Chapter 4

1370 Words
Chapter 4 Zachary Montañez and I have been exchanging chats since last night. And it's my first time staying awake until eleven in the evening without even studying. And right now, I am currently sitting on my assigned chair while waiting for our teacher to come. Nag-iingay ang mga classmates ko sa paligid habang ako naman tahimik lang. We are already a senior high school students they are still noisy. It's very noisy, and it pisses me off. "List down the names of those who are making noise," sabi ko sa secretary ng room kaya kaagad niya ring pinaalam sa lahat. "Sabi ni Miss President ililista daw ang maingay, sige mag-ingay pa kayo!" And in a snap, everyone became silent. Napangiti naman ako saka tiningnan ang mga lalaki na hirap na hirap sa pagbubulungan sa likuran. Nang makita nila ako na nakatingin kaagad silang umarte na nagbabasa ng libro kaya napa-kunot ang noo ko bago umiling. Being a class president is an advantage for me. "Blaire pwedeng mag-phone?" biglang tanong ng isang kaklase namin. Lahat nag-abang ng magiging sagot ko kaya mahina na lang ako na tumango bilang sagot. Napangiti ang lahat saka kanya-kanya na naglabas ng phone. Nilabas ko na rin ang akin saka wala sa sarili na nag-open ng data connection. "Woi, hotspot niyo. Mini militia," Halos matawa ako sa narinig ko na bulungan ng mga lalaki pero hinayaan ko na lang. Nakita ko ang last message ni Zach. Well, I call him Zach inside my head. Zachary Montañez: I'm late for the flag ceremony. Wala sa sarili akong napangiti. I received this message earlier, and I did not reply because our first period was ongoing. Nag-isip ako kung mag re-reply ba ako ngayong hindi na siya online. He still has class, maybe. Hindi ko akalain na aabot ng alas-onse ang pag-reply ko sa kanya kagabi. We talked about that random stuff. Wala siyang tinatapakan na privacy kaya sinasagot ko rin ang mga tanong kahit sinasabi ng utak ko na huwag na lang sana. I like the way he chats. Tama ang spelling saka walang short cuts sa mga words tulad ng iba. He's not jejemon. "May ka-chat ka?" biglang bulong ni Anne kaya mabilis ko na tinago ang phone ko. Sinundan niya naman ng tingin ang phone ko kaya mabilis ako na umiling saka marahan na inayos ang bagsak na bagsak na itim kong buhok. "Wala," sagot ko. Alangan namang sabihin ko na ka-chat ko ang tinitingnan nila kahapon? That's rude so I won't say it. "Bakit pa nga ba ako nagtanong? Snobber ka," natatawa na sabi niya kaya napailing na lang ako. "Hindi ako snobber, sadyang ayaw ko lang sa ibang nag me-message." Napanguso siya saka mahina na tumango. This is our last subject for this morning but it seems that our teacher could not report. And I was right. Natapos ang oras para sa last subject na walang teacher kaya kanya-kanya ang lahat na nag-ayos para umuwi o kaya mag-lunch sa canteen. "May baon ka, Blaire?" tanong ni Mae kaya mabilis ako na umiling. "Canteen ako kakain, kayo ba?" mahinang tanong ko kaya napanguso silang dalawa ni Anne saka tinuro ang floor nitong room. "Sama na lang kami," sabi ng dalawa kalaunan na mabilis ko ring tinanguan. Nang lumabas kami ng room naabutan namin na nagtatakbuhan na rin ang mga Humss students na nasa kabilang classroom lang kaya sandali akong tumigil para hindi makisabay sa kanila. "Woi, SSG president, nandyan!" sigaw ng isang hindi ko kilala kaya lahat ng students na nasa malapit ay inignora ko na lang. "Takot students sayo ah," natatawang puna ni Mae kaya mahina lang akong natawa. "Wala naman akong tinatakot." Dumaan kami sa mainit na hallway para makatawid sa junior high school department dahil iisa lang ang canteen nitong school at medyo malayo iyon sa SHS department. St. Claire's Academy is not a huge school, but it is private. Del Rio is a small town, but this is one of the most unique amon all towns here in our province. Having two private high schools and one public high school, then one college is a big thing here in our undeveloped town. Habang naglalakad papuntang canteen biglang tumunog ang phone ko kaya mabilis ko iyong kinuha sa bulsa para tingnan. Napalunok ako saka napatikhim nang makita ang pangalan ni Zach na nag-pop up sa screen ko. I immediately seened his new chat. Zachary Montañez: Hi, lunch? Napalunok ako at biglang kinabahan. What does he mean? Nagtatanong ba siya kung nakapag lunch na ako o nag-aaya siya na mag-lunch. One message, but it has two meanings. I should start developing my comprehension skills. Hindi ko alam ang isasagot ko kaya nagpasya ako na huwag ng mag-reply. Bahala na. "Saan ka pupunta?" sabay na tanong nila Anne at Mae kaya nawala ang tingin ko sa phone ko. Napaawang ang labi ko habang nagtatanong ang tingin sa kanila. Sabay nilang tinuro ang dinadaanan ko at napangiwi ako nang makita na papunta ako sa computer room at hindi sa canteen. "Sorry," sabi ko kaya mahina silang natawa. "Busy kasi masyado," sabi pa nila pero tinawanan ko lang bago tinahak ang daan papunta sa canteen. Malapit na kami sa canteen ng biglang tumunog ulit ang phone ko kaya mabilis ko iyong tingin. I bit my lower lip when I saw his name on my screen again. Zachary Montañez: I hope I'm not a distraction. Are you doing something? Napasinghap ako saka marahan na umupo sa isang long table na may bakanteng silya habang nasa phone ang mga mata. Blaire Arzeña: It's fine. Hindi ko alam kung bakit kahit wala na akong masabi reply pa rin ako ng reply. Maybe because I find him cool? And he sounds brainy. "Blaire, o-order ka?" Mabilis ko na binaba ang phone ko saka sunod-sunod na tumango kay Mae na nanliliit na ang mga mata habang nakatingin sa akin. "Yeah, teka," sabi ko bago pumunta sa counter para pumili ng makakain ko. Naging mabilis rin ang pagpili ko ng pagkain kaya madali lang akong nakabalik sa upuan ko. Anne and Mae started to eat their packed lunch. Ako naman nakatitig lang sa tatlong dots na gumagalaw-galaw sa messenger. Zachary Montañez: That's good to hear. Basketball muna ako, balik ako sayo mamaya. Wala sa sarili akong napangiti saka marahan na lang na nilapag ang phone sa tabi ng plato ko. So he plays basketball? "Sino ba iyon?" nagtataka ng tanong ni Mae saka marahan na nginuso ang phone ko. "Wala," sabi ko kaagad pero tinaasan nila ako ng kilay. Napangisi na lang ako at umiling ng mahina. "Si Ma'am?" tukoy nila kay Mama kaya mahina akong tumawa saka umiling. "Hindi, basta." Kahit hindi kumbinsido ay tumango na lang ang dalawa. After eating lunch, I excused myself to get something on the SSG office, which teachers made their hang-out room. "Good morning, Ma'am," magalang na bati ko sa ilang mga teachers na nandito. "Blaire, do you need something?" Ma'am Beth asked, so I gently nodded. "May kukunin lang po," sabi ko sabay turo sa table na mabili naman niyang tinanguan. Matapos kong kunin ang pakay ay mag-isa ako na bumalik sa room. The hot rays of the sun are hurting my skin a lot. Mabuti na lang at may mga puno na pwedeng silungan. Nasa tapat ako ng school's gym ng may biglang tumawag kaya napahinto ako. Kumunot ang noo ko nang makita ang pangalan ni Zach na siyang tunatawag. He never called. I mean, kagabi lang kami nag-umpisang nag-usap. What are you doing, Zachary Montañez? Saglit akong nakaramdam ng kaba kaya aksidente kong napindot ang green button dahil sa biglang panginginig ng kamay ko. Nanlaki ang mga mata ko at akmang papatayin ang tawag pero may narinig ako na ingay. "Hi Blaire!" Laughters came after that. Ang kaba ko ay biglang napalitan ng inis. What? "Hey, ano ba!" Napasinghap ako nang marinig ang ibang boses. Sino siya diyan? "Blaire, sorry, my team—" Mabilis ko na pinatay ang tawag saka nag tuloy-tuloy sa paglalakad. Is he playing with me? Wala pang isang segundo may agad-agad na tumunog ang phone ko para sa natanggap sa massage. Zachary Montañez: Sorry, pinakialaman nila ang phone ko. I sighed and just turnoff my phone.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD