Chapter 12

2094 Words
Chapter 12 School days went back to normal again. But my heart isn't normal anymore. It's been days since I last saw Zach in person. Our chats and video calls every night were still ongoing, but I really wanna see him in person. Mama has been so strict again, especially now that our finals for the first sem are coming. My mind is really in chaos this month of november. I was a determined student before Zach. Nakakapag-aral pa naman ako gabi-gabi pero hindi na tulad noon ang mga nalalaman ko. Why? Because Zach is watching me through video call while I'm studying. Mama and Papa will really confiscate my gadgets if they know about this. Kasalanan ko ba? No, kasalanan ni Zachary Montañez. "Saan kayo sa christmas, Blaire?" hindi ko inaasahang tanong ni Mae habang busy ako sa pakikinig sa teacher. "Malayo pa 'yon." "Malapit na 'yon, ang bilis ng araw ngayon." I just shrugged and listened to our teacher carefully. I can't lose being a top student of my strand. My parents will be disappointed. My classmates were bored so I am. Sa gitna ng pakikinig ko biglang nag-vibrate ng tuloy-tuloy ang phone ko dahil sa isang tawag kaya napatingin halos lahat sa akin. Nanlalaki ang mga mata kong nilabas ang phone mula sa bulsa para tingnan ang tumatawag at nang makita ang pangalan ni Zach ay kaagad ko iyong pinatay. Giving my number to him was a wrong decision! I quickly typed a text message for him. Ang kulit. Me: I have a class! Napatingin ako kay Ma'am na busy pa rin sa pagsusulat sa board kaya napahinga ako ng maluwag. Ilang sandali pa ay nag-reply na siya kaagad kaya palihim ko naman na binasa. Zach: I am here in your school with my teammates. Maglalaro kami ng basketball. Katuwaan ng dalawang coach. Nanlaki ang mga mata ko saka mabilis na nag-reply. I am feeling so excited about seeing him in person. Me: What? My heart went wild. Puro video calls lang kami nitong mga nakaraang araw. Tuluyan ko nang nakalimutan ang pakikinig sa teacher dahil sa kanya. Zach: Sa gym niyo. I sighed. Ang tagal matapos ng klase. Me: I'll go there later. After my class. Zach: Bring water, please. Wala sa sarili akong napangiti saka mabilis na tinago ang phone. I tried so hard to listen again to our teacher but I could not concentrate. Wala na akong natutunan dahil panay na lang ang sulyap ko sa relong suot. Nagbibigay sa akin ng kakaibang inis ang mabagal na paggalaw ng oras. I suddenly want to consider cutting classes here! Kaya noong magpaalam ang teacher ay mabilis ako na tumayo. Nilabas ko ang tumbler na kulay dilaw mula sa bag ko saka tiningnan ang kalahating tubig na natitira. "Blaire! May laro raw sa gym! Nood tayo!" excited na sabi ni Mae sabay higit sa amin ni Anne kaya napangiwi ako. "Teka," sabi ko saka maayos na sinuot ang bag. "Oh my God! Wala pa akong assignment para mamayang hapon sa PE pero bahala na!" natatawa na sabi ni Mae kaya natawa na lang rin ako at dahan-dahan na kumuha ng tubig sa water dispenser dito sa loob lang ng room. "Tara na, Blaire!" excited ulit na sabi nila kaya tumango ako at sumabay sa paglalakad nila. Halata nga na interesado ang lahat na manood dahil pati ang ibang strands ay nagmamadali. I wonder if they are really interested in basketball or they just know that a handsome guy is playing? "Kaya pala nag-excuse sila Jericho sa klase? May laro sila!" sabi ni Anne. "Sino kaya ang kalaban?" They are so excited. I am excited too, but I won't show it. Nang makarating kami sa tapat ng gym bahagya akong napanguso nang makita na maraming tao. Puno ang gym kaya pahirapan kami na pumasok. "Go 16!" Napatingin ako sa mga babaeng sumigaw na parang kilig na kilig. I then looked at the players. Nakita ko si Zach na tumatawa habang nagdi-dribble ng bola. He's wearing a blue jersey with a number sixteen at the back. Bahagya ako na napabasa sa ibabang labi. "Sina Zachary!" Gulat na napasinghap ng sabay sina Mae at Anne saka kaagad na tumingin sa akin. "Yeah," wala sa sariling sagot ko. I then looked at Zach again. Si Jericho ang nagbabantay sa kanya and he seems enjoying the game. Nakangiti siya at bahagya pang tumatawa. I could see sweats forming in his forehead. Napangiti ako. It's my first time seeing him play. Ang swabe niyang gumalaw. He has an advantage because he is the tallest among them all, so he can shoot the ball without any effort. He's really good at this. Matapos niyang ma-shoot ang bola ay hindi sinasadyang napadako ang mga mata niya sa akin. Imbes na makiagaw ng bola ay tumayo lang siya saka hingal na hingal na tumitig sa akin. Napangiwi naman ako saka humalukipkip. He then laughed again and shook his head. "Zach!" sigaw pa ng mga kasama niya nang makita na nakatayo lang siya. Bahagya niyang pinilig ang ulo saka napipilitan na tumakbo ulit para tumulong. I gently chuckled. I can't help but adore his skills in this game. He shoots most of the ball. Wala pa man ay halata ng mananalo sila dahil tambak ang score ng team mula sa school namin. Nang makita ko na hindi sinasadyang nasiko siya ng isang lalaki ay napangiwi ako saka mabilis na napaiwas ng tingin. God, that must be hurt. And I was right because at the end of the game, they won. Malaki ang agwat ng score kaya napadaing ang mga estudyante na nanonood. "Ang gwapo noong number 16 diba? Zachary Montañez ang pangalan niya! May girlfriend na kaya?" Nagpantig ang tainga ko sa sinabi ng babae sa hindi kalayuan. He's really famous. I wonder if someone knew me in their school too. Nang pumito ang referee hudyat ng pagtatapos ng game ay nagtawanan ang halos lahat. I saw them shaking hands with every player. "Lapit ka?" maingat na tanong ni Mae kaya napakurap ako. "No, I mean, I don't know," nagdadalawang isip na sabi ko habang pinapanood ang maraming babae na lumalapit para magpa-picture. I sighed. Nantili lang kaming tatlo na nakatayo doon kahit alam kong gusto na ring lumapit ng dalawa. Gusto ko rin sanang lumapit. I'm just too shy to do it. Nang makaalis si Zach sa maraming tao ay sinundan ko siya ng tingin. Lumapit siya sa isang bag saka kumuha ng tuwalya. I pouted a bit. Marami ang kumukuha ng atensyon niya kaya panaka-naka pa siyang napapa sulyap sa paligid. And after some minutes, I saw him running towards me. Nanlaki ang mata ng mga babae na sinusubukang kunin ang atensyon niya kanina. He then laughed a bit before snatching my tumbler on my hand and immediately drinks the water from it straightly. Napatingin naman ako sa likuran niya kung saan umiinom rin ng tubig ang mga kasama niya. They have a huge water jog! "May tubig naman pala kayo," marahan na sabi ko saka tinuro ang mga kasama niya. "Yeah," sabi niya nang maubos ang tubig ko. Saglit ako na pasulyap kina Anne at Mae na parang gulat na gulat. Napangiwi ako dahil alam kong mas nauna silang magka-crush kay Zach kaysa sa akin. "Sina Anne at Mae pala," wala sa sariling pagpapakilala ko kaya napatingin si Zach sa dalawa kong kaibigan na kapwa tulala. He then flashes a smile, causing his dimple to show. "I'm Zach," he introduced himself before slightly holding my elbow. "Zach!" tawag ng mga kasama niya kaya pati ako ay napatingin rin doon. "Lunch!" sigaw ng isang kaibigan niya na si Lex. "Saan kayo magla-lunch?" tanong niya kaya marahan akong tumalikod para mailagay niya ang tumbler na walang laman sa bag ko na ginawa niya naman. "Canteen, kayo? Babalik na sa school niyo?" he shrugged his shoulder before slightly wiping his sweat using the towel. "I'll eat my lunch here. Hindi ko alam sa kanila." Dinala niya ako kung nasaan ang mga kasama niya kaya hinigit ko rin sina Anne at Mae na gulat pa rin. Kinuha niya ang isang itim na bag saka siniksik doon ang tuwalya kaya napangiwi ako. Napatingin sa akin lahat ng team mates niya kaya nakaramdam ako ng ilang. They have this playful smirk on their face. "Saan kayo kakain?" he asked his teammates. "Dito, may papipirmahan pa tayo." "Let's go, Blaire," parang walang pakialam na sabi niya saka sinubukang hawakan ang kamay ko pero mabilis ako na umiwas para hindi matuloy iyon. Napakunot naman ang noo niya kaya marahan ako na umiling. He sighed before nodding. Nauna kaming maglakad habang ang mga kasama niya ay nakasunod sa amin. Ramdam na ramdam ko ang ilang kaya hindi ako masyadong dumikit kay Zach. Nang makarating kami sa canteen isa na lang na long table ang bakante at sakto lang iyon sa aming lahat kaya kahit ayaw ko sana ay umupo na lang ako. Anne and Mae seem uncomfortable more than me. "Order na tayo," bulong nila kaya sumama na rin ako. "Zach," I called him, so he immediately came with us. "What do you want?" marahan na tanong niya habang nakatingin sa mga ulam. "Ikaw," wala sa sariling sabi ko kaya napangisi siya ng matunog. "What?" Nanunuyang sabi niya pa kaya bahagya ko siyang sinamaan ng tingin. "You choose first, Mr. Zachary Montañez," pairap na sabi ko na siyang ikinatawa niya na lang. In the end, we both chose the adobo and caldereta. He insisted on paying for us but I didn't let him. Nabayaran ko na ang akin kaya wala siyang nagawa kundi bayaran na lang ang kanya. "Ano bang papapirmahan niyo? Kanino?" tanong ko ng makabalik kami sa mesa. "It's like an excuse letter. Patunay na naglaro talaga kami. Pumirma na ang couch nitong school niyo, SSG president na lang ang kulang," he explained, so I gently nodded. "Patingin?" "Ivan, where's the letter?" tanong niya sa kaibigan kaya mabilis nito na nilabas mula sa bag ang lukot na bond paper. I then read their excuse letter and after that I got a ballpen from my bag. I signed on the blank where the SSG president should sign. Gulat naman siyang napatingin sa akin matapos kong gawin iyon pero ngumiti lang ako saka natawa ng bahagya. "You're the president?" "I won't sign if I'm not," sabi ko kaya natawa na rin siya bago binato pabalik sa kaibigan niya ang pinirmahan ko. We then eat in silence while his teammates were loudly talking. Ako ang unang natapos kaya kinuha ko ang phone ko saka nag-scroll sa news feed ko gamit ang dalawang kamay. "Gwapo nilang lahat, walang tapon," dinig ko na bulong ni Mae kay Anne kaya nakangiti ko siyang sinulyapan. Nanlaki naman ang mga mata niya saka bahagyang nahiya. While I was scrolling, I felt Zach suddenly holds my elbow, then slightly pulled it. Napakunot ang noo ko sa ginawa niya pero hindi ako nagtanong. Ilang ulit niya pang ginawa iyon hanggang sa binaba ko ang isang kamay. "What?" I asked, but he shook his head before holding my hand under the table. Napaayos naman ako ng upo saka napapikit sandali. It's fine. Mama won't know. Pinatong niya ang kamay namin na magkahawak sa ibabaw ng lap niya habang naglalaro ng bahagya ang mga daliri niya sa mga daliri ko. Ilang sandali pa ay biglang siyang lumapit ng bahagya para bumulong. "I missed you," he whispered, using his soft voice that made my heart go crazy. Pawisan siya kanina pero mabango pa rin. Parang hindi pa siya nakuntento dahil marahan niya pang nilapit ang monobloc chair na inuupuan niya sa akin kaya mas lalo lang kaming nagdikit. My legs are now touching his legs. Bahagya akong nakakaramdam ng kiliti dahil sa paglalaro niya sa palad ko. Tuluyan ko nang binitawan ang phone ko para tingnan ang paglalaro niya sa kamay ko. This simple gesture is making me crazy. I am content with him holding my hand. It's giving me an unknown feeling that I myself can't name. Para akong kinikiliti. I can't hide my smile while watching our hands. "May nalaman ako," marahan na sabi niya na kaming dalawa lang ang nakarinig. "Ano?" He chucked, "Walang pasok lahat ng high school bukas ng hapon." Napakunot ang noo ko. "Huh? And?" "I have a plan. I'll tell you tomorrow about it," Kahit naguguluhan ay tumango na lang ako. "But, is it good or bad?" I asked. "I don't know. Depende sa sitwasyon." Napairap ako sa naging sagot niya pero mas lalo lang siyang tumawa na parang tuwang-tuwa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD