Chapter 15

1899 Words
Chapter 15 Zach and I have been starting to fix us. He's back on chatting and calling me every minute of the day. At hindi ko maipagkakailang sumasaya ako dahil doon. But because the finals are coming, he lets me study. I am studying really hard. At minsan siya pa ang nagbabato ng mga tanong na sinasagot ko naman through video calls. How I love to study with him in person, but I just can't. "Tapos ka na nito? Bukas na ang deadline hindi ba?" Tiningnan ko ang drawing ni Mae sa short bond paper kaya napangiwi ako ng maalala kung ano ang itsura ng akin. Hers was good. Hindi siya magaling mag-draw pero marunong siya hindi tulad ko na kahit ang puno parang hindi puno. "Ang ganda nito," sabi ko kaya napakamot siya sa ulo. "Maganda? Ang pangit!" "Mas lalo na iyong akin. Uulitin ko mamayang gabi. I can't really draw." I've already tried a lot of ways to make my drawing good. Nag-print na ako saka nilagyan ng carbon para madali pero pangit pa rin. Dalawang ibon sana ang gagawin ko na parang heart shape tapos bundok ang background pero hindi ko rin nagawa. Ang ganda kapag na-iimagine ko pero hindi kaaya-aya kapag ginawa ko na. "Ako rin wala pa," problemado na sabi Anne. "Gawan kita, Blaire?" alok ni Jericho kaya napatingin ako sa drawing niya. It was a sunset with a silhuette of man and a woman holding hands. "Hindi, okay lang," sabi ko. "No, I can really do it," he insisted, so I shook my head. Tiningnan ko ulit ang drawing niya. Hindi ko maipagkakailang maganda nga iyon at maganda rin pati ang pagkakulay. He's goot at this. "Okay lang talaga," sabi ko saka ngumiti ng tipid. Napatitig naman siya sa mukha ko saka marahan na tumango kalaunan. "Sige, pero kung gusto mong magpagawa sabihan mo lang ako." I nodded gently at him before imagining the scene that I wanted to draw. Pagakauwi ko sa bahay matapos ang klase ay kaagad akong gumihit. Pero lahat ng ginuhit ko ay disappointed ko lang na tiningnan. I tried to draw a man and a woman hugging under the three. Pero nagmukha lang iyon na parang palaka sa sobrang pangit. Habang gumuguhit ay biglang tumawag si Zack kaya sinagot ko ang tawag niya sa messenger saka muling nagpatuloy sa ginagawa. "What are you doing?" Saglit akong sumulyap sa screen kung nasaan ang mukha niya. "Drawing," matipid na sagot ko saka muling gumuhit kahit ang pangit talaga ng mga gawa ko. "Drawing what?" "My project in CPAR. Bukas na deadline nito." "Can I see?" Natigilan ako sa sinabi niya. Nakangiwi ko naman na tiningnan ang ginuhit ko. Gumuhit ako ng mas madali. This time isang itim na puno lang na may mga puso sa bawat sanga pero hindi halata na puno. I think I overdo it. Maliit ngunit mahaba ang katawan ng kahoy saka sobrang dami ng sanga. Para itong buhok na buhaghag. "Hindi na," sabi ko saka muli siyang sinulyapan. Ngayon kita ko na ang ngisi niya kaya mas lalo akong nakaramdam ng hiyang ipakita ang ginuhit. "Let me see it." Umiling ako ng ilang beses kaya mas lalo siyang ngumiti at parang umayos pa sa pagkakaupo na parang kaabang-abang ang drawing ko. "Hindi na nga." "Let me see," Napairap ako saka marahan na hinawakan ang ginawa kong parang buhok na buhaghag. "Ang pangit!" "Let me see. I will be your judge." Napanguso ako ng bahagya saka pikit mata na hinarap sa camera ang ginawa ko. Ilang sandali lang ay narinig ko na ang halakhak niya sa kabilang linya kaya namula ang pisngi ko sa sobrang hiya. "Sabing pangit!" inis na sabi ko pero tawa pa rin siya ng tawa kaya mabilis ko na nilukot ang drawing habang masama ang tingin sa screen. He's laughing so hard. Napahalukipkip ako saka hinintay siya na matapos sa kakatawa kasi nakakahiya naman. "What was that?" natatawa niya pa ring tanong kaya muli akong napairap. "Drawing ko nga!" "What? Pinaglaruan mo ba ang black crayons kaya naging ganoon? Parang pugad ng ibon!" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Mas malala pa ang sinabi niya sa opinyon ko! "That was a tree!" giit ko pero mas lalo lang siyang tumawa na parang mawawalan na ng hininga. Masama lang ang tingin ko sa kanya habang tawa siya ng tawa. I am pissed but at the same time, I am amazed at how he laughed really hard. Sobrang pangit nga talaga yata ng ginawa ko. "I'm sorry. Okay naman sana pero parang sobra lang iyon—" "Pangit nga." He chuckled while trying to stop himself from laughing again. "It's fine really—" "Just tell me that it was really bad. I can do another again. Kahit bukas na ang deadline kaya huwag ka munang tatawag," sabi ko kaya tuluyan na siyang sumeryoso. "Ano ba ang gagawin?" I sighed, "Anything that could symbolize someone's feelings. Parang abstract painting," I explained. "Anong oras ipapasa?" He's serious now. "Bukas ng hapon, second period." He nodded like a professional, so I pouted a bit. "Ako na ang gagawa," nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. I was really shocked. "What? Marunong kang mag-draw? Are you serious?" gulat na tanong ko kaya muli siyang ngumisi at marahan na ginulo ang buhok na hindi naman magawang magulo. "Just let me do it. Ihahatid ko bukas." Napataas ang kilay ko. Should I trust him? "Are you sure? Magaling ka ba?" tanong ko kaya muli siyang tumawa ng mahina. "I'm sure I can draw better than you," Napangiwi ako saka umirap. "I don't trust you—" "I'll make it, I promise," Naningkit ang mga mata ko saka tinitigan siya. "Nakasalalay ang grades ko dito. Our final exam is the day after tomorrow. I will have a low grade if I can't pass—" "I'll do it, promise," Nakangisi siya kaya palagay ko pinagkakatuwan niya lang ako. "Zach," medyo inis na sambit ko pero mas lalo lang siyang napangisi. "You are still perfect for me even though you can't draw," Namula ang parehong pisngi ko dahil sa hiya kaya napahinga na lang ako ng malalim. In the end, he really pursued me not to draw. Kaya nag-review na lang ako sandali bago inubos sa kanya ang time ko hanggang sa makatulog ako. Kinaumagahan ay maaga akong nakarating sa school. Kita ko ang mga classmates kong nagkukumparahan ng mga drawings nila. Napakagat naman ako sa ibabang labi kasi hindi talaga ako sure kung ginawa ba ni Zach ang project ko. "Nasaan na ang project mo Blaire? Patingin?" puna ni Jericho sa akin ng mapansin na tahimik lang ako. "It's not yet here. Pero okay na," sabi ko kahit hindi talaga ako sigurado. "Mabuti naman," nakangiting sabi niya kaya napatango na lang ako ng marahan habang iniisip kung nagawa ba talaga ni Zach ang project ko. Nang dumating ang lunch time ay hindi ako mapakali. I texted Zach immediately. Me: Project ko? Sabi mo gagawin mo? Where are you? He did not reply! "Okay na ako sa pasang-awa na grade sa project na 'to," nakangiwing sabi ni Anne habang nakatingin sa project niya. Sana dinala ko na lang ang isa sa mga pangit kong ginawa. Kahit pasang-awa na lang. I texted Zach again. Ilang minuto na lang ay mag-uumpisa na ang unang klase namin para sa hapon. Me: Zach! I'm pissed! Alam kong wala akong karapatan na mainis. Kinakabahan lang talaga. I am a student who really aims to be on top. Ayaw kong mawalan ng project. "Patingin ng project mo, Blaire," sabi ni Mae pero inis lang ako na umiling. "Wala kang project?" tanong ni Anne kaya huminga ako ng malalim. "Hindi ko alam," inis na sabi ko kaya nagkatinginan ang dalawa. Tinadtad ko ng text si Zach kasi hindi siya nag re-reply. I'm really pissed right now. Sana kahit pangit may ipapasa ako ngayon kung hindi siya nagsabi na siya ang gagawa. Biglang nag-ring ang phone ko kaya mabilis ko iyon na tiningnan. Nakahinga ako ng maluwag nang makita na si Zach ang tumatawag. "Where's my project? Hindi mo ginawa? Sana sinabi mo kaagad para makagawa ako kahit hindi maganda!" He laughed on the other line, so I got pissed even more. "Chill, I'm here outside your school. Nandito ang project mo." Dahil sa sinabi ay mabilis ako na tumayo saka dali-daling naglakad papunta sa labas. "Are you sure?" "Yeah, come here." Halos takbuhin ko na para lang makarating sa gate. At nang makalabas ako ay medyo hinihingal pa ako ng bahagya. I saw him leaning on his motorcycle while holding a white folder. Nang makita niya ako ay kaagad siyang tumayo ng tuwid. Kaagad naman ako na naglakad papalapit kaya mas naging klaro sa mga mata ko ang ngisi niya. "Where?" Mabilis niya na binigay sa akin ang folder kaya madali ko iyong binusaksan. Biglang nanlaki ang mga mata ko nang makita ang nakakagandang guhit. Parang printed siya. It's a man and woman kissing while petals of roses were everywhere. Sobrang ganda. I was speechless. "Ikaw gumawa?" gulat na gulat na tanong ko. "Yeah," Napalunok ako. "This is so good. You are good at this," parang bulong na sabi ko habang nasa guhit niya ang mga mata. Bahagya siyang lumapit sa akin kaya kaagad na naglapat ang mga braso namin. I then looked at him, and I saw him smiling. "Thanks," I can't help but smile too. Akma siya lalapit pa lalo pero bahagya ko lang na tinulak sa dibdib dahil maraming mata ang nakatingin. He laughed a bit before shaking his head. "May itatanong ako." "What is it?" I asked. I am still amazed at what he drew. I didn't know that he's goot at drawing. "Can I court you?" Napaawang ang labi ko bago tumingin sa kanya. I saw him look at my lips before staring directly into my eyes again. Wala na ang mapaglarong ngisi niya. He's totally serious right now that it's making me weak. "What?" pabulong na sagot ko. "Manliligaw ako, Blaire." Parang biglang nawala lahat ng mga nakatingin sa amin. Pakiramdam ko kaming dalawa lang ang nandito ngayon. Hindi ako makapag-isip ng maayos. Hindi ma-proseso sa utak ko ang mga sinabi niya. "Zach—" "I'm serious," Napakagat ako sa ibabang labi ko. Parang may hinuhukay sa tiyan ko na parang nakakakiliti. I suddenly turned my back at him when I can’t hide my smile anymore. "Bahala ka," mahinang sagot ko kaya marahan niyang hinuli ang isang kamay ko. "I'll take that as a yes," he whispered, making my heart go crazy even more. Galing sa kamay ko ay unti-unting lumipat ang kamay niya sa baywang ko. Marahan niya akong pinaharap sa kanya kaya nakita ko ang nanunuyo niyang mga mata. "Late na ako," wala sa sariling sabi ko kaya napabasa siya sa ibabang labi. "Basta manliligaw ako." What should I say? "Bahala ka nga—" "Oo o hindi lang ang sagot," malambing na sabi niya pero rinig ko ang panunuya kaya mas lalo akong nakaramdam ng hiya. Hindi ko alam kung paano sasagot. I am completely speechless. "Oo na," puno ng hiya na sabi ko saka mabilis na umalis doon dala-dala ang sobrang bilis na t***k ng puso. He asked me if he could court me. Kung hindi lang tututol ang parents ko ay dapat kami na ngayon. But, let's see. Because I really like him so much.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD