Chapter 14

2095 Words
Chapter 14 "Ahhhh! Ang pangit!" inis na sigaw ko habang tinitingnan ang ginawa kong drawing. I am trying to draw a beautiful scenery for my project in Contemporary art. Pero mas maganda pa yata ang drawing ng grade one kaysa sa ginawa ko. This is pissing me off. I can't draw. I just can't draw! Inis ko na tinapon ang lukot na bond paper sa basurahan nitong kwarto ko. My trash can has been full. Sa dami ng naaksaya ko ay wala na akong bond paper na gagamitin. Mabilis ako na lumabas saka dumiretso sa kwarto ni Mama. I saw her on bed while facing her laptop. Nang makita ako ay kaagad niyang tinuon ang pansin sa akin. "Ma, may bond paper ka pa?" Napaawang ang labi niya na parang nag-iisip bago umiling. "Naiwan ko sa office. Why?" Sumimangot ako, "I need one." Saglit siyang tumingin sa orasan na nasa gilid. "Why don't you buy?" I sighed before nodded. "I guess I have no choice," sabi ko saka bumalik sa room ko para mag-ayos. I hate drawing. Sinusumpa ko 'yon. I just wore a simple sleeveless top and a denim shorts, then my strap sandals. Nang makita ko ang phone ko ay kaagad ako na napakurap ng dahan-dahan. Biglang nanamlay ang katawan ko nang inabot ko iyon. I suddenly opened my messenger application. I smiled sadly and then turned it off again after a few seconds. Kung gaano kabilis nangyari ay ganoon rin kabilis na natapos. I can't demand anything. We are not a thing. Baka nga ako lang ang umaasa dito. Pilit ko na inalis sa utak ko ang lahat ng iyon saka mabilis na bumaba. Nakita ko si Mama sa living room kaya kaagad ako na lumapit. "Commute ka na lang? Here's the money," Inabot niya ang five hundred pesos na kaagad ko ring kinuha. "Yeah, thanks." "Huwag kang magtatagal," Marahan ako na tumango sa bilin niya. "Bibili lang ako ng bond papers. Saka pagkain na rin," sabi ko ng may maliit na ngiti saka napangiti na rin siya saka umiling. Hindi nagtagal ay lumabas ako ng bahay saka doon na lang naghintay ng masasakyan sa labas ng gate namin. Hindi nagtagal ay may huminto na rin na isang tricycle kaya mabilis akong nakaalis. "Sa bayan po, Manong," magalang na sabi ko sa driver bago inayos ang pagkakaupo. Tatlo kaming pasahero at parehong tahimik kaya hindi ko maiwasan na mapatingin sa mga motorista na napapadaan. My mouth slightly opened because I remembered something. Wala sa sariling napatingin muli ako sa phone sa hita ko. I've been really aching to message him. I wanted to flood him with my messages, but I stopped myself from doing that. Baka nilalagay ko lang sa kahihiyan ang sarili ko. I wom't demand because I have no right to do so. I just can't help but think of what happened. Nasanay kasi ako. Nasanay ako kaya ang hirap kalimutan. But it's fine. It's really fine. I won't blame anyone. "Salamat po," sabi ko sa driver bago inabot ang pamasahe ko. Kaagad akong bumaba ng tricycle saka marahan na nilibot ang tingin sa labasan ng palangke. I saw a lot of people carrying their own bags. May mga lalaki pa sa kabilang dulo na nagtutulakan nang mahagip sila ng mga mata ko. I gently rolled my eyes before walking towards the shop where school supplies were. Nang makarating ako sa naturang shop ay mabilis ako na naghanap ng isang set ng short bond paper. I also got a lot of highlighters and colored pencils even though mine were still fine in our house. Nang makuntento sa mga binili ay kaagada ko na pumili sa counter para magbayad. "Five hundred po lahat, Ma'am," the guy on the counter said. His smile gave me so much creep, so I immediately paid and got my things. After going out of the shop I suddenly looked at the happy donuts shop in front. Napanguso ako saka mabilis na tumawid papunta doon. Pero akmang papasok pa lang sana ako nang namataan ko ang isang lalaki na nagbibigay sa akin ng kung ano-anong emosyon. I saw him looking at me, so I swallowed really hard. Nasa loob siya ng bilyaran na katabi lang nitong shop kung nasaan ako. He's with a lot of guys, and he's holding a billiard stick. His eyes were cold. Kaya kahit gusto ko pa sana siyang titigan kahit sandali lang ay pinilit ko ang sarili ko na umiwas ng tingin. It's fine. I'm fine. Hindi ko maipagkakaila ang bilis ng t***k ng puso ko. I am also sweating cold, and my knees were a bit shaking. "S-set A po," nanginginig na pag-order ko. Bahagya pa akong kumapit sa harap para kumuha ng lakas. Ilang sandali pa ay may lalaking tumabi sa akin kaya wala sa sariling napatingon ako dito. "Hi, you are Blaire, right?" the guy asked, so my brows furrowed. "Who are you?" My heart is still beating so fast. Zach is just a meter away from me. Kung noong mga nakaraang araw ay sobrang saya kong makita siya ngayon ay hindi na. Parang pinipiga ang puso ko ngayon. "I'm—" Hindi natapos ng lalaki ang sasabihin niya dahil may biglang kamay na humawak sa baywang ko. The familiar manly scent attacked my nose, causing me to feel weak even more. "You're done?" The voice that's been making me awake all this time. Napaawang ang labi ko at kasabay nito ay ang pamamasa ng gilid ng mga mata ko. I glanced at him, who was seriously looking at the guy I was talking earlier. "Ito na po, Ma'am," Napatingin ako sa babae na biglang nag-abot ng isang box ng donut. Wala na akong lakas pang kumuha ng pera saka magbayad. I am busy dealing with my own feelings. I just can't think clearly while Zach is here and his hand was on my waist. Bago pa ako nakapag-isip ay mabilis niya na binayaran ang donuts at mabilis ako na dinala papalabas. Nang makalabas ay doon lang ako parang natauhan. Mabilis ko na inalis ang kamay niya sa baywang ko saka bahagya na lumayo. Napalingon siya sa akin bago pumikit ng mariin. Kitang-kita ko kung paano gumalaw ang adams apple niya na parang sobrang napipigil. "What are you doing?" kunwaring matapong na tanong ko kahit nanginginig na ako ng sobra. My tears were about to fall, and I hate it. I hate that I'm feeling this way towards him. "Blaire—" Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin niya dahil kaagad na akong tumalikod. Hindi ko kayang mas lalo lang siyang tingnan. I've cried because of him. Hindi ko kaya. Isang hakbang pa lang ang nagagawa ko ang bigla niyang hinawakan ang palapulsuhan ko saka mabilis ako na kinaladkad papunta sa isang tagong daan na walang tao. "Ano ba!" sigaw ko perol kaagad niya ako na sinandal sa pader saka mabilis kinulong sa pagitan ng mga braso niya. My tears fell so I immediately wiped it. Mariin niyang tiningnan ang mukha ko. He's serious. Malayo sa Zach na palaging tumatawa. "I'm mad," Those words made my heart hurt even more. "T-then stop. Huwag ka nang lumapit sa akin," I pushed his chest away, but he's just too stiff. "That was my first time. Parang kinakahiya ako." My teara fell even more when he said that. Marahan ko na pinunasan ang mga luha ko saka matapang na sinalubong ang mga mata niya. "Kaya nga tumigil ka na!" Umigting ang panga niya saka mas lalong tumalim ang mga mata. Sinundan niya ng tingin ang pagpahid ko ng kuha kaya mabilis ko iyong tinigil. Napaiwas ako ng tingin pero mabilis niyang nahanap ang mga mata ko. At bawat segundong lumilipas ay unti-unti akong kumakalma. "But I can be your secret." Napaawang ang mga labi ko saka nanlaki ang mga mata ko sa narinig. "S-stop—" "I won't get mad again. I can be a secret," Ramdam ko ang panghihina sa boses niya kaya muli akong nakaramdam ng kakaibang sakit. "I can't have a boyfriend. Hindi pwede," naiiyak na sabi ko. Muli kong tinulak ang dibdib niya pero tulad kanina ay hindi pa rin siya gumalaw. Ayaw kong sunagot. Dahil sa oras na sumagot ako ay baka pagsisihan ko iyon. God knows how much happy I am to be with him. Kung gaano ko kagusto na palaging makasama siya. I love it when he holds my hand. I love it when his arms are encircled on my waist. "Blaire," My name sounds really good when he say it. "I can't, I can't have a boyfriend—" "I don't care," mataman na sabi niya kaya napapikit ako ng mariin. He is a distraction. He is the distraction that I don't hate. A distraction that I've been wanting for every day. "Zach—" "I'm sorry," Tuluyan na akong nanghina dahil sa bulong niyang iyon. "P-please—" "I can be a dirty little secret." I am close to agreeing. I will definetly let him. I want this one, too. Sobrang gusto ko 'to kaya mas lalo akong nahihirapan. Unti-unti siyang umayos ng tayo saka gamit ang isang kamay ay pinunasan niya ang mga luhang natira sa pisngi ko. I looked at him using my watery eyes. I saw him close his eyes tightly, and after that, his hand captured mine. Lalong nagwala ang puso ko dahil sa muling pagsalikop ng mga kamay namin. "Ihahatid kita." "No—" "Your mother won't see me. Mag-iingat ako." Hindi pa ako nakakasagot ay muli niya akong hinigit palabas ng walang taong daanan na iyon. Alam kong namumula ang mga mata ko saka marahan ako na bumuga ng hangin para kahit paano ay mawala ang pagiging iyakin ko sa mga oras na 'to. "Saan tayo pupunta?" marahan na tanong ko nang makita na papalapit kami sa bilyaran kung nasaan siya kanina. "Naiwan ko ang helmet ko sa loob," Hindi na ako nagreklamo pa dahil kaagad kaming nakapasok sa loob. "Zach ikaw na. Saan ka ba nanggaling?" bungad ng isang lalaki na may hawak na billiard stick pero nang tumingin siya sa akin ay para siyang nagulat. "Una na ako, kayo na lang," marahan na sabi ni Zach saka mabilis na inabot ang helmet sa hindi kalayuan. I looked at them innocently. Lahat ng nandito ay nakatingin sa akin na parang namamangha. Mas lalong humigpit ang hawak ni Zach sa kamay ko pero mukhang hindi pa siya naging kontento sa hawak lang dahil marahan niya pa akong nilapit sa katawan niya na parang tinatago. I sighed and enhaled his scent. Ilang sandali pa ay nakita ko na lang ang sarili namin na nasa tabi ng motor niya. Marahan niya akong binitawan para maunang sumakay. Napakurap ako sandali bago unti-unti na ring umangkas habang nasa magkabilang gilid ang mga binti ko. I then hugged him from behind even though I was holding something in both of my hands. Tahimik lang kami habang nagmamaneho siya. Medyo masakit sa balat ay sikat ng araw pero dahil maraming puno sa tabi ng kalsada ay halos hindi ko ramdam. I suddenly closed my eyes and then let my face rest on his back just near his shoulders. His manly scent attacked my nose once again. "Where?" "Turn right." Nang matanaw ko na ang bahay namin ay mabilis ako na pinanghinaan ng loob. "Saan dito?" "The white one," Unti-unti siyang huminto sa medyo unahan ng bahay namin. Hindi sa mismong harap ng gate kaya nakampante ako. Nang makababa ako ay kaagad ko siyang nilingon. He's looking at our house like he's memorizing something. "Una na ako," maingat na paalam ko kaya nakuha ko ang atensyon niya. "I'll call," Biglang pumungay ang mga mata ko dahil sa narinig pero nagawa ko pa rin na tumango saka unti-unti ng naglakad papunta sa gate namin. Isang sulyap pa ang ginawa ko sa kanya hanggang sa tuluyan akong pumasok. Parang may isang mabigat na bagay na nakadagan ang nawala sa akin sa mismong pagpasok ko sa loob. "Nag-tricycle ka?" tanong ni Mama kaya marahan akong tumango. "Opo, akyat muna ako." Habang papaakyat sa hagdanan ay hindi ko maiwasan na mapangiti ng maliit. I let him see me cry. Hinawakan niya ulit ang kamay ko. I am happy. Sa pagpasok ko sa kwarto ko ay kaagad na nag-ring ang phone ko para sa isang tawag. When I saw Zach's name, I sat on my bed slowly. Sandali ko pa iyong tiningnan bago tuluyang sinagot. Hearing his name on my phone once again made me feel at peace. At sa pagkakataong 'to ay alam kong delikado na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD