Chapter 17

2396 Words
Chapter 17 "Blaire? Sigurado kang ayos ka lang dito? Mag-lock ka ng pinto mamayang gabi at huwag na huwag mong bubuksan kapag may tumawag sa labas. Sumama ka na lang kaya sa akin? I'll just talk to your teachers? Hindi talaga ako kampante na maiiwan ka dito!" problemadong saad ni Mommy habang nag-aasikaso ng mga gamit niya. "Ma, okay lang—" "Okay? No! I don't trust anyone here! Our house is big! Kaya paano kapag may pumasok? Huwag na lang kaya akong sumama sa seminar? Ang layo ng Cebu! Oh My God! Bernard! What should I do to your daughter?" Natawa ako ng mahina habang tinitingnan si Mama. She'll be having a three days seminar in Cebu so I'll be alone in our house. Ngayon pa lang ay parang pasan na niya ang mundo. "I am eighteen—" "You are just eighteen!" Natawa muli ako. "Ma, I will lock the door. Susundin ko lahat ng inutos niyo. I will sleep early. Promise, I will be okay." She sighed. "Blaire, oh my God. I hate being a principal. I will bring you with me." "Ma! What about my lessons? Second semester na. I can't be absent." "Blaire, delikado!" "Ma, Del Rio is a safe place. Walang magnanakaw dito o ano. And our house is close." Napasapo siya sa noo niya saka mabilis na tinawagan si Papa. "Pa, I'm really fine here!" sabi ko kaya napaisip rin si Papa. "Blaire, sumama ka na lang kaya sa Mama mo?" "I'm eighteen! Sa ibang bansa ay may sarili ng apartment ang mga kaedad ko. I will be safe." "Ang tigas ng ulo nitong anak mo, Bernard!" "Are you sure, Blaire?" tanong ni Papa kaya mabilis ako na tumango. "I can do it. Tatlong araw lang naman." Sa tagal nang pangungumbinsi ko ay sa wakas nakapag desisyon na rin si Mama. Alam kong kailangan niyang dumalo sa seminar kaya hindi pwedeng dito lang siya para samahan ako. And besides, I am already big enough. Hindi ako natatakot dahil sigurado akong walang masasamang loob sa bayan namin. Kinabukasan ay maagang umalis si Mama kaya naiwan akong mag-isa sa bahay. Nanood ako ng tv habang naglalaro ng kung ano sa cellphone pero natigil lang nang tumawag si Zach. "You're alone in your house? What?" Natawa ako sa bungad niya. Nasabi ko na ako lang mag-isa sa bahay ng tatlong araw at tumawag siya kaagad. "May seminar si Mama sa Cebu. Pero tatlong araw lang naman—" "Three days? You are a girl." Just like my parents, come on. "Come on, I am eighteen!" Dinig ko ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya kaya marahan ako na tumawa. I guess he's frustrated. "Pupunta ako diyan, wait. Hardheaded," inis na sabi niya kaya napatawa ako bago pinatay ang tawag. He has the guts to come here because my mother is out of town. Kaya sinong may sabi na hindi niya gusto 'to? That guy. Hindi nagtagal may narinig ako na isang busina ng kotse sa labas kaya kaagad akong tumango. Marahan ko pang inayos ang isang maikling cotton short at manipis na sleeveless na suot bago dumiretso sa pinto. Kita ko ang kotse niya sa labas kaya binuksan ko ang maliit na gate. He can't park his car inside because my parents' car were here. Kita ko siyang kunot ang noo na bumaba ng kotse niya kaya mas lalo akong natawa. "Ano?" sabi ko habang natatawa ng kaunti saka marahang tumabi para sabihin sa kanya na pumasok. "You'll sleep here alone later?" tanong niya nang makapasok kaya mabilis ko rin na sinara ang gate. "Yup, it's my first time, but it's fine," sabi ko saka nauna ng pumasok sa main door namin at sumunod naman siya. I saw him roam his eyes around our living room. Bahagya pa akong napanguso nang tumigil ang tingin niya sa mga frame sa wall. "Your father is a seaman?" tanong niya kaya marahan akong tumango. "Yeah," sagot ko kaya tiningnan niya halos isa-isa. Pansin kong tumatagal ang tingin niya sa mga frames na may mukha ko kaya bigla akong nakaramdam ng hiya. "You're cute," sabi niya saka bahagyang tumawa bago marahan na hinawakan ang kamay ko. "And you are here? Why?" natatawang sabi ko bago dahan-dahan na umupo sa couch kaya agad siyang tumabi sa akin at halos sobrang dikit na namin. "You'll really sleep here alone? For three days? That is—" "I will be fine. Come on, bahay namin 'to. Sino namang papasok?" Napadaing siya ng mahina bago dahan-dahan na tumayo. "Tara, punta tayo sa amin. We can't stay here alone. It will be so much hard for me." Gulat ako ng bahagya niya akong hinila. "Magbibihis lang ako—" "It's fine." Tanging phone ko na lang ang nadala ko dahil kaagad niya akong hinila palabas. I locked our gate, and then I entered his car unwillingly. "Bakit hindi mo ginagamit 'to kapag nag-aaral? Kailan pa 'to?" tanong ko habang nagkakabit ng seatbelt. "Aral? Students will say that I am so arrogant for bringing a car in school," Napangiwi ako sa sinabi niya saka tumango na rin. "Okay lang naman. It's safer than a motorcycle." "I just got this as a present when I turned eighteen. And I am enjoying using my motorcycle, so it's fine," Napanguso na lang ako saka hindi na siya sinagot pa. Dumaan kami sa daanan papunta sa malapit sa dagat kaya hindi ko maiwasang tumingin sa labas. I always wanted to have a house near the beach. Kahit pang bakasyon lang sana. Pansin ko na wala masyadong bahay dito kaya sigurado akong tahimik. Hanggang sa unti-unti kaming huminto sa isang malaking bahay. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawang pagbusina ni Zach at biglang may bumukas sa gate ng malaking bahay. We then entered. I saw a Spanish style close to mansion. Sobrang laki na halos kalahati lang yata ang bahay namin. Malaki rin ang bakuran at maaliwalas. "Your house?" gulat na tanong ko pero kaagad na siyang lumabas at umikot para pagbuksan ako ng pinto. I am still shocked. He's really rich! Natanaw ko pa ang apat na kotse sa hindi kalayuan na parking lot. Napalunok ako sa biglang kaba. I expect him to be rich but not as rich as this. "Come on, Lola's inside," tututol pa sana ako pero nahawakan na niya ang kamay ko at mabilis ako hinila papasok sa loob. A huge airconditioned living room welcomed us. Halos mapanganga ako nang makita na high ceiling ito. They also have a huge chandelier at the center. Para akong nakatapak sa kaharian ng mga dugong bughaw. "Det, where's Lola?" tanong niya sa isang babae na naka-suot ng isang purong puti na uniporme. They have maids! "Nasa kusina po, Sir, tatawagin ko po," sabi ng babae saka mabilis na umalis. Nanginig ako sa kaba. Going here with him is really a bad idea. "Zach, uwi na ako," kabado na sabi ko pero pinagtawanan niya lang ako. Sinamaan ko naman siya ng tingin at akmang iiwan na para lumabas pero may natanaw akong isang matandang babae na naglalakad palabas isang doorway. Napaawang ang labi ko sa kaba saka bahagyang nagtago sa likod ni Zach. That's probably his grandmother. "Zach, Oh My!" sabi ng babae sabay tingin sa akin kaya mas lalo akong kinabahan. "La," sabi ni Zach. Nag mano pa siya kaya nakaramdam ako ng ilang. Hindi ko alam kung magmamano rin ba ako o hindi. Her grandmother's eyes were fixed on me. Ngiting-ngiti siya na parang bang matagal na niya ako kilala. Napalunok naman ako saka nahihiyang ngumiti. I wanna get out of here! "You're Blaire?" nakangiting sabi niya kaya mas lalo akong nagtakha. "O-po, Ma'am," I even stuttered! She laughed with elagance. At ang sunod niyang ginawa ay mas lalong nagbigay sa akin ng kakaibang kaba. She hugged me, and she even gently caressed my cheek. "You are beautiful. Lola Agnes na lang ang itawag mo sa akin." "La," sabi ni Zach kaya tumawa ang Lola niya ng bahagya. "It's nice meeting you, Blaire. Palagi kang mukhang bibig nitong apo ko." Nahihiya akong ngumiti saka bahagyang napayuko. "La, don't make her feel shy—" "Shut up, Zacharyo! I am just talking to Blaire." Tuluyan ko ng nilabas ang ngiti kong walang halong hiya dahil sa tinawag niya kay Zach. Inis naman akong hinigit ni Zach palayo sa Lola niya kaya napailing ito. "Sa baba lang muna kami." "Okay, don't be shy, Blaire. Be comfortable. Ipaghahanda ko kayo ng meryenda." "Salamat po," magalang na sabi ko naman pero kaagad na akong hinigit ni Zach palabas. She likes me! Natawa naman si Zach dahil sa pagbuga ko ng hangin. "Loosen up," sabi niya pa bago kami bumaba sa isang hagdanan para makarating sa dalamapasigan. Their house is really on a great location. Kaagad na tinangay ng hangin ang buhok ko kaya wala sa sarili akong napangiti ng matamis. "Ang ganda dito," sabi ko saka muli siyang nilingon pero muli akong napaiwas ng tingin nang makita ko siyang naghuhubad ng damit pang-itaas. He then put his shirt on the sand. Marahan siyang umupo doon saka dahan-dahan na tinapik ang bakanteng space kaya kahit naiilang ay umupo na rin ako. The waves were wild, but they looked so good. Ang linis ng dalampasigan dito at parang kanila lang. Malayo pa ang kabilang bahay kaya may privacy kung sino man ang maliligo. "Minsan lang umuuwi ang mga magulang mo dito?" tanong ko habang diretso kang sa dagat ang tingin. I could feel his naked chest on my shoulder. "Yup, they're both busy," he whispered. "What's their work?" He smiled before slightly tuckled my hair behind my ear. Nakakailang ang binibigay niyang tingin pero hindi ko magawang mag-iwas ng tingin sa pagkakatong ito. "Both doctors," he said before looking at my lips. Napasinghap naman ako saka nakaramdam ng hiya sa pagtingin niya sa mga labi ko. "You'll be a doctor, too?" tanong ko. My heart is beating too fast. "I wanna be an engineer," Pumungay ang mata ko sa naging sagot niya. "Engineer Zachary Montañez, it suits you," nakangiting sabi ko kaya napangiti na rin siya. Hindi pa rin naalis ang mata niya sa labi ko kaya hindi sinasadyang napatingin rin ako sa kanya. His lips were so beautiful. The upper part was thin, and the lower was a bit thick. Parang nang-aakit palagi. Too much to ignore. "You? What do you want?" I awkwardly laughed. "Accountancy, then I'll proceed to law after? CPA lawyer. Pero kung hindi papalarin ay mag-aasawa na lang ng engineer," biro ko kaya napangisi siya habang unti-unting nilalapit sa akin ang mukha. Napaawang ang labi ko sa galaw niya. I even swallowed hard because his hand gripped my waist, and the other one went on my right cheek. Napapikit ako ng dahan-dahan hanggang sa naramdaman ko na lang ang hininga niya sa labi ko. I waited for his lips to touch mine, and it did. It's so soft, but it's too short. "Zach," I gently murmured while still closing my eyes. And for the second time, he tasted my lips one again. He nibble my upper ang lower lip until I open my mouth for him. Mahigpit ako na nakapakit sa braso niya habang dinadama ang matamis na halik. When the kiss ended, I slowly opened my eyes. Lasing ko siyang tiningnan na nakaawang rin ang mapupulang mga labi. "That was your first," he stated, so I blinked a lot of times. "Yeah, sorry, I don't know—" Hindi ko na natapos pa ang gusto kong sabihin dahil muling lumapat ang mga labi niya sa labi ko. And this time, he pushed his tongue inside. Marahan ako na napadaing saka mas lalong hinigpitan ang kapit ko sa kanya dahil nawawalan na ako ng lakas. I tried to kiss him back. Binalik ko ang mga halik niya hanggang sa naramdaman ko na lang na masyado na siyang nagiging mapusok. "Zach," marahan na tawag ko sa pagitan ng mga halik. I tried to push him a little, so he immediately stopped. "D*mn," marahan na mura niya saka unti-unting pinahinga ang noo sa balikat ko. We are both gasping for air because of our long kisses. I could still feel his lips on mine. "Akyat tayo," sabi niya kalaunan bago ako inalalayan na tumayo. My knees were weak. Dinampot niya ang t-shirt sa buhangin pero hindi niya iyon sinuot. Nanatili lang siyang walang damit hanggang sa muli kaming nakapasok sa bahay nila. Buong akala ko ay sa living room nila kami mananatili pero dinala niya ako hanggang sa itaas kaya mas lalo akong nakaramdam ng pagwawala ng puso ko. He then opened a door so the manly room welcomed us. Dark blue bed and a glass table beside it. May mahahaba ring kurtina na blue rin ang kulay na nakabukas kaya kita ko ang balcony doon. He has a balcony. "Wait, I'll just get a new shirt," Tiningnan ko kung saan siya pumunta at nakita kong pumasok siya sa isang pinto na suspetsa ko ang walk in closet. He's really rich. Wala sa sarili na lang akong napangiti saka dahan-dahan na lumapit sa wall katabi ng computer set. Isa-isa kong tiningnan ang bawat mga drawing. He's really good at this. Lahat ay sobrang ganda. "This one, I want this as my vacation house," biglang sabi niya na nandoon na pala sa likuran ko. Bahagya niyang tinuro ang isang sketch ng malaking bahay. A huge villa. "Ang ganda," sabi ko habang nakatingin rin sa villa. I want that, too. "You like it?" malambing na tanong niya saka unti-unti akong pinaharap sa kaniya. "I like it," malambing na sagot ko saka unti-unting ngumiti. "Glad you like it." Unti-unti na naman na lumapit ang mukha niya sa mata ko kaya marahan akong tuminghala saka dahan-dahan na pumikit. And in the third time, I tasted his lips again. Wala sa sarili kong nilagay ang dalawang braso sa leeg niya tulad ng mga napapanood ko sa tv. I felt him stop a bit, but after some seconds, he again kissed me so passionately. Mas lalo niya ring hinapit ang baywang ko saka hinigit ako palapit sa katawan ko. His lips are just too sweet. It's addictive. I did not imagine myself kissing someone at this age. But I don't regret doing this. My feelings are more than like. It's stronger. Way stronger, and I like it. I like this so much.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD