Chapter 16

2174 Words
Chapter 16 My exams went well, thank God. "How's your exam?" tanong ni Mommy matapos ang second day ng exam namin. We also checked our test papers earlier and so far my scores were great. "Okay lang po, Ma." Hindi ko lang talaga makalimutan ang finals ko sa Research. Muntik ko ng hindi masagutan ang lahat. I thought I'm gonna fail but thank god I didn't. Hindi ko alam kung kulang lang ba ako sa aral o sadyang mahirap lang talaga. And after that, weekend it has easily come. "Blaire," tawag ni Mama sa akin nang makita na lumabas ako sa kwarto ko. Nakanguso kong kinusot ang mga mata ko saka inaantok siyang tiningnan. I slept late last night because Zach and I talked until I fell asleep. "Ma," marahan na bati ko saka mabilis siyang hinalikan sa pisngi. "Do you have something to do? May assignment ka pa ba?" tanong niya kaya napailing ako kaagad. "Wala, bakit?" "May iuutos sana ako. I need you to buy something in the mall," Nang marinig ko ang sinabi niya ay kaagad akong tumango ng maraming beses bahagya niya akong tinaasan ng kilay na tinawanan ko lang. "Okay, shopping rin ako, Ma," sabi ko kaya napangiwi siya. "Sabi na nga ba, kung hindi lang ako busy ay ako na lang sana ang bibili," sabi niya pa kaya napangiti ako ng malaki. "Pero busy ka kaya ako na. Ma, pahingi rin ng pang-shop. Sabi ni Papa hingi daw ako sayo." She sighed and gently massaged her temple like she's really stressed. "Fine, magbihis ka na." Madali ako na bumalik sa kwarto ko. Pero una kong kinuha ay ang phone ko na konektado pa rin sa charger. Napangiti ako nang makita na hindi online si Zach sa f*******:. Maybe he's still asleep. Iniwan ko ang phone ko para makaligo na. Natagalan pa ako sa pagpili ng damit pero sa huli isang denim dress na fitted na lang ang kinuha ko at binagayan ng white na sneaker. When I went downstairs, Mama raised her brow. "Ang bilis mo," komento niya pero dumiretso na lang akong umupo para kumain ng breakfast. "Doon na lang ako kakain ng lunch." "Fine, umuwi ka kaagad. I know you. Don't spend too much on shopping. Wala na tayong pera." Napangiwi ako saka natawa sa sinabi niya. "Nagpadala si Papa, Mama. Bigyan mo raw ako ng five thousand," Mas lalo lang siyang napailing dahil sa mga sinabi ko. I am their only daughter, and their salary is too much just for me. Sweldo pa lang ni Papa ay sobra na sa akin tapos idagdag pa ang sweldo ni Mama. Wala naman kaming utang kaya hindi nila matatago sa akin ang lahat. I'm not spoiled. I just know how to spend equal to our means. Matapos kumain ay kaagad akong sumakay ng tricycle saka nagpahatid sa pila ng jeep. Malayo pa ang mall dito sa amin dahil nasa sentro ito ng probinsya. Maybe two or three hours, but it really depends on the driver. Nang makasakay ako sa jeep muli kong sinilip ang phone ko. Zach is really a sleepy head. No wonder why he's always late. Afted thirty minutes, I received a message from him, so I immediately smiled. Zach: Good morning :) I just woke up. What are you doing? Tama nga ako. Mabilis naman ako na nag-type ng reply. Me: Get up. I'm going to the mall. Nang ma-send ang text ko ay kaagad ako na nakatanggap ng tawag mula sa kanya kaya mabilis kong sinagot at nilapit sa tainga ko ang phone. "Where are you going? Why didn't you tell me? I'll come with you," Rinig ko ang antok sa boses niya kaya mas lalo akong napangiti. "Nasa jeep na ako." He sighed on the other line. "Susunod ako. I'll just take a shower." Napakagat ako sa ibabang labi ko saka mabilis na pinatay ang tawag. My heart is full. Because of him, I am feeling this kind of happiness. After one and a half hour at last we arrived. Kaagad ako na pumunta sa mall at binili ang pinabili ni Mommy. It's a new log book and some things that I can't really explain that she needed for work. Habang nagbabayad ay binasa ko ang mga messages ni Zach. Zach: I'm on my way. Me: Take care. Hindi ko alam kung nag-commute ba siya o nag motor. Sa pagkakataon na ito ay sana nag-commute na lang siya. Delikado ang pagmo-motor lalo na at medyo malayo ang mall sa amin. I just want him safe. Matapos kong bilhin ang para kay Mommy at nag-window shopping muna ako habang hinihintay si Zach. Ilang sandali pa ang muli siyang nag-text na nasa labas na siya kaya mabilis ko na sinabi kung nasaan ako. Nagpalinga-linga pa ako sa paligid para hanapin siya at nang makita ko siya na naglalakad ay iyon na lang ang saya ko. He immediately found me in despite the crowded place. Kaagad siyang ngumiti at dali-dali na lumapit. "Hi," he greeted before holding my waist. "Did you drive?" tanong ko kaya napatango siya. "Anong bibilhin mo?" I shook my head, "Nabili ko na ang pinabibili ni Mama. Maybe I'll just shop for new clothes." Nagtaas siya bahagya ng kilay kaya marahan ako na sumimangot. "What kind of clothes?" "Clothes," sagot ko kaya napahalakhak siya ng mahina. Sabay kami na pumasok sa isang local store na medyo may kamahalan. Tumingin na rin siya ng mga damit para sa kanya kaya lumapit ako sa section kung saan may mga short shorts at croptops. Akmang kukunin ko na ang dilaw na sleeveless croptop pero may pumigil sa kamay ko. I saw his eyebrows furrowed while looking at the croptop that I chose. "I'll buy this—" "No," sabi niya kaagad kaya dahan-dahan ko na binitawan ang damit na sana'y gusto. "Anong bibilhin ko?" tanong ko gamit ang maliit na boses kaya unti-unti niyang tinuro ang katabing section. Isa-isa kong tiningnan ang mga damit na tinuro niya. Nanlaki ang mga mata ko nang mapansin na halos lahat iyon ay malalaki na parang kapag sinuot ko ay magmumukha akong tomboy. "That's too big," sabi ko kay Zach pero dahan-dahan na niya akong nilayo sa mga croptop. "And what you chose is too small," Mabilis niyang kinuha ang isang kulay dilaw na t-shirt na malaki saka bahagyang tinapat sa katawan ko kaya napasimangot ako. "No," sabi ko kaya natatawa niyang binalik iyon. "Then we won't buy anything," sabi niya saka hinigit na ako palabas ng shop na iyon. Nag-aya ako na pumunta sa grocery kaya mabilis naman siyang sumunod. Kumuha kami ng push cart at siya ang nagtulak. We headed first to my favorite drinks, and I got a lot of IQ drinks. Bawat lagay ko sa cart ay binabasa muna ni Zach. "That is too sweet," sabi niya ng akma akong kukuha ng chocolate drink. "It's fine," sabi ko pero kumuha siya ng isang chocolate drink na medyo mahal pero low in fat. "Take this," Tumango na lang ako ng marahan saka sinunod siya. "By the way, when is your birthday?" tanong ko kaya napangisi siya. "May 16, why?" I nodded, "That's why you're number 16 in your jersey?" I am really curious about it. "Yeah, you? August 11, right?" I gasps when he's right about my birthday. "How did you know?" gulat na tanong ko pero marahan lang siyang humalakhak saka presko na nagkibit ng balikat. "I just know." "You stalked me?" akusa ko pero mas lalo lang siyang tumawa habang patuloy sa pagtulak ng cart namin. "I'll tell you soon," kumindat pa siya kaya napailing na lang ako. "As if," pairap na sabi ko kaya hinigit niya ako palapit sa kanya habang natatawa. "Who's your escort and last dance during your debut?" It's my turn to laugh now. "Papa ko," sabi ko kaya marahan siyang tumango. "That's good." "How many exes do you have?" natigilan siya sa naging tanong ko kaya napangisi ako pero sa huli bigla akong magsisisi kasi ako naman pala ang dehado sa tanong na iyon. "Let's not talk about it." "I wanna know," giit ko pa rin. "I grew up in London and just transfered here when I stepped in high school. I can't really remember," namula ang mukha niya na parang nahihiya kaya naningkit ang mga mata ko. "In London?" "Yeah, nandoon ako every summer so—" "So marami kang babae?" He sighed. "I got one ex here in the Philippines, and in London was not really serious—" "Seryoso dito? Who? Taga rito?" Alam kong tunog nagseselos na girlfriend ako. I can't stop myself. I want to know everything! At sa London siya lumaki? That's great. "It's not really—" Pabagsak ko na nilagay sa cart ang kinuha saka napatingin siya doon ng bahagya. Tinutok ko naman sa kanya ang mga mata ko. He's really handsome and every girl must be attracted to him. His s*x appeal is too much. He is too much to leave behind. "Ph care," biglang sabi niya saka dahan-dahan na kinuha ang nilagay ko. Pahablot ko iyong kinuha sa kamay niya saka nahihiyang nilagay sa bandang ilalim. "Huwag mong ibahin ang usapan. Who?" "Why are you so interested?" tunog na naiinis na siya kaya napairap ako. "Then no," inis na sabi ko na rin saka akmang iiwan na siya doon kaya lang ay nahawakan niya ang kamay ko. "Fine, it's Ashley. We lasted for almost one year. We were on tenth grade," Nanlaki ang mga mata ko sa pangalan na binanggit niya. "Ashley? Kaibigan mo?" gulat na tanong ko habang inaalala ang itsura ng babae. "Yeah," Napalunok ako ng dahan-dahan. One year? Ang tagal. "Kinaibigan mo ang ex mo?" Sa pagkakataong iyon ay medyo humina na ang boses ko. They lasted for almost one year. So he's serious? Sana hindi ko na lang pinilit ang tanong. I suddenly felt insecure and jealous. "We ended well." Napatango na lang ako saka hindi na muli pang nagtanong. Parang napansih niya ang pananahimik ko kaya marahan niya akong pinahinto. "She's beautiful," marahan na sabi ko pero tiningnan niya lang ako ng seryoso sa mga mata. "Blaire, she's—" "Hinahatid sundo mo siya noon? Are you already driving a motorcycle that time?" Hindi ko alam kung ano ang tono ng boses ko. It's too plain. I am really jealous and he knew it. "Let's pay and eat," sabi niya at kasabay nito ay ang pagbuntong hininga niya kaya tahimik na lang ako na sumunod. Kaya pala parang may something sa tingin noong Ashley noon. I thought she was just really curious. Former girlfriend pala siya ni Zach. She hasn't moved on yet? "Hey, stop thinking," malambing na bulong niya habang nakapila kami sa counter. "Huh? I'm not," I then forced a smiled so he tightened his grip on my waist. "Blaire, please," Para siyang nahihirapan kaya bahagya na lang akong tumawa. Past is past. It's fine. "Maganda ba sa London? Doon ka sa pasko?" I tried to make my voice lighter, so he suddenly smiled. "Maganda? Palagi akong nandoon kaya normal na sa akin. Why? Do you wanna come?" Nang-init ang pisngi ko sa tanong niya kaya dinaan ko na lang sa irap. "Sino bang nandoon?" I know that I'm being nosy, but I can't help it. "My Mom and Dad." "Huh? Sinong kasama mo dito? "My Lola," I nodded silently. "Three thousand eight hundred, Sir," sabi ng cashier kaya inabot ko ang four thousand pero nauna si Zach kaya nanlaki ang mga mata ko. "Hey," agap ko pero ngumiti lang siya ng marahan. "You're jealous," he whispered, so I blinked. "Huh?" "Don't worry. Walang kang dapat ika-selos." Mas lalo akong naguluhan na sinabi niya pero kaagad na siyang naglakad kaya napasabay ako dahil hawak niya ang baywang ko. Nang mapansin ko na papalabas na kami sa mall ay doon sana ako aalma kaso may kinuha siyang susi sa bulsa niya. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung anong klaseng susi iyon. Bago pa ako makapagtanong ay bigla ng tumunog ang itim na kotse sa harap namin. "Yours?" gulat na tanong ko pero mabilis niya na pinasok ang mga dala namin sa likod saka ulit ako hinawakan. "You can say that," sabi niya habang nakangisi at muli akong dinala sa loob. Hindi ko naman maiwasang magtaka lalo. Pero parang bigla kong nakalimutan ang lahat ng mga hindi magandang nararamdaman kanina dahil bago kami muling pumasok ng mall ay naramdaman ko ang isang halik niya sa buhok ko. That simple kiss made me really happy and contented. Para akong nililipad sa alapaap kahit hindi ko ramdam sa mismong balat ko ang mga labi niya. It affected me big time. "What do you want to eat?" I smiled, "Carbonara." I knew a lot about him today. Nakaramdam ako ng selos kaya mas lalo kong napagtanto na sobrang lalim na pala ng nararamdaman ko para sa kanya. I could not name it. I just can't because I am new to this. It's not bad to be happy, right? I am just being happy with him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD