Chapter 29

2103 Words
Chapter 29 My parents locked me in my room for two days. Inaabot lang ni Papa ang pagkain ko. Wala akong ibang ginawa kundi umiyak nang umiyak. Kinuha nila ang laptop ko pati na rin ang luma kong phone. I can't contact Zach. My parents are very angry. Dalawang araw na akong hindi pumapasok sa school. "Fix yourself, mag-aaral ka ngayon," biglang sabi ni Papa kaya napaawang ang mga labi ko. "P-po?" "Hurry up, you're gonna be late. Ihahatid kita," malamig na sabi niya saka muling sinara ang pinto ng kwarto ko. Saglit akong napa-tulala sa pintong sarado. Pero hindi nagtagal ay kumilos na rin ako para mag-ayos ng sarili. I stared at my face in the mirror. Nangingitim ang ibaba ng mga mata ko dahil hindi ako nakakatulog sa sobrang iyak. Namumula rin ang mga mata ko at halatang matamlay. I noticed that I even lost weight. Matapos kong mag-ayos ay dahan-dahan akong bumaba. Naabutan ko si Papa na tamad na nakaupo sa couch habang nakatutok sa cellphone. Nang mapansin niya ako ay kaagad siyang tumayo kaya marahan akong yumuko saka napa-yakap sa librong dala ko. "Let's go," malamig na sabi niya saka naunang lumabas kaya sumunod na rin ako. Nang makapasok sa kotse ay tahimik lang ako. My parents are cold to me now. Ni hindi na sila ngumingiti sa akin. And I am hurting because of that. Pakiramdam ko ang laki-laki ng kasalanan na ginawa ko. Nang matanaw ko ang school namin ay kaagad na kumabog ng mabilis ang puso ko. Bahagya kong nilingon si Papa na seryoso lang sa pagda-drive. Nang huminto ay kotse ay nanuyo ang lalamunan ko. I am afraid to make a move. "I have eyes, Blaire. Huwag kang magkakamali na makipagkita sa lalaking iyon. I won't stop myself for doing bad this time," malamig na banta niya kaya kumabog ang puso ko sa kaba. "O-opo," nanginginig kong sagot bago bumaba. Ramdam ko ang pagsunod ng mga mata ni Papa sa akin kahit nakababa na ako sa kotse. Pumikit ako ng mariin sandali bago dahan-dahan na naglakad patungo sa building namin. Hindi pa rin nawawala ang kaba at takot sa dibdib ko. I want to cry again. "Blaire! Absent ka ng dalawang araw! Hindi ka rin nag-online! Nilagnat ka ba?" salubong ni Mae nang makarating ako sa pinto ng classroom namin. I forcely smiled at her. "Oo eh," sabi ko saka dumiretso sa upuan ko. "Ang daming quizes sa iba't-ibang subjects, Blaire." Napaawang ang labi ko doon pero sa huli ay tumango na lang rin ako. "Blaire, may sakit ka?" tanong ni Jericho nang makapasok siya sa room kaya isang mahinang tango lang ang ginawa ko bago nag-iwas ng tingin. Hindi ko inaasahan ang paghawak niya sa noo ko kaya kaagad akong lumayo. "S-sorry, okay na ako ngayon," sabi ko saka muling umayos sa pagkakaupo. Our first subject started peacefully. Nakinig ako ng maayos at dahil nga sa dakawang araw kong pag-absent ay marami na akong hindi nalalaman. When the break time came, we ate our snacks together. Hawak ni Anne at Mae ang mga cellphone nila at kanina pa ako nangangati na hiaramin iyon. Pero iniiisip ko si Papa. Baka maghinala siya kapag nakitang online ang account ko. Napa-buntong hininga na lang ako saka matamlay na napa-kurap. "Wala kang dalang phone, Blaire?" tanong ni Ana kaya mahina akong umiling. Noong dumating ang lunch time ay hindi ko inakala na susunduin ako ni Papa. Hindi na ako nag-reklamo pa at sumunod na lang. "You'll eat your lunch every day in our house," sabi niya nang makarating kami sa bahay. "Opo," sabi ko. We ate our lunch together. We are both silent, but I could feel my father's glances for every minute. "Pa, pwede ko pong mahiram ang phone ko?" kabadong tanong ko kalaunan kaya muling nagsalubong ang kilay niya. "For what?" tanong niya kaagad kaya umiling na lang ako. Muli akong hinatid ni Papa sa school pagkatapos ng lunch. "Umuwi ka ng lunch?" tanong ni Jericho nang magkasabay kami sa hallway. Saglit ko siyang tiningnan. "Oo," sagot ko kaya napatango siya. "Okay lang kayo ni Zach?" Hindi ko inaasahan ang tanong niyang iyon kaya hindi ako naka-sagot. Okay kami ni Zach? I don't know. I haven't talked to him yet. I am very grounded and my parents are angry because of that. "Una na ako," pag-iwas ko sa topic. I sighed when I entered our room. Kaagad namuo ang mga luha sa gilid ng mga mata ko nang maalala ang mga nangyari noong isang araw. Binantaan ni Papa si Zach. My father is not a criminal, but I know that he can do what he said. He's so angry. Hindi ko alam. Natatakot ako. Hindi ako makakatakas para makausap si Zach dahil bawat galaw ko ang bantay sarado na ni Mama at Papa. Hindi na ako magtataka kung may pinakiusapan silang teachers na bantayan ko. I can't even contact Zach. Nang matapos ang klase ay kaagad ako na naglakas papunta sa gate kasabay ng mga kaklase ko. They are talking so loud while I am just silently hugging my books. "Susunduin ka ni Zach, Blaire?" biglang tanong ni Mae kaya mabilis akong umiling. "Si Papa ang susundo sa akin," sabi ko kaya bahagya siyang nagtaka. "Huh? Ayon siya oh," sabi niya kaya biglang nanlaki ang mga mata ko at napatingin sa tinuro niya. Iyon na lang ang pagbilis ng puso ko sa kaba at takot nang makita si Zach sa labas ng gate na parang may inaabangan. Darating na si Papa! Kabado akong nagmadali na lumabas. Kaagad niya akong nakita kaya mabilis niyang iniwan ang motor niya para lapitan ako. Kaagad na namuo ang mga luha sa mga mata ko. "Are you okay?" tanong niya kaagad saka mabilis na hinawakan ang magkabilang pisngi ko. "Zach, darating si Papa. Umalis ka na," nanginginig na sabi ko pero mas humigpit kang ang hawak niya sa pisngi ko. I missed him so much. Pero hindi pwede. Magagalit si Papa kapag nakita niya kami ngayon. "I tried calling you, but I can't contact your number. Hindi ka rin nag re-reply sa mga messages ko sa f*******:. I am so d*mn worried. I did not even sleep well. I want to go to your house, but I don't want to trigger your parents' emotions." Tuluyan nang nahulog ang mga luha galing sa mga mata ko nang marinig ang sinabi niya. "Zach, susunduin ako ni Papa. Magagalit na naman siya. Please, umalis ka na," umiiyak na sabi ko saka pilit inaalis ang kamay niya sa pisngi ko. Napasinghap siya ng malakas saka pilit na hinuhuli ang mga mata ko pero pilit ko rin itong iniiwas. "Zach, bitawan mo na." Nagawa kong makawala kay Zach kahit gustong-gusto ko na siyang yakapin ng mahigpit. Pilit akong lumayo pero humabol si Zach ngunit ang mga mata niya ang galit na napatingin kay Jericho na siyang nagsalita kanina. "You don't have a say on it," malamig na sabi niya kaya ma lalo akong kinabahan. "Zach, please umalis ka na. Umalis ka na," pagmamakaawa ko pero alam kong hindi siya susunod. Biglang naging madilim ang mga mata niya kaya akma akong aalis para iwan siya pero muli niyang nahawakan ang isang braso ko. Napasinghap ako saka mas lalong lumakas ang pagbuhos ng mga luha ko. I don't want this. This is hurting me a lot. "Blaire—" "Please!" Hindi ko na napigilan pang magtaas ng boses. Malakas ko rin na tinanggal ang pagkakahawak niya sa akin. Kita ko ang gulat sa mga mata niya dahil sa ginawa ko. Ilang beses akong umiling habang humihikbi. Hindi ko alam ang gagawin ko. I don't want him to get hurt. Ayaw kong umabot sa punto na ang Papa ko mismo ang gagawa ng ikakasakit niya. "What—" "Zach! Just go! Go!" sigaw ko dahil nakita ko ang kotse ni Papa na papalapit. Mas lalo akong nataranta kasi sinubukan niya pa akong hawakan. I immediately slap his hands. Iyak ako ng iyak habang pa sulyap-sulyap sa kotse ni Papa na malapit na. I shook my head while begging Zach to go. Marami na rin ang nanonood. "Zach, umalis ka na," sabi ni Jericho na hindi na rin yata nakayanan pang matahimik. Wala sa sariling lumipat ako sa likuran ni Jericho. Pero hindi ko inaasahan ang malakas na pagtulak ni Zach dito kaya muntik ng matumaba si Jericho na siyang dahilan para sumigaw ako sa takot at taranta. "Zach, ano ba!" humahgulgol na sigaw ko. Umiigting ang panga niyang tinuro si Jericho habang naka-tuon sa akin ang nagdidilim na mga mata. Mas lalo akong nanghina sa galit na pinapakita niya. "Kapag ako hindi pwede tapos ang lalaking 'yan pwede?! What the f*ck are you doing, Blaire!" sobrang lakas na sigaw ni Zach. Nakita ko si Papa na lumabas sa kotse kaya mas lalo akong umiyak. "I am tired of this! Let me go!" sigaw ko kaya nanlaki ang mga mata ni Zach. "What?!" I cried so hard while trying to find a word to say. I am sorry. I am sorry. Hindi ko pa kaya. Hindi ko kaya kung paano haharapin 'to. Gagawin ko ang alam kong makakabuti sa lahat. "I am breaking up with you!" sigaw ko kaya tila natigilan si Zach. "Blaire!" galit na sigaw ni Papa kaya mabilis akong tumakbo papalapit sa kanya. Leaving Zach, who's shocked. "Papa, umuwi na tayo," pagmamakaawz ko pero matalim lang ang mukha niyang nakatingin kay Zach na ngayon ay bigla ng natauhan. "I am soryy Sir but I really need to talk to your daughter—" "Papa!" Niyakap ko si Papa ng sobrang higpit habang pilit siyang nilalayo kay Zach na bahagyang napa-upo sa lupa sa sobrang lakas ng suntok ni Papa. "Stay away from my daughter!" "Papa!" muli kong sigaw. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. "Sir, Blaire—" "Zach, please! Stop it! Ayaw ko na!" sigaw ko para matigil na si Papa sa akmang muling pagsugod kay Zach. Mabilis na tumayo si Zach saka sinapo ang gilid ng labi niya na dumudugo. My hesr shatted even more while looking at him. Ayaw ko na. This is my fault. "Let's go, Blaire!" pinapasok ako ni Papa sa kotse ng marahan kaya wala na akong nagawa kundi humagulgol na lang. Zach is now emotionless as he stares at our car. I am so sorry. God, ano ba itong ginagawa ko? "Sabi ko sa iyong huwag ka ng makikipagkita sa lalaking 'yon!" sigaw ni Papa sa loob ng kotse kaya nilagay ko ang dalawang palad sa mukha para pigilan ang pag-iyak. Ang sakit-sakit ng puso ko. Para itong pinipihit at hindi ako makahinga ng maayos. "I broke up with him," humahagulgol na sabi ko. Parang gusto kong tumalon dito sa kotse para bumalik kay Zach. Para sabihin sa kanya na hindi totoo ang mga sinabi ko. Para yakapin siya ng mahigpit at sabihin na mahal na mahal ko siya. But I can't! "Good," Biglang naging seryoso at kalmado ang boses ni Papa. Wala akong ibang ginawa kundi umiyak ng umiyak hanggang sa makarating sa bahay. Kusa kong kinulong ang sarili ko sa kwarto ko habang inaalala ang mga binitawan kong salita kanina. I broke up with Zach dahil alam kong iyon ang makabubuti. Papa won't stop if I don't do that. Ayaw kong masaktan niya ulit si Zach. I love him so much. I love him so much. Mamamatay rin ako sa sakit. I am hurting because I broke up with him. Later that night, I asked my mother to borrow my old phone. At binigay niya iyon sa akin pero hindi rin siya umalis sa harap ko na parang binabantayan ang maaari kong gawin. With my trembling hands and silent sobs, I opened my phone. Kaagad na bumungad sa akin ang napakaraming messages galing kay Zach. Binasa ko ang lahat ng iyon at hindi ko maiwasan na mas lalo pang masaktan. I deactivated all of my social media accounts. Mas lalo akong umiyak matapos kong gawin iyon. Naka-tanaw lang sa akin si Mama na hindi ko mabasa ang ekspresyon. She looks pained and regretful. "T-tapos na po," umiiyak na sabi ko saka marahan na binalik sa kanya ang phone ko na kaagad niya namang kinuha. "Blaire, stop doing this, please," sabi niya bago pa ako maka-balik sa kwarto ko. "Sorry po," sabi ko bago tumakbo para muling magkulong sa kwarto. This time, I am choosing my parents over Zach. This is over. My rule breaker side is no longer existing. I must stick to my plans. But I love him so much. Hindi ako nagsisisi na minahal ko siya. Sadyang hindi lang ito ang tamang panahon para dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD