"Gising ka na pala." Bungad ni Tim. Inuubos ko na lang iyong kape ko, tapos na akong mag-breakfast. Dumeretso ito sa harap ng ref. Nakita ko pang tinapos nito ang pagpupunas ng katawan nito gamit ang puting bimpo. Saka iyon isinabit sa kaliwang balikat, binuksan ang ref at kumuha ng pitsel. "Water?" tanong nito sa akin habang nagsasalin s'ya ng tubig sa baso n'ya. Marahan lang akong umiling, saka iniangat ang kape ko. Nagsalin din ito sa isa pang baso, pagkatapos ay ibinalik na nito sa ref ang pitsel. Binitbit nito ang dalawang basong may lamang tubig. Naglakad ito patungo sa pinto, pero ipinatong nito sa table, sa harap ko, ang isa. Ngumiti pa ito bago ako iniwan sa kusina. Napasinghap ako sa labis na gulat. Hindi s'ya dapat maging mabait sa akin. Bakit ba s'ya gano'n? Wala sa s