CHAPTER 17 JHOACE’S P.O.V. Nakaposas ang kamay at paa ko, habang may nakatakip ang bibig ko ng panyo. Naghalo na ang pawis at luha ko habang nasa kamay kami ng kalaban. Bigla kasi kaming pinasok ng kalaban sa loob ng mansyon nila Tito Teo. Walang ka-alam-alam si Tito Teo, na may espiya sa mga tauhan niya. Napadako ang tingin ko sa pintuan. Nang biglang bumukas ang pintuan ng silid na pinagkulungan sa’kin. Si Tita Yurie at isang bigotilyong lalaki ang pumasok sa loob. “Tita Yurie!” tawag ko sa pangalan niya, ngunit hindi niya iyon mai-intindihan dahil nakatakip ang bibig ko ng panyo. “Nasasaktan ako!” sigaw ni Tita Yurie sa lalaking may hawak sa kanya. Walang pakundangan siyang itinulak papunta sa’kin. Napasubsob naman si Tita Yurie. “Are you okay, Jhoace?” hinawakan pa niya ang muk