Chapter 7

2044 Words
Chapter 7 I woke up so early just to prepare. Tense na tense ako habang hinahanda ang uniform ng DLC na siyang susuotin namin para sa parade mamaya. This was the mixture of green and red. Long sleeves pero manipis lang na may fake diamonds kaya maganda tingnan sa mata. The left sleeve was red, and the right was green. Ang sa katawan naman ay red at green sa parehong side. We also have a small headdress and green leather high knee boots. I just know that it looks amazing to me. I was already wearing this uniform since grade seven, and until now that I have been in grade twelve, it still fit. Ang kaibahan lang ngayon ay may golden na cape na ako dahil ako na ang mother. Madali akong natapos sa pag-aayos. Polbo lang ang nilagay ko saka lip tint. I don't know how to put makeup, and I don't want to make myself a clown so I won't do it. Ayaw ko naman na si Mama pa ang ipaglalagay ko dahil maaabala pa siya. At exactly seven, I was already well dressed and ready to go. "Ma, sabay na ako sayo," sabi ko nang makababa. Naabutan ko na naghahanda si Mama ng breakfast habang nakangiti sa akin. "Your dress looks so short." I pouted, "Grade seven pa ako nito," I said, so she laughed. "Just don't bend too much," I nodded at her before sitting in one of our chairs on the dining table. "Mabilis lang naman matatapos ang parade." "Oh, by the way, hindi na ako sasali sa parade. Ihahatid kita doon tapos babalik ako sa school kasi may aayusin pa ako. Susunduin na lang kita before lunch," I nodded to her as an answer. I suddenly remember that I'll meet Zach today. Iniisip ko pa lang hindi na ako mapakali. Parang ayaw ko ng tumuloy pero hindi pwede kasi ako ang mangunguna sa DLC. Mabilis kaming natapos si Mama sa pagkain kaya nauna na akong pumasok sa kotse niya. I am holding my small backpack where my things are. Sa ilang taon kong member ng DLC ngayon lang ako kinabahan. It's not about my part. It's about meeting someone. Na ngayon ko lang gagawin. "Magsasayaw ka sa last day ng fiesta?" Wala sa sarili ako na tumango kay Mama. I always dance in opening or last part of fiesta. At ngayon napili nila na ilagay ako sa huling araw at ayos lang iyon sa akin. I will be performing alone, and I am confident to do that because I've been doing that for how many years. Dance sport is easy for me because of my dancing lessons. And I already represented our province in a national competition in dance sport. It will be easy. I hope so. Nang makarating kami sa labas ng municipal park mas lalo lang akong nakaramdam ng kaba. Dala-dala ang bag at baton ko ay confident ako na bumaba sa kotse. Natanaw ko ang mga kasamahan ko na nandoon na kaya huminga ako ng malalim. "I'll call, wait for me," sabi ni Mama na tinanguan ko lang bago ako naglakad papunta sa mga kasama ko na bihis na bihis na rin. "Blaire, ready?" tanong ng isang teacher kaya napangiti ako bago tumango. "Assemble your members," utos pa ng isa na mabilis ko naman na tinanguan. Sabay-sabay kami na pumasok sa gym kung saan nagtitipon ang lahat. Pumito ako ng tatlong beses saka marahan na inikot ang baton sa ere bilang senyas na umayos ang lahat. Nandito na din ang DLC ng ibang school kaya nakakaramdam na kami ng excitement. Our drummers were already playing some song, but I stopped them. Inayos ko ang linya ng bawat grupo bago ako tumayo sa pinakaharap nila. My heart is still pounding very hard. May mga students na galing sa iba't-ibang school na sasali sa parade. I don't know if he's here. I don't have my phone with me. Walang akong bulsa kaya iniwan ko sa loob ng bag sa gilid ng stage. "Blaire, one song!" request ng isang drummer kaya napakagat labi ako bago lumingon sa kabilang grupo ng DLC na mula sa SAA. They are also looking at us using their rude eyes. Wala sa sariling napaiwas na lang ako ng tingin at hindi na pumatol pa sa mga nanghahamon na mga mata. Sa muli kong paglingon sa DLC team ng St. Agustine's Academy bigla kong nahagip ang isang lalaki na malaki ang ngisi. He's talking to someone while his eyes are fixed on me. Mas lalo lang nagwala ang puso ko sa kaba nang mahuli niya ang mga mata ko. Wearing a blue t-shirt and dark pants with white shoes, Zachary Monatñez looks so hot. Nang-init ang pisngi ko dahil sa hiya. Mabilis ako na humalo sa mga kaibigan na nakatayo sa medyo kalayuan sa pwesto ko kanina God, I never felt nervous like this before! "Hindi pa mag-uumpisa?" tanong ni Anne kaya wala sa sarili ako na nagkibit balikat. I am really nervous. Pakiramdam ko madadapa ako mamaya dahil sa panginginig ng mga binti. I don't even know why. "Blaire, let's start," utos ng Principal ng school namin kaya nanlaki ang mga mata ko. Pinilit ko ang sarili na bumalik sa pinaka unahan ng walang lingon-lingon sa paligid. I could feel the stares of all the people around me. I must do it right. "Number four," sigaw ng mga dancers kaya marahan akong napangiti bago nilagay sa bibig ang pito para makapag bigay na ng utos para sa first song. As the drummers and lyrists start to play, the dancers danced well. Para akong natuod sa kinatatayuan ko dahil hindi ako sumayaw. For the first time, I questioned myself if I really knew how to dance. "Blaire!" tawag ng mga dancers sa likod nang makita na hindi ako sumasabay sa kanila. Pikit mata akong sumabay sa sayaw. "Go!" When the host gave his word to start the parade, we began to walk while dancing. "Keep dancing! Salitan na lang lyrists para hindi masakit sa kamay! Base drum louder, please!" I shouted as I walked in front of them. Kita ko ang pagiging competitive sa mga mata nilang lahat kaya pinilit ko talaga na huwag isipin ang dahilan ng hiya ko. And when I gained back my confidence, I danced as hard as I could. Ilang ulit kaming nagpalit ng music habang naglalakad. Nangangalay na ang paa ko pero patuloy pa rin kami sa pagtugtog. Hindi ko pa mapigil ang ngiti ko nang makita ang kasiyahan sa mukha ng drummers. "Blaire, next song!" After an hour of parade at last, we stopped. Pagod ako na sumandal sa pader na nasa gilid ng stage habang nagsasalita pa ang host. Sa pag-angat ko ng tingin nakita ko ang isa sa mga teacher namin na sumenyas sa aming lahat kaya mabilis rin kami na lumapit. The first thing I did was to get my bag. Kaagad kong nilabas ang phone ko at mabilis na binuksan ang data connection. Notifications started to pop up. Teachers gave us a bottle of water and biscuits as usual. Tutok na tutok ako sa phone ko nang makita ang pangalan ni Zach. I immediately opened our conversation. Namula ang mga mata ko nang makita na may picture siya na pinasa. It was my stolen pic standing in the front, looking very serious. After a few seconds, I saw him typing. Napangiti ako ng wala sa sarili. Zachary Montañez: I'll be waiting. Mabilis ko na nilibot ang mata ko sa buong paligid. I bit my lower lip when I didn't find him. Blaire Arzeña: Where? Wala pang isang segundo may reply na siya kaagad. Zachady Montañez: Look at your back. Mabilis ako na tumingin sa bandang likuran ko. And there, I saw him standing with some guys beside him. Kaagad na nagtama ang mga mata namin. I suddenly feel conscious because I know that I am sweaty while he looks so fresh. "Blaire, bihis tayo!" Hinigit ako ni Mae at Anne kaya wala na akong nagawa pa kundi magpahila. Nang makarating kami sa comfort room kaagad kong hinanap ang damit ko na pampalit sa bag na dala pero nabigla ako nang makita na wala. Alcohol, wipes, lip tint, polbo saka pabango lang ang nandito. "Hindi ko nalagay," inis na bulong ko sa sarili. Napapikit ako ng mariin dahil sa kasalanan. I have no choice but to wear this. I did everything to make myself presentable. I wiped my sweats and sprayed a lot of perfume. I even applied some lip tint and powder. "Wala kang pampalit?" I shook my head as an answer to my friend. "Gala tayo, daming stalls!" excited na sabi ni Mae kaya hindi ko alam ang isasagot ko. Bago pa ako makasagot nag-vibrate na ang phone ko. I bit my lower lip when I saw Zach's name. Hindi ko masukat ang kaba ko. Zachary Montañez: Sunduin na ba kita? Baka takasan mo ako? Napangiwi ako saka napailing. "May pupuntahan muna ako," paalam ko sa dalawa bago ako mag-isa na umalis. Despite my fast beating heart, I still manage to walk properly. Todo ang t***k ng puso ko bawat hakbang ko papalabas. My pony tailed hair is swaying every time I step. My short dress is also swaying, causing my long legs to be exposed a little. The one inch heel on my boots is making me feel that I am on a runway. Saktong paglabas ko ay nahagip ko ng tingin ang lalaking tutok na tutok sa phone. Napalunok ako sa kaba ng unti-unti siyang tumingin sa direksyon ko. Am I really doing this? This is not me. He smiled when he saw me. Kahit medyo malayo kita ko ang dimple niya. So it's in his right cheek, huh? Hindi ako makangiti. I am nervous, and I feel like peeing here. When he walked slowly towards me, I stepped back a little. Parang naging mabagal ang paggalaw ng mundo ko. My eyes were fixed on him. Parang blurry ang ibang tao na nasa paligid. I could literally hear my heart pumping hard. Napakurap ako ng tuluyan na siyang makalapit. The first thing I noticed was his manly scent. His deep set of black eyes, pointed nose, thick eyebrows, and long lashes. Napalunok ako ng dahan-dahan. This guy is surely gorgeous looking. But this is awkward. I feel nervous whenever I am talking to him through the phone, and now that he's in front of me, it makes me crazy. "Hi," His husky voice filled my ear. Isang tango ang naging sagot ko kaya mahina siyang humalakhak. I suddenly want to run to get away, but I can't. Parang hindi pa nga ako makagalaw. Wala sa sarili na nag-iwas ako ng tingin habang nag-iinit ang magkabilang pisngi. Akmang aatras sana ako pero bago ko pa iyon magawa ay may biglang bumangga sa akin mula sa likod kaya nawalan ako ng balanse at napahakbang paharap ng walang kontrol. A strong arm suddenly held my waist to stop me from falling. I froze because of that. "Ingat naman," sabi niya sa mga bumangga sa akin. Nanlaki ang mga mata ko saka kaagad na lumayo. I suddenly feel the electricity running through my veins. Nilingon ko ang nakabangga sa akin at nakita ko na grupo iyon ng mga lalaki na parang nagtutulakan. Ang kaninang nagwawala kong puso ay mas lalong nagwala ngayon. "Blaire!" Nanlalaki ang mga mata kong napatingin sa mga tumawag. I saw my classmates grinning like an idiot a few meters away from us. They even laughed and clapped like crazy. "Classmates mo?" Hearing him in person is really different than on screen. "Yeah," I said like a whisper. I don't really know what to do. I am in an awkward situation where I can't think right. Para akong nasa selda kahit malaya naman ako ngayon. I then look at him again. I found him looking at me. "A-ano?" utal na tanong ko. He just chuckled and shook his head. His dimple is really a distraction. "Nope, seeing you next to me is really different and better than on screen," The accent again. What's happening? My heart went wild. Something formed inside my stomach that made me feel something strange. I got scared. You just want to be friends, right, Blaire? Friends.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD