Chapter 5

2197 Words
Chapter 5 Hanggang makauwi ako sa bahay matapos ang isang araw na klase ay nakakaramdam pa rin ako ng kaunting inis. I did not reply to Zach's messages. I feel like he told his friends about me, and they are mocking me. Why? Kilala ba ako sa kabilang school? Basta naiinis ako. At dala-dala ko iyon hanggang sa bahay. "Blaire," tawag ni Mommy ng makapasok ako sa bahay. "Po?" "Fail quizzes?" marahan na tanong niya kaya mabilis ako na umiling. "No, ang lagkit lang ng katawan ko dahil sa pawis. Bihis muna ako, Ma." She nodded, "Magpahinga ka muna, magluluto pa lang ako." "Sige po." Saglit akong napatingin sa uniform na suot niya pa rin bago ako tuluyang umakyat papunta sa kwarto. When I get inside my room, I immediately throw my phone on my soft bed. Bahagya itong nag-bounch pero hindi rin nahulog sa tiles. Inis akong nagbihis ng pambahay saka tamad na huminga. Ilang sandali pa naisipan kong kumuha ng libro para magbasa. After reading one page for three minutes, I gave up because I couldn't understand anything. "Ano ba naman," inis na reklamo ko saka mabilis na dinampot ang phone. I quickly typed my password, and then the messenger application welcomed me. A lot of messages from Zachary Montañez remained unseen. Ilang saglit pa may bagong dumating na message mula sa kanya kaya pikit mata kong tiningnan iyon. Zachary Montañez: Still mad? Am I mad? Hindi, inis lang, magkaibang bagay sila. Nag-isip ako kung re-replyan ko ba siya o hindi pero natagpuan ko na lang ang sarili ko na nag ta-type. Blaire Arzeña: Nope I rolled my eyes while staring at his name and his profile. Zachary Montañez: Bakit parang oo? Inis ako na umupo saka madiin na hinawakan ang phone. Blaire Arzeña: Okay I don't want to sound rude, but I can't help it. Ilang minuto ang dumaan wala akong natanggap na reply galing sa kanya kaya napangisi ako ng sarcastic. "Bakit pa nga ba ako nag re-reply dito?" mahinang bulong ko sa sarili bago dahan-dahan na binitawan ang phone. Inis ako na bumaba para tumulong kay Mama sa pagluluto pero lutang ang isip ko. I don't know why I keep on thinking of that guy. I must stop this. "May problema ka ba?" biglang tanong ni Mama kaya nabitawan ko bigla ang plastic na baso. Nanlalaki ang mga mata kong napatingin sa kanya kaya mas lalo siyang nagtaka. "W-wala, I mean I was just thinking about our lessons earlier. Wala kasi talaga akong maintindihan masyado." I lied. I lied! "Then self study. This is your last year in high school." Marahan ako na tumango. "I will be on top , Ma," sabi ko. "Pareho kaming umaasa ng Papa mo na magiging ganoon nga," Sandaling napaawang ang labi ko pero kalaunan tumango na rin ako. I laughed, "Kaya nga, baka hindi ako bilhan ni Papa ng bagong sapatos na gusto ko," nagbibirong saad ko kaya napatawa na rin si Mama. "Huwag kang humingi ng humingi sa Papa mo. Ubos na ang sweldo niya dahil ang mamahal parati ng binibili." Mas lalo akong tumawa. "Malaki naman ang sweldo ng seaman," hirit ko kaya napailing na lang si Mama. "Ano na lang kaya kung may kapatid ka pa?" I pouted, "Ayaw ko ng kapatid," sabi ko kaya pabiro ako na tinampal ni Mama sa balikat. I don't want to have siblings. Dahil yata sanay na ako na sa akin lang ang atensyon. Minsan lang umuwi si Papa dahil sa trabaho niya sa barko pero kapag umuwi siya spoiled na spoiled rin ako. I don't want to share my things and foods with someone. Ayaw ko ng kapatid. "Sayo pa lang kulang na sweldo namin ng Papa mo." I smiled and bit my lower lip. Kulang ba? "Sobra pa nga," sabi ko pero nginiwian niya lang ako. Nawili ako sa usapan namin ni Mama habang naghahanda kaya saglit na umalis sa isip ko ang lalaking ka-chat. My mother and I eat our dinner together while talking about my school and some other stuff. "Ako na ang maghuhugas ng plato," nakangusong tanong ko matapos kumain kaya tinanguan niya ako. "Oo." Napangiwi na lang ako saka ginawa na lang ang gusto niya. After doing my task, I immediately went upstairs. Kaagad nahagip ng mga mata ko ang phone ko na nasa ibabaw ng kama. Napakurap ako ng ilang beses bago kinuha iyon. And the moment I opened it, a familiar name appeared on my screen. His messages flood on my messenger. Biglang kumabog ang puso ko sa hindi malamang dahilan. Isa lang ang nabasa ko, ang pinakahuli. Isang minuto ang nakararaan. Zachary Montañez: Can I call? Just want to explain my side. Nanghihina ako na umupo sa kama saka dahan-dahan na humiga. I am feeling nervous. What's with this guy? Hindi pa ako nakakaisip ng matino biglang nag-ring ang phone ko dahil sa isang tawag mula sa messenger. Napalunok ako ng mariin habang nag-iisip kung sasagutin ko ba o hindi. Kalaunan wala sa sarili kong tinanggap ang tawag. I put my phone on the space beside me just to hug my pillow so tight. He didn't speak. Walang nagsasalita sa amin. "Hey," I did not fail to notice his husky voice. Ilang taon na ba 'to? I did not answer. Nanatili lang ako na tahimik dahil sa hindi malamang dahilan para akong dinadaga. My heart is beating too fast. Too fast that it's kinda hurting me. "I am sorry. My friends got my phone while I was playing. Pinagsabihan ko na." This is my first time talking to a guy on the phone except for my father and other cousins. His voice sounds so refreshing. Parang inaantok. But I could hear a British accent. He often speaks in english. "Yeah," walang sa sariling sagot ko habang nakayakap sa unan. He stayed silent again, but I could hear his hard breathing. God, what am I doing? "But you're really mad? Why?" Bakit parang sinusuyo niya ako? I smiled. Suddenly, I smiled for any reason. "Hindi." Hindi naman talaga ako nagalit. I'm just pissed. "Pissed?" I gasp. Hindi ko akalain na may kausap akong lalaki ngayon. I never imagined myself doing this. Not when I am still studying. "Medyo," Napapikit ako ng mariin. Ang tanging laman lang ng isip ko ay ang boses niya na masarap pakinggan. I could imagine his smiling face. Baliw na yata ako. "Sorry," he whispered. I smiled one again. Hindi na ako sumagot. My heart is beating too fast, making it harder to speak for me. "Anong ginagawa mo?" Hugging my pillow while talking to you. "Wala," I answered while biting my lower lip. "Can you open your cam?" Nanlaki ang mga mata ko. Ang mabilis na pagkabog ng puso ko ang mas lalong naging marahas. I couldn't breath. I was stunned. "Huh?" "It's fine if you're not comfortable." Mabilis ako na bumangon mula sa pagkakahiga at marahan na pinasadahan ng kamay ang maayos kong buhok. Napasulyap rin ako sa terno na pantulog bago huminga ng malalim. "Hindi okay lang," wala sa sarili na sabi ko. I heard him curse from the other line, so I chuckled a bit. Ilang sandali pa nag-request na siya na gawing video call ang tawag kaya pinindot ko ang accept button gamit ang nanginginig na kamay. The first thing I saw was his colorful ceiling, blue and red. Pumungay ang mga mata ko saka unti-unti na humiga habang nakatapat sa mukha ko ang front camera ng phone. I waited for him to settle down until I saw his face. Muntik na akong napasinghap pero mabuti na lang na pigilan ko ang sarili ko. I know that he looks good, but I think he looks better on screen or maybe in person, too. I wonder, ano kayang itsura niya sa malapitan? "Hi," he greeted me, so I smiled a bit. I am video chatting with someone I just knew. This is new, Blaire. This is new. Parang nakaupo siya sa isang computer chair kasi kita ko ang kama sa likuran ko. "Hi," medyo paos na bati ko kaya napangiti rin siya. The first thing I noticed was his dimple. Hindi ako sure kung kaliwa o kanan dahil naka-video call lang. Bahagya akong namangha dahil sa perpektong dimple. I suddenly want to have one. Kitang kong nakatitig rin siya sa akin sa screen kaya nakaramdam ako ng ilang. Bigla kong pinatihaya ang phone para tumutok sa ceiling ang camera. My face heated. He laughed from the other line. The sexy laugh that I used to hear in some Hollywood movies. "Are you shy? Don't be, you're beautiful." Mas lalo lang akong nahiya! "Patayin ko na kaya?" wala sa sariling tanong ko bago muling inayos ang phone para makita niya ang mukha ko. Napairap pa ako kahit may kaunting ngiti sa mga labi. He laughed once again. Kita kong bigla siyang tumayo kaya bahagya kong naaninag ang itim na sandong suot niya. Mas lalo akong nakaramdam ng ilang at hiya. "May gagawin ka ba?" Pinanood ko siyang mahiga sa kama niya tulad ng posisyon ko ngayon. I shook my head as an answer. Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko kaya natataranta kong pinadapa ang phone saka mabilis na hinarap si Mama na biglang sumilip. Nanlaki pa ang mata ko kaya napakunot ang noo niya "I'll go to sleep. Mag-aaral ka pa?" Mabilis ako na tumango-tango. "Mamaya pa, Ma." "Okay, huwag kang magpupuyat." Mabilis rin siyang umalis saka tumakbo ako papunta sa pinto ng kwarto ko para i-lock iyon. "Oh my God," kinakabahang bulong ko saka muling sumampa sa kama. "Your Mom?" Zach asked when I fixed my phone. "Oo," sagot ko naman habang hinahabol ang hininga dahil sa biglang kaba. The last thing I want to happen is to let my mother know that I was busy video calling a guy. At this hour. Na hindi ko naman talaga gawain noon. "Are you okay?" I sighed before lying on my bed again. Hindi ako makatingin sa screen ng phone. I am feeling something strange. "Zachary Montañez, you're studying in St. Agustine's Academy?" I asked out of a sudden, so he laughed. "You stalked me, right? Ano bang nakita mo?" Biglang sumama ang tingin ko sa screen. "Hindi ako stalker," pairap na sabi ko pero muli lang siyang tumawa. "Okay, sabi mo eh." "Hindi nga!" inis na sigaw ko dahil parang hindi siya naniniwala. Pero biglang nawala ang inis ko nang makita ang malalim niyang dimple habang tumatawa. Hindi ko naman gusto ang mga dimple noon ah? "Yeah, you look gorgeous, by the way." And in that moment, my mind became blank. I stayed silent. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Nakikipagtitigan lang ako sa kanya sa screen ng phone. At ilang sandali pa biglang napalitan ng puting ilaw ang bughaw na ilaw niya kaya naging mas malinaw para sa akin na matingnan ang mukha niya. He has his playful smirk on his face. Bahagyang nakatagilid habang titig na titig rin sa akin. I want to speak but I don't know what to say. Para akong binudburan ng asin dahil sa pananahimik. He did not say anything either. Should I say thank you for complimenting me? Or should I end the call? "Don't end the call," biglang sabi niya na parang bang nababasa niya ang isip ko. I shook my head before swallowing hard. "Hindi," I said, and then I closed my eyes to calm myself. Hindi ko namalayan ang oras. We talked until midnight. Hanggang sa nakatulugan ko na lang habang katawagan siya. Ang alam ko lang, umaga na iyon. "Blaire, you're late!" Mabilis akong bumangon dahil sa malakas na boses ni Mama. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang oras sa maliit na orasan na nakapatong sa lamesa sa tabi ng kama ko. "Hala ka! Mama hintayin mo ako!" natataranta na sigaw ko bago tumakbo ng mabilis papasok sa maliit na banyo nitong kwarto ko. Mabilis ako na naligo at nagbihis bago bumaba habang dala-dala ang phone na hindi ko alam kung lowbat ba o hindi. Naabutan ko si Mama na inis na naghihintay sa sala. "Kumain ka na—" "Hindi na, ito na lang," sabi ko saka kumuha ng isang tinapay sa itaas ng lamesa. Napaawang ang labi niya na parang may sasabihin pa sana pero nauna na akong lumabas ng bahay para pumunta sa kotse niya. "Blaire Arzeña!" sigaw ni Mama pero tuluyan na akong pumasok sa kotse. "Mama, tara na!" Kagat labi ko na tiningnan ang phone ko. Zach and mine's conversation welcomed me. Nanlaki ang mga mata ko nang makita na alas sais na-end ang call. Anong oras akong nakatulog? "Diba sabi ko huwag kang magpupuyat? Nagpuyat ka ba sa kakaaral?" my mother asked. "Opo," I lied. I'm sorry. "You better be, Blaire." Hindi ako na-late kasi hinatid ako ni Mama sa school. I sighed. I feel guilty for lying. Pero alam kong pagagalitan niya ako kapag nalaman niya na hindi pag-aaral ang dahilan ng pagpupuyat ko. Or she'll confiscate my phone. In the middle of our flag ceremony, my phone vibrated. Palihim ko iyon na sinilip. Zachary Montañez: Just woke up. Pasok ka na? Napangiwi ako. Eight thirty na kakagising niya pa lang?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD