Chapter 21

2462 Words
Chapter 21 Sobrang swerte ko dahil pag-uwi ko sa bahay ay nasa kusina si Mama kaya nagawa kong ipuslit ang mga paper bags na dala sa kwarto ko ng hindi niya nakikita. She will probably ask me if she saw it. Sinong magbibigay sa akin ng Gucci sa mga kaibigan ko? No, because no one can afford it. Nakakahiya man na tanggapin ang bigay ng Mommy at Lola ni Zach ay wala na akong magagawa. Parang ayaw nila akong palabasin sa bahay nila kapag hindi ko tinanggap ang mga regalo. I'm happy that they like me. Nakakagaan sa pakiramdam na opisyal na alam ng mga magulang ng boyfriend ko ang tungkol sa amin. I really wish my parents were open-minded just like them too. Pero sobrang higpit ni Mama at Papa sa akin. I am lying and breaking their rules. Na hindi ko naman gawain noon pero ng makilala ko si Zach ay nag-iba ang lahat. School days went back to normal again. Mas lalo akong na-pressure dahil sa nalalapit na graduation. Sigurado akong mataas ang marka ko pero hindi ko pa rin maiwasahang kabahan. Zach parents stayed here in Del Rio. Hihintayin na lang daw nila ang graduation ni Zach. I did not ask him yet where he'll study for college. Kaunting buwan na lang ang natitira bago kami tuluyang makapagtapos ng high school. And I am also nervous because I don't know what my mother and father's plan for my college. May college naman dito sa Del Rio kaya gugustuhin ko sana na dito na lang mag-aral. "Blaire, aalis muna ako. May pupuntahan ako sa kabilang bayan para sa development ng school. Baka gabihin ako kaya isara mo ng mabuti ang pinto." Napaawang ang labi ko sa sinabi ni Mama. Alam kong hindi dapat ako maging masaya pero unti-unting sumilay ang ngiti sa mga labi ko kaya mabilis akong yumuko para hindi masyadong halata. "Sige, Ma. Dito lang rin naman ako." Liar. Nang makaalis si Mama ay nagmukha akong lakwatserang anak. I texted Zach that my mother is not here, so after a few minutes, he's already here. Sinalubong ko siya ng isang mahigpit na yakap kaya marahan naman siyang tumawa bago ako pinatakan ng marahan na halik sa noo. "Missed you," malambing na bulong ko. Nakontento kami sa video call at text nitong mga nakaraang araw. Unti-unti ko ng napapansin ang mga pagbabago sa akin. I think I am being so clingy. Pabiro niya na pinindot ang ilong ko kaya marahan ako na napanguso. I could see his deep dimple because of smiling. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na hawakan ito. I gently pressed my pointing finger on his dimple. "Ang ganda," wala sa sariling sabi ko kaya mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa baywang ko. "You are beautiful." Hindi na yata bumalik sa pagiging normal ang t***k ng puso ko mula ng makilala ko siya. I am getting use of my fast beating heart. Hindi ko maipagkakaila na may mga pinaparamdam talaga siya sa akin na hindi ko ma-explain. Pagkatapos ng isang oras ay natagpuan ko na lang ang sarili namin sa loob ng kotse niya. He's smiling widely while holding my hand as he drives. "Mom, wants you in our house again. Ilang araw na siyang tanong ng tanong sa akin kung kailan ka raw muling bibisita." I gently chuckled when I saw his pissed face. "I missed her too." Napangiwi siya kaya bahagya akong napasimangot. "I can't even hold you when you are there. They are snatching you away from me." Oh my, a jealous Zach is really my happiness. Ilang sandali pa ang nakarating na kami sa bahay nila. Nang makalabas ako sa kotse niya ay kaagad kong natanaw si Tita Carmen na parang nakaabang sa main door. "Blaire!" she shouted, so I smiled at her. Nang makalapit ako ay kaagad niya akong niyakap ng mahigpit. "Hi po, Tita," nahihiyang bati ko kaya elegante siyang tumawa. "Mabuti naman at nakadalaw ka ulit?" I smiled and glanced at Zach, who was frowning. "Hindi kasi ako pinayagan na palaging lumabas." She laughed in that and slightly nodded a bit. "I understand. If I have a daughter as beautiful as you, I will not let her go out too." "Mom, akin na," biglang singit ni Zach saka bahagya akong hinila palayo sa Mommy niya. "Saan ba kayo pupunta? Blaire, you'll eat your lunch here? I will cook." "She'll eat here, Mom," sagot ni Zach para sa akin saka mabilis na akong hinila pababa sa dalampasigan. Natatawa naman akong nagpahila sa kanya hanggang sa makarating kami sa mga buhangin. Mabilis niya na hinuli ang baywang ko. His legs touched mine because he's just wearing a jersey short. Napangiti naman ako ng matamis habang bahagya na inaayos ang buhok ko na nililipad ng hangin. Kaagad na bumaba ang mga mata niya sa mga labi ko kaya unti-unting nawala ang matamis kong ngiti. I slightly opened my lips while looking at his lips, too. "I also have a gift for you," wala sa sariling sabi ko kaya kita ko na biglang nanlaki ang mga mata niya. "Where?" Nahihiya akong ngumiti dahil nakalimutan ko na naman sa bahay. I should have gave it to him earlier. "Nasa bahay," sabi ko kaya marahan rin siya na tumawa. "We'll get it later. Now I want a kiss." Hindi na ako nakapaghanda dahil kaagad niya akong inatake ng halik. Bahagya pa akong nagulat ngunit kalaunan ay nakabawi na ako. My blouse slightly lifted up when I encircled my arms on his nape. "Zach, baka may makakita," padaing na sabi ko habang patuloy niya akong hinahalikan sa mga labi. His tongue explored my mouth. This has been his hobby when I answered him. Palagi kong napapansin na gusto-gusto niya ng mga ganitong klaseng halik. And I become a kiss addict too because of him. His kisses left my lips, and then it trailed down to my jaw. Ang mga kamay niya na kanina ay nasa baywang ko ay nasa bandang ibaba ng dibdib ko na. Heat immediately spread on my whole body. "Zach!" Mabilis ko siyang naitulak dahil sa narinig. Lasing naman siyang tumigil sa paghalik sa akin bago tumingin sa mga tao na pababa. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mga kaibigan niya na todo ang ngiti. Three guys and two girls. Mabilis ha hinawakan ni Zach ang baywang ko kaya bahagya akong napayuko. Alam kong nakita nila kami na naghahalikan. Sa muling pag-angat ng tingin ko ay hindi sinasadyang nakita ko si Ashley na parang pusa na nakamasid sa akin. Bahagyang nagsalubong ang kilay ko kaya mabilis siya na nag-iwas ng tingin at ngayon kay Zach naman tumutok. "Kami lang sana ang pupunta kaya lang sumama sina Rashen at Ashley. Hindi namin alam na nandito pala si Blaire," sabi noong lalaki na medyo nahihiya. He's Ivan. Marahan akong ngumiti sa kanila kaya napangiti rin ang mga lalaki. "Bakit ba kayo naparito?" That sounds so rude, Zachary Montañez. Natawa ang mga lalaki saka sabay na napakamot sa batok. "Maliligo? Kain na rin!" "Wait up," malambing na bulong ni Zach saka bahagyang lumapit sa mga kaibigan niya na lalaki na parang may sinasabi. Naiwan naman ako na kaharap ang dalawang babae sa kanila. I saw Ashley staring at Zach's house, and Rashen is slightly talking, which I can clearly hear. "Fist time mo ba dito?" Rashen asked. "Oo," napangiwi ako sa sagot noong Ashley. Hindi ko alam kung hindi ko lang ba talaga siya gusto o ex siya ni Zach kaya hindi ko siya nagugustuhan? "Hindi ka dinala ni Zach dito noong grade ten?" Napalunok na ako sa mga narinig. "Hindi, alam mong hindi clingy and showy si Zach na boyfriend." I gasped and stepped three times just enough to be away from them. Ilang saglit lang ay pumunta ulit si Zach sa tabi ko kaya napasulyap ako sa kanya. "Sorry, I didn't know that they'll come here," he sweetly whispered. "It's fine." Dahan-dahan niya na hinubad ang t-shirt na suot saka nilagay sa buhangin. Napangiti ako ng tipid saka umupo ng bahagya sa tabi niya. Iyon rin ang ginawa ng iba niyang kaibigan kaya medyo nailang ako. They started to talk, so I stayed silent. Sumasali si Zach sa usapan habang pa-simple siyang humihimas sa bandang balikat ko kaya napapangiti na lang ako. Ilang sandali pa ay may dumating na maids na may dalang tatlong pitsel ng juice at mga cookies. "Nasaan ba Mommy mo, Zach? Daddy mo lang ang sumalubong sa amin kanina," tanong noong isa kaya matunog na ngumisi si Zach. "Cooking lunch? She's so thrilled whenever Blaire is here." Bahagyang namula ang pisngi ko dahil doon. Nagkatinginan naman ang mga kaibigan niya saka sabay na tumango maliban kay Ashley na hindi ko alam kung ano ang pinapakitang emosyon. "Pinakilala mo siya sa parents mo?" sabi nito kaya natahimik ang lahat. Napaawang ang labi ko dahil sa tono niya. She sounds offended and hurt. "Ligo na tayo!" The awkwardness faded away after that. Hinila ng mga lalaki ang mga babae kaya kaming dalawa na lang ni Zach ang natira. "She still likes you," I whispered while looking at Ashley, who was smiling with the boys. Hindi ko naitago ang pait na nararamdaman ko. I'm jealous. Hindi sumagot si Zach dahil sinubsob niya lang ang mukha niya sa balikat ko kaya bahagya ko naman na iniwas ang ulo ko para mabigyan siya ng malaking espasyo. "Zach, pwede magpasama mag-cr?" Bahagyang umahon si Zach mula sa balikat ko at sabay namin na tininghala si Ashley na nakatayo sa harapan. Hindi ko na napigilan pang mapairap ng kaunti dahil sa sinabi niya. "Ash, we have maids here. They'll escort you where the bathroom is," Zach said. Bahagya akong lumayo sa kanya at mukhang napansin niya iyon kaya mas lalo niya akong hinawakan. "Nahihiya kasi ako." Now I know. Unti-unti na ring lumapit ang mga kaibigan niya na naliligo kaya tumayo na ako. Zach also stood up and tried to hold my elbow, but I did not let him. "Wait, tatawag ako ng maid—" "Samahan mo na lang ako, Zach." Napakurap ako saka napatingin sa mukha ng babae. Hindi ko alam na makakaramdam ako ng matinding disgusto kahit wala naman siyang ginawa sa akin. "Ivan, samahan mo na lang si Ashley." The girl awkwardly laughed and shook her head afterward. "Sige, mamaya na lang." Tahimik ako na napalunok. Parang walang nangyari at bumalik sila sa pagligo. Tahimik naman ako na nakamasid lang. "Hey," Zach tried to get my attention, so I gave him what he wanted. Pilit ko na ngumiti sa kanya. "It's fine," sabi ko kaya tumahimik na lang siya. He felt it. Alam kong alam niya. Ilang sandali pa ay bigla siyang nagpaalam para kumuha ng juice para sa aming dalawa kaya nakangiti ko naman na hinayaan. Wala sa sarili na napatingin ako sa dagat na tahimik. Malinis ang dagat dito sa Del Rio at maganda rin ang kulay puting buhangin. "Oh my!" malakas na sigaw ko ng bigla kong naramdaman ang malamig na juice mula sa dibdib ko hanggang sa tiyan. "Hindi ko sinasadya!" natataranta na sabi ni Ashley na siyang may hawak ng pitsel ng juice na walang laman dahil lahat ay nabuhos na sa akin. "Ano ba?!" inis na sabi ko sabay tingin sa damit na basang-basa. My black bra is visible. "What happened?" "Zach hindi ko sinasadya. Hindi ko kasi nakita na nakatayo siya sa harap ko kasi nakatutok ako sa pitsel na hawak. Sorry!" Inis ako na napairap saka matalim na tiningnan ang babae na halos manginig sa harap ko. "Hey, it's fine," marahan naman na sabi ni Zach kaya sa kanya lumipat ang matalim na mga mata ko. "Zach, sorry talaga." Dapat sa akin siya mag-sorry diba? This is making me angry. "Uuwi na ako," malamig na sabi ko saka mabilis na naglakad paalis doon. "Blaire, wait for me!" "Sorry hindi ko talaga sinasadya." "Ano bang nangyari, Ash?" Nagpupuyos ako sa inis at galit. Wala na akong pakialam kung makikita nila ang dibdib ko. I just want to get out of here. "Blaire," bigla akong hinawakan ni Zach sa kamay kaya natigil ako sa paglalakad. "Uuwi na ako!" Napaigting ang panga niya saka sinubukan akong hilahin para lumapit pero hindi ako nagpadala. Mas lalo lang akong nagalit nang makita na nasa likuran niya lang ang nakatapon ng juice sa akin. "Sorry, hindi ko sinasadya." "Fine, just don't talk to me!" inis na sabi ko sa babae na kanina pa nagpapapansin. "Blaire!" Dumagundong ang malakas na boses ni Zach kaya sarcastic ako na tumawa saka inis na kinuha ang kamay kong hawak niya. Great. "Uuwi na ako! Stay here! Don't follow me!" I am so angry. Sa kanilang lahat. "Blaire, ano ba!" Zach yelled, then he came closer. Malakas ko siya na tinulak sa dibdib kaya para siyang nanghina. "Ano ba!" Pumikit siya ng mariin saka masuyo na hinagilap ang mga mata ko. Matalim ko siya na tiningnan kaya bahagyang napaawang ang labi niya. Hindi ko alam kung ano ang itsura ko ngayon. I just want to get out of here. "Please, let's change your clothes." Nanghihina na sabi niya kaya muli akong napatingin sa damit ko na dumikit na sa katawan ko dahil sa basa. "Sa bahay na ako magbibihis. Uuwi na ako. Stay here with your friends. Kaya ko na." "Baby, please. Let's not argue—" "Blaire, what happened?" Bigla akong napalingon kay Tita Carmen na biglang bumaba kasama si Tito Xander at Lola Agnes. Mabilis nila na nakita ang basa kong damit kaya napasinghap sila. "Uuwi na lang po ako—" "Natapunan ka ng juice? You can borrow my clothes." I shook my head and gently smiled. Sinubukan muli akong hawakan ni Zach pero iniwas ko ang kamay ko at nakita nilang lahat iyon. "Anong nangyari? Sinong nakatapon?" Tito Xander asked. "Ako po, sorry po, Tito, Tita," Ashley said, so I almost rolled my eyes. "Who are you?" Everyone stayed silent because of what Zach's mother has said. "Mom, wait. Bibihisan ko lang 'to. Hardheaded." Mabilis ako na hinawakan ni Zach at sa pagkakataon 'to ay hindi na ako napaiwas pa. "Uuwi na ako." "Hindi ka uuwi ng ganyan. Your black bra is showing!" "Kasalanan ko? Asked you ex!" I can't believe this. Ngayon lang kami nagsigawan. "Blaire, stop it!" "If you let me go home, I'll stop! Stop dragging me!" "Oh f*ck!" "Don't you ever cursed me—" "I am not cursing you, please," biglang naging malumanay ang boses niya kaya natigilan ako. "Uuwi na ako," I gently said out of a sudden. "After this, please." Tumahimik na lang ako hanggang sa makarating kami sa kwarto niya. I can't look at his eyes because I am still kinda pissed. I am really pissed and jealous!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD