya ko ba 'yon o hindi. I suddenly think of not putting that makeup anymore. I can dance with my bare face. Humikab ako saglit kaya biglang natigil ang pagtawa niya. "Sleepy?" "Yeah, I'm tired," Unti-unting napunta ang isang braso niya sa balikat saka marahan ako na pinahilig sa balikat niya. "Sleep, I'll stay silent." Dahil sa antok ay hindi ko na napigilan pang pumikit. Mas lalo kong siniksik ang sarili sa katawan niya. Nakakatakot na sobra na akong komportable. Darkness invaded me as his natural scent attacked my nose. At kalaunan ay dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko nang maramdaman ko ang mahina niyang paghawak sa pisngi ko. Napanguso ako saka kaagad na umayos ng upo habang marahan na kinukusot ang mga mata. I saw Zach staring at me intently. Our hands are still locked. "Hindi sana kita gigisingin pero may tumatawag sayo," sabi niya kaya napatingin ako sa phone ko na nag ri-ring nga. When I saw my mother's call, I immediately answered it. "Ma," inaantok na bungad ko. "Where are you? Tapos na ang program," medyo pagalit na sabi niya kaya napalunok ako. "Sorry, babalik na," Pinatay ko kaagad ang tawag ng biglang tumayo si Zach. "Hatid na kita pabalik," sabi niya kaya tumayo na rin ako saka tahimik na sumunod. Mas lalong humigpit ang hawak niya sa kamay ko na hinayaan ko na lang. Nang makarating kami sa labas ng gym ay dahan-dahan niyang binitawan ang kamay ko. "Goodnight," he said, so I gently smiled. "Goodnight." Dahan-dahan ako na humakbang papunta sa loob habang patuloy na kumakabog ang puso. I can't explain this feeling. Ang alam ko lang ay gustong-gusto ko ito. "Saan ka galing?" pagalit na tanong ni Mama nang makarating ako sa tabi niya. "Nagtingin-tingin sa stalls. Alam mo naman na hindi ako mahilig sa ganito, Ma." Nang hindi siya sumagot ay dahan-dahan kong kinuha ang phone ko. I clicked Zach's name and immediately typed something for him. Blaire Arzeña: Uuwi ka na? Take care, please. I sighed when it was sent. Hindi niya na-seen kaya siguro pauwi na siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD