Chapter 13

2024 Words
Chapter 13 Zach was true about no having classes in the afternoon. May meeting daw ang lahat ng teachers sa bayan kaya na-declare na walang pasok ang lahat. "Una na kayo, may kukunin lang ako," sabi ko kina Anne at Mae ng matapos ang huling klase namin. "Sure—" "Anne tara na, base na mukha niya mukhang may plano sila ng Zachary niya," tukso ni Mae kaya napangiti na lang ako bago umiling. "May kukunin lang ako sa library saka sa SSG office," sabi ko pero tumawa lang sila saka nagpaalam na. Nang makaalis sila ay mag-isa ako na naglakad papunta sa library. I need to get a book related to one of my subjects. Kulang kasi ang impormasyon sa learners book namin. Naghahanap ako ng librong kailangan ko ng biglang tumawag si Zach kaya mabilis kong sinagot habang nasa mga libro pa rin ang tingin. "I'm here outside," Natigil ako sa paghahanap dahil sa sinabi niya. Hindi ko akalain na tototohanin niya ang sinabi niyang susunduin niya ako ngayon. I thought he was just joking last night. "Nandito ako sa library. Teka lang may hahanapin pa ako," sabi ko saka nagpatuloy sa paghahanap. "Okay, I'll just wait here." "Pumasok ka na lang kaya?" "No, I'll just stay here. Baka hindi ako papasukin ng guard." Napasinghap ako ng mahina saka mas lalong binilisan ang paghahanap. "Sige, teka lang." Nang makita ko ang librong hinahanap ay kaagad ko iyong kinuha saka nilagay sa loob ng bag. I also wrote my name on the log book and the book I borrowed. Galing doon ay dumaan pa ako sa SSG office para kunin ang minutes ng meeting noong nakaraan. Nang matapos ay mabilis ako na naglakad patungo sa gate. Nakita ko pa ang mga teacher na nagtitipon sa guards house kaya bumati muna ako bago tuluyang lumabas. At hindi kalayuan sa gate ay nakita ko si Zach na nakasandal sa isang kulay black na motor habang nakatingin sa phone. Kaagad akong napanguso dahil sa itsura niya. He can really pass as a model. Nang makalapit ako ay nakuha ko ang atensyon niya. Mabilis siya na umayos ng tayo saka bahagyang ngumiti. "Sorry," sabi ko ng tuluyang makalapit. Mas lalo siyang ngumiti saka marahan na hinuli ang parehong kamay ko. I did not move or anything. Hinayaan ko lang siya sa gusto niya. Dahan-dahan niyang nilagay sa parehong baywang niya ang kamay ko kaya parang nakayakap ako sa kanya. Masyado na akong nasasanay sa bilis ng t***k ng puso ko. He's really a touchy one. And I like him being this way. "Mga bata, hindi pa ba kayo uuwi?" Sabay kami na napalayo sa isa't-isa ng biglang magsalita ang guard. Tumawa ng bahagya si Zach kaya mas lalong uminit ang pisngi ko sa hiya. "Uuwi na po," natatawang sabi niya pa sa guard kaya halos takpan ko na ang mukha kong namumula. "Mabuti pa at baka matuka kayo ng hayop." Zach laughed even more before looking at me, so I glared at him. "Sige po, Manong, uuwi na kami." I sighed and looked at the guard, who was smiling a bit. "Sige, sulitin niyo habang mga bata pa kayo." I wanted to shout at the guard. This is making me more uncomfortable. This is so awkward for me. Muli niya akong hinawakan sa siko ng marahan habang natatawa pa rin ng kaunti. He then gets the helmet at the top of the motorcycle. Bigla tuloy akong nakaramdam ng pag-aalinlangan na sumabay sa kanya. Kailan ba ako nakasakay ng motor? I'm sure I did, but I can't remember when! "Zach," marahan na tawag ko sa kanya habang takot na nakatingin sa motor. Kaagad niya akong nilingon at nang makita ang mukha ko ay napakunot ang noo niya. "You never tried this before?" maingat na tanong niya kaya napakagat ako sa ibabang labi. "I did, pero matagal na yata. Hindi ko maalala," I awkwardky said, so he chuckled. "It's fine, I'll drive slowly. Just sit in a girly style." Marahan niya na sinuot ang helmet kaya napahinga ako ng malalim. Kahit nagdadalawang isip ay ginawa ko ang sinabi niya. When the motorcycle started, I immediately got nervous, so I hugged his waist so tight. "Huwag mabilis, please," I pleaded, and I felt him fix my arms on his waist. Pinaikot niya ito hanggang sa tiyan niya kaya mas lalo akong dumikit sa katawan niya. "Yeah, don't worry." Nang umandar kami ay napapikit ako sa kaba. He really drives so slow, but I am still nervous. The wind is blowing my hair, but I did not try to fix it 'cause I am afraid to fall. "Are you okay?" "Stop talking! Focus!" "Chill," natatawang sabi niya pa. Hindi nagtagal ay nagawa kong kumalma. I tried to savor the moment as we passed by the greenery scenery of Del Rio. Marahan ako na napangiti habang tumitingin sa mga dinadaanan namin. Most people here in Del Rio use motorcycles as a mode of transportation. May tricycle rin pero kapag estudyanteng may kaya ay motor talaga ang dinadala. Car is not very common here for students. Hindi siya mabilis na mag-drive at halatang nag-iingat. Hindi ko masabi kung ganito ba siya talaga magdala o ngayon lang dahil sakay niya ako. But I appreciate this so much. Naging mabagal ang takbo niya hanggang sa tuluyang huminto ng makarating kami sa tapat ng isang maliit na kainan sa bayan. Una akong bumaba saka marahan na inayos ang buhok na nagulo dahil sa hangin. "Let me help you," he softly said, so I stopped fixing my hair to let him do it. Marahan niyang sinuklay ang buhok ko gamit ang mahaba niyang mga daliri. And when he's done, he gently tuckled it behind my ears. Bahagya pa akong napayuko dahil sa ilang at hiya kaya unti-unti niyang akong binitawan. "Kakain tayo dito?" tanong ko nang mahawakan niya ang kamay ko. "Yeah, come on," Pumasok kami sa loob habang magkahawak ang kamay. "What do you want?" tanong niya nang makaupo ako sa isang table. "Kahit ano na. May carbonara ba?" "You like carbonara?" taas kilay na tanong niya kaya marahan ako na tumango. Saglit naman siyang nag-isip na parang tinatandaan ang sinabi ko bago tumawa para pumunta sa harap kung saan bibili ng pagkain. Tiningnan ko naman siya habang ginagawa iyon. I can't help but admire him. Bahagya ba siyang nakipag-usap sa babaeng nagbabantay kaya wala sa sarili ako na ngumiti. He really knows how to open a conversation. I was busy watching him when I heard a voice that made me froze. "Blaire? What are you doing here?" Mabilis ako na tumayo saka namumutlang hinarap si Mama na seryoso ang tingin sa akin. "Ma," gulat at kinakabahan na tawag ko pero mabilis na siya na lumapit sa akin. Bahagya siyang tumingin sa gilid ko at likuran na para bang may hinahanap kaya marahan kong hinawakan ang braso niya. "Anong ginagawa mo dito? Sinong kasama mo?" medyo nagdududa na tanong niya kaya nanuyo ang lalamunan ko. "Dito sana ko kakain kasi baka wala ka sa bahay at wala akong baon," I congratulated myself inside my head when I lied without stuttering. "Alone?" parang istriktong teacher na tanong ni Mama kaya marahan akong tumango at pa-simple na nilingon si Zach sa counter. He is looking at us and was about to come here, but I shook my head quickly. Nanliit ang mga mata niya kaya mas lalo akong nataranta. "Opo, uwi na lang tayo, Ma?" tila nagmamadaling tanong ko. "What? Dito ka kumain at hihintayin kita. Bibili lang rin sana ako ng ulam para sayo kasi akala ko nasa bahay ka na—" "Hindi na, Ma. Magluluto na lang ako. Tara na," Hinigit ko pa siya palabas. At nang tuluyan kaming makalabas ay nilingon ko si Zach na nakaawang ang mga labi pero malamig ang mga mata. Tiningnan ko siya gamit ang nanghihinang mga mata bago tuluyang pumasok sa kotse ni Mama. Hot tears suddenly formed in my eyes. I'm sorry, Zach. I am really sorry. "Sigurado kang wala kang kasama?" I ckeared my throat before nodding hopelessly. "W-wala po." Napatingin si Mama sa akin habang nagmamaneho kaya napayuko ako ng bahagya bago pumikit ng mariin para mawala ang luhang namumuo sa mata ko. I have this urge to get my phone ko text Zach, but I stopped myself. Ayaw kong magduda si Mama sa mga galaw ko. I need to be careful. I'm sorry. Nang makarating kami sa bahay umasta ako na parang walang nangyari. I cooked my food while Mama changed her clothes. "Mauuna na ako. I just got home to check on you. May meeting pa kami. Lock the gate and don't go anywhere." "Opo," matamlay na sagot ko bago umupo sa sofa sa living room. Nang umalis si Mama doon lang ako nagkaroon ng pagkakaton na tingnan ang phone ko. Mas lalo akong nakaramdam ng panghihina nang makita na walang message si Zach kahit isa. When I opened my messenger, I saw that he is online so I immediately typed a message for him. Blaire Arzeña: I'm sorry. Ilang sandali pa kita ko ng na-seen niya kaya biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Pero kalaunan tila sinaksak ako dahil ilang minuto na ang nakalipas ay wala pa rin siyang reply. He seened! Hindi ko namalayan na tumulo ng isang butil ng luha galing sa mga mata ko kaya mabilis ko iyong pinunasan saka dali-dali na umakyat sa itaas. Humiga ako sa kama ko habang titig na titig sa phone. Baka sakaling mag-message siya kahit emoji man lang. Pero ilang minuto at oras na ang nagdaan ay wala pa rin. I smiled bitterly while thinking about how he got into my system that fast. Hanggang sa gumabi ay wala akong natanggap na message galing sa kanya. "Baka busy lang," pagkumbinsi ko sa sarili ko. But he seened. Noon nga kahit may ginagawa siyang importante ay tumatawag kapag hindi niya magawang makapag-type ng reply. I stayed awake the whole night just to wait for his message na nakasanayan ko na pero wala. Wala akong natanggap kahit kita ko na online naman siya sa f*******:. Madaling araw akong nakatulog dahil sa kakahintay kaya tanghali akong nagising pero mabuti na lang at sabado. Pagka-gising ko ay kaagad ko na tiningnan ang phone. Nagbabaka-sakali na meron na. But I just flashed a sad smile when I saw no message from him. Tanging group chats at ilang mga hindi ko kakilala ang nakita. Zachary Montañez has no message for me. How dare him to make me used to it, and then he'll just disappear after? Nagalit siya kasi iniwan ko siya? He doesn't know. Hindi niya alam kung ano ang gagawin ni Mama kapag nalaman niya na may kasama akong lalaki. She'll tell Papa. They are so strict. I decided to study but I just couldn't. Dahil bawat sentence na nababasa ko ay napapatingin ako sa phone ko na hindi naman tumutunog. Wala rin akong naiintidihan na parang ito ang unang beses kong bumasa. My mind was in chaos. I am not well. Another night has come. Wala pa rin. Tumigil na ako sa kakaisip na baka busy lang siya. Busy? That's so impossible. Buong araw na busy? Baka naghanap lang ng dahilan para tumigil? Those hold hands. It's hurting me while thinking of those. It's making my heart break. This is my first time feeling this kind of thing. Hindi ko alam kung paano haharapin. This is not just a typical feeling that I felt back then when I was not the highest in any quiz. Iba ito. This is not about anything related to academics. This is for myself. Maybe I must stop? I never thought that liking someone could be this hard. It's so hard that it's ruining me. Nakakasira ng utak. It's more hurt than I thought. Nang tumunog ang phone ko mga alas-otso ng gabi ay dali-dali ko itong kinuha saka tiningnan. Pero hindi ko maipaliwag ang lungkot na naramdaman ko nang makita na group chat lang iyon. I laughed sarcastically as I re-read our conversations. My tears are flowing on my cheeks while reading his sweet words. Maybe I must really stop.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD